Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 75

“Sorry, JED. Hindi na ako nakakapunta sa gig ninyo dahil di na halos ako nakakalabas ng bahay. Gusto ni Ate Jenevie umuwi agad ako ng bahay galing sa school. Mag-concentrate muna ako sa pag-aaral ko,” paliwanag ni Jenna Rose dito habang nasa Crimson Diner sila. Isa iyong maliit ngunit elegenteng restaurant na madalas puntahan ni JED. Wala nang mga tao nang mga oras na iyon kaya naman nakakapag-kwentuhan sila nang maayos.

It was her first date. Mabuti nga at pinayagan siya ng Ate Jenevie niya. Kung hindi ay pagsisisihan nya na di makasama si JED sa isang date kahit minsan lang. Pangarap yata ng milyon-milyong babae na maka-date ito.

“Mukha ngang masyadong mahigpit ang ate mo sa iyo. Nang ipagpaalam kita, ayaw pa niya noong una. Na-convince lang ng boyfriend niya. Siguro dahil nag-aaral ka pa at ayaw niyang mawalan ka ng focus.”

“Seventeen pa lang kasi ako kaya mahigpit siya sa akin.”

Nasamid ito sa iniinom na kape. “Seventeen ka pa lang?”

Tumango siya. “Ano ba sa palagay mo?”

“I thought you are nineteen or twenty. You are so young.”

“Mukha akong matured dahil sa isinusuot ko.” Magaling daw kasi siyang magdala ng damit. “Pero malapit na akong mag-eighteen. Ilang buwan na lang.”

“No wonder your sister is so protective of you,” naiiling nitong sabi. “Now I suddenly feel ancient.”

“You are not that old, JED. Twenty three ka pa lang naman.”

“Well, you are young and talented. Nakita ko ang ilan sa creations mo kanina sa fashion gala. Malayo ang mararating mo.”

She clasped her hand. “Really?”

He answered with a nod. “Kaya tama ang ate mo. Maraming magandang opportunities ang darating sa iyo kung mag-aaral kang mabuti. You shouldn’t miss that chance. Other’s aren’t that lucky.” Di nito naitago ang lungkot sa mga mata.

He was pertaining to his self. Sampung taon kasi ito nang iwan ito at ng nanay nito ng palikero nitong half-Filipino, half-Canadian na ama. He had to support his mother at the age of sixteen. Naging masasakitin kasi ang nanay nito. Sa halip na tumuloy sa college ay sumali ito sa isang banda. Tumutugtog ito sa gabi habang nagtatrabaho bilang service crew sa isang fast food chain sa umaga.

Nang mag-open ng audition para sa vocalist ng bandang Switch ang mga miyembro ay pawang galing sa mga mayayamang pamilya, sumali si JED. His soothing voice and his handsome face convinced the band members to accept him. Nakadagdag pa ang talento ni JED sa pagko-compose ng kanta.

“Nag-aaral naman akong mabuti. Siyempre, pangarap kong maging sikat na fashion designer. Hindi dahil gustong-gusto ko ang band ninyo, sagabal na kayo sa pag-aaral ko. I love watching you sing. As if you are putting your whole heart and soul to the song. Masaya na akong makita ka. Is that so bad?”

Tipid itong ngumiti. “I appreciate that you love our craft. But you know what? There are other things that matter. Tulad kapag bumaba na ako sa stage, gusto ko rin na maging normal na tao. Naiinggit rin ako sa ibang mga tao. I wish that things were different for me in some ways.”

“Hindi ka ba masaya sa kung saan naroon ka ngayon?”

“I love what I am doing, Jen. Pero may iba rin naman akong bagay na gustong gawin. If things were different, I might have finished the course I would love to take. Baka abogado na ako o engineer. I had to sing to survive. Nawalan na ako ng option. So please do me a favor. Study hard and conquer the world. Will you do that for me? Kaya mo bang maging successful para sa akin?”

“Yes, of course.” Wala siyang di gagawin para dito.

Ginagap nito ang kamay niya. “Then I will wait for that day. Ibig ding sabihin, hindi ka muna manonood ng gig at concerts ko. Mag-aral ka munang mabuti.”

