“Miss Tesorio, kakampi mo kami sa kahit anong kasong gusto mong I-file laban kay Crawford Oreña. Handa akong maging abogado mo,” anang si Atty. Lobregar, legal counsel ng Soltera Women’s Group. Inimbitahan siya ng grupo upang mag-dinner kasama ang mga ito.
Ginagap ni Rosita ang kamay niya. Ito ang secretary-general ng women’s group. “Natutuwa kami dahil may isang matapang na babae katulad mo na handang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan. Hanga kami sa iyo. Kaya naman dapat lang na parusahan ang lalaking iyon! Dapat sa kanya ay turuan ng leksiyon.”
Pakiramdam ni Nicola ay lumulutang ang utak niya habang pinakikinggan ang mga suhestiyon ng mga ito. Tama nga ang sinabi ni Crawford. Nagbabanta ang mga ito na magsampa ng kaso. Mabilis kumalat ang apoy. Di na simpleng laban ang nasimulan niya dahil marami nang naaapektuhan.
“Ma’am, salamat po sa grupo ninyo. Salamat po sa pagtulong at sa concern ninyo sa akin pero hindi na po kailangan,” malumanay niyang sabi.
“Why? May private lawyer ka na ba?” tanong ni Attorney Logarta. “Gusto pa rin naming tumulong. We can get supporters from all over the country and even abroad. Gagawa kami ng mga sulat. Magsasagawa kami ng rally para makakuha ka pa ng maraming sympathizers.”
“I am not planning to file a case against Crawford,” she declared.
Lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha ng mga ito. “Tinakot ka na ba niya at pinagbantaan? Ganyan talaga ang mga mayayaman at sikat. Kaya nga nandito kami para alalayan ka,” wika ni Atty. Logarta.
“No. Maayos po akong kinausap ni Crawford. Wala rin naman po akong dahilan para mag-file ng kaso laban sa kanya. He didn’t harass me or anything. Kung nasaktan ko man siya tulad ng nasa video, personal po ang rason ko. Hindi na po kailangan pang humantong sa husgado at di na rin po kayo kailangang ma-involve. We decided to solve it on our own,” paliwanag niya. “And I will truly appreciate it if you will let us handle things on our own.”
“Sigurado ka ba, hija?” tanong ni Rosita.
Nakangiti siyang tumango. “Ibigay na lang po ninyo sa mga taong higit na nangangailangan ang tulong ninyo.” Saka siya nagpaalam.
Natapos na niya ang misyon niya. Siguro naman ay huhupa na ang isyu gayundin ang mga protesta. Nangako rin si Crawford na kakausapin ang mga fans nito para di na siya guluhin. Ito na lang ang kailangan niyang harapin.
Papunta siya sa abangan ng taxi nang may tatlong babaeng lumapit sa kanya. Mukhang mga sosyal ang mga ito at uso ang mga damit. “Miss, are you Nicola Tesorio?” nakataas ang kilay ng isa na may hawak pang sigarilyo.
“Yes. Bakit?” inosente niyang tanong.
Itinulak nito ang balikat niya. “What the hell is your problem? You are not really pretty so you have no right to hurt Crawford.”
Another fanatic. Di na ba mauubos ang mga ito. At mukhang walang intensiyong makipagkwentuhan lang ang mga ito. “Kung anuman ang problema namin ni Crawford, sa amin na lang iyon. So if you will excuse me…”
Di pa natatapos ang sasabihin niya ay mas malakas siyang itinulak ng babae. Napasadlak siya sa daan. Mabuti na lang at naitukod niya ang palad niya. Kundi ay sumubsob na siya sa semento. Hinawakan ng pinakalider ang mukha niya at inumang ang maliit na kutsilyo sa mukha niya.
“Well, you aren’t bad looking. Tingnan nga lang natin kung papansinin ka pa ni Crawford oras na ukain namin ang mukha mo,” banta nito at humalakhak.
Ginapangan siya ng kilabot. Di matao sa bahaging iyon ng parking lot. Di niya alam kung may tutulong sa kanya. Kung sisigaw naman siya, tiyak na tutuluyan siyang saktan ng mga ito. “P-Pwede bang pag-usapan natin ito nang maayos. Kung gusto ninyo si Crawford, sa inyo na lang siya. Di ako interesado sa kanya.”
“Kahit na. Sinaktan mo si Crawford,” anang isa sa mga babae na nakamasid lang. “We should teach you a lesson.”
Naramdaman niya ang malamig na dulo ng kutsilyo sa balat niya. Akala niya ay hihiwa iyon sa balat niya nang marinig niya ang igik ng babaeng may hawak ng kutsilyo. “What do you think you are doing to Nicola?” anang boses ni Crawford. Dumilat siya at nakitang mariin nitong hawak ang kamay ng babae. He looked so mad. Matalim na matalim din ang tingin nito.
