“ITO na ba lahat ng sample natin? Pakibalot sa kahon ng isang set para kay Miller,” pakiusap ni Nadine matapos kuhanan ng picture ang mga necktie sa portable studio nila. Dumating na ang bagong set ng necktie mula sa Mindanao. Weaving pattern iyon ng iba’t ibang indigenous group ng rehiyon.
Naubos na ang mga stocks ng necktie nila. Nagkataon naman na dumating na ang bagong batch ng design ng mga necktie nila.
“Aba! Mukhang kuntodo ka na sa panliligaw sa kanya,” tukso ni Tessa at kinuha ang Maranao design na necktie sa kanya.
“Pasasalamat lang iyan dahil sold out ‘yung neckties natin at iba pang products na siya ang nag-model. Pati nga ‘yung palaman na kinain niya kahapon ng agahan, nabenta na rin dahil pinost niya sa Instagram.”
“Kinikilig naman ako. Sana sagutin ka na niya dahil diyan, Miss Nadine,” kinikilig na sabi ni Ivy. Kinuha niya ito na trabahador sa shop bilang kahera at shop assistant. Ayaw nitong dumepende lang sa mga Compostella lalo na’t inaasikaso pa ang kasunduan nito sa pamilya. Tahimik naman na naglalaro ng building blocks ang batang si Miri sa playing mat sa kid’s area ng shop.
“Hindi pwedeng puro kilig,” kontra ni Tessa at pinamaywangan siya. “Ang hina mo kasi. Nakatira na nga sa bahay mo, di mo pa pikutin.”
“Handa naman akong maghintay hanggang magustuhan niya ako. Di ako nagmamadali. Saka paano naman niya ako irerespeto pag pinikot ko siya? Gusto ko ng romantic love. ‘Yung kusa niya akong mamahalin. Walang pikutan.”
“Joke lang naman. Masyadong seryoso.”
Mag-iisang linggo na sa bahay ni Nadine si Miller. May bodyguard pa rin siya pero di na gaya ng dati na parang ultimo pagpatay ng langaw ay babawalan siya ng mga ito. Things were relaxed now. Nasasanay na rin siya na kasama si Miller sa bahay. Gusto niyang minsang mag-open ng personal na topic tungkol sa kanila pero palaging tungkol sa negosyo ang gusto nitong pag-usapan o kaya ay updates sa cruise ng ama nila.
Their fathers were having a grand time. Nasa French Riviera na ang mga ito. At may redhead na laging nakayakap sa baywang ng tatay niya. The woman looked smitten. Abogado daw iyon sa New Jersey at di nalalayo ang edad sa ama niya. If they would hit it off, she won’t block her father’s happiness.
Maya maya pa ay dumating na siya sa East Star Holdings. Ipinagbukas agad siya ng pinto ni Ruizmae, ang sekretarya ni Miller. “Sir, nandito na ang appointment ninyo ang eleven o’clock.”
“Hi!” bati agad niya sa binata.
Gulat nitong inangat ang tingin sa laptop. “Anong ginagawa mo dito?”
“Surprise!” Matapos magpasalamat sa sekretarya ay isinara ni Nadine ang pinto. “Bago ka pa magreklamo, uunahan na kita. I want you to know that this is business.” Inilapag niya ang decorated box sa harap nito. “For you.”
Magkasalubong ang kilay na binuksan ng binata ang kahon. “Wow! Neckties!”
“Bagong set ng necktie namin. We started with Mindanao weavings. Pero susundan na rin ng Visayas at Luzon weaving sa mga dadating na buwan. Mas mahal ito kaysa sa unang design na inilabas nila.
“I like it. Pero di yata ako papayag na regaluhan mo ako. Walang okasyon.”
“Bakit naman hindi? This is a token. Tinulungan mo ako noong halos bumagsak na ang online shop ko. Di mo ako binitawan kahit na walang gustong maniwala sa akin. You were there for me. Kaya maliit na bagay lang ito.”
“I did it because you don’t really deserve the backlash. At magaganda ang products mo. Magpasalamat ka kay Ruizmae dahil siya ang nag-suggest sa OOTD na iyan. I am not much of a millenial. Saka mukhang masyadong makulay ang necktie.”
Dinampot niya ang weaving ng mga Bagobo. It was deep blue with intricate patterns. “This the Bagobo weaving that is tied to the warrior class magandi. And you are a warrior in boardroom. You are my personal hero.” Idinikit niya sa dibdib nito ang necktie. “Uy! Bagay. Isukat natin?”
“Next time?” sabi ng lalaki.
“I want to see it on you.” Itinulak niya ang lalaki sa office chair. She wedged her knee between his legs. Saka niya itinukod ang tuhod sa upuan. He had no choice but to accommodate her. Kinalabas niya ang necktie nito. “Huwag kang mag-alala. Mabilis lang ito. Kukuhanan ko lang ng picture para sa mga fans mo.”
“Alam mo ba ang ginagawa mo, Nadine?” paungol na tanong nito na parang nahihirapan.
Tinapik niya ang balikat nito at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng necktie. “Chill ka lang. Alam ko ang ginagawa ko. Inaral ko ito noong high school pa lang ako. Ako ang naglalagay ng necktie kay Daddy lalo na pag frustrated siya sa problema sa opisina o kaya…” Kailangan ko ng pabor. Siyempre lambing ko kay Daddy.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Seryosong-seryoso siya sa pagkakabit ng necktie sa binata. She was enjoying it. It was like a wifely duty. Gusto niya na nagagawa niya ito para sa binata - ang maipagluto ito, makasabay itong kumain, sunduin sa shop kapag di ito busy sa trabaho at ipagkabit ito ng necktie.
