Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 68

Kinatok ni Illyze ang kuwarto ng Kuya Rolf niya. “Kuya, mauna na ako sa iyo. Six thirty na. Uuwi na lang ako mamaya. Huwag mo na akong isipin. Sabay naman kaming magla-lunch ni Romanov.”

“Huwag muna!” pahabol nito. “Sabay na tayong pumunta sa stable. Matatapos na akong magbihis.”

“It usually takes you an hour before you get dressed. Male-late ako sa date namin ni Rome. This is our first date and I have to make an impression. Bye!” aniya at di na pinakinggan ang pagpoprotesta ng kapatid.

Paglabas ay pinara agad niya ang dumaang golf cart at nagpahatid sa main stable. Iyon ang isa means of transportation sa buong riding club. But the golf cart was more of like a public transportation.

“Hmp! Plano pa niyang isabotahe ang date ko. Halos hindi na nga ako makatulog kagabi sa kaiisip kay Rome. Tapos gusto pa niyang ma-late ako.”

Hindi niya alam kung anong nangyari kay Romanov at bigla itong bumait sa kanya. Marahil ay na-realize nito na di naman talaga ito masamang tao. Na hindi naman nito kailangang itaboy ang mga nakapaligid dito. O baka nasilaw ito sa kanyang kagandahan kaya nagbago ang isip nito tungkol sa kanya.

“Good morning!” bati niya sa isa sa mga stable boy nang pumasok siya sa main stable. “Nakita mo ba si Romanov Cuerido?”

“Ah, si Sir Romanov po, Ma’am? Nasa A-52 po na stall.”

“Thanks,” aniya at di naman nahirapang hanapin ang naturang stall at pati na rin si Romanov. He was patting his stallion’s mare. Kung may isa marahil itong nilalang na ina-admire sa riding club, it would be his horse. “Good morning!”

Nagulat ito at lumingon sa kanya. “I-Illyze! Good morning.”

“Mas maaga ka pa pala sa akin. Siya ba ang sasakyan natin?” tanong niya dito at pinagmasdan ang Stallion nito. It was a dark horse. Fit for his character. Baka mauulit ang nangyari nang una nilang pagkikita ni Romanov na nakasakay siya sa kabayo nito. That would be the perfect date. “Hi, I’m Illyze!”

“He is Thunder Emperor, my horse. Pero hindi siya ang sasakyan mo. You will have your own.” Inilahad nito ang kamay sa papalapit na stable boy at akay-akay ang isang champagne colored horse. “That will be your horse.”

“Wow! She’s beautiful!” aniya at nilapitan ang kabayo. “What’s her name?”

“Star Dancer,” sagot ni Reichen na kasunod ng kabayo. Kasama rin nito si Eiji. “And she is the most gentle mare here.”

“Nandito din kayo?” tanong niya.

“Magho-horseback riding din kami kasama ng Kuya Rolf mo,” paliwanag ni Eiji. “Mas maaga nga lang kaming dumating ni Reichen.”

“Nakita namin si Romanov na namimili ng kabayo na sasakyan niya para sa date ninyo. Wala siyang masyadong alam sa mga kabayo kaya tinulungan naming siya. Ipinahiram ko si Star Dancer sa kanya para sure na safe. Masyado ka namang malihim. Hindi mo man lang sinabi sa amin na may date pala kayo,” tukso nito.

“Kuya Reichen!” saway niya dito at pinanlakihan ng mata. “But thanks for the help anyway.” At least ine-ensure ng mga ito na walang problema sa date nila.

“Illyze! Bakit hindi mo ako hinintay?” madilim ang mukhang tanong ni Rolf.

“Mabagal ka kasi. Kita mo nga. Kanina pa naghihintay si Rome dito.”

“Good morning,” bati ni Romanov at bahagyang yumuko.

“Just take care of my sister,” pormal na bilin ni Rolf. “No kissing on first date. Huwag kang magte-take advantage. Oras na malaman ko na…”

“Kuya, we are old enough!” putol niya sa sasabihin pa nito. Hindi na siguro nito kailangan pang isa-isahin sa kanila ang mga rules. Di na siya menor de edad.

“Sasama na rin kaya kami nila Eiji,” hirit pa ni Rolf. “Mas marami, mas masaya. Marami kaming alam na lugar sa riding club na di pa napupuntahan.”

“Kuya!” saway niya dito.

“Wala rin kaming planong maging chaperone,” anang si Eiji.

Saglit na nagdilim ang mukha ni Rolf dahil nawalan ito ng kakampi. “O, sige. Umuwi na lang kayo bago magdilim.”

“I will take care of Illyze,” Romanov assured Rolf.

