Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 10

“Wala kang planong masama sa kanya pero mukhang may masama siyang plano sa iyo. Good luck with that buddy. You can have fun but respect the sanctity of my place, kids.” At saka iniwan sila ng matandang lalaki.

“Malinis ang intensyon ko kay Miller,” pahabol pa niya sa lalaki.

“Get up at take a hot shower. Mabuti iyon para sa sakit ng katawan at cramps,” utos ng binata sa kanya.

“Will you kiss me afterwards?”

“No. I might as well spank you for acting like an errant child.”

“Spank me. Kinky. I never thought you have it in you,” tukso niya dito at kumindat.

“Hindi iyon ang iniisip ko,” kontra nito. “Just go now.” At ibinaling ang mukha palayo sa kanya.

Nagpakawala ang dalaga ng malakas na halakhak at gumulong palayo dito. Hindi man niya mahahalikan ang binata ngayon pero sapat na para sa kanya na malamang naa-attract pa rin ito sa kanya. Ibig sabihin ay may pag-asa pa siya sa binata.

“YOU didn’t attend the forum for young businessmen. Ang alam ko gusto ka nilang bigyan ng recognition. It would look for the company. It would look good on papers than my daughter’s viral video,” sabi ni Julio habang nagkakape sila sa library. Katatapos lang nilang maghapunan kasama si Nadine. Nasa kuwarto na ito at ineempake ang daldalhing gamit ng ama. Gustong makatiyak ng dalaga na di na uurong sa cruise si Julio.

“It doesn’t matter. Ang mahalaga malinis na ang pangalan ni Nadine. The Compostellas apologized for what their son did in public. Bilang pambawi, tatanggapin nila ang mag-ina ni Christian sa pamilya.”

“Pakakasalan niya?”

Nagkibit-balikat siya. “I actually don’t care. Pero ang mahalaga po may abogado nang magre-represent sa mag-ina. And your daughter now is a hero for women and children. I am sure, marami na rin ang makakakilala sa shop nila. Oir media relations will see to it.”

Tinapik ng ninong niya ang balikat. “Thank you. Alam kong maaasahan ka. Muntik na akong atakihin sa puso kanina sa dami ng batikos sa anak ko. Sometimes I feel useless as a father. I want to do so much for her. Makabawi sa lahat ng panahon na nawala sa amin. But being a Baluarte cause her so much misery. Nabasa mo ba kung paano siya maliitin ng mga taong itinuring kong kaibigan?”

“Yes. Some of them want to do business with us. Desperately if you’ll ask me.”

Iwinaksi nito ang kamay. “You know what to do. Hindi naging Baluarte ang anak ko para lang husgahan nila at tapak-tapakan.”

“All taken care of. I will forward it to those handling their requests and accounts. We will also update the list of those who are persona non grata at your parties and events,” he reported.

Julio Baluarte was a just man. Too generous most of the time. Minsan ay nag-aalala siya dahil baka maabuso ang kabaitan nito. Huwag lang itong pupunuin dahil alam nito kung paano gamitin ang pera at impluwensiya nito para protektahan ang mga taong mahal nito. And Nadine was his precious one.

“Any more request?” tanong ni Miller sa matandang lalaki.

“Everything seems good. Ikaw na ang umayos sa lahat ng problema. You really are an asset. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. I feel like I am too old for this drama,” anang lalaki at huminga ng malalim.

“That’s why you need a vacation, Ninong. You deserve it. Wala na po kayong ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho. So no stress for you for a month. Gusto ko mag-enjoy lang kayo ni Papa,” aniya at tipid na ngumiti. Her father was the legal adviser for East Star Holdings. Pero di ito kasing subsob ni Julio sa trabaho.

Workaholic din ang amang si Maximo Sebastian dahil iyon ang paraan nito para maka-cope sa paghihiwalay nito at ng ina niyang si Carmela. Hanggang magkasakit ito noong twenty years old siya at doon lang ito nag-relax nang bahagya. Di na ganoon kabigat ang trabaho nito. Ine-enjoy na lang nito ang perang naipon noong kabataan nito.

He couldn’t say the same to Julio Baluarte. Nakatali ito sa sariling kompanya. Sakit pa nito sa ulo ang anak na si Nadine. Si Nadine din ang dahilan kaya hindi niya maiwanan si Julio kahit na pwede na siyang magtayo ng sariling kompanya. She was not interested with her father’s company. Bukod pa doon, nadadamay ang kompanya sa mga gulong napapasukan nito. Di na bumabata si Julio. Baka di na nito kayanin ang stress.

“I am worried about Nadine,” sabi nito at animo’y nakatingin sa kawalan.

“Yes. She’s a handful.”

“Bukod pa doon, di ko alam kung paano siya tuturuang umakto nang tama. I know, she tried so hard to be a deserving Baluarte. Minsan pakiramdam ko sobra-sobra ang hinihingi ko sa kanya at ng ibang tao. Pero di ko siya pwedeng basta na lang pakawalan. She could be feisty but she has a soft heart. Napansin mo ba na karamihan sa gulong napapasukan niya, di naman tungkol sa kanya?”

