Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 77

“Anong ginawa mo, Jenna Rose? Bakit bigla ka na lang nag-walkout?” tanong ni Illyze sa kanya ilang minuto lang pagdating niya sa boutique.

“Nagtatanong ka pa kung bakit ako nag-walk out. Kita mo ngang si Jason Erwin Dean na ang kaharap ko kanina. Sino ba ang di magwa-walkout?” aniya at binuksan ang closet. Isa-isa niyang ihinagis sa kama ang damit niya.

“Well, you just did a grave mistake. Ang member ng The Switch ang pinaka-bagong member ng Stallion Riding Club. At dahil sa ginawa mo, akala tuloy ng lahat ng band members unwanted sila doon. Mabuti na lang maraming nag-request na kumanta sila at in-entertain sila nila Reichen. Kundi lagot ka. Magagalit tiyak si Reid. What you did is bad for the business.”

“Ano pa nga bang ginagawa ko? Hindi ba nag-eempake na nga ako,” aniya at hinatak ang traveling bag at ihinagis doon ang damit kahit naka-hanger pa.

“Jen, you are ruining the dress!” anito at pinigilan ang kamay niya. “Bakit ka nag-eempake? Saan ka pupunta?”

“Sa Antarctica nga, di ba?”

Pinigilan nito ang balikat niya. “Hey! Hey! Calm down! You don’t have to leave just because JED is here.”

“I have to leave. Or else I will go insane. I don’t want to see his face and I don’t want to hear his voice. Alam mo naman kung ano ang ginawa niya sa akin dati, di ba? Ayoko nang maalala iyon,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tuwing makikita niya ito, sasambulat na lang ang galit niya. Hindi niya makokontrol ang sarili.

Kung bakit naman kasi kailangan pang mag-member ni JED sa riding club. Nananahimik siya sa lugar na iyon. Masaya na siya. Stallion Riding Club was like a refuge for her. Tapos ay dadating ito at guguluhin ang buhay niya.

“Will you give up everything you worked hard for because you hate him?” tanong nito at umupo sa kama niya. “Oras na umalis ka sa riding club, paano na ang mga kliyente mo? Samantalang exclusive na haute couture ka dito. Isipin mo ang paghihirap mo na makipag-compete. Kung paano mong ipinaglaban ang mga creations mo samantalang mas maraming mas sikat na designer na nakipag-compete sa pwesto mo. Iiwan mo ba ang lahat ng iyon? It is not worth it.”

“Pero si JED.” Nasasaktan pa rin siya kapag nakikita ito. And she hated reminiscing about how much she liked him then. Katulad kanina, naalala pa niya ang gabi ng concert nito sa Araneta. Na parang naroon pa rin ng ilusyon niya na in love siya dito. Bakit di na lang siya bjasta magalit dito?

“You are a strong woman. Kaya mo siyang harapin. At saka hindi naman siya laging nandito sa riding club. With all the gigs, concerts and tours, he barely has time to spend here. He doesn’t have a villa here. Tingin ko kapristo lang nila ng bandmates niya na maging member dito.”

Bahagyang siyang napakalma. “Sa tingin mo rin?”

“Oo. Huwag ka na lang lalabas ng boutique mo kung nandito siya.”

Pinagsalikop niya ang kamay. “I am just scared.”

“Na ano? Na sasaktan ka ulit niya tulad nang dati?” Umamba ito ng suntok. “Subukan lang niyang kantiin ka. Ako ang makakalaban niya.”

Napangiti siya at niyakap ito. “Thanks. Hindi na ako aalis.”

Subalit saglit lang na namalagi ang ngiti sa labi niya. She was still scared that she didn’t hate him enough.

“WHAT a nice morning!” nakangiting sabi ni Jenna Rose paglabas niya ng boutique para mag-jogging. Bagong araw iyon para sa kanya. The air was cold. Ayaw na lang niyang isipin na iisang hangin langa ng hinihinga nila ni JED. “This is a start of a new day. Kailangan ko nang matutong mamuhay kasama ang halimaw na iyon. I am a fighter. And I will make sure that he won’t get the best of me this time!”