Nakahinga lang siya nang malalim nang nakalayo na sila sa stable at wala na sa paningin niya ang kapatid niya. “Pasensiya ka na kay Kuya Rolf. Masyado lang siyang overprotective sa akin. Dalawa lang kasi kaming magkapatid.”

“Isn’t that nice? You have an older brother to protect you.”

“Yeah! But he is annoying most of the time. Tingin niya sa akin bata pa rin hanggang sa ngayon. But I love my brother. How about you? May kapatid ka ba?”

Umiling ito. “Wala. Nag-iisa lang akong anak. Patay na rin ang mga magulang ko dahil sa isang car accident.”

“Oh, I am sorry!” usal niya. “May kamag-anak ka ba?”

“Parehong lumaki sa ampunan ang mga magulang ko. Wala silang ibang kamag-anak. Now that they are gone, I am practically alone.”

“But perhaps you have friends,” aniya sa pilit na pinasayang boses.

Tumalim ang mata nito. “I told you, I have no one.”

Yumuko siya. “Sorry. Hindi ko naman alam…”

Napabuntong-hininga na lang siya. No wonder he was grumpy. He had nobody. Di niya alam kung paano ang pakiramdam ng mag-isa lang sa mundo. Kahit saan naman kasi siya pumunta, mabilis siyang magkaroon ng kaibigan. And he could have one if he wanted to. Paano nito natitiis ang pag-iisa? Paano nito nagagawa na talikuran ang isang masayang mundo?

“Where do you want to go?” tanong nito nang makarating sila sa sanga-sangang daan. “Do want to go to the lake or the forest?”

Umiling siya. Nakabawi na siya sa pagsusuplado nito. At least he is asking where I want to go. “I prefer the Mountain Trail.”

“The road is tricky. Hindi madali iyon sa iyo.”

“Nakasakay na ako sa camel noong nasa Dubai ako. I even tried it when I was in Cairo when I visited the Great Pyramid of Giza.”

His lips compressed. “Wala tayo sa disyerto.”

“I know how to ride a horse. Saka alam ko naman na hindi mo ako pababayaan. Naalala ko kasi na gusto mo sa Mountain Trail dahil tahimik. Walang masyadong tao di tulad sa Lakeside at sa Forest Trail.” Isa pa, malaki ang possibility na makita niya ang Kuya Rolf niya at ang grupo nito sa dalawang lugar na iyon. Tiyak na bubuntutan sila nito at masisira ang date nila.

“Nakapunta ka na sa Mountain Trail noong unang araw mo dito.”

“I love that place because it is where we first met.”

Lumingon ito sa kanya. “So what? There is nothing special about it.”

“That’s not true. Destiny brought us together, Romanov.”

Animo’y nababalutan ng maskara ang mukha nito. He was expressionless as he let his horse walk ahead. “Destiny? I hate it. It took everything away from me.” Malamig ang mata siya nitong tiningnan. “And don’t depend too much on it as well. It would only shatter your hopes and dreams.”

“THE view is spectacular, isn’t it? It is lovely up here!” usal ni Illyze habang pinagmamasdan ang kalawakan ng Stallion Riding Club mula sa kinalalagyan nila ni Romanov. Nasa isang clearing sila sa Mountain Trail na nagsilbing picnic ground at tanaw ang buong riding club. Mula sa main clubhouse, sa Forest Trail hanggang sa bahagi ng Lakeside.

Umaga pa lang ay paikot-ikot na sila sa Mountain Trail. Marahan lang ang paglalakad ng mga kabayo dahil di pa siya sanay sa lugar. Iyon din ang unang pagkakataon niyang mag-horseback riding sa may katarikan na lugar. At magta-tanghali na nang maisipan nilang magpahinga.

“You look like a goddess watching mere mortals,” Romanov commented.

Goddess? He called me a goddess. Ibig sabihin maganda ako. “Kapag narinig ka ni Reid Alleje, magagalit iyon sa iyo. This is his land. His alone. Baka pabayaran pa niya sa iyo kahit sabihin mong comparison lang naman iyon. Ultimo mga engkanto sa riding club, gusto niyang singilin ng upa.”

“Well, at least I am not the only weird person here.”

“You are not weird. Artist ka kasi. Pareho lang tayo. Sa isang pamilya na puro business-minded ang mga tao, di rin nila ako maintindihan minsan.”

“Kumain ka na. This is not gourmet food. Sa dami ng naisip kong iluto, sa huli ito na lang ang nagawa ko,” anito at inilapag sa harap niya ang pack lunch.”

“Ano ito?” tanong niya habang sinisipat ang nakabalot sa dahon ng saging.

