“Kaso marami pa tayong gagawin,” anang kaibigang si Tessa at inilahad ang palad sa mga online orders na kailangan nilang I-pack. Nakasalampak din sa sahig ang dalawa pa niyang bodyguard at seryoso sa pag-aayos ng order na ipi-pick up ng courier kinabukasan.
Kadasalan, kaya nilang dalawa ni Tessa ang trabaho. Kapag maraming order o may sale, kinukuha nilang part-timer ang dalawang kapatid nito na nag-aaral sa college. Pero biglaan ang pagdagsa ng customers at orders nila.
Na-feature ang shop niya sa iba’t ibang blogs na nagbebenta ng mga produktor ng mga magsasakang Pilipino at smalll scale business ng mga kababaihan. Natabunan ang isyu tungkol sa kanila ni Christian.
“Oorder na ako ng dinner natin. Baka gutom lang ako kaya ako nanghihina,” sabi niya at dinampot ang telepono. “Anong gusto ninyong kainin?”
“Okay na po, Ma’am,” sabi ni Karim. “Naka-order na po.”
“Mabuti naman.” Sa sobrang busy niya, nakalimot na siya sa pagkain. Strike while the iron is hot lang sila dahil malaking tulong din ito sa merchandisers nila. Pero di pa rin siya gumalaw mula sa pagkakayukyok nang dumating ang pizza.
“Uy! Kumain ka na,” sabi ni Tessa at inilapag ang platong pizza, chicken at mojo potato sa harap niya. “Baka magka-ulcer ka ka pag di kumain.”
“Gusto ko lang matulog sana,” nanlalata niyang sabi. Ni di niya maingat ang ulo sa sobrang pagod. Buti na lang siya ang may-ari ng shop. Malamang tanggal na siya sa trabaho kung ganito ang gagawin niya.
She dozed off. Hindi na niya namalayan. Naramdaman na lang niya na may humahaplos sa buhok niya. May nakatayo sa tabi niya na matangkad na pigura. “Hey! Wake up.”
“Miller!” aniya at ilang beses na kumurap. Nang luminga siya ay nasa personal office siya. Nakabukas ang pinto at nakita niya na wala nang tao sa labas kung saan nagbabasta ng order sila Tessa at ang mga bodyguard niya kanina. O baka nanaginip lang siya. “Bakit n-nandito ka?”
“Hindi ka daw kumain at nakatulog ka na dito sa desk mo. Come on. I am taking you home,” sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya. “Mas makakapagpahinga ka kung sa bahay ka matutulog.”
Totoo ba talaga ito? Sinusundo siya ni Miller? Hinawakan niya ang kamay nito. It was warm. Natatakot siya na baka basta na lang itong maglaho. “M-May tatapusin pa kaming orders. Kailangang I-deliver bukas.”
“Pinauwi ko na si Tessa. Sila Karim naghihintay sa labas para magsara ng tindahan. Bukas na lang nila itutuloy ang paghahanda ng orders.”
“Sino may sabi?” tanong niya.
“Utos ko. Tessa also needs to rest like you. Siya ang sumalo ng lahat ng stress na gawa mo.”
Itinaas niya ang dalawang kamay biglang pagsuko. “Akala ko ako lang ang pwede mong utus-utusan. Pati si Tessa pala ikaw na rin ang boss.”
“Saka ka na makipagtalo sa akin kapag nakapagpahinga ka na. You won’t win this one, Nadine.” May awtoridad sa boses nito na di niya magawang kontrahin. Kung titingnan nga naman, siya lang din ang inaalala nito.
“May business dinner ka ngayon,” sabi niya dito nang makasakay ng kotse ng binata. Pasado alas nuweba pa lang ng gabi.
“Tinapos ko agad. The deal is sealed after all. Kaya pwede na akong umalis.”
“Di ba may mga party-party pa iyan pagkatapos ng mga deals ninyo?” tanong niya. Minsan ay lasing nang umuuwi ang ama dahil na rin sa painom sa mga business associates nito matapos ang matatagumpay na dealings.
“Hindi ko yata forte ang mag-party samantalang hindi ka pa kumakain. Di mo man lang pinansin ang pizza na ipina-deliver ko.”
“Ikaw ang nagpadala ng pizza? Sorry. Antok na antok na talaga ako kanina. Sobrang busy pa sa shop. Tapos ilang araw na akong walang tulog.”
“Of course. You were under a lot of stress lately. Pero nakakabawi ka naman na, hindi? Ibang stress na ang pinagdadaanan mo ngayon. A good kind of stress.”
“Yes. Nakakabawi na kami, salamat sa iyo. Alam ko na media relations office ng East Star Holdings ang dahilan kung bakit may mga good publicity sa akin. Tapos malaking tulong din para sa shop namin ‘yung OOTD pictures mo kanina. Tinatanong ka nga rin ng clients namin dahil nakita nila ang picture mo sa Facebook page namin at ni-repost namin ang picture mo sa Instagram. Ang guwapo mo talaga.”
“Hindi mo na ako kailangang bolahin. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin.”
“Kung makapagsalita, para namang nakuha ko na ang katawan mo,” aniya at humagikgik.
“Baka naman nalaman ko na lang ibinebenta mo na ako sa clients mo. Mamaya ipinapa-bid mo na pala ako.”