“What?” bulalas niya. “Bakit naman ganoon?” Napakahirap naman ng hinihingi nito sa kanya. Parang gusto nitong alisin ang tanging kaligayahan niya.

“Gusto kong maging successful ka. I don’t want you to waste the opportunities coming your way. I hope you won’t fail me.”

“JEN, sama ka naman. May art exhibit kami saka live band concert. Tiyak na magugustuhan mo iyong bagong banda na sumisikat ngayon,” yaya sa kanya ni Illyze habang kausap niya ito sa telepono. “Huwag mong sabihin na hindi ka pa rin pwede? Ipinagpaalam na kita kay Ate Evie.”

Itinapik niya ang lapis sa drawing pad niya. “Hindi ako pwedeng lumabas ngayon. Kailangan ko pa ng design na ipapasa para sa fashion design competition. Apprenticeship sa isang fashion designer sa Paris ang prize. Exciting, di ba?”

“Masyado mo talagang dinidibdib ang contest na iyan. Kahit saglit lang?”

“Hindi pwede! Importante sa akin ang competition na ito. I promised JED that I would conquer the world. At hindi ko siya pwedeng makita hangga’t di nangyayari ito. I am doing this for love.” Oras na manalo siya sa competition at makapag-training sa Paris, siguro naman ay mare-recognize na siya ni JED bilang isang mature na babae at bilang achiever. Na di na siya bata.

“Naks! Masyado naman ‘yang madrama, Jen. Seryoso kaya siya doon?”

“I think he likes me. Personal pa niya akong kinausap para lang sabihin sa akin na mag-aral akong mabuti. Magtitiis akong hindi siya makita para lang magawa ko ang promise ko sa kanya. Kaya ibig sabihin, kailangan ko ring magtiis na di manood ng event ninyo. Dito lang ako sa kuwarto ko at gagawa ng masterpiece. Malay mo, kapag nanalo ako dito pwede pa akong sumingit na manood ng concert niya. Pwede na siguro iyon, di ba?”

“Oo na. Sige na. Huwag ka nang sumama sa ngalan ng pag-ibig.”

“Thanks for understanding, best friend. Don’t worry. Sa mismong exhibit mo ako pupunta. Pero exhibit lang naman iyan ng mga higher year sa inyo. E hamak na mas magaling ka naman sa mga iyon.”

“Bobolahin mo pa ako…Oh, no!” narinig niyang bulalas nito.

“Illyze, may problema ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Buksan mo ang TV, dali!” utos nito.

Bumulaga agad sa kanya ang isang car accident sa EDSA pagbukas niya ng TV. Muntik nang malaglag ang puso niya nang makita kung sino ang nabangga. “Si JED? Nabangga si JED!”

Galing daw ito sa isang party at mukhang lasing ang driver nito na siyang nagmamaneho. Naka-confine ang binata sa St. Luke’s. Habang pinapanood ang balita ay nagbibihis na siya kaya di na niya halos inintindi ang sinasabi ng reporter.

“Jen, ano bang nangyayari sa iyo?” tanong ni Illyze nang balikan niya ito sa telepono. “Akala ko hinimatay ka na diyan.”

“Hindi. Pupuntahan ko si JED sa St. Luke’s. I have to see if he is okay.” Nakagat niya ang labi upang pigilin ang pag-iyak. “I hope he is really okay.” Dahil di niya alam ang gagawin kung mas malala ang nangyari dito.

Paglabas ng kuwarto ay nakasalubong niya ang Ate Jenevie niya. “O, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?”

“Nakita ko kasi sa news na naaksidente si JED. Pupuntahan ko sa ospital. Gusto ko lang malaman kung okay lang siya, Ate.” At di siya nito mapipigilan.

“Para namang papapasukin ka nila para makita siya.”

“Basta pupunta pa rin ako!” mariin niyang wika.

“O, sige. Basta bumalik ka dito pagkatapos mong makabalita ng tungkol sa kanya. Umalis ka na para maaga kang makauwi.”

Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thank you, Ate.”

Parang may pakpak ang paa niya habang papunta ng ospital. Dumaan muna siya ng supermarket para bumili ng prutas. Pagdating sa ospital ay puno ng mga tao ang entrance. Lahat kasi ng fans ay nag-I-insist na makapasok para makita si JED.

