Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 78

Lumilipad ang utak ni Jenna Rose habang pinakikinggan ang kanta ni JED ang magiging commercial jingle ng Stallion Shampoo and Conditioner. He was singing the song he sang during the concert years ago. Ngayon pa lang ire-release ang kantang iyon. And it was ‘their’ song. Ang kantang dati niyang inakala na para sa kanya. It only bothered her.

Bakit naman sa dinami-dami ng pwede niyang kantahin, iyang kanta pa na iyan? Parang nananadya. How could she hate him if he was singing such a romantic song? Parang natutunaw ang puso niya. Kahit nga ang mga babae sa conference room ay nakatulala na lang dito at parang gusto na ring ma-in love. At tukso pa na paulit-ulit na nagpe-playback sa utak niya ang nangyari sa concert doon. Nang protektahan at yakapin siya nito sa harap ng maraming tao.

At dahil ako ang costume designer sa commercial, lagi pa kaming magkakasama. Gusto ni Neiji na siya mismo ang magmo-monitor ng costume sa set para tiyak na maaayos kapag may problema. Lagi silang magkikita.

“Kailan mo kaya ako kakantahan ng ganyan?” narinig niyang tanong ni Marist kay Emrei na nobyo nito.

“Don’t count on it,” Emrei said grimly. “Ipagpapatayo na lang kita ng palasyo pero hinding-hindi mo ako mapapakanta.”

“Kaya nga The Switch ang bahala sa commercial theme at hindi si Emrei,” natatawang sabi ni Arnette. “Don’t worry, Emrei. Wagi naman ang kaguwapuhan mo. And our endorsers for Stallion Shampoo and Conditioner are two of our grand dream raffle winners, Winry and Marist.”

“T-Teka, bakit pati ako kasama sa model?” tanong ni Marist. “Bag designer lang naman ako dito, ah!”

“Marist, you are the symbol of every woman’s dream!” paliwanag ni Arnette. “Na natupad ang pangarap mo dahil sa Stallion Shampoo. Complete with your dream guy, of course. Makaka-partner nila ang real life sweetheart nila na member ng riding club na sina Neiji at Emrei. And the concept of our commercial is dreams shine with Stallion Shampoo and Conditioner.”

“Kasama ka rin?” tanong ni Marist kay Emrei.

Nahaplos ni Emrei ang batok. “I have no choice.” Malaki kasi ang utang na loob nito kay Neiji at sa Stallion Shampoo. Kundi ay di ito mapapalapit sa dating man-hater na si Marist. Kaya di ito makakatanggi.

“Pati ba si Neiji kasali din?” tanong niya at binalingan ang CEO ng manufacturing company ng Stallion Shampoo.

“Yes, kasali siya!” sagot ni Winry na asawa ni Neiji. “Ang totoo, wala kaming talent fee dito kaya naisip niyang kami na lang ang model. Ibibigay na lang daw namin ang talent fee namin para sa The Switch.”

Umugong ang tawanan at kantiyawan. Pagdating kasi sa pagkakuripot, si Neiji ang bida. Kaya nga ito patuloy sa pagyaman.

“Why not?” singit ni Eunice. “They are the best.”

“Nobody would argue with that,” anang si Neiji.

Nagpatuloy ang meeting at ipinakita ang storyboard ng commercial. Sa magagandang lugar sa riding club isu-shoot ang commercial. Ang finale ay isang grand party sa garden ng guesthouse, serenaded by The Switch.

Pagkatapos ng meeting ay nagulat siya nang lapitan siya ni JED. “Congratulations!” bati nito. “Gaya ng sinabi ko dati, magiging successful fashion designer ka. I am looking forward working with you.” At inabot ang kamay sa kanya.

“T-Thank you,” aniya at napilitang kamayan ito. She was amazed. Natatandaan pa nito na pinuri nito ang creations niya at talent niya sa isang fashion gala noong college siya. O baka naman parte lang iyon ng pambobola nito?

“Do you know that I joined the riding club because my girlfriend wants to wear your exclusive creation?” anang si Martey, ang drummer ng banda. “She’s raving about those gowns. Naiinggit siya sa mga kaibigan niya na may boyfriend dito sa loob ng riding club. Kailangan daw matuto rin akong mag-horseback riding.”

“Oo. Gusto ko rin ng girlfriend ko ang hand painted gown,” dagdag ni Mig, ang lead guitarist. “Di naman kami katulad ni JED na interesado talagang makapasok dito. Dati kasing may ranch ang lolo niya.”

“Really? Hindi ko alam iyon,” nausal niya.