“Bakit naman kita ipapa-bid? Ang lagay ganoon-ganoon lang iyon? Hirap na hirap nga ako na I-date ka tapos sila makukuha ka lang sa bidding? Hindi sila ganoon kaswerte,” sabi niya at humalukipkip. Gusto nga niyang pagbuburahin ang mga comment kanina ng mga nag-inquire kay Miller.
His forehead knotted. “Do you really want to date me?”
Umismid siya. “Oo naman. Ikaw lang itong ayaw maniwala. Saka wala ka pang idine-date na babae mula nang umuwi ka ng Pilipinas. O malihim ka lang. Ano bang gusto mo sa babae? Baka naman may pag-asa ako.”
“Someone who won’t give me a headache.”
“Wala man lang labanan ng ganda o kahit question and answer portion?” Bumagsak ang balikat niya. “Di pa man ako nakakaporma, gong na agad. Saka paano naman kung di naman sinasadya na pasakitin ang ulo mo? Like she really means well. Nagkakataon lang na nagkakamali siya minsan.”
“Kung makikipag-date ako gusto ko seryoso na. I need someone who will be my partner. Someone who is matured and can hold her own. Kailangan ‘yung masasakyan ang takbo ng utak ko. Someone who thinks before she acts. Being impulsive leads to disaster, Nadine. At marami akong pinaghirapan. Di ako papayag na masira lang lahat iyon.”
“Date lang parang magpapakasal naman agad. Tindi naman ng requirement mo. Mas marami pang requirement kaysa sa tatakbong presidente ng Pilipinas. Itabi mo na nga dito,” utos niya sa binata.
Nakita niya ang pagpa-panic sa mga mata nito. “B-Bakit naman kita ibaba? Hindi pwede! Mukhang delikado dito.”
“Gutom na ako. May nakita akong tapsihan doon sa kanto.” Idadaan na lang sa tapsihan ang gutom niya.
“Gutom na rin ako,” sabi ng binata nang ihimpil ang sasakyan. “Hindi ako nakakaing mabuti kanina sa dinner.”
“Sermon ka nang sermon, di ka pa rin pala kumakain. Gusto mong magkasakit?”
“Don’t be such a mother hen,” sermon nito sa kanya at bumaba ng sasakyan.
Hindi na niya ito hinintay na ipagbukas siya ng pinto at bumaba rin. “And you are a dictator. Pero di mo naman maalagaan ang sarili mo. Nagpapalipas ka rin pala ang gutom.” Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at kinaladkad. “At sa ating dalawa, ikaw ang laging nalilipasan ng gutom dahil sa pagka-workaholic. Aanhin mo naman ang maraming pera kung may sakit ka?”
Umupo agad siya sa bakanteng mesa at umorder. Bigla siyang nagutom dahil sa mga requirements ni Miller sa makaka-date nito. But of course, this was Miller Sebastian. He wanted perfection. She wanted to hate that character of his. Pero iyon din ang dahilan kung bakit siya naaakit dito.
Walang aircon ang tapsihan. Puno iyon ng iba’t ibang klaseng tao. May mga kumakain lang ng nakasando, duster o kaya ay shorts. May nakasuot ng uniporme ng empleyado sa department store. Meron ding estudyante. Parang si Miller lang ang mukhang kagalang-galang. Naka-black suit jacket pa ito. Di pa rin nito hinuhubad. Ang vice president ng malaking holding company sa bansa sa gitna ng tapsiihan.
“Okay lang ba sa iyo na kumain dito?” tanong ni Nadine sa binata.
“I don’t really mind. I wish I brought you to a much better place.”
“Nakita mo ba kung gaano karami ang tao dito? Ibig sabihin masarap dito, di lang mura. Ang totoo di naman ako maselan. Kahit sa ganitong lugar mo ako I-date o kaya sa turu-turo lang, okay na sa akin.”
“Are you really okay with that? Sa ganito ka lang ide-date. You deserve better. You are a Baluarte.”
“Hindi naman ako maarte. Hindi ako mahirap I-please. Basta masaya ako sa kasama ko, okay na sa akin. Kahit nasaan kami o kahit ano pa ang kainin namin, hindi na importante iyon. Nakita mo naman kung gaano ka-romantic ang date namin ni Christian pero epic fail. Di tulad ngayon, masaya ako na kasama ka.”
“Mababaw lang ang kaligayahan mo.”
“Maigsi lang ang buhay ng tao. Bakit naman pahihirapan natin ang sarli natin sa mga bagay na nagpapasaya sa atin? Dapat maging kontento tayo minsan. Kasi kung di tayo kontento, magiging mapaghanap tayo at masasaktan lang sa huli kapag di natin nakuha ang gusto natin.”
“A mindset of a child. Bigyan lang ng candy masaya na.”
“Subukan mo ring maging masaya sa mga simpleng bagay paminsan-minsan. Sige nga. Anong simpleng bagay ang nagpapasaya sa iyo?”
“Stocks? Bonds? Property? A signed deal?”
Bumuga siya ng hangin. Mukhang malabo nga silang magkaintindhan ng lalaki. “Kumain na lang tayo.” Saka na niya iintindihin si Miller. Presensiya lang nito sapat na. She must take her own advice. Wag masyadong mag-expect. Dapat masaya lang para di masaktan.