Sunud-sunod ang pagsipa at pagsuntok ni Nadine sa punching bag. Pinili niyang doon ibuhos ang galit matapos kumalat ang video nila ni Christian at magsunud-sunod ang cancellation ng orders sa website niya. Pawang galing sa alta sociedad ang mga nag-cancel ng order at may koneksyon sa pamilya ni Christian.
Gusto niyang mag-issue ng statement pero wala pang sagot ang abogado ni Ivy kung pwede iyon. It might jeopardize the case before it even started.
Saka ano ba naman ang kaibahan kung lalabas ang totoo? Nahusgahan na siya. Siya na ang nagamit, siya na ang tumulong, siya pa rin ang lalabas na masama sa huli. Dahil lang sa background niya na lumaki sa squatter’s area. And it was starting to affect her business. Di naman sarili niya ang inaalala niya kundi ang mga nanay na maaapektuhan ng pambo-boycott sa kanila ng customers.
“You are stressing your muscles too much. Baka magpasa ka niyan,” narinig niyang sabi ni Miller sa likuran niya. “Time to hit the shower and go home.”
“Not now, Miller. Not now,” usal niya at nagpatuloy sa pagsuntok. Nasundan siya nito sa gym. Lagi naman itong sumusulpot pag may problema sa kanya. Go home meant she had to face her father. Uulanin na naman siya ng sermon. And it was the last thing she needed right now. “Uuwi ako kung kailan ko gusto.”
“Kanina ka mo pa daw ginugulpi ang punching bag. Ilang oras ka na ba dito? Dalawa? Tatlo? Wala na ngang gustong makipag-sparring sa iyo.”
“Mga duwag sila,” usal niya. Nang makitang masama ang mood niya, ang mga lalaking karaniwang ka-sparring niya sa kickboxing ay nagpulasan palayo. O umiiwas din ang mga ito na dumikit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Christian. “At kung wala kang planong makipag-sparring sa akin, iwan mo ako dito. I don’t have time for silly talk.”
“Alam mo na hindi ako nakikipaglaban sa babae,” sabi nito.
“Yeah! All talk,” usal niya at nagpatuloy sa pagsuntok. “Wala ka namang kaibahan sa ibang lalaki na duwag din. Alam mo kasi na matatalo lang kita and your ego can’t take it.” Saka niya nginisihan ang lalaki.
He looked taken aback. Of course, he was too much of a gentleman to fight a woman. Di siya nito papatulan. Pero masaya siya na sanggiin nang bahagya ang ego nito. She was actually itching for a fight. Pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya ng mundo. At di rin kaila sa kanya na di nalalayo ang opinyon ni Miller sa kanya sa ibang mga may ayaw sa kanya. He didn’t like her that much. He was just putting up with her because of her father. Masyado lang niya itong gusto kaya nagtitiyaga siya sa kalamigan nito. But not right now. She thought the world was unfair. And he represented that unfair world. At kung gusto ng lalaki na makinig siya dito, labanan muna siya nito. Isang roundhouse kick ang pinakawalan niya para pasiklaban pa si Miller. Para ipakita dito na may kaya siyang gawin na di nito kaya.
“Your father wants to see you. Di na daw siya tutuloy sa cruise,” wika nito.
“What?” bulalas niya. Bigla siyang lumingon. “Hindi pwedeng di tumuloy si Dad sa cruise. Dahil ba sa akin?”
Bago pa nasagot ni Miller ang tanong niya, naramdaman niya na may malakas na pwersang bumangga sa katawan niya. Napangudngod siya sa semento sa lakas ng impact na tumama sa kanya. Nang tumingala siya ay punching bag pala iyon na bumalik sa lakas ng pagkakatira niya ng roundhouse kick.
Sinubukan niyang bumangon pero di siya makagulapay. Parang noon lang naramdaman ng katawan niya ang sobrang pagod. Nanatili lang tuloy siyang nakayukyok sa sahig.
Nakita na lang niya ang leather shoes na suot ni Miller at palapit sa kanya. Umuklo ito sa harap niya. “See? I don’t have to fight you. Punching bag lang ang katapat mo. And it is telling you to stop straining yourself further.” Inilahad nito ang kamay. “Get up. We should get moving.”