“Yes, I know. Napapasok lang siya sa gulo dahil sa ibang tao.” Kung sa pansariling isyu lang, kaya naman ng dalaga na magtimpi.

“I mean, that’s a good trait. Pero paano ko siya pababayaan na lang? My influence and money could only do so much.”

Tumango-tango siya. “True. Huwag na rin kayong magtaka kung maging malaking charitable institution ang kompanya ninyo. Sigurado ako na kapag nakita ninyo ang financial record ng shop niya, negative na iyon dahil nauwi sa charity.”

“Bukod pa doon, baka may lalaking magsamantala sa mabuting puso niya. My daughter looks so tough. But she is still young. Di pa siya nai-in love. At maraming manipulator sa paligid. Look what happened with Christian Compostella. How he tried to put my daughter on the spot.”

“Hindi naman siya gusto ni Nadine. Napilitan lang daw po siya para di kayo mapahiya. Business, of course.”

Ihinilamos nito ang mukha sa palad. “At di mauubos ang mga oportunista. Di bale sana kung katulad mo na mapagkakatiwalaan. Even my daughter adores you. I think she even has a crush on you.”

Napaubo siya. “N-Ninong, hindi na uso ang mga crush ngayon.”

“Don’t you like my daughter a bit? She’s beautiful. She’s of age. Graduate na rin siya. I mean, she can get married anytime if she wants to.”

Bahagya niyang hinila ang neckline ng polo shirt niya kahit na di naman mahigpit iyon. “She’s… she’s beautiful,” he agreed.

Graduate? Yes. Of age? Yes, she’s twenty-two. Pwedeng mag-asawa? That is highly debatable. He would always see her as the fifteen-year old teen who was not afraid to hurt or get hurt for the people she cared about. Kahit na anong gawin nito, bihisan man ito ng designer clothes, kumain ng mamahaling pagkain at maging sentro ng mga events sa alta sociedad, lalabas at lalabas ang pagiging wild child nito. HIndi iyon maiiwasan.

Hindi na siya bata. May nakarelasyon na siya noon. Physical pleasure is nothing new to him. Mapili siya sa nakaka-partner niya. He didn’t base it on physical looks alone. He was also after mental and emotional compatibility. He wanted his partners to be matured and could carry herself.

But Nadine had grown into a beautiful woman. At parang libangan na nitong I-torture siya. Basta na lang siya nitong yayakapin kapag masaya ito. She enjoyed teasing him with a kiss. And she made her feel like a teenager with his first girl.

Hindi niya alam kung inosente ito o alam nito kung gaano kalakas ang epekto nito sa kanya at sinasadya siya nitong akitin. But the effect was just the same. A simple brush of her hand could make his body sizzle. Whenever she pressed her body against his, he thought he would burst. Nang dambahin siya nito at di ito umalis sa pagkakadagan sa kanya, he wanted to take her right there and then.

He had never been wild about sex. He enjoyed it but he was always in control. He had never felt this beastly urge to take a woman just because their bodies touched. He was more civilized than that. He prefered all the romantic works first, a hundred times before having an intimate relationship with a woman. Kaya di niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya kay Nadine. To think that she was not even his type.

“She could be wild most of the time. Suplada siya sa iba pero nakangiti siya kapag nandiyan ka. At nakikinig siya sa iyo. She needs a man who could keep her on the line. Someone who has her best interest at heart and she would follow,” sabi ng Ninong Julio niya.

“I manage her finances just fine. And I have her best interest at heart because she is your daughter. Anumang gawin niya ay pwedeng makasama sa kompanya at sa inyo. You are like a father to me.”

Hanggang doon lang ang pwede niyang maging relasyon sa babae. Nadine was a dangerous woman. A threat to his sanity. Gusto niya ng babaeng sumusunod sa mga patakaran, di ‘yung napipilitan siyang bumali ng mga patakaran para dito. At sa huling gulong ginawa ni Nadine, ilang patakaran na ba ang binali niya? Bukod pa sa buto na pwede nitong baliin sa kanya kapag di sila nagkasundo.

“Let me be blunt here. Makakahinga ako ng maluwag kung ikaw ang magiging boyfriend ng anak ko. Or my son-in-law. At ikaw ang magiging ama ng magiging mga apo ko.” Humalakhak si Julio at tinapik ang balikat niya. “Ikaw lang ang pwede kong pagkawilaan sa anak ko at sa kompanya. I won’t mind if you will date my daughter, make her fall for you and marry her. I wish you would so you can give me a peace of mind.”

Peace of mind? Parang malabo siyang magka-peace of mind kay Nadine. Dating her would be like babysitting an overgrown baby. Hindi ba’t iyon na nga ang ginagawa niya ngayon? Siya ang umaayos sa lahat ng gulo nito?

But his godfather had a point. Maaayos ang lahat ng problema nito kung siya ang magiging asawa ni Nadine. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.