Naputol ang pagtatalo nina Rolf at Jenevie nang marinig ang tili ni Jenna Rose. Napalingon ang dalawa sa pinto. “JED!” usal ni Rolf at nilapitan ang lalaki. “Please come in. Kagigising lang ni Jenna Rose.”
Her heart swelled. Bukod sa excited siya sa pagbisita ni JED sa kanya, nag-aalala rin siya nang makita ang benda sa braso nito. Ayon kay Rolf, mayroon din itong bali sa balikat dahil ginitgit at hinatak din ito ng mga audience.
She could have run if she wasonly stronger. She wanted to comfort him and make sure that he was okay. Kahit na alam niyang okay na ito ay nag-aalala pa rin siya.
“Hello, Jen!” bati ni JED sa kanya.
“Hi!” Pasimple niyang hinaplos ang hanggang balikat na buhok. Bahagya din siyang ngumiti. Maganda kaya ako? Hindi kaya ako mukhang bangkay kapag kaharap siya? Bakit naman di niya sinabi na dadalaw siya? Sana napaghandaan ko.
Lumapit ito sa kanya at ginagap ang kamay niya. “How are you feeling?”
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Titig na titig kasi ito sa kanya nang may kasamang pag-aalala. Parang pagkaganda-ganda niya kahit na di pa siya nagsusuklay. “O-Okay na ako ngayong alam ko na okay ka na.” Iyon na lang ang nasabi niya dahil nabura na ang salita sa utak niya. Simpleng titig pa lang kasi nito ay nakakalimutan na niya pati ang pangalan niya.
“I am Eunice Ferona, JED’s personal assistant. I sincerely apologize for what happened,” anito sa pormal na boses at ang kausap nito ay ang Ate Jenevie niya at si Rolf. “It was an accident. We got the bill covered so you won’t have any problem. We will be more careful next time so this won’t happen again.”
Pakiramdam niya ay lumamig ang kuwarto dahil sa kapormalan nito. Okay lang sana na kasama niya si JED. Pero parang ayaw niyang kasama si Eunice. Di niya gusto ang energy na nagmumula dito. Parang di niya ito makakasundo.
“Can you do me a simple favor?” nakangiti at malumanay na wika ni JED. “I want some time alone with Jen.”
Tumalon ang puso niya. Magsosolo sila ni JED sa kuwartong iyon. Nasa kanya lang ang atensiyon nito. Magkakausap sila nang mas matagal. She was excited. Sa wakas kasi ay masosolo niya ito. Di lang ito basta pangarap ngayon. Di lang niya ito basta makakaharap. Personal pa niya itong makakausap.
“Sure!” anang si Rolf at kinindatan siya. Suportado kasi nito ang kalokohan niya pagdating kay JED. Iginiya nito ang dalawang babae palabas ng hospital suite. “How about we discuss this at the cafeteria?”
“Salamat sa pagdalaw mo, JED. At salamat din sa flowers,” sabi niya.
Ngumiti ito sa kanya. Even his light brown eyes were smiling as well. Nakakagaan ito ng loob. “I am glad that you like them.”
“Yes. But the yellow roses are my favorite. Di ko nga alam na gusto ko sila hanggang makita ko na lang sila kanina.” Magaan niyang hinawakan ang braso nito na may benda. “Masakit ba?”
Napatingin ito sa sariling braso. “Hindi masyado. Wala naman akong masyadong injury dahil dumating na ang security ang Coliseum. They were able to control the crowd right away. Makakalabas na ako ng hospital. Sa iyo nga ako nag-aalala. You have fractures and sprain. I am really sorry.”
Bahagya niyang iginalaw ang kamay. “I will be fine. Safety mo lang naman ang iniisip ko. So you don’t have to apologize. Hindi naman ako nagsisising pinrotektahan kita.” It was a great honor for her. “Ang totoo, gusto kong mag-sorry. Kasalanan ko kung bakit nagkagulo. Hinatak kasi kita.”
Bahagya itong natawa. “Not entirely. It was my fault. Hinayaan kitang hatakin mo ako. Well, I didn’t know what came to that time.”
“Hindi ka ba galit sa akin? Napahamak ka dahil sa akin. Nasira ang concert mo,” kagat-labi niyang sabi.
Umiling ito at pinisil ang pisngi niya. “I don’t think I could hate you. Nagustuhan mo ba ang kanta ko?”
Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. “Oo. Maganda. Kanino ba dedicated ang kanta na iyon? Parang gustong-gusto mo siya.”
“Yes. I like her. Pero hindi ko sasabihin sa iyo kung sino.”