“My father forfeited it. Magaling kasi siyang magpatalo sa casino,” nakangiting sabi ni JED. Subalit nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

“I wonder, si JED mismo ang nagpakita sa mga girlfriend namin ng mga designs mo sa magazine,” naghihinalang sabi ni Marty. Weird nga naman para sa isang rockstar na magkahilig sa gawa ng fashion designer na tulad niya na puro feminine ang ginagawang damit.

“Maganda naman talaga ang designs niya,” katwiran ni JED. “And you should know what your woman wants. How about you, Eunice? Gusto mo ring magpa-design ng gown?”

“I have a different preference,” walang gatol na sabi ni Eunice. “I’ll wait for you at the van. We have to go back to Manila. May rehearsal pa kayo.”

“I apologize for Eunice behavior,’ wika ni JED.

“It is okay. I can’t force everyone to appreciate or wear my creations.” Sadya namang mainit ang dugo sa kanya ni Eunice noon pa man. “Katulad nang di ninyo mapipilit ang lahat ng tao na magustuhan ang music ninyo.”

“Ayaw mo na ba sa music namin?” tanong nito.

Saglit siyang napipilan. She didn’t really hate their music. She just stopped listening to them because of personal reason. It was JED himself. “I-I like your new song,” nasabi na lang niya. “Iyong gagamitin ninyo sa commercial. A guy would sing that to a woman he loves. I am sure it will be a great hit.”

Ginagap nito ang dalawang kamay niya. “Really? You like it?”

“Yes. Magugustuhan din tiyak ng ibang fans ninyo.” HIndi siya komportable na hawak pa rin nito ang kamay niya. “See you around, JED.”

“See you around,” anitong lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Tumikhim siya. “My hands. Hawak mo pa rin.”

Marahan nitong binitiwan ang kamay niya. “S-Sorry.”

Bahagya niya itong nilingon nang naglalakad na siya palayo. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Iniwas agad niya ang tingin at dali-daling naglakad palayo. “Don’t look back anymore, Jenna Rose. Kapag bumalik ang nararamdaman mo sa kanya, tiyak na masasaktan ka lang ulit. Tama na. Huwag ka nang magpadala sa ngiti niya. O sa maganda niyang boses.” Huminga siya nang malalim. “Kahit na mahirap.”

DI MAIWASANG sumimangot ni Jenna Rose habang pinagmamasdan ang blangko niyang drawing pad. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiisip na design para sa gown na gagamitin sa commercial. Kailangan niya ng dalawampung design maliban pa sa special gown na gagamitin nina Winry at Marist.

“It is almost time for my vacation.” Kada tatlong buwan kasi ay lumalabas siya ng bansa para makapag-relax. Pero wala siyang oras para magbakasyon sa dami ng trabaho. “Kung di ko lang naiisip si JED, di ako magkakaganito.”

Mag-iisang linggo na mula nang matapos ang meeting. Na-pressure lang siya na makakasama niya ito sa trabaho. Ayaw na tuloy gumana ng utak niya. Wala siyang pinagkaiba noong teenager pa siya.

“Saan ka pupunta, Ma’am?’ tanong ni Riziel.

“Sa falls. Kayo na muna ang bahala dito.” Baka sakaling makapag-relax siya. Wala kasing tao sa forest trail nang bandang hapon. “Bakit ko pa ba iniisip ang JED na iyon? Siguro lahat ng babae pinupuri niya. Di ako papaapekto sa pambobola niya. Alam ko na kung ano ang totoong kulay niya.”

Tuloy-tuloy siya gilid ng falls. Ibababad sana niya ang paa niya sa tubig nang marinig niya ang strum ng gitara. “You really look like a fairy.”

Nagulat siya dahil akala niya ay walang tao. Kadalasan kasi ay sakay ng kabayo ng nagpupunta sa Forest Trail. Nakita niya si JED na nakaupo sa isa sa mga nipa cottage sa gilid ng falls. Tumuwid siya nang tayo. “JED!” bulalas niya I am sorry.” Hawak nito ang gitara. “HIndi ko alam na may ibang tao.”

“It is okay. Nagko-compose ako ng kanta.” Inilapag nito ang gitara sa bench na kawayan ng cottage at lumapit sa kanya. “Nakakapag-relax kasi ako dito. At na-preserve ang natural environment. Nag-iisip ka rin ba ng design?”

“Oo sana.” Pero kung naroon ito, tiyak na malayo sa relaxation ang iisipin niya. Natutuliro na ang utak niya.