“Thank you for coming and for your concern to JED. He is out of danger according to the doctors,” anunsiyo ni Eunice Ferona, ang personal assistant ni JED. “However, I am afraid he can’t accept visitors at the moment. He needs total rest. It is the doctor’s advice and I hope that everyone will understand. Pwede ninyong iwan ang mga regalo ninyo kay JED. We’ll make sure na makakarating sa kanya ang lahat.”

“Hindi ako pwedeng umuwi nang hindi man lang siya nakikita,” wika niya.

“Lalo naman ako,” anang babaeng katabi niya. “Galing pa ako sa Zamboanga. Nag-eroplano pa ako papunta dito para lang makita ang aking mahal, no?”

Nilingon niya ang katabi. “Farrah Mae!” bulalas niya nang makilala ang babae.

“Fridah Mae ako!” pagtatama nito. “At nandito ka rin?”

“Siyempre, fairy ako ni JED. Lalakas siya kapag nakita niya ako.”

“Ako lang ang kailangan niya. Kaya umuwi ka na!” pagtataboy nito.

“Excuse me,” untag sa kanila ni Eunice. “Are those for JED as well?”

“Miss Ferona, I am Jenna Rose Escudero. Natatandaan po ba ninyo ako?”

“Ako rin. Si Fridah Mae Narcisso. Gusto ko sanang makita si JED.”

“Oh, yes! You are the stampede victims,” Eunice recognized with a tight smile. Parang ayaw nitong makita sila. “I’ll just bring your gifts to JED. Hindi pa rin siya pwedeng tumanggap ng bisita ngayon. I am so sorry.”

“Baka naman pwedeng silipin lang siya kahit sandali,” pakiusap niya. “Hindi po ako mag-iingay at hindi ako manggugulo. He doesn’t even have to know I am there. Basta makita ko lang siya.”

“No!” mariing tanggi ni Eunice.

“Oo nga. Sandali lang naman,” hirit din ni Fridah Mae.

Nawala ang pekeng ngiti ni Eunice. “Which part of the word ‘NO’ you don’t understand? Your concern is appreciated but we won’t jeopardize JED”s health. For a freaking moment, have mercy! Gusto lang magpahinga nung tao. Kung magpipilit pa rin kayo, mapipilitan akong ipakaladkad kayo palayo dito.”

Nagulat siya sa inasal nito. “Hindi mo naman kami kailangang pagbantaan. Nakikiusap naman kami nang maayos sa iyo.”

“Aalis na kami. Hindi mo kami kailangang itaboy,” anang si Fridah Mae. Inirapan nito si Eunice at saka siya hinatak palayo. Humantong sila sa KFC at doon nagsentimyento. “Ang impaktitang iyon. For just a freaking moment!” gagad nito kay Eunice. “Akala naman niya pagkaganda-ganda niya. Para namang pipikutin natin si JED. Gusto lang naman natin siyang makita.”

“Anong gagawin natin? Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko natitiyak na okay na siya. I have to see him so badly.” Maiiyak na siya sa pag-aalala. Kahit pa nga sinabi ng assistant ni JED na out of danger na ito.

“Kailangan nating matakasan ang mangkukulam na iyon.” Nakuyom ni Fridah Mae ang palad. “May plano ako. Gusto mong sumali?”

“WALANG maingay, ha? Mag-ingat kayo sa mga kilos ninyo. Oras na mabuko tayo, pare-pareho tayong lagot. Act like professionals. Walang titili. Behave!” mariing bilin sa kanila ng nurse na kaibigan ni Fridah Mae habang naglalakad sila sa hallway ng ospital. Nakasuot sila ng nurse’s uniform at nagpapanggap na nag-o-OJT.

“Yes, Nurse Ada,” sagot niya habang nakasunod dito.

Iyon ang naisip na paraan ni Fridah Mae upang makapasok sila sa kuwarto ni JED nang hindi basta-basta nasisita ni Eunice o ng mga bantay. Tiniyempuhan din nilang gumabi at wala si Eunice o kahit sinong tagabantay kay JED para walang sagabal sa mga plano nila. Kailangan kasi nilang mag-ingat.

