Ngumiti agad si Nadine pagmulat ng mga mata. It was such a great morning. Alam kasi niya na sa isang bubong lang sila natulog ni Miller. Gumugulong-gulong muna siya sa kama sa sobrang excitement. Parang teenager siya na makikita ang crush niya. She felt giddy inside.
Sumilip siya sa terrace at nakita ang binata na lumalangoy sa pool. At a distance, she could sense his strong lean muscles. Swimming ang hilig na sports ng binata. Mula pagkabata ay naglalagi ito sa dagat sa Masbate kung saan may ancestral house ang pamilya nito sa tabing-dagat.
From afar, he looked fascinating enough. Mas masarap sigurong pagmasdan ang paggalaw ng muscles kung malapitan. “Time for Operation: Subtle Seduction,” usal niya sa sarili at pumasok sa kuwarto para magpalit ng swimsuit.
Nagkaroon sila ng masinsinang plano ni Tessa nang nagdaang gabi habang mahimbing na natutulog ang lahat. Pwede pa rin naman daw niyang akitin si Miler pero di halata. Gaya ng paliligo sa pool suot ang sexy na swimsuit. Di daw siya pwedeng akusahan ng lalaki na inaakit ito dahil normal lang na magsuot ng sexy na swimsuit kapag nasa pool. Pwede din daw niyang ipagluto ang lalaki ng agahan o hapunan pag-uwi nito. Pwede rin siyang mag-offer ng masahe at marami pang iba.
Pinili niya ang isa sa bagong items sa online shop niya. It was a two-piece suit with Aztec design. Confident naman na magsuot ng swimsuit dahil fit ang katawan niya at makinis ang balat niya kahit morena. Pwede niyang iparada sa harap ni Miller. Hindi naman makakasira sa feminist sensibilities niya kung ipakita ang assets sa lalaking gusto niya.
Basta simple lang ang bilin sa kanya ng kaibigan - huwag masyadong garapal kapag nang-aakit. Casual lang dapat sa pakikipag-usap. Huwag masyadong pouty ang lips. At mas maganda kung deadma lang si Miller para feeling untouchable. Mas gusto daw ng mga lalaki na ang mga ito ang naghahabol.
Isang beses pa niyang tiningnan ang sarili sa salamin saka ipinatong ang roba. Pinihit niya ang seradura ng pinto subalit nagtaka nang di mabuksan iyon. Ilang beses pa niyang pinihit pero di pa rin mabuksan.
Kinatok niya ang pinto. “May tao po ba diyan? Manang! Pakibuksan po. Na-stuck at ‘yung doorknob. Di ko po mabuksan ang pinto!” sigaw niya. Nang walang sumagot ay tumawag siya sa intercom.
“Señorita Nadine, good morning po,” bati ni Manang Huli, ang mayordoma. Kahit na ipinagbawal niya ang pagtawag sa kanya ng señorita ay hindi na nito nabago ang gawi. “May kailangan po ba kayo?”
“Manang, tulong po. Ayaw pong bumukas ng pinto. May problema po ata ‘yung doorknob. Parang na-stuck,” sabi niya sa nagpa-panic na boses.
“Gusto na ba ninyong mag-agahan? Dadalhan ko po kayo,” magalang nitong sabi. Ni hindi nabanggit na bubuksan na nito ang pinto para sa kanya.
“Sa may pool side ako mag-aagahan. Ayoko dito sa kuwarto.”
“Mas mabuti po siguro kung si Sir Miller ang kausapin ninyo tungkol diyan.”
Nagulat siya. “Si Miller? Anong kinalaman ni Miller dito?” Mag-aagahan lang naman siya sa sarili niyang bahay, sa labas ng sarili niyang kuwarto. Bakit kailangan pa niyang kausapin si Miller?
“Siya na lang po ang tanungin ninyo, señorita. Basta ang bilin po niya sa amin di kayo pwedeng lumabas ng kuwarto ninyo hangga’t wala ang permiso niya.”
“What? Pero…”
“Ipapahanda ko na lang po ang agahan ninyo, Ma’am. Sasabihin ko na lang na kakausapin ninyo siya.”
Nanlaki ang ulo ng dalaga. Anong nangyayari? Hindi siya makakalabas sa kuwarto niya nang walang permiso ng lalaki? Kailan pa naging city jail ang sarili niyang pamamahay? Mas malaya pa yata ang mga preso sa kulungan kaysa sa kanya ngayon.
She gasped for air. Kahit ang roba at ang swimsuit ay parang sinasakal siya. Hindi siya makahinga. Hindi pwede ang nangyayari na ito.
Dali-dali siyang nagtungo sa terrace at sinigawan ang binata na patuloy pa rin sa paglangoy sa pool. “Millerrrrr!”
Subalit nagpatuloy lang ito sa paglangoy at parang walang naririnig. Gusto na niyang talunin ang terrace para sugurin ito at komprontahin pero namayani ang common sense niya. Siya lang naman ang madidisgrasya kapag ginawa niya iyon.