Binalikan nito ang gitara at naglakad palayo. “Then I’d better leave.”

Inunahan niya itong maglakad. “HIndi. Ikaw na lang dito. Ako na ang aalis.” Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang malagpasan ito. Pupunta na lang ako sa Hawaii o kaya sa Bali. Doon ako magbabakasyon. Dahil kahit saan yata ako pumunta dito sa riding club, naiisip at nakikita ko siya.

“Jen, wait!”

Hinatak nito ang kamay niya at kinabig siya palapit sa katawan nito. Then he held her head against his chest. She was shaken to the core. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa iyon. Subalit napakalakas ng kaba niya. Umuugong na ang tainga niya sa sobrang lakas. It was louder than the roar of the waterfalls.

Sinubukan niyang iangat ang ulo at ilayo ang katawan dito. “JED, I…”

Lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “I am sorry. I have to do this. Ito lang ang naiisip kong paraan para makinig ka sa akin.”

“Wala naman tayong kailangang pag-usapan…”

“Shhh… huwag ka munang magsalita.” He gently touched her hair. As if he was trying to comfort her. “Makinig ka lang sa akin. I don’t want to argue with you. Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa iyo. Call me stupid but I don’t know why you hate me.”

Mariin siyang pumikit.“Paano mo nasabi na hindi ka nakasakit sa ginawa mo?”

“Then tell me about it.”

Pinili niyang ipinid na lang ang bibig. She preferred to be in his arms. Ayaw na niyang ungkatin pa ang nakaraan. She was satisfied to stay that way. Ang isipin na hindi siya nito sinaktan kahit sandali lang.

“I am sorry if I hurt you. Kung anuman ang ginawa ko, tandaan mo na hindi ko intensiyon na saktan ka. I will never hurt you, Jen. Please forgive me.”

Bahagya siyang lumayo dito. Pinagmasdan niya ito. His eyes were full of sorrow. As if he was sincere in apologizing. “Sana nga totoong di mo ako intensiyon na saktan ako. At hindi ko alam kung dapat nga kitang patawarin. I don’t have to tell you about it. Mas mabuti pang ikaw mismo ang maka-recognize ng sarili mong pagkakamali saka ka mag-sorry sa akin.” She tentatively walked backwards. “Aalis na ako. Goodluck sa kantang kino-compose mo.”

“Will you keep on treating me coldly? Iiwasan mo pa rin ba ako kahit na magkakatrabaho tayong dalawa?” tanong nito.

“I am a professional, JED. Don’t worry, I will try to treat you more nicely next time.” Kahit pa nga lagi na lang may naghahabulang daga sa didbib niya tuwing nagkakausap silang dalawa.

“You are the nicest person I know. That’s the Jenna I know. That’s my fairy,” narinig niyang sabi nito habang naglalakad siya palayo.

“Fairy?” usal niya sa sarili. “He called me fairy again.” Hinaplos niya ang pisngi. “Kasing ganda ba talaga ako ng fairy?” Natigilan siya nang maramdaman na kinikilig siya. Napasimangot siya at sinipa ang nadaanang bato. “Malakas ang loob niyang tawagin akong fairy pero di naman niya alam kung bakit ako nagagalit sa kanya. Paano kung ipamukha ko kaya sa kanya ang ginawa niya sa akin dati?”

Paano kung yakapin ulit siya nito habang nagso-sorry? Baka sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang matunaw ang galit niya dito.

Humalukipkip siya. “Sa susunod, hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataon na magpa-cute sa akin. Hindi na rin niya ako makukuha sa payakap-yakap niya. Kung gusto niyang patawarin ko siya…” Namula siya nang maisip ang ideya na hahalikan siya nito para mapatawad niya. “No way! Hanggang yakap na lang siya.”

Kung sa yakap nga lang ay nagulo na ang sistema niya. Lalo na siguro kapag hinalikan siya nito. “Baka mahalin ko lang siya ulit.”

“SINO bang model iyon at hindi sumisipot sa fitting? Kailangan pang gawin akong fitting model para lang magawa ang damit niya,” nakatirik ang matang reklamo ni Jenna Rose habang ipini-fit sa kanya ang damit na gagamitin para sa finale ng commercial. Ilang araw na lang kasi ay isu-shoot na ang commercial kaya minamadali na ang costume.

“Nasa Paris pa daw. Kaya nga nagpadala na lang ng measurement niya,” paliwanag ni Arnette. “Pasensiya ka na, sister. Magka-size kasi kayo kaya magtiis ka na lang munang maging fitting model, ha?”