Malapit na sa kuwarto ni JED nang ipatawag sa nurse’s station si Ada. “Naku! Kayo na munang dalawa ang bahala. Basta huwag kayong magtatagal sa kuwarto niya, ha? Baka bumalik na ang PA niya na laging nakabantay sa kanya.”

“Opo, Nurse Ada,” sagot niya. “Salamat, ha?”

“Walang anuman iyon. Parents kasi ni Fridah Mae ang nagpaaral sa akin kaya gagawin ko ang lahat para tulungan siya.”

May dalawang bodyguard na nakabantay sa pinto ng kuwarto ni JED. Talagang guwardiyado ang lugar at di makakapasok ang karaniwang fans.

“Ako na ang unang magbabantay sa pinto,” aniya kay Fridah Mae pagpasok nila ng kuwarto ni JED. Pakikiramdaman kasi nila kung may ibang taong dadating.

Si Fridah Mae muna ang lumapit kay JED. Binigyan niya ito ng limang minuto. “Hay! Ang guwapo talaga niya. Parang masarap siyang halikan habang natutulog. Sleeping Prince Charming. Matutupad ko na ang aking pangarap.”

“Hoy! Huwag mo siyang pagsamantalahan!” mahinang saway niya dito.

“Oo na. Hanggang flying kiss na lang ako.”

“Tapos na ang five minutes mo. Ako naman diyan!” aniya at nilapitan si JED.

“Ang bilis naman. Dinaya mo yata ako.”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Sige na. Magbantay ka na.”

Awang-awa siya habang pinagmamasdan si JED. Naka-dextrose ito at may pasa sa mukha. May neck brace din ito at benda sa balikat. Natutulog kasi ito nang mangyari ang aksidente. Inaantok ang driver ng kasabay nilang sasakyan at sumadsad ang tagiliran sa kanila.

“Kung pwede lang sana kitang maalagaan, ginawa ko na sana. Kaso inilalayo ka sa akin,” bulong niya.

Umungol si JED at dumilat ang mata. Ngumiti ito nang makita siya. “Hello, my fairy! Anong ginagawa mo dito? Bakit naka-nurse’s uniform ka lang?”

“Ah, nananaginip ka lang.” He was sedated. Pwede naman siguro siyang magpalusot na naghahalusinasyon lang ito dahil sa gamot.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “I wonder if this is really a dream. Hindi ko rin alam kung dapat kang magpakita kahit sa panaginip.”

Ginagap niya ang kamay nito. Gusto sana niyang magpaliwanag subalit hahaba lang ang usapan. “Get well soon, JED. I hope you are really okay.”

Hinila siya ni Fridah Mae. “Halika na! Nandiyan na si Witch.”

“Oh, no! We have to go. Sana huwag mong sabihin kahit kanino na nandito kami, JED. Please?” pakiusap niya sa binata.

Ipinikit nito ang mga mata. “Don’t worry. This is just a dream.”

“Huwag kang lilingon sa hallway na pinanggalingan natin kanina,” bilin sa kanya ni Fridah Mae nang nagmamadali silang naglakad palabas ng kuwarto. “Nandoon si Witch. Lagot tayo kapag nakita niya tayo.”

Malakas ang kaba niya nang makalabas ng silid. Sana hindi kami mapansin.

“Nurse ! Nurse!” tawag sa kanila ni Eunice at hinabol sila.

“Tuloy-tuloy lang tayo. Huwag kang lilingon,” utos ni Fridah Mae.

“Hey, you two! Kayong dalawa ang nurse ni JED, hindi ba?”

Tumango si Fridah Mae subalit di ito nilingon. “Oo, Miss. Kung may tanong kayo, mamaya na lang. Kasi may iba pa kaming pasyente na aasikasuhin.”

Subalit pumunta na sa harap nila si Eunice. Nagulat ito nang mamukhaan sila. “Kilala ko kayong dalawa! Hindi kayo nurse dito. Pinuntahan ninyo si JED, hindi ba? I told you to stay away from him. Security! Dalhin ang dalawang ito sa presinto!”

HINDI makatingin nang diretso si Jenna Rose sa Ate Jenevie niya nang ilabas siya nito sa kulungan. Ni hindi ito kumikibo at ayaw siyang kausapin.