“C-Crawford, we are just having fun,” anang babaeng lider ng grupo habang di naman makakibo sa takot ang mga kasama nito. “That bitch hurt you, right? So we just want to avenge you.”
“Hindi ko kayo papayagan na saktan si Nicola,” mariing wika ni Crawford at padarag na binitiwan ang kamay ng babae. Dinaluhan siya nito at inalalayang tumayo. “Are you okay?”
Tumango siya. “Hindi naman nila ako sinaktan.” Nanginginig ang katawan niya. Parang noon tuluyang kumawala ang lahat ng takot na nadarama niya.
Niyakap siya ni Crawford. “Its okay. I am here now.”
She felt safe with Crawford’s arms around her. She wanted to stay that way forever. He was her hero. Kung wala ito, baka kung ano na ang nagawa ng mga babaeng iyon sa kanya.
“Why are you defending her? Sinaktan ka niya, di ba?” Bakas ang sama ng loob at pagkapahiya ng mga ito.
“Kung anuman ang problema namin ni Nicola, kami na ang bahala doon. Hindi na ninyo kailangang ma-involve. Ayokong may masasaktang tao dahil lang sa akin. Ayoko nang malalaman na lumalapit pa kayo kay Nicola. Or else, kayo ako ng ipapakulong ko,” banta ni Crawford.
“Girls, lets go,” taas-noong sabi ng lider at umalis.
Nahigit niya ang hininga nang buhatin siya ni Crawford. “Doon tayo sa sasakyan ko,” anito at idinala siya sa kotse nito na nakaparada sa harap mismo ng restaurant. “Mabuti na lang nakita kita. Kung hindi, baka ano na nangyari sa iyo.”
Di siya tumutol nang buhatin siya nito. She gave in. Aminado siyang mahina siya. At ito lang ang mapagkukunan niya ng lakas nang mga oras na iyon. “Thank you. Mabuti na lang nandiyan ka,” mangiyak-ngiyak niyang wika. Di naman siya iyakin. But she was relieved because she was safe now.
Marahan siya nitong ibinaba at binuksan ang kotse. “Huwag ka nang umiyak. Di ka na nila masasaktan.” Binuksan nito ang dashboard at inilabas ang medicinal kit. Maingat nitong nilinis ang sugat niya sa palad. Parang bata lang siya na sumunod dito. Wala kasi siyang lakas para tumutol. And she was touched. For such a tall person, he had been gentle with her. She remembered Joanna Grace’s question if he was good in bed. Was he a gentle lover as well? Nanuyo ang lalamunan niya nang maisip ang tanong na iyon. “Feeling better?” untag nito sa kanya.
Tumango siya. “What are you doing here?”
Maingat nitong binendahan ang sugat sa palad niya matapos lagyan ng antiseptic. “Sabi ni Mhelai nandito ka daw. Galing ako sa inyo para kausapin at paalisin ang mga fans ko na nagra-rally. Napakiusapan ko silang umalis. So you can go home safely. Kahit sa opisina mo, di ka na rin guguluhin. Di ko lang sigurado sa mga reporters. Pero at least mababawasan na sila.”
“Nagpunta ka ba dito para tiyakin na di ako magdedemanda?”
“No. I just want to see you. Alam ko naman na hindi ka papayag na mademanda ako. After all, it is an absurd idea. But I still want to thank you,” anito at magaang ginagap ang kamay niya.
That simple touch was enough to send a different kind of sensation in her body. “H-Hindi ko naman kailangang magpasalamat sa akin. Ginawa ko lang kung ano ang tama.” Bakit di ako makahinga habang hawak niya ang kamay ko? Bakit parang matutunaw ako sa titig niya?
He softly kneaded her cheek. “I am sorry that they hurt you because of me. Kung mas maagap lang ako, di sana sila nakalapit sa iyo.”
“Kasalanan ko iyon. Kung hindi kita sinampal, di sila gaganti sa akin.”
“Sinabi ko naman sa iyo. Kung anuman ang mangyari sa ating dalawa, tayo lang ang may problema doon. Di sila kailangang makisali.”
She let out a sigh. “Why are you still nice to me? Hindi ba dapat galit ka sa akin dahil gumawa ako ng gulo.”
Tinitigan lang siya nito. “I don’t know. I don’t have reason to hate you.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Why do you hate me, Nicola? I thought we were okay. I even treated you as a friend. Even more than a friend,” he said in a whisper.