“It is popularly known as binalot,” sagot nito at kinalas ang tali. May kanin, kamatis, longganisa at itlog na maalat. “Iyan ang kadalasang niluluto sa amin ni Nanay noong buhay pa siya. If you don’t want it…”

“Sinong may sabi na ayoko? Ngayon pa lang ako makakatikim nito pero dati ko pa siya naririnig. Huh! Maiinggit si Kuya Rolf kapag nalaman niyang nakatikim na ako nito at ikaw pa ang nagluto,” aniya habang naghuhugas.

“I haven’t done this for a long time. Magluto para sa ibang tao. O kaya iyong may kasabay na kumain at may kakwentuhan.”

Dahil siguro nawala na ang mga magulang nito at wala rin itong masyadong kaibigan. Pero hindi na iyon mangyayari ngayong naroon siya.

“Kung ako ang kasama mo, hindi ka mauubusan ng kwento,” aniya at sumubo ng longganisa. “Magtagal ko nang gustong subukan na kumain nang ganito. Parang picnic style. Wala lang gustong sumama sa akin. And this tastes great! Kahit saang parte ako ng mundo pumunta, walang kapareho nito.”

“That is just an ordinary food. Wala iyon kumpara sa pasta sa Italy o sa sushi ng Japan. You’ve traveled all around the world so you must know that.”

Bahagyang bumagal ang pagkain niya. “Siguro nga iba ang lasa ng pagkain sa Japan o sa Italy o sa kung saan man. Pero masarap ang luto mo. It makes me feel like I am home.”

“But you love traveling.”

“Yes. I love learning about the culture and tradition of different people. Ikaw, mahilig ka rin sigurong bumiyahe.” Importante iyon sa mga director para mas lumawak ang idea. Sabi ni Jenna Rose ay nakapag-aral ito sa ibang bansa.

“Bata pa lang ako, iyon na ang gusto kong gawin. I want to see the world and let the world see how I see things. Kaya nga pinagsumikapan kong mag-excel sa field ko,” wika nito at tumingin sa malayo.

“Hindi mo na ba gustong gawin iyon?”

“The world is suddenly too loud and too crowded. Kaya pinili ko dito sa Stallion Riding Club. There are no prying press. And I can have time for my self. Walang nanggugulo sa pananahimik ko.”

“Ako lang naman ang gumugulo sa iyo. Why didn’t you just send me away?” Ganoon naman ang ginawa nito sa ibang babae.

“It is not easy to get of you. Siguro masyado nang tahimik ang mundo ko kaya hinayaan kitang manggulo. After all, I asked you out. Kailangan mo nga pala planong bumalik sa pagdye-jet setting? How long will you stay here?”

Tipid siyang ngumiti. “Wala na akong planong umalis ulit. My jet setting days are over.” Unless Romaov would take her somewhere.

“Why? Mukhang marami kang gustong puntahan.”

“I already found what I’ve been looking for.” If he wanted to stay in his quiet world, she would stay with him. She had always been restless traveling from a place to another. And she was home with him.

Naghahanda na sila sa pag-alis nang lumakas ang hangin at tinangay ang ribbon na nakatali sa buhok niya. Sumabog kasabay ng hangin ang buhok niya. Pinigilan niya ang buhok niya at hinabol naman nito ang ribbon niya.

“Here,” anito at inabot sa kanya ang ribbon.

“Thank you.”

Akmang itatali ulit niya ang buhok nang pigilan nito ang kamay niya. “Don’t. Your hair looks better if you leave it that way, goddess.”

Saka nito hinaplos ang buhok niya. She held her breath. “Goddess?” Hindi na siguro siya pinaglalaruan ng pandinig niya. Pangalawang beses siya nitong tinawag na goddess. And he didn’t conceal the admiration in his eyes. He was looking at her as if she was the most beautiful girl on earth.

Umurong ito at tumingala sa langit. “Mukhang uulan. Bumalik na tayo.”

Tahimik sila habang pabalik sila. Di niya alam kung bakit tumahimik na naman ito. Baka nagkamali lang siya nang sabihin niyang diyosa ako. Parang ayaw na nga niya akong kausapin ulit. Maybe I am a lousy date. Baka naisip niyang di niya kailangan ng panggulo sa buhay niya. Hindi na niya ako yayayain ulit.

Unti-unti nang pumapatak ang ulan nang makarating sila sa main stable. “Thanks for asking me out.” She tried to smile despite of a heavy heart.

“Kung wala kang gagawin bukas, yayayain ulit kita.”

Sa pagkakataong ito ay naging totoo na ang mga niya. “Really? It’s a date again? Same time? Same place? Ikaw ulit ang magluluto ng binalot?”

“Why don’t you try making one? I guess that would be interesting.”