Nagulat siya. “Ha? Confidential ba?” Bahagya siyang nadismaya. Akala pa mandin niya ay malalaman niya kung sino ang espesyal na babae sa buhay nito. Akala niya ay may pag-asa na siya.
“One of these days, malalaman mo rin kung sino siya.”
Napasandal siya sa unan. “Ah! That is not fair! Sabihin mo na kung sino.”
Natigilan siya sa pangungulit nang bumukas ang pinto at pumasok ang mortal niyang karibal na si Fridah Mae. Nakasakay ito sa wheel chair at tulak-tulak ng nurse. “JED!” wika nito at halos yumakap na sa binti ni JED. “Sinundan kita dahil sabi ng nurse tulog ka daw nang dalawin mo ako sa kuwarto ko. Aalis ka na daw? Hindi naman ako papayag na umalis ka nang di tayo nagkikita.”
“Sana ipinatawag mo na lang ako para dalawin ka.”
“Hindi na kailangan. Mas gusto ko na ako ang pumunta sa iyo. And I want to protect you,” anito at naghahamon siyang tiningnan. Parang sinasabi nito na siya ang threat sa buhay ni JED. “Noong concert, ako ang humarang sa mga dumudumog sa iyo. Sabi ko, walang mananakit sa iyo.”
Ngumiti si JED. “Thank you, Farrah Mae.”
Lalo pang yumakap si Fridah Mae kay JED. “Ay! Mula ngayon Farrah Mae na ako para sa iyo.”
Agaw-eksena talaga ang impaktang ito! Moment namin ito ni JED. Kung bakit kailangan pang um-extra. Bawal ang extra dito! Tsupi!
Kung mas malakas lang sana siya, baka bumangon na siya at kinaladkad ang bruha palabas. Tutulog-tulog siya nang dumalaw si JED. Tapos pupunta siya dito para agawin ang oras na para sa akin. Nakakainis!
Pumasok sa kuwarto ang assistant nito na si Eunice. “JED, we have to go now. You still have a press conference to attend to.”
Todo-yakap na naman si Fridah Mae dito. “Please don’t go, JED. Ngayon lang tayo nagkasama, aalis ka na agad.”
“I am sorry, Farrah Mae. Kailangan ko talagang umalis.”
“Thanks for the visit, JED,” nakangiti niyang sabi. Di siya gagaya sa strategy ni Fridah Mae na kapit-tuko dito. “Mag-iingat ka, okay?”
Lumapit sa kanya si JED. Then he lightly brushed his lips at the corner of her lips. “We’ll see each other again, my fairy. So get well soon.”
My fairy? Tinawag niya akong fairy. Ibig sabihin pang-diwata ang ganda ko. Tapos hinalikan pa niya ako. Parang gusto niyang magpagulong-gulong sa hospital bed sa tuwa. Nawala na ang inis niya kay Fridah Mae. Isang saglit lang ang halik na iyon. But it made up for the time he spent with Fridah Mae.
“M-Magpapahinga ako,” nagkakandautal niyang sabi. “Tapos manonood ako ng concert at gig mo. Magkikita pa tayo, hindi ba?”
Tumango ito. “Of course. Ako mismo ang makikipagkita sa iyo paggaling mo.”
“Ako rin!” anang si Fridah Mae at itinaas ang kamay. “Magpapagaling din ako para sa iyo. Promise iyan! I love you!”
Ngumiti si JED at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Tumawa siya nang malakas. Halata kasing dismayado si Fridah Mae dahil di ito hinalikan ni JED. “Hanggang ngayon malakas pa rin ang heartbeat ko. JED is so sweet! Hinalikan pa niya ako. Nakakakilig talaga!” pang-iinggit niya.
Matalim siyang tiningnan ni Fridah Mae. “Hoy! Wala kang karapatan.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Wala akong karapatan? Hindi kaya ikaw ang walang karapatan dahil yakap ka nang yakap kay JED? Samantalang ako, siya mismo ang humalik sa akin. Not the other way around.”
Pinagulong nito ang wheelchair palapit sa kanya. “Hinalikan din niya ako.”
“Kailan? Noong tulog ka?” tanong niya at pinagtawanan ulit ito.
Ngumuso si Fridah Mae. “Oo. Malamang noong tulog ako. French kiss.”
Lalo siyang tumawa. “Baka sa panaginip mo lang iyon.”
“Ako ang mahal niya! At napatunayan niya ang pagmamahal ko sa kanya nang protektahan ko siya. Hindi katulad mo! Ipinahamak mo siya. Kung di mo siya hinatak sa stage, hindi siya pagkakaguluhan ng mga tao.”