Iiwas sana siya sa hotel styled guesthouse kung saan tumutuloy si JED at ang iba pang member ng The Switch. “Bakit naman ako iiwas?” aniya at bahagyang umingos pagdaan sa guesthouse. “Malamang tulog pa iyon dahil magdamag silang nagkantahan sa Bistro.” Tiyak na di ito tinantanan nang kung anu-anong request. Parang welcome party kasi iyon sa grupo bilang bagong member ng riding club.

Normal na ang pakiramdam niya makalipas ang ilang minutong pagdya-jogging. Basta naman wala si JED sa paligid ay normal ang pakiramdam niya. Naramdaman niyang may sumabay sa kanyang tumatakbong kabayo maya-maya pa. Noong una ay di niya pinansin. Kadalasan naman kasi ay may mga members ng riding club na nagpapa-cute sa kanya. Magsasawa din naman iyon sa pagsunud-sunod kapag di niya kinausap o sinulyapan man lang.

“Good morning, my fairy!”

Nagulat siya nang marinig ang boses ni JED. Di niya napigilan ang sarili na lingunin ito. He was riding a horse and he was wearing a black sando and blue jeans. He looked like a rebel rockstar on horseback. That made him raw and masculine. Parang sanay nga itong sumakay ng kabayo tulad nang kung gaano ito sa kasanay na mag-perform sa stage. His form was perfect. And he was so handsome he simply took her breath away. He just rendered her speechless.

Sa katitingin niya dito ay di niya napansin ang ugat ng puno na nakausli sa harapan niya. Napatili siya nang matalisod siya at sumadsad siya sa semento.

Naramdaman niya na masakit ang kamay at tuhod niya dahil sa gasgas. Pero mas matindi ang kahihiyang dinadanas niya. Grabe! Nakakahiya ito. I told myself that I don’t care about him anymore. Na iisipin kong di siya nag-e-exist. But how could I ignore his existence if he is so handsome and so male? Lumalabas tuloy ang katangahan ko dahil sa kanya.

“Jenna Rose!” tawag nito sa pangalan niya at bumaba ng kabayo. Inalalayan siya nitong tumayo. “Are you okay?”

Mas maagap na siya sa pagkakataong ito. “Don’t touch me!” saway niya dito. She didn’t want to succumb to his charm anymore. She was not a seventeen-year-old starry-eyed teenager anymore. She was twenty-three now and more matured.

“I am sorry,” malungkot na usal nito.

“May magagawa pa ba ang sorry mo? Nadapa na ako. And it is all your fault.” Kung bakit hahara-hara ang kaguwapuhan mo sa riding club. Minamalas tuloy ako.

“You are bleeding!” bulalas nito at inilabas ang panyo sa bulsa. Umuklo ito sa harap niya at walang sali-salitang tinalian ang nagdudugo niyang tuhod. Di siya makapagsalita at natigagal na lang dito. “I am sorry but I have to do this.”

Bago pa siya nakapagtanong ay binuhat na siya nito. “W-Wait! Where are you taking me?”

“Sa clinic. Ayokong ma-infect ang sugat mo.”

“Isasakay mo ako sa kabayo mo? Ayoko!”

“I don’t have to argue with you.” His face looked grave serious. And there was no gentleness in it. Parang buo na ang desisyon nito.

“Do you know the riding club’s tradition? Alam mo ba ang ibig sabihin kapag nakita ng ibang tao na nakasakay lang tayo sa iisang kabayo?” Gusto niyang magpumiglas para makababa. But his arms were so strong around her. Parang kayang-kaya nitong pigilan siya kahit na magwala pa siya.

“Do you think I care about the tradition and what other people would think at the moment?” he asked. “Iisipin ko pa ba iyon kung mas importante ang buhay mo?”