“BAKIT namumugto ang mata mo?” tanong ni Romanov kay Illyze at hinaplos ang ilalim ng mata niya. “Siguro iniyakan mo ang binalot na ginawa mo dahil hindi mo na naman na-perfect ang pagbabalot. Isang linggo mo nang ginagawa iyon, ah!”

Mahigit isang linggo na silang laging magkasama ni Romanov kapag nagho-horseback riding. At gaya ng dati ay sa Mountain Trail ang destinasyon nila. Siya na ang laging naghahanda ng lunch nila na laging binalot. Masarap naman ang luto niya. Hindi lang niya ma-perfect ang pagbabalot sa dahon ng saging.

“Hindi iyan dahil sa binalot. Si Kuya Rolf ang pinagbalot ko kanina. Napuyat ako sa kapapanood ng movie mo. Nag-movie marathon ako. Hindi ko alam na magaling ka palang gumawa ng drama film.”

Kumunot ang noo nito. “Huh? Nanood ka ng movie na gawa ko?”

“Oo. Iyong tungkol sa lovers na magkalaban ang tribe. Nakakaiyak ang scene na pinaghiwalay sila dahil magkaiba sila ng paniniwala.”

“Secondary lang naman sa story ang love story. Its more on cultural. Sa huli naman nagkaayos ang dalawang tribe para I-uphold ang grupo nila mula sa mga taong gusto silang pagsamantalahan. Those who wants to destroy their culture and their resources. Symbolism na lang ang lovers.”

“Mas mukha siyang love story sa akin. Although marami akong na-appreciate at natutunan sa culture ng ibang tribe. You base it in a certain tribe in Cordillera, right? Nangyari siya sa totoong buhay.”

“At hanggang ngayon nangyayari pa rin siya. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang tribes sa buong mundo.”

“Kaya ka siguro nakatanggap ng international award. Tungkol nga pala saan ang susunod mong gagawin na film? Siguro pang international film festival ulit iyan.”

“Wala na akong planong gumawa ulit.”

Nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito ay hindi na siya nagtanong pa. Huminga siya nang malalim. He is a very admirable man. Intelehente at sensitive sa iba’t ibang issues. Pero bakit di niya mabuksan ang sarili niya sa iba?

Umihip ang malamig na hangin at dahan-dahang dumilim ang langit. Mainit ang araw nang umalis sila sa main stable. Ni wala pang alas onse ng umaga ay nagbago na agad ang panahon. She didn’t like the look of those dark clouds.

Napatingala siya. “Mukhang uulan na, Romanov. Bumalik na tayo sa stable.”

She was scared. Naramdaman niya ang unti-unting panginginig ng kanyang kamay. I just wish that it won’t be a thunderstorm.

“Sa palagay ko wala na tayong oras. Ni hindi ko napansin iyan kanina dahil nalibang ako. May log cabin dito para sa mga guests. Doon muna tayo.”

Sumunod sila dito. Sa mas maliit na trail ang tinahak nila at hinila na lang nila ang mga kabayo. Kung tahimik man siya kaysa normal ay mukhang di napansin ni Romanov. Nasa isip kasi nito ang pagsisilong sa mga kabayo.

Ilang minuto pa ay nasa Mountain Lodge na sila, ang log cabin para sa mga guest na inaabutan ng ulan sa Mountain Trail. It looked like a log cabin usually seen in Utah or Colorado. It also looked cozy. Kaya naman nabawasan ang kaba niya. It was a perfect refuge from the storm.

“Kumpleto ang amenities nila dito. Pati na rin stock ng pagkain,” sabi ni Romanov nang ipasok ang electronic card sa slot at bumukas ang gate. “Wala silang caretaker na laging nagbabantay. Iilan lang naman kasi ang mga members na naliligaw dito. They are just informed that someone is using the facility once we use the card. Walang makakagamit ng Mountain Lodge kung hindi member at walang ang electronic card. Protected ang paligid against tresspassers.”

“Impressive technology, huh!”

“I will just bring the horses to the stable.”

“Gusto mo bang ipag-brew kita ng coffee?”

“Sure,” anito at bahagyang ngumiti ang mga mata.

Dali-dali niyang tinungo ang kusina. State of the art ang mga gamit at karamihan ng nasa food cabinet ay mga pagkain na pwedeng I-stock at madaling lutuin. “Dito na lang siguro kami magla-lunch. Iiinit ko na lang ang baon namin.”

She had just finished putting the coffee beans at the coffee grinder when she heard the first clash of thunder. Parang napakalapit niyon at siya na ang tatamaan.

Yumukyok siya sa gilid ng kitchen counter habang nakatakip ng palad ang tainga. Sa pangalawang pagdagundong ng kulog ay napasigaw na siya at napaiyak. Pakiramdam niya ay matatapos na ang mundo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.