Hindi niya magawang iangat ni Nadine ang ulo sa magkahalong pagod at kahihiyan. Niyabangan niya si Miller at matindi ang balik ng karma. Pero kung tutuusin ay wala naman siyang ginawang masama. Di gaya ni Christian at ng mga kumampi dito. Nakuyom niya ang palad. She felt like her world was falling apart.
“Kaya mo pa ba?” nag-aalalang tanong ng binata.
“Kaya ko ang sarili ko,” usal niya at gumulong bago nagtangkang bumangon. Di niya pinansin ang nakalahad nitong palad. Di niya kailangan ang tulong nito.
Subalit naramdaman niya ang pamimitig ng binti nang subukan niyang tumayo. Muntik diyang matumba kundi lang sa maagap na pagsalo sa kanya ni Miller.
“Anong nangyari?” tanong ng binata.
“P-Pinupulikat ako.” Nakagat niya ang labi nang pumilipit na ang daliri niya sa paa at umakyat ang pulikat sa binti. Pumintig na rin ang hita niya. Kahit kailan ay kalaban talaga niya ang pulikat.
Wrong timing. Kung kailan kailangan niyang magpakita ng lakas, saka pa siya nagmukhang mahina sa harap ni Miller. Ni hindi siya makagalaw ngayon.
“Here. Let me help you.” At akmang hahawakan ng lalaki ang paa niya.
Nanlaki ang mata niya. “Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko.”
“Just relax okay?” sabi nito at kinuha ang paa niya saka ipinatong sa kandungan nito. At diniinan nito ang gitna ng talampakan niya.
Napahiyaw siya sa sakit. “Whoa! Dahan-dahan lang.”
Pumalatak ang lalaki. “I thought you are tougher than this.” At inulit ang pagdidiin sa talampakan niya. Saka umakyat sa binti niya.
Kagat ni Nadine ang labi upang pigilan ang mapaungol sa sarap. Miller’s hand was working magic on her calf. Unti-unting naglalaho ang sakit ng pulikat niya dahil sa mga kamay nitong nagmamasahe sa kanya.
May buting naidulot ang pulikat niya dahil nakasama niya ito ng matagal at minasahe pa nito ang binti niya. Parang gusto rin niyang ireklamo na masakit rin ang iba pang bahagi ng kanyang katawan para imasahe rin nito.
“Your muscles got stiff because of intense workout,” sabi nito. “Nagpapa-kamatay ka ba?”
Napayuko siya sa nang-aakusang tingin nito. Lihim siyang napangiti. Kahit galit ay nag-aalala pa rin ito sa kapakanan niya. “It is a hell of a day. May nag-video sa amin ni Christian kagabi at nag-viral na ang nangyari. Na-black propaganda na ako. His family has supporters. Nag-decide silang I-boycott ang online store namin. Who knows? Baka mamaya may warrant of arrest na sa akin.”
“Kita mo na kung ano ang nangyari? Hindi masosolusyunan ang problema mo sa paghahamon ng away. It only got you into trouble.”
“Babalik na naman tayo diyan?”
“May consequences ang lahat ng gawin natin. And this is one of those.”
Tumaas ang kilay niya. “And what should I do? Dapat bang mag-iiyak ako at magpaawa sa publiko para malipat sa akin ang simpatya? Dadami ba ang customers ng shop ko kapag ginawa ko iyon?”
Kahit kailan ay di niya ugaling magpaawa. Mataas ang pride niya.
“No. You don’t have to do anything. Madadagdagan lang ang problema. I will take care of it.”
“What do you mean you will take care of it?” Huwag nitong sabihin na siya pa ang magpa-public apology. Maghuhurumentado siya.
“Nakausap ko na ang mga Compostella. They will issue an apology or we will drag them to court. May nakuha na kaming video na ipinagtabuyan niya ang mag-ina niya at itinulak niya ang bata. Gagamitin ko rin ang lahat ng koneksyon ko sa media at ia-alerto ang women’s group para magrotesta laban sa kanya. Kayang makabangon ng online shop mo pero malaking damage ito sa kompanya niya. Public perception is everything. They had no choice but to agree.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Buong pamilya na niya ang hihingi ng apology sa akin? Hindi lang si Christian?”
“Yes. Mas mabuti na iyon kaysa naman magdurugan kami sa publiko. At si Christian na mismo ang aamin na naging iresponsable siyang ama. Kung paano siya magpapalusot, problema na niya iyon. At titiyakin ko rin na hindi siya magpapabaya sa pagsustento sa anak niya. Para hindi mo na rin iintindihin.”
