Nakahanda na ang ngiti sa labi ni Illyze. Napaghandaan na kasi niya ang pagsusungit ni Romanov. Subalit lalong lumapad ang ngiti niya nang mapagmasdan itong mabuti. Mamasa-masa pa ang buhok nito sa pawis dahil sa pagdya-jogging. He was wearing a black sports sando and a light gray jogging pants that only magnified his physique. Bigla niyang naisip na di pa siya nag-aagahan.
Ito ba ang kampon ng dilim na sinasabi nila? He looks good enough to eat for breakfast. Dapat natunaw na siya sa sikat ng araw. Pero parang ako yata ang natutunaw dahil sa kanya.
“Good morning!” todo ang ngiting bati niya dito. “Nag-enjoy ka ba sa pagdya-jogging? Nagutom ka siguro. Naghanda ako…”
She stopped in mid-sentence when his scowl deepened. Ibaling nito ang malalamig na mata sa housekeeper na si Aling Doray. “Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nagpapapasok ng ibang tao? Kabilin-bilinan ko na huwag magpapapasok ng mga tao nang wala akong permiso.”
Naputol ang lahat ng iniilusyon niya nang marinig ang galit sa boses nito. Akala pa mandin niya ay matutuwa ito na makita siya. Ibang tao. Ibang tao na pala ang tingin nito sa kanya kahit na pinipilit niyang kaibiganin ito.
“W-Wala kayong sinabi, Sir,” anang si Aling Doray na nanliliit sa titig pa lang nito at di makatingin nang diretos. “Sa ibang villa po kasi…”
“Iba sila at iba ako. Dapat masunod ang gusto ko!”
“Pasensiya na kayo, Sir. Bago pa lang ako dito,” sabi ni Aling Doray at pinilipit ang hawak na basahan. “Saka mukha naman pong mabait si Ma’am Illyze. Sa katunayan, tinulungan ko po siya na maghanda ng…”
“Kaya sinuway ninyo ang utos ko?” putol pa ni Romanov.
“It is not her fault!” singit niya sa usapan ng dalawa. “Ako ang pumasok nang walang permiso. I should have waited for you instead. Nagluto ako ng breakfast para sa iyo dahil hindi ka nakasamang mag-dinner kagabi. Gusto ko lang namang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin. Kung minamasama mo ang ginawa ko, then I apologize. Aalis na ako. Basta huwag mo lang pagalitan si Aling Doray.”
Saka siya patakbo na lumabas ng villa nito. Tuloy-tuloy siya sa pagtakbo hangga’t hindi nakakapasok sa gate ng villa ng Kuya Rolf niya. Hindi naman espesyal ang trato sa kanya ni Romanov. Marahil ay ilusyon lang niya iyon. He would never appreciate her. Tulad ng ibang tao sa paligid niya, itinutulak din siya nito palayo.
“Anong nangyari?” tanong ni Rolf nang papasok na siya ng kuwarto niya. “Natikman ba ni Romanov ang iniluto mo?”
“Itutuloy ko lang ang tulog ko, Kuya,” nakayuko niyang sabi. “Inaantok pa ako.” She locked the door once she entered her room.
She pressed the remote of the venetian blinds. Kusa iyong sumara at natakpan ang magarang villa ni Romanov sa tapat. “I guess it is useless. Hanggang kailan ko ba ipipilit na si Romanov ang destiny ko? Hanggang kailan ko ipipilit ang sarili ko sa kanya? Kailangan ko pa bang ituloy ang kalokohan ko sa kanya?”
Ipinikit niya ang mga mata. Malungkot siya dahil personal niyang nakita kung bakit Count Dracula ang tawag ng marami kay Romanov. He didn’t want other people around him. Iiwan din ba niya ito kahit di pa siya napapalapit dito?
