Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 79

“JED!” Pumunit ang sigaw ni Fridah Mae sa buong Rider’s Verandah. “JED, I am here!” wika pa nito at kumaway.

“Oh, God!” usal niya at muntik nang ibaon ang ulo sa tablecloth. Sabi na nga ba’t malaking pagkakamali na ilapit ito kay JED. Isa iyong malaking kahihiyan. Lalo siyang yumuko nang nakangiting tumingin si JED sa direksiyon nila.

Kinalabit siya ni Fridah Mae sa braso. “Napansin na niya ako.” Impit itong tumili. “Palapit na siya dito.” Pasimple nitong hinaplos ang buhok. “Iba talaga ang kagandahan ko. He can’t resist me.”

“Paglabas natin dito, kalimutan mo nang magkaibigan tayo,” aniya at tinitigan ang flower arrangement na nasa gitna ng table. Magkukunwari na lang siya na walang nakitang JED. At wala siyang kasamang Fridah Mae.

“Hi, Jen!” bati sa kanya ni JED. “Mabuti naman may time ka na lumabas sa boutique mo. Lagi ka lang daw kasing nagpapa-deliver.”

“Busy kasi ako. Lumabas lang ako dahil dinalaw ako ng friend ko.”

Tumayo si Fridah Mae at kinamayan si JED. “Hi, JED! I am Fridah Mae. Natatandaan mo ba ako? Ako ang number one fan mo. I protected you during the stampede. It is really good to see you again.”

Kumunot ang noo ni JED. “Fridah Mae?”

Hinampas nito si JED sa balikat na parang close na close na ang mga ito. “Don’t tell me you don’t remember me anymore? Farrah Mae pa nga ang tawag mo sa akin. Sweet na sweet ka pa sa akin dahil dinalaw mo ako sa ospital.”

“Oh, yes! I remember now. Magkasama pa nga kayo ni Jen nang dalawin ako sa ospital dahil sa car collision. Thank you.”

Yeah, right! Ang sarap naman ng thank you mo samantalang ipinakulong mo kami. How grateful!

“I am afraid I have to go back to my bandmates. May importante kasi kaming pag-uusapan,” sabi ni JED. “But would you like to go to Forest Trail later, Jen? Masarap mag-horseback riding ngayon dahil di mainit.”

“Busy ako, eh! Si Fridah Mae na lang ang yayain mo.”

“That is a lovely idea!” Yumakap si Fridah Mae sa braso nito. “Matagal tayong di nagkita kaya sa palagay ko marami tayong pagku-kwentuhan. Excited din akong malaman ang tungkol sa commercial ninyo na dito isu-shoot.”

“I’ll fetch you later then.” Saka pasimpleng tinanggal ni JED ang nakapulupot na braso ni Fridah Mae. “Enjoy your lunch.”

“Anong nangyari sa damit mo?” tanong niya kay JED. Nang iangat kasi nito ang kamay ay napansin niya ang punit sa gilid ng shirt nito. Hindi kasi nito suot ang conventional riding uniform ng riding club. “Bakit may punit?”

“Ah, this one?” anito at tiningnan ang nisnis sa tagiliran. “Sumabit siguro kanina nasa Forest Trail ako. Pumasok kasi ako sa mismong forest. Hindi ako nag-stay sa trail. Marami pa mandin akong nadaanan na mga sanga-sanga kanina.”

“Dalhin mo sa boutique ko mamaya. I’ll fix it.”

“But you are busy. Makakaabala pa ako sa iyo.”

Nagkibit-balikat siya. “It won’t take long to fix your shirt. Bagay kasi sa iyo ang shirt mo. Sayang naman kung sira.”

He laughed lightly. “Yes, you are right.”

“You still look good even with a torn shirt,” wika naman ni Fridah Mae.

“Iba pa rin ang pakiramdam ng may nag-aalaga,” malapad ang ngiting sabi ni JED at sinulyapan siya. Di niya alam kung bakit nginitian rin niya ito. Sinundan pa niya ng tingin si JED hanggang makarating sa table nito.

That feels so good. Masarap siyang ngitian kaysa sungitan.

Ipinitik ni Fridah Mae ang daliri sa mukha niya. “Ano iyon? Ano iyon? Di ka na nasiyahan na itinahi siya ng damit, may pangiti-ngiti pa kayong dalawa. I thought you really, really hate him?”

