Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 18

“SABI ko bantayan ninyo siyang mabuti. I specifically asked you to guard her well. Don’t let her out of your sight. Don’t let her do anything stupid. Tapos malalaman ko na lang nandito na siya sa ospital.”

Nakahilera sa paanan ng kama ang mga bodyguard ni Nadine habang sinesermunan ni Miller. Nasa isang private hospital sila sa Pampanga kung saan isinugod siya ng mga bodyguard at ni Rinalyn. Ayaw sana niyang ipaalam sa binata dahil tiyak na magagalit ito pero responsibilidad naman ng bodyguards niya at ni Mang Nardo na sabihin kung nasaan siya. Nagpapahinga siya nang basta na lang dumating si Miller. Nagtulug-tulugan siya dahil ayaw niya itong harapin noong una pero di na niya magawang magpanggap na tulog dahil nakita niya na ang mga bodyguard niya ang dinidikdik ng binata.

“Huwag ka nang magalit sa kanila,” saway niya kay Miller.

Nilingon siya nito saglit. “Magpahinga ka lang diyan. Let me handle this.”

“Mali ka naman ng sinisisi. Ako ang nag-utos sa kanila na magbuhat ng kahon at basta na lang akong tumakbo sa bata kaya di agad sila nakalapit sa akin,” paliwanag niya.

“Huh! Ginawa mo silang kargador? Nakalimutan na nila na priority nila na bantayan ka. Mukhang naging sunud-sunuran sila sa iyo. Nakalimutan na nila kung ano ang trabaho nila. That is to protect you!” mariing sabi ng lalaki.

Ngumiwi siya dahil naramdaman na naman niya pagsigid ng sakit ng ulo niya. Wala siyang lakas para makipagtalo dito pero kailangan niyang depensahan ang bodyguards niya. “Oo na. Kasalanan ko na nga. Hindi ako nagsabi sa kanila na tutulungan ko ‘yung bata. I just acted on impulse. Ako na ang sermunan mo.”

Itinaas nito ang baba. “Hindi pa rin sila dapat umalis sa tabi mo. They should be reprimanded.”

Tinakpan niya ang tainga. “Tama na. Please! Tama na ang paninisi mo sa kanila. For once, makinig ka naman sa akin. Ako na nga may kasalanan. Ako na ang pagalitan mo. Ako naman lagi ang may kasalanan. Nadamay lang sila sa gulo. Sabi mo nga, wala na akong idinala kundi gulo.”

“It is their job to stop you from creating ruckus or harming yourself. Nagpabaya sila sa trabaho nila…”

“Ako ang magsasabi kung may kasalanan sila o hindi. Kung nagkulang sila sa trabaho o hindi. Ako ang nandoon. Ako ang nag-decide na takbuhin ‘yung bata. Kahit siguro hagupitin mo ako ngayon ng latigo, di ko pagsisisihan iyon. Di ko kayang iwan ‘yung bata nang mag-isa at tinatalaktak ng mga tao. Maatim mo ‘yon?” humihingal niyang tanong sa lalaki.

“Sir, huwag na po ninyong galitin si Ma’am Nadine. Baka dumugo na naman ‘yung sugat niya. Hala kayo!” sabi pa ni Karim.

Sinapo ni Miller ang batok. “Sige. Magbantay kayo sa labas. Pero di na mauulit ito. This is your last chance. O papalitan ko na kayo.”

“Yes, Sir,” sabay-sabay na sagot ng mga bodyguard niya at lumabas na ng kuwarto. Pero naiwan pa rin Miller at nakatunghay lang sa kanya.

“How are you?” tanong ng binata at namulsa.

“Masakit pa rin,” sagot ng dalaga at sinapo ang dibdib. Masyado pang sariwa ang sugat matapos ang pag-reject nito sa kanya. Hindi pala ganoon kadali na makaharap ang lalaking nanakit sa kanya. Hindi madaling sabihin na okay lang siya dahil habang nasasaktan siya sa rejection nito, nakita naman niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “Bakit ganyan ka makatingin? Is my condition critical?”

“Sabi ng doktor mo wala namang fracture sa bungo mo. Wala ring irregularity sa result ng MRI mo.”

“Wala ka naman palang dapat ipag-alala. Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Na parang mamatay na ako.” Na parang natatakot kang mawala ako sa buhay mo. Tinutunaw mo na naman ang puso ko. Aasa na naman ako.”

“You scared the hell out of me.” His voice hitched a bit. Tumayo ang lalaki sa tabi ng hospital bed niya pero kalmado na ito. Parang pinipigilan lang nito ang sarili na magsermon sa kanya. “Anong gusto mo?” malumanay na tanong nito.

“Umalis ka na,” aniya sa malamig na boses. “Pero di ka naman aalis basta-basta dahil sesermunan mo pa ako, hindi ba? Kaya sermunan mo na ako tapos pwede mo na akong iwan mag-isa.”

Napamaang ito. “Hindi kita sesermunan. Mukhang alam ko na kung ano ang pagkakamali mo. That could be fatal. Mabuti ligtas ka.”

“Hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon. Kahit siguro pasabugin ulit ang ulo ko, ililigtas ko pa rin ang batang iyon.”

Nakipaglabanan ito ng titig sa kanya. She was goading him. Gusto niyang magalit ito sa kanya, sermunan ulit siya. Mas gusto niya na magalit ito para mas mapatigas niya ang puso. Para magkaroon siya ng dahilan para di ito mahalin.

“Okay. Wala naman akong magagawa kung gusto mong magpakabayani ulit sa susunod. Basta magpagaling ka muna. I am just here. I am not going anywhere. I just want to make sure. You are my responsibility.” Kalmado lang ito. Ni hindi man lang kinagat ang pambe-bait niya para pagtaasan siya ng boses.

“Oo. Responsibilidad mo lang ako. Kung natatakot ka na ma-bad shot ka kay Daddy, sasabihin ko na kasalanan ko ang lahat. Hindi pwedeng masira ang magandang record mo dahil lang sa kapalpakan ko. Nakakahiya naman sa iyo. Kaya pwede ka nang umalis.”

He remained firm. “Dito lang ako sa tabi mo.”

“Bumalik ka na sa opisina, sa meeting o kung saan ka nila kailangan. May mga doktor at nurse dito. Trabaho nila na alagaan ako. Ipadala mo na lang si Manang Huli para bantayan ako.”

“No. Mas gusto ko na makita ng dalawang mata ko na okay ka lang. Nakikita ko na nasasaktan ka pa rin. So let me take care of you.”

“Take care of me because I am hurting?” Humalakhak siya kahit na parang mabibiyak sa sakit ang ulo niya. “Wow! That’s rich coming from you. Talagang nag-aalala ka na nasasaktan ako?”

“Yes. Even if I hire the best doctor to make you feel better. Kung mamahanap ko nga lang ‘yung nanakit sa iyo.”

“Don’t bother looking for him. Kasi kaharap ko na ‘yung nanakit sa akin.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.