“BAKIT KA naman kasi basta-basta pumasok sa villa niya nang walang permiso?” paninisi ni Jenna Rose kay Illyze habang kausap niya ito sa telepono. “Alam mo naman na hari ng kasungitan si Romanov. Sana iniwan mo na lang ang luto mo doon sa housekeeper niya. Hayaan niyang siya ang magbigay. O kaya hinintay mo na lang siya sa may gate kung gusto mo talagang makapasok.”
Di niya mailabas ang sama ng loob sa Kuya Rolf niya dahil baka bigla nitong sugurin si Romanov. Mas malaking gulo. Kaya kay Jenna Rose na lang niya ikinuwento. Alam niyang makikinig ito at magbibigay nang matinong advice.
“Anong magagawa ko kung pinapasok ako ni Doray?” aniya habang nakadapa at nagbubuklat ng art magazine. “Aba! Hindi ko naman alam na magagalit si Rome. Na-excite lang akong makita ang bahay niya. Na-excite din ako na sorpresahin siya. Akala ko matutuwa siya kapag naka-arrange na ang lamesa pagdating niya. Sayang! Breakfast for two iyon. Sabay sana kaming magbe-breakfast.”
Sa huli, sama ng loob lang ang naging agahan niya. Di rin siya lumalabas ng kuwarto para di siya usisain ng Kuya Rolf niya. Hindi naman kasi niya kayang magtago ng sekreto dito. Maaamin din niya ang ginawa ni Romanov. Gulo iyon.
“Paano iyan? You were rejected twice. Hindi kita dini-discourage. Gusto ko lang I-check ang confidence level mo. Ground zero na ba?”
Nangalumbaba siya. “Kanina, daig ko pa ang ibinaon sa lupa nang buhay. Mas positive na ako. May karapatan siya sa privacy niya. And I invaded it. Kaya kailangan kong bumawi sa kanya sa susunod.”
“Instead of moving forward, you are moving backwards, Illyze. Palala nang palala ang nangyayari sa iyo tuwing sinusubukan mong mapalapit kay Romanov. Do you still want to push through this destiny charade?”
“Oo naman. Kahit pa may destiny na involve o wala, I am creating my own at the moment. Hindi ko bibitiwan si Rome hangga’t di pa niya ako mahal.”
Jenna Rose groaned. “Hindi ko pa rin maintindihan. Sa dinami-dami ng magugustuhan mo, bakit siya pa. Pwede mo rin namang sabihin na ibang tao sa riding club ang destiny mo. Mas approachable.”
“I really like him. Kahit pa dark ang personality niya. Kahit pa tawagin siyang Count Dracula ni Kuya Rolf at ng mga kaibigan niya. I know he isn’t that bad. Maaring may pinagdaanan siyang di maganda kaya galit siya sa mundo. He is lonely. And he badly needs someone to be with at the moment.”
Romanov was not happy with his life. Di rin niya alam kung ano ang dahilan. Kung may magagawa lang sana siya para pasayahin ito.
“Well, its up to you. I just hope that it is more on real love than destiny. Magustuhan mo siya kung ano siya at di dahil siya ang itinadhana sa iyo. What if destiny takes a turn against you? Where would it lead you?”
Natahimik siya sa tanong nito. Mamahalin pa rin ba niya si Rome kahit na di ito ang ihinula sa kanya? Titiisin pa rin ba niya ang pagsusungit nito?
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang doorbell. “Sandali lang, Jen.” Bitbit ang wireless phone ay sumilip siya sa bintana. Nanlaki ang mata niya nang makita si Romanov sa gate. “Gosh! Romanov is here! Ano kayang kailangan niya sa akin? Would he tell me not to bother me anymore? Baka naman ipapa-ban na niya ako dito sa riding club dahil sa panggugulo ko sa kanya.”
“That’s a big problem, Illyze. Mabuti pa hayaan mo na lang ang Kuya Rolf mo na makipag-deal sa kanya,” payo ni Jenna Rose.
“Pero kapag sila naman ni Kuya Rolf ang nagkita, baka awayin siya ni Kuya. Mas malaking gulo iyon.”