“P-Pero paano sina Ivy at Miri?”
“Pumayag si Ivy na maglabas ng statement sa pamamagitan ni Attorney Cuevas. That they will settle their problem out of public’s eye. At ididiin nila na ikaw ang tumulong sa kanila na. Na ipinagtanggol mo lang sila.”
“Di ba lalabas na parang ginagamit ko sila?”
“Kailan pa naging panggagamit ang pagsasabi ng totoo? You protected them. Wala ka namang vested interest sa kanila. Hindi kita maintindihan. Mas gugustuhin mo pang masira nang tuluyan ang pangalan mo kaysa malaman ng lahat ang totoo? Kung ganyan lang pala ang gusto mo, pumasok na lang sana ako sa opisina. To think that I ditched a forum for young outstanding businessmen today just to keep you out of jail.”
Her eyes widened with delight. “G-Ginawa mo lahat iyon para sa akin?” Alam niya kung gaano kaimportante dito ang mga forum kung saan may pagkakataon itong buuin ang network nito bilang isang young executive ng isa sa pinakamalaking holding company sa bansa. Tumili siya na halos ikatulig ng lahat sa gym at niyakap ito. Di napigilan ng pulikat ang saya niya. “I love you talaga!”
“W-Wait! Nadine!” sigaw ng binata at tumumba ito sa mat. “Anong ginagawa mo?”
“Masaya lang ako kasi hindi mo ako pinabayaan.” At ihinilig niya ang ulo sa dibdib nito. “I thought you will feed me to the wolves. Akala ko mas gusto mo na maging kaawa ako sa mga alta sociedad na iyan.”
“I will always protect you even if you are impulsive and crazy. I am no fan of an opportunist and a man who hurts women and children.”
“Okay lang sa akin kahit na tawagin mo akong baliw at impulsive.” Ang mahalaga ay suportado siya nito at yakap niya ito ngayon. Kanina lang ay parang binagsakan siya ng mundo at kaaway ang turing niya dito. Ngayon ay hindi na. Mahal na ulit niya si Miller.
“C-Can you get off me now?” mariing tanong ng binata.
“Hindi ko kaya. Masakit ang katawan ko. Dito muna ako, please,” ungol niya at nanatiling nakahilig ang ulo dito. Komportable na siya na magkadikit ang mga katawan nila. She felt calm and protected. At kailan ba ng huling pagkakataon na nakakalapit siya nang ganito kay Miller? She wanted to sink into his warmth. Kontento na siya doon.
Huminga ito ng malalim. “Okay. Just a minute. But I don’t think this is a good idea.”
“Bakit naman hindi? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Wala nga akong kagalaw-galaw dito.”
“Are you really that naive?” tanong ng lalaki sa mataas na boses.
Inangat niya ang ulo. “Hindi ko nga alam kung anong problema. Ano bang nagawa kong mali?” Inangat niya ang sarili at inilapit ang mukha dito.
He grabbed her hips to stop her from moving. “No unnecessary movements. You are making it harder for me.”
“Paanong pinahihirapan kita? Wala naman akong ginagawa,” giit niya.
Mariin itong pumikit. Then he whispered something unintelligible. “Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo?”
“Sabihin mo na kasi na kahit siya pa ang reyna ng amazona, she can still arouse you because she is a woman. Plain and simple,” sagot ng manager ng gym na si Castor. He was a big, hulky. Dati itong bouncer sa isang club sa BGC at nagsisilbing protektor niya kapag may mga luluko-lukong pumoporma sa kanya sa gym. Pero dahil kaya naman daw niyang protektahan ang sarili niya, ito na lang ang naging trainer niya at tinuruan siya ng mga taktika sa pagpapasuko ng kalaban. “And she’s really naive. Di ka niya hina-harass.”
Nanlalaki ang mata niyang tumingin kay Miller. “I-I arouse you? Really?” At di mapigilang ngumiti.
“Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Hindi mo ba ako gugulpihin?” tanong ng lalaki sa kanya.
“Bakit naman kita gugulpihin? At least alam ko nang apektado ka sa akin.” At humagikgik siya. “Will you kiss me?” tanong niya at nanghaba ang nguso.
Pumalakpak si Castor. “Children, this is hardly the time or place for that. Get a room.”
Marahas na nilingon ni Miller ang lalaki. “Wala akong planong masama sa kanya. I won’t even touch her if I don’t have to.”