“B-Buhay ko?” naguguluhan niyang usal nang isakay siya nito sa kabayo.

Sumampa din ito sa likuran niya. “Yes. Baka may internal injury ka pa.”

“Nadapa lang naman ako. Kaya kong gamutin ang sugat kong mag-isa.” Kung may internal injury siya, malamang ay katangahan na lang niya iyon.

“Doktor ang bahalang mag-confirm niyan. So for now, stop arguing with me.”

“Ikaw ang bahala,” aniya at nanahimik na lang.

Natunaw na ang lahat ng pagtutol niya. The truth was she felt safe with his arms around her. Naalala niya nang gabing magkaroon ng stampede sa concert nito. At first, she was protecting him. Pero sa bandang huli ay ito na ang nagprotekta sa kanya. And she still felt the same way. Na parang handa siya nitong alagaan at hindi nito hahayaan na masaktan siya.

Jenna Rose, ayan ka na naman. Nangangarap ka na naman, sermon niya sa sarili. Ngayon lang iyan. Oras na magamot ka na ng doktor, di mo na pwedeng ilusyunin ang lalaking iyan. He is your nemesis now. He broke your heart and put you in jail after everything you did for him. And that was unforgivable.

“WALA namang problema sa sugat mo. It is just an ordinary superficial wound. It would dry up in a few days. At wala rin iyang scar kung gagamitin mo ang ointment na ini-recommend ko sa iyo,” anang resident doctor ng riding club.

“Thank you, Doctora,” aniya.

“Mag-thank you ka kasama mo. Kung umarte siya parang mamamatay ka na. Akala ko kung anong emergency ang sinasabi niya kanina. Hindi ba siya si JED ng The Switch? I think he likes you,” panunukso pa nito.

“I don’t think so,” she said with a grim smile. Dati ay naisip na rin niyang gusto siya ni JED. She expected too much until he hurled it back to her face that she didn’t mean a thing to him.

“Huwag ka munang mag-jogging,” sabi ni JED. “Baka masakit pa ang tuhod mo. The doctor said that you are out of danger.”

“Ikaw lang naman ang nag-insist na may internal damage ako. Anyway, thanks for the concern,” matabang niyang sabi.

“It is nothing. Ayoko lang na makita kang nasasaktan.” Ngumiti ito. “Do you want to join me for breakfast? We haven’t seen each other for a long time. Magkwentuhan tayo. Sa palagay ko marami tayong mapag-uusapan.”

“I am busy,” walang kangiti-ngiti niyang sabi. “I am not here for a vacation. Wala akong oras makipag-kwentuhan. Trabaho ang ipinunta ko dito.”

“Some other time maybe. How about lunch or dinner later?”

Huminga siya nang malalim. Di na kasi niya niya mapigilan ang matinding iritasyon dito. “Do you really think that the sun shines and sets on you, Mr. Dean? Na kahit anong gawin mo, okay lang. Walang magagalit. Because you are a famous rockstar and you think that girls would kiss the ground you walk on?”

Nagulat ito. “W-Wait! Na-offend ba kita dahil sa flowers na ibinigay ko kagabi? Then I apologize. Baka…”

She rolled her eyes. Mas lalo lang siyang nairita sa pagso-sorry nito. Dahil di nito nare-recognize ang totoong kasalanan nito sa kanya. Ang malaking kasalanan nito sa kanya. “Enough! Just don’t say anything,” she said as she gnashed her teeth.

Sumakay siya sa dumadaang golf cart. Ni hindi na niya tinapunan ng tingin ang naguguluhang binata. “The nerve!” gigil niyang usal. “Matapos ang ginawa niya sa akin, nagpapa-inosente pa siya ngayon. Na parang di niya ako ipinatapon sa kulungan. And now he is acting as if he was thrilled to see me? Nagagawa pa niyang magtanong kung bakit ako galit. He is the most insensitive guy I ever know. I really, really hate him this time!”