“Thank you po sa paglalabas ninyo sa akin,” humihikbing wika ni Fridah Mae. Hindi ito tumitigil sa pag-iyak nang nasa kulungan sila. Habang siya naman ay tulala at di pa rin natatauhan. “Thank you po dahil hindi ninyo sinabi sa parents ko. Tiyak na itatakwil nila ako. Baka ibartolina pa nga nila ako.”

“Don’t worry. I make sure that the story won’t leak to the media. Doon ka muna sa guestroom ni Jenna Rose magpalipas ng gabi. Bukas ng tanghali ang flight mo pabalik sa Zamboanga,” paliwanag ni Rolf. “Stop crying. It is over now.”

“I am sorry, Ate Evie,” nakayuko niyang sabi nang sumakay sila ng kotse.

“I am so disappointed with you, Jenna Rose,” mariin nitong sabi. “Noong una, sa ospital ka pinulot. Ngayon sa kulungan na. You impersonated a nurse just to see JED? Now, they threw you in jail. This last one is horrible!”

“Kasalanan ko po,” ako ni Fridah Mae. “Idea ko po na magpanggap na nurse. Gusto naming makita si JED kaso ayaw kaming papasukin.”

“You are so impulsive,” mariing wika ni Jenevie. “Walang mabuting idudulot ang pagsunod-sunod ninyo sa JED na iyan. Nasaan na siya ngayon? Ni hindi man lang niya kayo natulungan. He doesn’t really care about you.”

“Siguro hindi niya alam ang nangyari sa amin. I know that he cares for me. Sinabihan pa nga niya akong mag-aral. Tapos kanina, sabi niya magpe-pretend siyang di niya alam na dumalaw kami,” depensa niya kay JED.

“Hindi ka pa pala natatauhan nang makulong ka. He doesn’t care about you at all,” wika ni Jenevie. “Sinabi lang niya iyon para sa sarili niyang image. Kunyari concern siya sa inyo. You are a fan. You think of him as a demi-god. Tingin ninyo lahat ng gawin niya tama. And you’d do anything for him no matter how absurd. It is time to learn your lessons, girl. Wala kayong mapapala sa kanya.”

“Hindi totoo iyan, Ate!” tutol pa rin niya.

Hinawakan siya sa kamay ni Fridah Mae. “Tama ang ate mo, Jen. Noong nasa kulungan ako, pakiramdam ko tinalikuran niya tayo. Wala siyang pakialam. Sayang lang ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya.”

Tumarak sa kanya ang sinabi nito. Subalit di pa rin niya matanggap. “Naramdaman ko na masaya siyang makita tayo. Kung kaya lang niya tayong protektahan, siguro ginawa niya.”

“May pinasasabi pala sa inyo ang assistant niya,” pahabol ni Jenevie nang makarating sila sa bahay. “Oras na lumapit pa kayo kay JED,ipapakulong niya kayo.”

“Nagsisinungaling ang babaeng iyon!” kontra niya. “Sinabi lang niya iyon para ilayo kami kay JED. Naiinggit kasi siya. JED will defend me.”

Espesyal siya para kay JED. Totoo ang pag-aalala nito sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Di naman magsisinungaling ang puso niya.

“Ayaw na kayong makita ni JED,” dagdag pa nito.

Parang sinabugan siya ng bomba. Ayaw na siyang makita ni JED. Hindi talaga siya nito gusto. At baka matuwa pa itong nasa kulungan siya. Napaluha siya. Nasira ang lahat ng magagandang panaginip niya para sa kanila.

“So he is a liar after all.” Hindi siya ang fairy nito. Palabas lang nito iyon. Hindi rin ito totoong nag-aalala sa kanya. Masyado lang siyang nag-ilusyon dahil sa atensiyon na itinapon nito sa kanya. Pero nagkunwari lang ito. Pinahid niya ang luha niya. “I hate him! Kung ayaw niya akong makita, mas lalong ayokong makita siya.”

“Wala na ang dalawa sa number one fan niya!” sabi ni Fridah Mae.

“Right!” Napangiti na lang siya. Hindi kawalan si JED sa kanya. Mawala man ito sa buhay niya, may bago naman siyang kaibigan. They are JED-haters now.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.