“Ano pa nga bang ginagawa ko?” usal niya nang makaalis si Arnette.

“Okay lang iyan. Sexy ka kaya bagay kang fitting model,” wika ni Bianca.

“Hello! Hello!”

Napalingon siya sa pinto pagpasok ng maingay na babae sa boutique niya. She was wearing a fuchsia wide-brimmed hat, fuchsia sunglasses and a fuchsia mini-dress. Pati ang sapatos nito ay fuchsia din. Isang babae lang ang kilala niyang malakas ang loob na magsuot nang ganoong klaseng damit. Ang babaeng fuchsia.

”Fridah Mae!” tili niya at niyakap ang kaibigan. “Paano ka nakapasok?”

“Tinanggal nito ang sunglasses. Nakalimutan mo na yatang marami akong connection. Nakakapagtaka pa ba na makapasok ako dito.”

“Well, what’s with the sudden visit?” Naging magkaibigan na sila nito mula nang mangyari ang trahedya sa kanila dahil kay JED. Subalit ngayon lang ito dumalaw sa Stallion Riding Club. Sa labas kasi sila madalas magkita.

Tinanggal nito ang sunglasses at ang wide brim hat. “Well, I heard that the members of The Switch are here. Dito daw ang location ng Stallion Shampoo and Conditioner commercial at sila ang kakanta ng theme song.”

Kumunot ang noo niya. “At paano mo nalaman?”

“Member ako ng online fans club nila,” kaswal nitong sabi. “Naka-post sa blog nila kagabi kaya bumiyahe agad ako pa-Manila para I-confirm kung totoo.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Teka, akala ko ba usapan natin wala na tayong pakialam sa kanila? Na isinusumpa na natin sila?”

“Ha? May usapan ba tayong ganyan?” anitong biglang nagulat.

Nasapo niya ang noo. “Fridah Mae!”

Humalakhak ito. “Kay JED lang naman tayo galit, di ba? Hindi kailangang madamay ang iba pang members. Nandito ba sila ngayon?”

“I don’t know and I don’t care,” aniya at umingos.

“Nag-horseback riding sila at nagpa-reserve ng lunch sa Rider’s Verandah,” kinikilig na sabi ni Riziel.

“At paano ninyo nalaman?” nakataas ang kilay niyang tanong.

“Fan din nila ako, Ate,” wika nito. “Natural lang na malaman ko ang lahat.”

Hinatak ni Fridah Mae ang kamay niya. “Mag-lunch tayo sa Rider’s Verandah.”

“Okay lang sa iyo na makita si JED? Baka nakalimutan mo na kung ano ang ginawa niya sa atin dati.”

“Hindi naman siguro niya tayo ipapakulong kapag nakita niya tayo, hindi ba? Maliban na lang kung maha-harass ko siya. Okay lang magkasala basta siya ang kapiling. Aminin mo na. Mas guwapo siya kaysa dati.”

“Akala ko kaibigan kita,” singhal niya. “Taksil ka pala.”

“Pipiliin ko pa rin ang The Switch kaysa sa friendship natin. At oras na hindi mo ako samahan sa Rider’s Verandah, ipagkakalat ko sa buong riding club na dati kang patay na patay kay JED!” banta nito.

Naningkit ang mata niya. “Don’t you even dare!”

Ngumisi ito. “Sasamahan mo na ba ako?”

Hindi maipinta ang mukha niya nang samahan si Fridah Mae sa Rider’s Verandah. Kapag nagbanta si Fridah Mae ay tinutupad nito. Ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon niya oras na malaman ng iba ang tungkol kay JED.

“Behave! Huwag magtititili kapag nakita mo sila.”

“Oo. Hanggang tingin lang ako,” anito habang palinga-linga.

Ibinalik niya ang tingin sa menu. Subalit malakas ang hinala niya na mas masahol pa doon ang gagawin ni Fridah Mae.

“Your order, Ma’am?” tanong ng service crew.

“Dumating na ba ang The Switch?”

Napangiwi siya. Sabi na nga ba niya! “Fridah Mae!” mariin niyang usal.

“Wala pa po sila, Ma’am. Pero nagpa-reserve po sila for lunch. Baka po dumating na sila anytime soon.”

“Sinabi ko sa iyo na mag-behave ka, hindi ba?” paalala niya dito.

“Nagtanong lang naman ako.” Napatingin sila sa entrance ng restaurant nang may tumiling mga babae. Kasabay niyon ay nakita niya ang pagpasok ng The Switch sa restaurant. “Nandito na sila!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.