“I do. Pero naawa lang ako dahil may punit ang damit niya.”

“Maaawa ka sa kanya? Kayang-kaya nga niyang bumili kahit sampung damit pa na ganoon. Ni hindi na niya kailangan ng punit na damit.”

“As a designer, masakit sa akin na makitang di na maisusuot ang damit na tinahi ko. I empathize with the dress itself. Sayang naman kung di na magagamit samantalang maliit lang naman ang sira.” Isa pa, naisip niya ang sinabi ni JED. Iba daw ang pakiramdam nang may nag-aalaga. The thought made her smile. Kung si JED ang tipo ng lalaki na nakaka-appreciate ng mga simpleng bagay, tiyak na masarap din itong alagaan.

“For now, I will accept your reason. Kahit na di ko alam na dapat maki- empathize sa isang damit. Wala naman iyong pakiramdam.” Humalukipkip ito. “Basta tiyakin mo sa akin na hindi ka interesado kay JED.”

“Hindi nga. Interesado akong tahiin ang damit niya at hindi sa kanya.”

“Hindi ka magseselos kahit na mag-date kami?”

“No! No! No!” mariin niyang tanggi.

PASIMPLENG dumungaw sa bintana si Jenna Rose. Nang di makita kahit anino ni Fridah Mae o ni JED ay binalikan niya ang gown na nilalagyan ng sequence.

“Ma’am, nakakahilo naman kayo,” anang si Bianca. “Kanina pa kayo tingin nang tingin diyan sa bintana.”

“Oo nga. Sana sumama na lang kayong mag-horseback riding para hindi kayo silip nang silip. Ang hirap talaga ng nagseselos,” dagdag ni Riziel.

“Hindi ako nagseselos. Ni hindi ko nga gusto si JED. Nag-aalala lang ako para kay Fridah Mae dahil di pa rin siya bumabalik hanggang ngayon. Malapit nang magdilim pero wala pa rin siya.” Hinarap niya ang mga ito. “Saka magtrabaho nga kayo diyan. Huwag na lang ninyo akong pansinin dito.”

“Alam ba ninyo, may kakilala ako na galit na galit daw siya sa isang lalaki. Pero nang makita niyang may punit, tinahi naman niya. Siya pa ang nagprisinta. Hindi daw niya gusto pero inaamoy-amoy niya ang damit habang tinatahi niya.”

Napalingon siya kay Karyl. “W-What the…” Pinigil niya ang bibig. Nakita siya nito na inaamoy-amoy ang shirt ni JED? Mariin siyang pumikit. Gusto man niyang komprontahin ang mga ito, tiyak na siya ang maigigisa sa huli. Nanahimik siya.

“Talaga?” tanong naman ni Bianca. “Akala ko ba ayaw niya doon sa guy.”

“Oo nga. Anong tawag sa ginagawa niya?” tanong ni Karyl.

“It must be love!” duet nina Riziel at Bianca.

“May kukunin lang ako sa kuwarto ko,” paalam niya at umakyat sa hagdan. Di na kasi niya matatagalan ang pangangantiyaw ng mga ito sa kanya. Oh, no! I am sure iniisip nila ngayon na gusto ko si JED. Bakit ba inamoy-amoy ko pa ang shirt niya kanina? Mukha tuloy akong tanga.

JED”s shirt still possessed his masculine scent. Naalala lang niya nang isakay siya sa kabayo at nang yakapin siya nito noon.

“Ma’am, nandito na si Miss Fridah Mae,” untag sa kanya ni Karyl.

Nagdadabog na pumasok si Fridah Mae sa boutique niya at ibinagsak ang sarili sa couch. “How’s your date?” tanong niya.

“That guy is so annoying! HIndi man lang siya maka-recognize ng tunay na kagandahan! Nakakainis!” usal nito at tumayo. Saka nagkulong sa restroom.

“Anong problema niya?” tanong niya.

Maya maya pa ay isang lalaki na nakasuot ng uniform ng flower shop ang umasok sa boutique bitbit ang isang basket ng yellow roses. “Delivery for Miss Jenna Rose,” nakangiti nitong sabi.

Pinagkulumpunan ng mga tauhan niya ang mga bulaklak habang pumipirma siya sa delivery receipt. “Uy, yellow roses! Kanino galing?” tanong ni Riziel.

