“MA’AM, hindi po kayo pwedeng basta-basta pumasok dito. Sarado pa po ang shop namin…” Natigilan sa pagpasok ng shop si Nadine nang harangin siya ng kaibigang si Tessa. Kasunod niya sa likod ang mga bodyguard niya na pawang naka-shades at polo at pants. Ni hindi man lang nag-invisible mode ang mga ito at walang balak na umalis sa tabi niya.
Inalis ni Nadine ang sunglasses at scarf na nakatabing sa ulo. “Ako ito.”
“Nadine! Ano ba naman ‘yang itsura mo? Bakit balot na balot ka samantalang pagkainit-init ngayon? May pinagtataguan ka ba?” Ngumiwi ito nang makita ang mga lalaking malalaki ang katawan sa likuran niya. “Sino sila?”
“Mga bodyguard ko na kinuha ni Miller.”
“May grabeng banta ba sa buhay mo dahil sa kumalat mong video? Grabe naman! Ganoon na ba katindi ang bashers mo para ikuha ka pa ng bodyguard?”
“Hindi. Para daw protektahan ako sa sarili ko. Am I really that dangerous? Para namang pagkasama-sama kong tao at sarili ko sasaktan ko,” usal niya at ipinadyak ang paa.
Ngumiwi si Tessa. “Medyo di maganda ang ganap mo recently, friend. Kahit ako magsa-suggest na dapat may bodyguard ka. Kasi di ko naman alam kung sino na naman ang gugulpihin mo o anong gulo na naman ang papasukin mo. Pasalamat ka nga di ka naipakulong. ‘Yang temper mo ibang klase.”
“I will keep my temper on check. Di ako basta mananapak kung di kinakailangan at di ko na rin ihuhulog sa bangin.” Itinaas niya ang dalawang kamay. “I don’t like that part of myself as well. Behave ako.”
She wanted to end her issues. Kaya nag-set na siya ng appointment sa therapist para sa anger management issues niya. Ayaw niyang natatakot ang mga tao sa kanya lalo na si
“Kaya ba pati pananamit mo kailangang mukha ka na ring binalot na lumpia?” nanghahaba ang ngusong tanong ng kaibigan.
“Utos ni Miller. Magsu-swimming sana ako kanina pero sabi niya ibalot ko daw ang sarili ko. At di ako pwedeng lumabas ng kuwarto ko nang walang bodyguard.”
“Medyo OA na siya. Para namang mapipigilan kang gumawa ng gulo kahit balutin ka pa na parang mummy at ikulong sa pyramid.”
“Wow ha? Friend ba kita? Bastusan lang?”
“Ma’am, huwag po ninyong aawayin. Kaibigan ninyo si Miss Tessa,” anang bodyguard niyang si Karim.
Sinapo ni Nadine ang mukha. “Hindi ko siya sasaktan. Kaibigan ko siya.”
“Naniniguro lang po, Ma’am. Mahigpit po ang bilin ni Sir Miller na pigilan kayo na makapanakit ng tao,” paliwanag ng bantay niya.
“Magtrabaho na nga lang tayo.” Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal sa ganito na may nakabantay sa bawat kilos niya. Baka mamaya ay di na rin siya pwedeng kumanti ng lamok. “How’s business?”
“Nakita mo ba itong bagong IG post ni Miller?”
“Hindi pa. Di naman iyan nagpo-post lagi sa social media. Di daw siya famewhore,” sabi niya at nag-check ng orders nila. Di pa rin sila nakakabawi sa nawalang kliyente nila. Kailangan nilang umisip ng strategy para makakuha sila ng kliyente. Sale o Facebook ads siguro?
“Tingnan mo kasi. Suot niya ‘yung necktie na regalo mo sa kanya noong Pasko at naka-tag pa ang shop natin.”
“Ano?” bulalas niya at tiningnan ang IG account ng binata mula sa laptop ng kaibigan. Naka-OOTD ang lalaki habang hinahangin ang necktie nito. Nakatayo ito sa rooftop ng building at tanaw ang buong Kamaynilaan. “Not just the necktie. Pati ‘yung briefcase na bigay sa kanya ni Papa gamit din niya.”
“At naka-credit din sa atin,” sabi ng kaibigan.
“H-Hindi ko iyan nakita kaninang paalis siya.” Sobrang inis niya sa lalaki kaya ihinatid lang niya ng tingin ang sasakyan nito na palabas ng gate kanina.
Nag-ring ang phone at sinagot ng kaibigan. “Hello. Yes, sa amin nga po ‘yung necktie na suot ni Miller Sebastian. Gusto po ninyong um-order para sa asawa at anak ninyo? Sure. We actually have new designs uploaded on our site. Ah! Even the briefcase. That is lovely.”
Di nagtagal ay nag-ring din ang cellphone ni Nadine. “Yes. Hello, Mrs. Caridad!”
“Hija, bakit di mo sinabi na may ganyan pala kagandang necktie kayo sa online shop. Di ko yata napansin.”
“I think because you canceled your order,” she said in a grim voice. Isa ito sa mga lumait-lait sa pagkatao niya kahapon.
“I want to re-order and I want whatever Miller was having. Gusto daw ng asawa ko na maging ganyan siya kakisig sa office.”
Wala na sila ng necktie ni Miller pero alam niyang may stock pa sila ng ibal “I think we have another design that is perfect for your husband. Magiging mas guwapo pa siya kay Miller.”
“I like that.”
“Do you know what Miller had for breakfast today? We have a cereal bar made by the women of Bukidnon. And there’s also a juice made of aloe vera and…” dugtong niya para makadagdag sila ng benta.
“Give me whatever he is having. Gusto daw iyan ng asawa ko. He must really like you to do this for you.”
“Po?”
“Si Miller. For all the trouble you did, he still likes you.” Di niya alam kung dapat siyang matuwa o malisyosa ang dating ng babae. But business is business. Kailangang di siya magmaldita sa customer.
“Gusto lang po niya ang products namin. Perhaps you should visit our shop. Mas makakapili po kayo ng para sa husband ninyo.”
“That is lovely, hija. I’ll be there soon.”
Di pa rin siya makapaniwala. Isang post lang ni Miller ay bumaligtas na ang sitwasyon. Nagbabalikan ang mga customer nila at may bago ulit silang customers. Nakita niya na di magkadaugaga sa pagsagot sa online orders si Tessa habang may kausap sa telepono. Nag-ring ang cellphone niya.
“Hello. This is Ray of Sunshine Online Shop. Good morning. Ah! The brown leather briefcase. Yes, we have it.” Sa wakas ay nakakangiti na si Nadine. Makabawi na sana sila sa araw na iyon.
“HINDI ko na yata kayang gumalaw,” ungol ni Nadine habang nakayukyok sa desk. Namamanhid ang braso niya sa dami ng inayos na orders at sinagot na query sa online shop nila. Isama pa ang mga walk-in customers ng shop. It was a crazy day. Mula sa pag-boycott ng mga kliyente nila, biglang dumagsa ang gustong bumili ng mga produkto niya.