“Then what are you waiting for? Ikaw na ang magbukas ng gate. Once those two face each other, it would be grand disaster!”
Dali-dali siyang bumaba. Subalit naunahan na siya ng Kuya Rolf niya. Kasalukuyan na itong nakikipagtuos kay Romanov sa gate. “Kung basket lang ang ibabalik mo, iwan mo na. Hindi mo na kailangan pang makausap ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa mo sa kanya. Pero bumalik siya dito at nagkulong sa kuwarto niya. Ni ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino. Umalis ka na lang dahil baka ano pa ang magawa ko sa iyo.”
Nilapitan niya si Rolf. “Kuya, ako na ang bahala sa kanya.”
Nagulat ito. Akmang tututol ito subalit pinili na lang na ipinid ang bibig. Naniningkit ang mata nitong tiningnan si Romanov subalit bumulong sa kanya. “Kapag may ginawa na naman ang lalaking iyan para pasamain ang loob mo, wala akong pakialam kahit siya pa si Count Dracula.” Saka ito bumalik sa loob ng bahay.
Niluwagan niya ang bukas ng gate. “Pumasok ka. Doon tayo sa may harap ng lagoon,” aniya at iginiya ito sa wooden bench doon. “Can I offer you anything? Gusto mo ba ng coffee o juice? Ikukuha kita…”
Pinigilan nito ang kamay niya. “No. You don’t have to bother. Gusto lang naman kitang makausap.”
Nagpapalit-palit ang tingin niya sa mukha nito na bahagyang nakaiwas sa kanya at sa kamay nitong nanlalamig. “Your hands are cold. Are you sick?”
Mukha naman itong maayos kaninang bumalik ito mula sa pagdya-jogging. Mainit din ang panahon dahil tirik pa ang araw. Alas diyes pa lang nang umaga. Kinakabahan ba ito o natatakot na makausap siya?
Binitiwan nito ang kamay niya. “Huwag mo na lang pakialaman!” Nang bigla itong natigilan at bahagyang yumuko. “I am sorry. I mean I-I am okay. And it doesn’t really matter,” mas mahinahon nitong sabi. Inabot nito ang basket sa kanya. “Gusto ko lang ibalik. Naiwan mo kanina.”
Kinuha niya ang basket dito. “I am sorry. I didn’t mean to invade your privacy. Hindi ko sinasadya na istorbohin ka. You are right. I can’t just barge into someone else’s house.” Kahit pa nga ang housekeeper ang pinagalitan nito, pakiramdam niya ay kasalanan pa rin niya.
Sinulyapan siya nito. “I am the one who must apologize.”
“Huh? Bakit ikaw?” Bago yata iyon. Tingin kasi niya ay wala naman sa bokabularyo nito na mag-sorry. Sabi nga ng Kuya Rolf niya, ang Stallion Riding Club ay kaharian ng mga kalalakihan. Kung sa tingin ng mga ito ay nasa tama ang mga ito lalo na’t nai-invade ang privacy ang mga ito, hindi kailangang mag-sorry.
“I was mean and rude. You are just being nice to me. Hindi lang ako sanay nang may ibang tao sa villa ko. It is my sanctuary. I prefer to be alone most of the time. Iyon ang dahilan kaya pinili ko dito sa Stallion Riding Club.”
Tumango siya. “I understand. Hindi na kita pipilitin.” Ibig bang sabihin ay doon na matatapos ang lahat? Kailangan din niyang irespeto ang gusto nito.
“Thank you sa breakfast na idinala mo kanina. Nagustuhan namin ni Doray ang luto mo.”
Nagulat siya. “K-Kinain mo ang luto ko? Nagustuhan mo?”
“Oo. Naubos namin. Nag-aral ka ba sa culinary school?”
Sunud-sunod ang tango niya. “Noong nasa Italy ako. Actually, simple nga lang ang ginawa kong luto sa iyo kanina.” But she cooked it for him alone.
“You could rival with the chef of Rider’s Verandah.”