“Sa akin ba iyan?” tanong ni Fridah Mae paglabas ng restroom. Inagaw nito ang card sa kamay niya at binasa ang nakasulat. “Thanks for fixing my shirt. I hope that we can go out sometimes. JED.” Nawala ang ngiti sa labi nito at maang na napatingin sa kanya. “Fixing my shirt? Sa iyo ito?”

“Oo. Iyon din ang sabi ng nag-deliver,” aniya at nakagat ang labi. Ayaw niyang may isiping hindi maganda sa kanya si Fridah Mae. Ito nga naman ang kasama ni JED kanina pero siya ang pinadalhan ng bulaklak.

“Nasaan ang flowers ko?” tanong ni Fridah Mae.

“Ah… Baka na-traffic?”

Nagdadabog itong umakyat ng hagdan papunta sa kuwarto nito. “This is so unfair! Ako ang ka-date niya kanina pero ikaw ang binigyan niya ng bulaklak!”

“Nagte-thank you lang siya dahil tinahi ko ang shirt niya,” paliwanag niya. Ayaw niyang masira ang friendship nila ni Fridah Mae dahil lang kay JED. Bakit nga ba siya lang ang pinadalhan ng bulaklak ni JED?

“Ganoon lang ba talaga iyon? Wala nga siyang bukambibig kundi ikaw. Nang magpunta kami sa falls, sabi niya doon ka din daw nagpupunta kapag gusto mong mag-isip ng designs mo. Tapos kung anu-ano pa ang ikinuwento niya. I thought that you dislike him. Bakit parang madalas kayong magkasama at madami siyang alam tungkol sa iyo?” matalim ang mata nitong tanong sa kanya.

Umiling siya. “Hindi ko alam. I don’t like him, remember?”

“I don’t think you really hate him like what you are claiming. Nakita ko iyon nang magprisinta kang ayusin ang punit sa damit niya.”

“Fridah Mae, it is just the shirt. Sa palagay mo ba magugustuhan ko siya matapos ang ginawa niya sa atin dati?”

Nagkibit-balikat ito. “Why not? Napatawad ko na siya. After all, he is a very nice guy. Masaya siyang kasama kahit pa nga wala siyang ipinakitang ibang motibo sa akin. He is a gentleman. I think he is nice to you as well.”

“Madali siguro sa iyo na magpatawad. But I don’t think I can easily forgive him. Nag-sorry nga siya sa akin dati pero ni hindi niya alam kung para saan siya magso-sorry. Hindi daw niya alam kung anong kasalanan niya.”

“Paano kung wala siyang alam sa pagpapakulong sa atin? I think he is too nice to do that to us,” depensa nito. “Baka wala siyang alam.”

“I don’t know. Hindi mo ba sinubukang I-open sa kanya?” tanong niya.

“I think it is too late to discuss this. Hindi ko na kasi ginawang malaking isyu iyon dahil nalagpasan ko naman. But it seems like you are not over it yet.”

“I will never get over it.” Di lang kasi ang kahihiyan niya ang nalagay sa alanganin. JED also broke her young heart.

“Why don’t you just discuss it with him? Mas maganda kung ikaw na ang mag-open sa kanya para matapos na ang lahat. Masyadong komplikado ang nararamdaman mo kung di mo siya makakausap agad tungkol dito.”

“Paanong magiging komplikado?”

“You want to hate him but you still like him. Sa palagay ko, hindi lang simpleng gusto. You don’t like the rockstar this time but you are falling for the real guy, for the real JED instead. Kaya hindi mo maamin sa sarili mo na gusto mo siya dahil pilit mong pinangingibabaw ang galit mo. JED likes you. Pero itinutulak mo siya palayo dahil may galit ka pa sa kanya. Nasasaktan mo lang siya habang itinutulak mo siya palayo.”

Nilingon niya ito. “You are so weird. Paano naman mangyayari ang sinasabi mo? I don’t really like him!”

Dinuro nito ang dulo ng ilong niya. “Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Bistado na kita. You are falling for him. Kaya huwag ka nang magkunwaring galit sa kanya. If you’ll keep on pushing him away, aagawin ko siya sa iyo. Hindi naman mahirap iyon dahil mas maganda naman talaga ako sa iyo.”