“Ayan!” sabi niya at hinagod ang kuwelyo at balikat nito nang maisuot na sa wakas ang necktie. Bahagya siyang dumitasiya dito para kunan ito ng picture. “You look so gorgeous on it. See?” Lumapit siya at ipinakita ang picture dito. “Pwede ko na bang I-upload ito?”
Pero hindi ito nakatingin sa cellphone niya kundi sa kanya mismo. His eyes were hooded. Di niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Galit ba ito sa kanya? Pakiramdam ba nito ay sinasamantala niya ito. Manghihinghi ba ito ng mas malaking talent fee mula sa kanya?
“And you look kissable.”
Her breath hitched. Hindi iyon ang inaasahan niya mula kay Miller. He had always been reserved and serious. Kahit kailan di ito nagpakita ng hint na may interes ito sa kanya o attracted ito. Sinabi ba nitong kissable sila?
Kusang humakbang ang mga paa niya dito. Natatakot siyang kumpirmahin kung tama ang narinig niya. If he thought she was kissable, then he definitely wanted to kiss her. This was her chance.
Dumukwang siya at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. “Then kiss me.”
She pressed her lips to his. She felt the current run though her veins. Parang kiliti lang ang kuryente noong una. Akala niya ay itutulak siya ng lalaki palayo. He opened his lips and turned into an aggressive kiss.
She could not believe that it was really happening. She was in his arms and he was kissing her. But she felt like she wanted more. Hinila niya ang necktie nito at tumayo si Miller. His hands wrapped around her waist. She felt powerful. Sumusunod ito sa kanya. Like he was at her mercy.
Kiss me some more. Don’t stop. Ikiniling nito ang ulo kaya iba na naman ang anggulo ng halik nito. The kiss was making her heady. Parang lumulutang siya. And his body, his ripped body was pressed against her.
Hindi pa niya ito naramdaman dati na parang tinutupok siya. She wanted to feel more of him. She wanted to touch his ripped body. Alam niya na marami pang naghihintay na sorpresa sa kanya sa ilalim ng pormal na damit ng binata.
Biglang bumukas ang pinto. “Miller, do you have… time?”
Biglang naglayo ang labi nila ng binata nang marinig ang boses sa pinto. Isang matandang lalaki ang nakatayo doon, puti na ang buhok nito at panot na ang tuktok ng ulo. Nakatulala ito habang nakatingin sa kanila ni Miller.
“Mr. Moreno, g-good morning,” sabi ni Nadine na unang nakabawi. Di pa rin niya pinapakawalan ang necktie ni Miller. Parang di rin nito alam kung anong gagawin. Parang first time lang nitong may hinalikan sa opisina nito. “W-We are just trying out the new necktie in my collection. I see, suot na ninyo ang necktie na in-order ng wife ninyo sa shop ko.”
“Y-Yes,” sabi ng matandang lalaki at parang nailang. “Yayayain ko sana si Miller na mag-dinner mamaya. But I can see he is busy. Nakakaabala pala ako sa inyo. I will ask my wife to buy that necktie.”
“Thank you, Tito Crispin,” excited niyang sabi at yumakap pa sa matanda.
“Let’s just set the meeting some other time, hijo,” sabi ni Crispin at umalis na.
“P-Pero…” Di na nakakontra pa si Miller dahil nakaalis na ang matandang lalaki. Hinampas ng binata ang mesa, bakas sa mukha nito ang frustration. “Damn!”
“Miller, galit ka ba sa akin?”
Matalim siya nitong tiningnan. “Alam mo ba kung sino iyon?”
“Si Tito Crispin.”
“Yes. And he is also the most conservative board member. At alam mo ba kung ano ang iisipin niya sa nakita niya? Na sinasamantala kita habang wala si Ninong dito. Nasa alanganing posisyon tayong.”
“Grabe namang malisyoso no’n. Di naman siguro niya iisipin agad-agad iyon. And we are of age. So what if we kissed?”
“We kissed in the office. This is a sacred place to me. At sa akin ka ipinamahala ni Ninong Julio. I tried my best to build my reputation. I worked hard for this company. And now, they will think that I am romancing the CEO’s daughter to get into his good graces. Why did you kiss me?”
Pinilipit niya ang mga kamay. “A-Akala ko gusto mo akong halikan. Saka kung kung ayaw mo akong halikan, sana pinigilan mo ako.” Mariin lang na magkadikit ang mga labi nito habang nakatitig sa kanya. How could that beautiful kiss turn into a nightmare? “Ano bang gusto mong gawin ko para makabawi? Ayaw mo naman na kausapin ko si Tito Crispin. Magpapaliwanag ako. Sasabihin ko ako ang may kasalanan.”
“Don’t. Pinalalala mo lang ang sitwasyon.”
“Ano nga ang gusto mong gawin ko?” angil niya habang parang gusto nang sumabog ng puso niya. Di niya alam anong gusto nitong mangyari.
“Stay away from my office. You have no business here. Behave yourself habang nasa bahay ninyo ako. Don’t cook for me. Don’t do me any favors. Bring your necktie with you. Huwag mo nang dagdagan ang problema ko.”
Problema. Iyon lang ang tingin nito sa kanya. Isang malaking problema. Wala na talaga siyang ginawang tama para dito. Yes, she kissed him. But he kissed her back. At pati iyon malamang inisisi din nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. “You don’t really like me.” Di nito inalis ang tingin sa kanya. Di na nito kailangan pang sumagot. “I get the message. I am sorry.”
Dinampot niya ang regalo sanang necktie dito at dali-daling lumabas ng opisina nito. Magkadikit nang mariin ang mga labi niya dahil natatakot siya na bumagsak ang luha sa mga mata niya.
Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.