Nagdadabog siyang pumasok ng kuwarto. She must think of a plan. Di pwede ito. Kahit maghurumentado siya, wala siyang magagawa. Di siya makakalabas.
May kumatok sa pinto. “Senyorita, nandito na po ang agahan ninyo.”
“Hindi po ako kakain ng agahan hangga’t di ako pinapalabas ng kuwarto.”
“Senyorita naman, kayo ang nagsabi sa amin na malaking kasalanan kapag may pagkain pero di namin kakainin.”
Alam niya ang pakiramdam ng nagugutom kaya lagi niyang sinasabi iyon sa mga kasama sa bahay. Humalukipkip siya. “May tinatawag pong hunger strike. Sabihin ninyo kay Miller na konsensiya niya kapag namatay ako sa gutom dito. Bahala siyang magpaliwanag kay Dad kapag nangyari iyon.”
“S-Sasabihin ko po agad, Senyorita. P-Pati po kami malalagot sa daddy ninyo kapag may nangyaring masama sa inyo.”
Nakangiti niyang ibinagsak ang sarili sa kama nang marinig ang nagmamadaling yabag papalayo. Subalit wala rin ang ngiti sa labi niya nang mapagtanto na wala sa kanya ang loyalty ng mga tauhan nang mga oras na iyon kundi nasa kay Miller.
MATALIM ang tingin ni Nadine kay Miller nang pumasok ito sa kuwarto niya dala ang tray ng pagkain. Basa pa ang buhok nito. Naka-roba ito subalit alam niyang sa ilalim ay naka-swimming trunks pa rin ito.
“Gising ka na pala. Sinabi ni Manang Huli na ayaw mo raw kumain nang dalhan ka ng agahan kanina kaya ako na ang nagdala ng agahan mo. Kumain ka na.”
Humalukipkip siya. “Do you think it would make a difference kung ikaw ang naghatid ng pagkain ko at kahit pa subuan mo ako?” Wala ring diperensiya sa kanya kung gawin nito iyon nang naka-trunks lang ito. She was seething mad at him right now. “Hindi ako kakain hangga’t di ako nakakalabas sa kuwarto na ito. Maliwanag?”
“Mas mabuti na dito ka muna sa kuwarto. Kasama ito sa napag-usapan namin ni Ninong Julio. Sinabi niya na ako ang magdesisyon kung paano ka mababantayang mabuti habang nasa cruise pa sila.”
Napanganga siya. “Sabi bantayan mo ako at hindi ikulong sa kuwarto ko. You are not my jailer. Hindi ako kriminal na kailangan mong ikulong.”
Naglakad ito patungo sa pinto ng terrace at binuksan iyon. Malaya nitong pinapasok ang sariwang hangin. “I’m trying to stop you from becoming one.”
Hinaklit niya ang braso nito at pilit na ihinarap sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” naiirita niyang tanong.
“Ilang beses ka nang dinampot sa presinto. Sa susunod, hindi ko alam kung mailalabas pa kita doon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kang ilusot ng mga baluktot mong katwiran at ng impluwensiya ng Papa mo. Sariwa pa ang issue sa iyo kahit pa may public apology ang kabilang kampo.”
“At iyon ang parusa ko? Bilanggo ako sa sarili kong bahay. Hindi pwede ito!”
Mabuburo siya sa loob ng silid na iyon kung naroon siya sa loob ng isang buwan. Baka paglabas niya ay maluwag na ang turnilyo niya. Hindi niya kakayanin iyon.
“Ito lang ang magagawa ko para iiwas ka sa gulo,” anito. “At least habang hindi pa bumabalik ang Uncle Julio sa Europe. Dahil kung napagtitiyagaan ka ni Daddy na ilabas ng presinto at naia-abswelto ka niya sa lahat ng kaso mo, ibahin mo ako. Hindi ako kasing tiyaga niya. Hindi ko kukunsintihin ang mga kalokohan mo.”
Nagdabog siya. “Gusto mo bang masiraan ako ng ulo? Kahit naman mga preso hinahayaang lumabas ng detention cell nila. Hindi ako sanay nang walang kausap at walang ginagawa. Paano ang…”
“Mamaya na natin pag-usapan ang ibang reklamo mo,” anito at naglakad patungo sa pinto. “Kumain ka muna ng agahan mo.”
Lumabi siya. “Hindi ako kakain.”
“Stop being a brat. Kumain ka,” mariing utos nito.
“Hindi ko ugaling kumain nang walang kasabay.” Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya. “Sabayan mo na lang akong kumain.”
Kumunot ang noo nito. “Bakit kailangan pang sabayan kita?”
Bumuntong-hininga ito. “Marlon,” sabi nito sa bantay na nasa pinto ng silid niya. “Sabihin mo kay Manang Huli na dalhin dito ang agahan ko.”