“JEN, naiilang ako na may camera,” reklamo ni Marist habang inaayos niya ang summer dress nito. Unang araw iyon ng shooting at sa wooden dock sa lake ang location. “Di naman talaga ako model, hindi ba? Dati lang naman akong tagatinda ng bag. Nanalo lang ako sa raffle…”

Bahagya niyang niyugyog ang balikat nito. “Relax. Just act naturally. You are naturally beautiful and talented. Doon ka minahal ni Emrei. And the camera will love you that way. Huwag nang kung anu-ano ang iisipin mo.”

May pagkakataon na lumalabas ang inferiority complex ni Marist sa mga taong may kaya lalo na sa mga taga-riding club. Kahit pa nga boyfriend na nito ang anak ng isang oil sheik, nananatili pa rin itong mababa. Samantalang hamak na may ipagmamalaki naman ito kumpara sa ibang babae sa riding club. Dahil magkasama sa trabaho, sa kanya pinakamalapit si Marist. Sa kanya ito nakikinig.

“Marist, eksena mo na!” tawag dito ng production assistant.

Pinagkrus nito ang daliri. “Sana hindi ako pumalpak. Thanks sa tips.”

Pinanonood niya ang paghahanda sa eksena ni Marist nang may magsalita sa may balikat niya. “Well, that’s nice. Hindi ka lang pala magaling na designer. Magaling ka rin na motivator.”

Gulat siyang napalingon. “JED! What are you doing here? Hindi ba bukas pa naman ang eksena mo?”

“I just want to watch you work.”

“Ha? Ako? Hindi naman ako ang commercial model. Sila!” aniya at tiningnan kunyari ang mga damit na isusuot pa ni Marist sa eksena. Di naman niya iyon kailangang gawin. Gusto lang niya makaiwas sa titig nit JED.

“I don’t know. It just makes me happy to watch you.”

Bahagya niya itong nilingon. “Why? Do I look like a clown?”

“If you are a clown, you must be the prettiest one on earth.”

Sinalubong niya ang tingin nito. “Mukhang hindi ka lang nandito para manood. Nandito ka rin para mambola.”

Ngumiti lang ito. “Salamat sa pagpapa-dry clean sa damit ko.”

“Inutos ko lang ipa-dry clean siya. Naka-charge iyon sa account mo. So you don’t have to thank me.”

“You fixed my shirt and you didn’t charge me with anything.”

“And you sent roses to thank me.”

Ikiniling nito ang ulo na parang hinuhuli ang tingin niya. “Do you like them?”

“The roses? Yes. They are lovely.”

“Hindi ka galit?”

Maang siyang napatingin dito. “JED, bakit naman ako magagalit sa iyo? Wala namang masama sa mga roses, hindi ba? And besides, they are pretty.”

“Are you sure that you love them? And you are not mad either?”

She rolled her eyeballs. “Yes and yes! I like them. Kaya bago pa ako magalit sa iyo, manood ka na lang sa shooting. Let me work peacefully.”

“I’ll see you around,” anito at pasipol-sipol na nakihalo sa kulumpon ng mga tao na nanonood din ng shooting.

“He is a bit weird. Nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit na medyo sinungitan ko siya,” aniya at itinuloy na lang ang kunya-kunyariang trabaho.

Kinahapunan ay bumalik siya sa boutique. Nagulat siya nang sa halip na mga damit ay santambak na bulaklak ang bumungad sa kanya. Napalabas siya ng pinto at tiningnan ang karatula. Boutique naman niya ang nakalagay doon ay may mannequin pa rin naman nasa display window suot ang bago niyang creation. Pumasok ulit siya at naabutan ang mga tauhan niya na kanya-kanya sa pag-amoy-amoy at paghaplos-haplos sa mga bulaklak habang kinikilig.

“Excuse me, mali ba ako ng napasukan? Mukhang flower shop na ang boutique ko! What the hell is going on?”

“Basta na lang po may nag-deliver, Ma’am,” wika ni Karyl.

“Ang habang ng hair ninyo, Ma’am,” sabi naman ni Bianca. “Aba! Kung ako ang padadalhan ng ganito karaming bulaklak, pakakasalan ko na. Mantakin ninyo alayan ba naman ako ng flower shop.”

“Sino kaya siya?” tanong naman ni Riziel. “Wala kasing clue kung sino. Hindi naman kasi nagpadala ng card.”

Naghuhulaan ang mga ito nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello!”

“Do you like the flowers, my fairy?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.