“Siguro nga may kasalanan ako pero sabi ni JED aksidente lang ang nangyari. Hindi nga siya galit sa akin sa nangyari. Kita mo naman, fairy pa ang tawag niya sa akin. It means that he really likes me. Nag-promise pa siyang magkikita ulit kami. Eh, ikaw? May sinabi ba siya sa iyong kahit ano?”
“Siyempre sa aming dalawa na lang ang pag-uusapan namin,” anito at umingos. “Hindi mo na kailangang marinig pa. Saka iyong fairy na tawag niya sa iyo, baka dark fairy ka. Harharhar!”
Nakitawa lang siya dahil di siya apektado sa mga ilusyon nito. “Alam mo, Farrah Mae, matulog ka na lang. At least magkakatotoo sa dreamland ang mga pangarap mo. Sige na! Malay mo pati sa panaginip pakasalan ka rin ni JED.”
“How dare you! Huwag mo akong tatawaging Farrah Mae. Si JED lang ang may karapatang tumawag sa akin na Farrah Mae. I am Fridah Mae for you.”
“Kita mo! Ni hindi nga niya matandaan totoo mong pangalan.”
“Endearment niya sa akin ang Farrah Mae! Hmp!” Dinuro siya nito. “Sa ngayon nagagawa mo pang tumawa. Pero sa akin pa rin ang huling halakhak.” Saka siya inirapan. “Nurse, ihatid mo na ako sa kuwarto ko.”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Ako ang nagwagi!” aniya paglabas ni Fridah Mae. Hindi na kailangang magsalita ni JED pero tiyak na niyang siya ang babae sa kanta nito. At magsisimula ang mas matindi niyang laban mula ngayon.
“SO slide over here. And give me a moment.” Sinasabayan ni Jenna Rose ang kanta sa discman habang tsine-check niya ang mga damit na gagamitin nila para sa Fashionista Gala na paglalaban-labanan ng iba’t ibang fashion school na gaganapin sa RCBC Theater. Kinabukasan na kasi ang show kaya naman lahat ng mga kasali ay abala sa pagpe-prepare.
Ilang araw pa lang siyang fully healed mula sa aksidente pero nagpa-participate na ulit siya sa activities sa school nila. Ilan kasi sa design niya ay kasali sa show. Tsansa na niya iyon na magkaroon ng pangalan bilang batang designer.
Nilapitan siya ng organizer ng school niya. “Jen, ano ba naman? Wala pa rin ang model natin hanggang ngayon. Malapit nang magsimula ang rehearsal.”
Huminga siya nang malalim. “Lagi na lang siyang late at wala, Miss Kelly.” Kahit noong nagpi-fit sila ng mga damit na isusuot, siya na rin ang ginawang fitting model dahil laging wala ang model nila. Magkasingkatawan at magkasingtangkad kasi sila. “Pati ba naman sa mismong rehearsal wala siya? Baka mamaya pati sa mismong fashion show hindi rin siya sumipot.”
Noon pa sana sila hihingi ng kapalit sa organizer ng show subalit iyon na ang ipinadala sa kanila. Kaya iyon na ang final. Wala na silang magagawa.
“Ikaw naman ang tumawag sa kanya. Low batt na ang cellphone ko katatawag sa kanya, eh!”
Lumabas siya dahil walang signal sa loob ng theater. “Hello, Lalaine! Where are you? Kanina pa kami tawag nang tawag sa iyo.”
“Naka-off kasi ang cellphone ko dahil may klase ako. Bakit?”
“Bakit? May final rehearsal para sa fashion show at hindi mo alam kung bakit?” tanong niya sa mataas na tono.
“Oh! I am sorry. Ngayon na pala ang rehearsal. Akala ko bukas pa.”
“Bukas na nga fashion night. Sabihin mo lang kung di ka dadating. Para naman ma-expect na namin na masisira ang school namin dahil sa iyo.”
“That won’t happen. I am a professional. Pupunta na ako ngayundin.”
“Professional? Ganoon na pala ang definition niya sa professionalism ngayon. Nakakainis!” gigil niyang bulong nang matapos makausap ang modelo. Tinawagan niya si Miss Kelly. “Hihintayin ko na po si Lalaine dito sa labas. Baka mamaya may dahilan na naman siya para di makarating dahil naligaw siya sa loob ng theater at hindi na naman niya tayo makita.”
“Oo. Mabuti pa nga. Okay na lahat dito sa loob. Kami na ang bahala.”
“Kapag sinira ng impaktang iyon ang fashion show, kakalbuhin ko siya!”
“Hello, my fairy!” anang lalaki sa likuran niya.