Naumid siya at di makasagot. She was just staring at his questioning eyes. She allowed him to get so near. She had never been this close to a man. And she wanted to get closer. Parang nabasa ni Crawford ang iniisip niya at tinawid ang distansiya nilang dalawa.
He cupped her cheek and made her meet his kiss. His lips touched her and something within her broke apart. Parang nasa isang kahon siya at dahan-dahang nawasak ang kahon na iyon. And she finally saw the light. She was hungry for him. Habang umiiwas siya at pinipilit ang sarili na mamuhi dito, lalo lang nagagatungan ang espesyal na damdamin niya para dito.
“I will protect you, Nicola. I won’t allow anybody to hurt you.”
Natigilan siya sa sinabi nito. He was telling her that he wouldn’t hurt her. Na di rin nito papayagan ang iba na saktan siya. Minsan na rin siyang nagtiwala dito. He allowed her to become a part of her life. But he ruined her into shreds. Paano kung magtiwala siyang muli dito at saktan lang siya nito ulit?
“Nicola, what’s wrong?” tanong nito nang di na niya sinagot pa ang halik nito.
She felt so cold. So eerily cold. Awtomatikong bumalik ang depensa niya. Isa na namang kaaway ang tingin niya dito.
“Let’s stop this, Crawford. Ayokong masaktan na naman kita,” wika niya at lumabas ng kotse nito. Saka dali-dali niyang pinara ang paparating na taxi.
Isa siyang hangal kung papayag na naman siyang paikutin nito. Never again, Crawford. Never again.
DALAWANG araw nang nangangalumata si Nicola. Dalawang araw na rin kasi siyang walang tulog. Wala na siyang problema dahil gaya ng pangako ni Crawford, di na siya binubulabog pa ng mga fans nito. Normal na ulit ang buhay niya. Bagamat may usap-usapan pa rin tungkol sa kanila, unti-unti na ring mamamatay ang isyu.
Subalit di niya tiyak kung magiging normal pa ang pakiramdam niya. Matapos siyang halikan ni Crawford, di na matahimik ang isip niya. She kept on daydreaming about him. Natutulala na lang siya habang iniisip ito. At para mawala ito sa isip niya, idinaan na lang niya sa pagkain ang lahat. Lahat yata ng pwedeng kainin ay kinain na niya. Pakiramdam nga niya ay wala na siyang kabusugan huwag lang maisip si Crawford. Pero pansamantala lang ang nagagawa ng pagkain sa kanya.
“Nicola, are you okay?” tanong ni Joanna Grace sa kanya.
Tumango siya. “Yeah. Medyo nangangasim lang ang sikmura ko. Don’t worry, malapit ko nang matapos ang effects para sa…”
Di pa niya natatapos ang sasabihin ay naduwal siya. Mabilis niyang tinutop ang bibig. Tumayo agad siya at itinaas ang kamay na parang nagpapa-excuse kay Joanna Grace. She felt the need to throw up. Kaya dali-dali siyang tumakbo sa restroom. Nakaabot siya sa sink at doon inilabas ang lahat ng laman ng sikmura niya. She felt like dying. Ano bang nangyayari sa kanya?
Hinaplos ni Joanna Grace ang likod niya na nakasunod pala sa kanya. Mas mukhang namumutla pa ito sa kanya. “Bakit? Mukha na ba akong mamamatay?”
Umiling ito at tinutop ang labi. “Nicola, you are pregnant!”
“NAKU, Miss Nicola! Maselan ka palang magbuntis. Pero di bale, guwapo naman ang ama ng anak mo. Crawford Oreña ang ama! Maswerte ka talaga!” kinikilig na sabi ng nurse na nagbabantay sa kanya. Isinugod siya sa company clinic para lapatan ng lunas. Ayon sa doctor ay gastro-enteritis ang dumali sa kanya. Sa dami ng kinain niya, di na-digest ng mabuti ng bituka niya ang pagkain at nagsilbing lason sa katawan niya. Mabuti nga daw at naagapan subalit dahil doon ay nanlalambot siya.
“Nurse, binabasa mo ba ang chart ko? Sabi diyan gastro-enteritis ang sakit ko. Hindi ako buntis. Katakatawan lang ito,” mataray niyang wika.
“Kasi usap-usapan sa labas na buntis ka.”
“Alam mo ba na nakakamatay ang tsismis.”
Humagikgik lang ito. “Hindi naman siguro. Siguro kaya ka masungit sa akin dahil ako ang napaglilihian mo.”
“Sabi ko ngang hindi ako buntis!” singhal niya.
“Naiintindihan ko naman kung ayaw mong ipagsabi sa public na buntis ka. Ako ang magtatago ng sekreto mo. Hindi ko ipagkakalat.”