“No. Magaling si Chef Gino. Hindi ko natapos ang course ko. Hanggang isang semester lang ako.” She decided to fly to another country and learn something new. At least napakinabangan niya ang skill na iyon kahit papaano.
“Mukhang para sa dalawang tao ang iniluto mo. Sa susunod, sana ikaw naman ang kasabay kong kumain.”
Parang naghahalusinasyon lang siya at natigagal. “G-Gusto mo talaga akong kasamang kumain? Hindi ba mas gusto mo na mag-isa?”
“Oo. Matagal na rin akong kumakain nang walang kasalo. And it was fun. Next time it would be my treat. That is if you still want to eat with me after what I did. Noong nasa Mountain Trail tayo, masama ang mood ko kaya ayokong makipag-kwentuhan. Mukhang masarap kang kakwentuhan.”
Gusto niyang magsasayaw sa sobrang saya. Finally! Mukhang lumambot ang puso nito sa kanya. “Gusto mo ipagluto ulit kita?”
“I told you it would be my treat.” Tumayo ito. “How about horseback riding the whole day tomorrow? Kung wala kang gagawin.”
Date! Date! Date! Niyaya niya akong mag-date!
“Wala akong gagawin. Horseback riding is a lovely idea. Sige. Tomorrow. You can’t change your mind.”
“Don’t worry. I won’t. I will meet you at the main stable at seven in the morning. See you tomorrow,” anito at nagpaalam na.
Ihinatid niya ito sa gate. “Don’t worry. Maaga pa lang, nandoon na ako.”
Humarap ito bago lumabas ng gate. “Tanggalin mo na lang ang rose sa basket. Baka malanta kapag nakalimutan mong alisin.”
“Rose? May rose sa basket?” Dali-dali niyang binuksan ang basket at isang long stem red rose ang nasa loob. “S-Sa akin ito? Galing sa iyo?”
Tumango ito. “Gusto kong mag-thank you sa ginawa mo para sa akin. Nakalimutan ko lang ibigay agad kanina.”
Sabi na nga ba! May pagka-romantic din siya.
“Thanks!” aniya at dinampot ang rosas. Subalit nabitiwan din niya iyon nang matusok ang daliri niya. “Ouch!”
“Anong nangyari?” tanong nito at nilapitan agad siya.
“Natusok ako. D-Dumudugo.”
Hangos na lumapit si Rolf. “Illyze, anong nangyari?” Matalim nitong tiningnan si Romanov. “Ikaw, ano na naman ang ginawa mo sa kapatid ko?”
“Wala siyang ginagawang masama, Kuya,” depensa niya kay Romanov. “Natinik lang ako. Ayan, o! Dumudugo.”
“May sugat ka? Sandali! Kukuha ako ng gamot,” anito at tumakbo sa loob.
“I know something that can help,” wika ni Romanov.
He took her wounded finger and put it inside his mouth. Nahigit niya ang hininga. The warmth of his mouth was creating crazy little sensation inside her body. She wanted to explode and float on air. An act as simple as her finger inside his mouth was too intimate and sensual.
What if he kisses me? What if we make love? She sighed. I might be dead by then and had gone to heaven. At kung bampira lang siya, okay lang na ubusin niya ang lahat ng dugo ko. Diyos ko! Titiklop na yata ang tuhod ko!
Napapitlag siya nang may bumagsak sa sahig. Nang lumingon siya ay nakakalat na sa sahig ang first aid kit. “Anong ginagawa mo sa kapatid ko?”
Hinarap niya si Rolf at mabilis na hinarangan si Romanov. “Kuya, it is not what you think. Romanov is just…”
“I am just disinfecting her wound,” Romanov supplied calmly. “Thanks for allowing me to talk to her. I will see you tomorrow, Illyze.”
“See you!” aniya at kumaway dito.
Kinalabit siya ni Rolf sa balikat. “B-Bampira ka na rin ba?”
Nakangiti siyang humarap dito. “Who knows? Basta ang alam ko, may date kami ni Romanov bukas.”