RELAX na relax ang pakiramdam ni Jenna Rose habang sina-shampoo siya sa salon gamit ang Stallion Shampoo and Conditioner. Maya maya lang ay pupunta siya sa meeting ng gagawing commercial ng shampoo. Siya ang tatayong costume designer katulad nang ilan nang naunang commercial. Pero sa pagkakataong ito, nararamdaman niya na mas matsa-challenge siya sa trabaho. Mukhang may bago na namang pakulo ang CEO ng manufacturer ng Stallion Shampoo na si Neiji Villaranza.

“Pati ikaw magpapaganda rin para sa commercial?” tanong ni Yoanna, ang manager ng Stallion Guesthouse. Katulad niya ay nagpapa-salon naman ito. Iyon lang daw kasi ang form of relaxation nito lalo na kapag day off.

“Of course. Gusto ko ng new look para ma-inspire akong gumawa ng costume.” Magpapa-trim lang siya ng buhok at magpapalagay ng bangs.

“Baka naman inspired kang magpaganda dahil kay Jason Erwin Dean.”

“Of course not.” Inikot niya ang mga mata. Kung alam lang nito na kaya siya relax na relax siya ay dahil hindi na niya nakikita si JED. Ang balita niya ay busy ito sa mga gigs at tour nito kaya di ito makakadalaw sa riding club.

“Ikinuwento sa akin ni Doktora na inangkas ka daw ni JED sa kabayo niya. Sweet pa nga daw kayong dalawa,” nanunukso nitong sabi.

“Nakonsensiya lang siya dahil kasalanan niya kung bakit nadapa ako.”

“I guess he is better than other guys here at the riding club. I think he really cares for you. Isn’t it romantic?”

“Dapat ikaw ang magkaroon ng romance,” kantiyaw niya dito. “Mas maganda iyon kaysa nakikikilig ka lang sa lovelife ng ibang tao. Masyado ka kasing pihikan.”

“Naku! Ayoko ng komplikadong buhay. Resign na ako diyan,” anito at di na nagsalita pa. Pagdating sa lovelife nito o sa nakaraan nito ay di ito palakwento. Habang siya ay si JED lang ang bahagi ng nakaraan niya na di niya maaring ikwento.

She felt new and vibrant when she entered the conference room. Sinalubong siya ng bading na promotions head ng Stallion Shampoo and Conditioner na si Arnette. “Hello, sister! You are late!”

“On time lang ako,” aniya at ipinakita ang relo. Natigilan siya sa pagpapalusot nang makitang okupado na halos lahat ng upuan sa conference table. “Well, I’m sorry I am late.”

“You are forgiven,” sabi ni Arnette. “Binawi mo naman dahil mataray ang bangs mo. Akala ko tuloy ikaw ang bagong endorser ng shampoo.”

“Kuripot ang CEO ninyo. Hindi niya kaya ang talent fee ko,” pabiro niyang sabi. Kada may commercial kasi na gagawin para sa Stallion Shampoo and Conditioner, lagi na lang tinitipid ng CEO na si Neiji Villaranza ang pondo. Ginagamit nito ang mga koneksiyon nito at mga kaibigan para di maningil ng mataas na talent fee. Mabuti na lang at di nito tinitipid ang bayad sa kanya.

Humalukipkip si Neiji. “Anong tinitipid? You will see how extravagant this commercial will be once you hear my plans.”

Umupo siya sa tabi ng bag designer niya na si Marist. “Ako na lang ang late?”

“Hindi. May hinihintay pa daw. Na-trafffic daw kasi.”

Pasimple nilang pinag-uusapan ni Marist ang mga susunod na trend sa fashion world nang bumukas ang pinto at pumasok ang members ng The Switch.

“I am sorry, we are late,” wika ni JED.

“The Switch!” pagpapakilala ni Neiji. “Their new song will be the commercial’s theme. And I am sure that everyone will love it.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.