“Bwisit!” gigil niyang wika nang makalabas ang nurse. Hindi ba nito alam kung ano ang diperensiya ng gastro-enteritis at ng buntis. Mas credible pa ba ang tsismis kaysa sa findings ng doctor?
“Nicola!” anang si Crawford at hangos siyang nilapitan. Ginagap agad nito ang kamay niya at hinaplos ang noo niya. “Pumunta agad ako dito nang malaman ko ang nangyari sa iyo. How are you feeling? Anong sabi ng doctor?”
“I am okay.” Ano naman ang nakain nito at bigla siyang pinuntahan. “Sino naman ang nagsabi sa iyo?”
“Tumawag ang boss mo sa opisina ko.” He kissed the back of her hand. “She also told me that you are pregnant.”
She rolled her eyes. “Crawford, I am not. Hindi ako Immaculate Concepcion.”
“W-Wala ka pang…I mean, you are still…”
“A virgin, no less,” pagtutuloy niya sa di nito masabi. “So you have nothing to worry about me. Kung buntis man ako, hindi ko ipapasa sa iyo.”
“Ano daw ang sakit mo?”
“Gastro-enteritis lang. Uminom na ako ng gamot. Sabi ng doctor magpahinga lang ako at magiging okay na ako.”
Nahigit niya ang hininga nang yakapin siya nito nang mahigpit. Pakiramdam nga niya ay mapupugto na ang hininga niya. “Babantayan kita hanggang gumaling ka. Dito lang ako sa tabi mo.”
Di niya maiwasang ngumiti. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka-espesyal na babae nang mga oras na iyon. Subalit nakita niya ang nurse na nakatingin sa kanila. “Crawford, bumalik ka na lang sa trabaho mo. Okay na ako dito.”
“Are you sure? Gusto pa kitang ihatid sa inyo…”
She shook her head. “Kaya ko na ang sarili ko. Ayokong makaabala.”
He hesitantly stood up and kissed her forehead. “Sige, tatawagan kita.”
“Sir Crawford, ihahatid ko na po kayo sa labas,” kinikilig na sabi ng nurse.
She let out a sigh and embraced herself. Malamig ang pakiramdam niya nang umalis si Crawford. Parang may kulang kapag wala ito.
He is not yours, Nicola. He will never be yours.
NANLALAMBOT si Nicola nang bumaba ng taxi. Dahil maselan pa ang sikmura niya ay puro prutas at tsaa lang ang iniinom niya. Dinalhan siya niyon ni Crawford bago ito bumalik sa trabaho. Ang gusto na lang sana niya ay magpahinga para mabawi niya ang lakas niya pagpasok sa opisina kinabukasan.
“Anak! Anak!” umiiyak na bungad sa kanya ng mommy niya at niyakap siya. “Huwag mong ituloy ang balak mo.”
“Mommy, ano ba? Pagod na ako.” Di niya alam kung anong drama nito.
“Hindi siguro ako naging mabuting ina sa iyo. Pero magbabago na ako. Iiwan ko na ang boyfriend ko basta huwag mo lang patayin ang magiging apo ko. Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo.”
Nahilo siya. “Ano po, Mommy?” Ano bang apo ang sinasabi nito? Baka naman mali lang siya ng dinig dahil may sakit siya. “Lasing po ba kayo? Aga naman ninyong nag-bar ng boyfriend ninyo. Mhelai, ano ba nangyari kay Mommy?”
“Ate, matakot ka naman sa Diyos,” sa halip ay sabi ni Mhelai.
“Hoy, isa ka pa! Adik ka ba?” Ano na namang kasalanan niya?
“Ipinalabas kasi sa TV kanina na buntis ka daw. At plano mong magpa-abort. Saka natanggap ko na rin sa cellphone ko ang video mo.”
“Na naman?” Nang mapanood niya ay eksena iyon sa clinic.
Uminom na ako ng gamot. Sabi ng doctor magpahinga lang ako at magiging okay na ako, sabi niya sa video. Iyong nurse sa clinic marahil ang kumuha ng video. Walang kahihiyan! Talagang gustong sirain ang buhay niya.
“Ayan! Buntis ka at gusto mong inuman ng gamot,” turo ni Mhelai.
“Paano ako magpapa-abort kung di pa ako buntis? Virgin pa ako!” sigaw niya at nag-walk out.
Narinig pa niya ang sinabi ng Mommy niya. “Sayang! Akala ko magkakaroon na ako ng apo. Gusto ko sana si Crawford ang tatay para maganda ang lahi.”
Mas malala pa ngayon ang tsismis sa kanya. DI ba na iyon matatapos? Tinawagan niya si Crawford. “Magpapa-interview na ako! Bukas din!”