Matalim ang mata siyang humarap dito. “Hoy! Anong my fairy?” Kapag mainit ang ulo niya, ayaw niyang may nambobola sa kanya na kung sinusino. Oras na siguro para sabihin sa lalaking iyon na wala siyang panahon sa pambobola nito. Pagharap niya ay nahigit niya ang hininga nang makilala si JED. “Oh, no! JED?”
Muntik na niyang tapik-tapikin ang mukha niya para patunayan kung nananaginip siya o hindi. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Halos magdikit na ang mukha nila. “Suplada ka pala sa personal.”
Napalunok siya dahil naestatwa siya habang nakatitig dito. “A-Ano kasi hindi naman Fairy ang name ko,” palusot niya.
“Of course. I know your name is Jenna Rose.”
“K-Kilala mo pa rin ako hanggang ngayon?”
“How can I forget about you? Ikaw ang humatak sa akin sa stage.”
“S-Sabi mo aksidente lang iyon.”
Tumawa ito. “Of course, I am just joking. Masyado kang seryoso. Sabi ko magkikita pa tayo, hindi ba? Ano nga palang ginagawa mo dito? Hinihintay mo siguro ang boyfriend mo.”
Umiling siya. “Hindi. Kasama ako sa fashion gala. Hinihintay ko lang ang model namin. Wala pa kasi hanggang ngayon.”
“Akala ko ikaw mismo ang model.”
“No. Kasali lang ang fashion school namin sa gala. What are you doing here?”
“I am participating as well for my sponsor.” Isa rin kasi sa sponsor ng event ang clothing line na ine-endorse nito.
“Well, that’s great! Mapapanood pala kita bukas.”
“So you like the flowers and the gifts I sent you?”
Nagsalubong ang kilay niya. “Wala naman akong natatanggap. Hindi kaya sa maling babae mo iyon naipadala,” nagtatampo niyang sabi.
“Imposible. Sa iyo naka-address iyon. Jenna Rose Escudero.” Ipinilig nito ang ulo. “Anyway, babawi na lang ako sa iyo.”
“Thank you. Okay lang sa akin kahit na wala akong matanggap. I am glad because you still remember me.” Naalala niya ang oras. “Pumasok ka na pala sa loob. Kasi malapit nang mag-start ang rehearsal. Baka ma-late ka pa.”
Nilingon siya nito bago pumasok sa theater. “How about we go out tomorrow after the fashion show? Kung wala kang gagawin.”
“MISS Kelly, gandahan mo ang shade ng kilay ko para hindi ako magmukhang masyadong chinita. Ingatan mo, ha? Pantayin mo,” ungot ni Jenna Rose habang nilalagyan siya ng eyeliner. Tapos na noon ang fashion show at naghahanda nang umuwi ang lahat. Successful ang fashion show kaya makakapag-relax na sila.
“Naku! Masyado namang excited ang batang ito sa date niya,” komento nito. “Baka naman hindi ka na pauwiin ng ka-date mo.”
“Kung si Jason Erwin Dean ang ka-date ko, pipikutin ko na,” anang kaklase niyang si Glycel. “Gusto ko sanang magpapirma ng autograph at magpa-picture pero tiyak na magseselos ang boyfriend ko.”
“Mag-ingat ka sa pakikipag-date sa mga rockstar. Ex-boyfriend ko vocalist din ng banda. Santambak ang girlfriend. Nilayasan ko nga!” kwento ni Kelly.
“Hindi naman po siguro. Mabait si JED.” She was excited to go out with JED. It was a once in a lifetime experience. Baka di na maulit ang opportunity na iyon.
“Good luck sa date mo, dear,” anang mga kasamahan niya.
Paglabas ng RCBC Theater ay nawala ang saya niya nang makitang kausap ni JED ang Ate Jenevie niya at si Rolf. “Ate, nandito pa pala kayo. Akala ko uuwi ka na dahil may exam ka pa bukas.”
“Nakipag-kwentuhan pa sa amin si Mr. Dean,” pormal nitong sabi.
“Ipinagpaalam ko kasi na lalabas tayo ngayon,” wika naman ni JED.
Nakagat niya ang labi. Patay! Mabubulilyaso ang date namin. Tiyak na hindi ako papayagan ni Ate. Goodbye na sa once in a lifetime opportunity.
“Umuwi rin kayo agad. Bawal kang uminom ng alcoholic drinks. At mag-behave ka rin kapag kasama si Mr. Dean,” bilin ng kapatid niya. “Ito na ang huling pagkakataon na papayagan kitang lumabas. Hindi na mauulit.”
Tahimik siya habang nililimi ang mga sinabi ni Jenevie. “Payag ka nang makipag-date ako kay JED, Ate?”
Tumiim ang labi nito. “Yes. Pero ngayon lang.”