Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 19

Namutla si Miller at itinuro ang sarili. “A-Ako?”

“Yes. Ikaw. At walang kahit sinong doktor na pwedeng makaalis ng sakit na nararamdaman ko. Dito mo ako sinaktan.” At itinuro ni Nadine ang dibdib. Akala niya ay manhid na siya sa sakit. Pero parang may kutsilyo pa rin na nakatarak sa puso niya at pinipilipit ng kamay ni Miller. Then she finally opened her heart to him. Wala naman nang mawawala sa kanya kung malaman nito kung gaano siya nagpakatanga dito. “Do you know that I liked you since I was fifteen? Ikaw ang dahilan kung bakit pinilit kong baguhin ang sarili ko. Na maging katanggap-tanggap ako sa iyo. Okay lang sa akin na itinulak-tulak mo ako palayo dati. Sabi ko baka kulang pa ako sa standard ng babaeng gusto mo. Maybe I have to be more feminine, more smart. Na kapag nagkausap tayo, mahahabol ko ‘yung mga topic na gusto mo. I tried my best.”

“H-Hindi ko alam na gusto mo ako. Akala ko hindi ka seryoso kapag sinasabi mong gusto mo ako. That you were just playing with me.”

Bata pa rin ang tingin nito sa kanya. “Kanina, akala ko nakita mo na ako sa wakas bilang babae na pwede mong magustuhan. Pero daig ko pa ang sinampal ng sampung beses nang sisihin mo ako dahil muntik kang mapahiya sa associate mo. I kissed you. Sige kasalanan ko. But you kissed me back. So kasalanan ko pa rin?”

“I… I didn’t mean to blame you. It was unexpected. Hindi ko alam na hahalikan mo ako. I… I didn’t know how to react.”

“Oo. At malamang sising-sisi ka na hinalikan mo ako. Nakakadiri ba ako? Ganoon ba ako kababa para sa standard mo? The High-and-Mighty Miller Sebastian should not be kissed by the insolent princess from the slums. You enjoyed kissing me. At least own up some responsibility. Ipinaramdaman mo sa akin na parang ang dumi-dumi ko at ang baba-baba kong klase ng babae.”

There was guilt in his eyes. Na parang nanipa ito ng tuta. “Don’t say that.”

“Don’t. Puro don’t. Lahat na lang hindi pwede? Hindi kita pwedeng mahalin. Hindi ko pwedeng gawin ito. Di ko pwedeng sabihin iyan. Ayaw mo sa akin. Ang sakit-sakit pero wala kang pakialam kahit nasasaktan ako. Ano bang masamang ginawa ko sa iyo? Naging masama ba ako? Ganoon ba ako kalaking kasiraan na makasama ako? Did I blemish your pure reputation?”

“I didn’t mean to hurt you. Nadine, di ko naman alam na gusto mo talaga ako. I-I thought you were not serious. Na pinagti-trip-an mo lang ako. Wala kang pakundangan sa kilos mo minsan at akala ko wala kang pakialam kung sino man ang madamay sa mga ginagawa mo.”

Itiniklop niya ang tuhod at niyakap ang binti. “Not serious. Kasi akala mo laro lang lahat sa akin. Na walang kwenta ang nararamdaman ko. Di ako matured. Miller, hindi na ako bata. Di siguro ako ‘yung perfect na babae para sa iyo pero may pakiramdam din ako. May puso rin akong nasasaktan. Thanks to you for treating me like trash. But that’s the last time it will happen. Umalis ka na.”

“Not like this. I want to explain.”

Inunat nito ang bisig at akmang hahawakan siya pero pumitlga siya. “I don’t care. I don’t need your explanation.” Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito, lalo lang niyang nararamdaman na wala itong konsiderasyon sa nararamdaman. Bumabalik lang sa alaala niya kung gaano kababa ang tingin nito sa kanya. Na binabalewala lang niya dati dahil mahal niya ito pero nagpatong-patong na ang sakit hanggang hindi na niya kaya. Hanggang sumabog na lang siya. At sa lahat ng pagmamahal nito sa kanya na di nito sinuklian, wala nang natira sa kanya kundi ang awa sa sarili. “Get out. Lalo lang akong nasasaktan habang nakikita kita. Out!”

Hindi alam ni Nadine na histerikal na siya hanggang magpasukan ang mga bodyguard niya. “Ma’am, ano pong nangyari?” natatarantang tanong ni Torio.

Isinubsob niya ang mukha sa palad at humagulgol ng iyak. “I don’t want to hurt anymore. Ayoko na. Pagod na pagod na ako.”

“Sir, mabuti pa lumabas muna kayo,” sabi ni Karim.

“Pinalalabas ninyo ako? I hired you.,” anang si Miller at mukhang wala pa rin siyang balak na iwan.

“Para pangalagaan si Miss Nadine. Kaya gagawin namin ang lahat para protektahan siya dahil iyon ang trabaho namin,” paliwanag ni Karim.

“Kasama na kayo doon sa kakaladkarin namin palayo sa kanya kung kinakilangan, Sir. Hindi ba ninyo nakita na may sakit si Ma’am Nadine tapos gagalitin pa ninyo siya lalo? Kung anuman ang ipinaglalaban ninyo, Sir, saka na lang kapag magaling na si Ma’am Nadine.”

“Fine. I am leaving,” narinig niyang sabi ni Miller. Naramdaman niya ang mga mata nito na nakatingin sa direksyon niya. She was tempted to look at him. Hindi siya pwedeng maging mahina pagdating dito. Masasaktan na naman siya. “Nadine, I am sorry for trampling your heart. S-Sana nalaman ko kung ano ang totoong nararamdaman mo sa akin noong una pa lang. I could have handled it better. Magpagaling ka. Magsabi ka lang kay Karim kung ano ang kailangan mo.”

Narinig niya ang yabag ni Miller, ang pagbukas ng pinto at ang pagsara. She was holding on to her heart. Isang traidor na bahagi niya ang gustong sumigaw kung pwedeng subukan nila ulit. Kung may tsansa na bang mahalin siya nito sa pagkakataong ito. But self-preservation stopped her. Mas mabuti na ito. Kahit anong gawin niya, di pa rin naman siya ang babaeng magugustuhan ni Miller.

“Ayos na kayo, Ma’am?” tanong ni Karim.

Tumango siya. Inalis niya ang pagkakasubsob ng mukha sa palad pero nanatili pa ring nakayuko. “Oo. Gusto ko lang mapag-isa.”

Nang umalis na ang mga bodyguard niya ay muling dumaloy ang luha sa mga mata niya. She wished she could stop the pain. Sa dinami-dami ng pwede kong magustuhan, bakit doon pa sa ayaw sa akin?

“NADINE, gustong magpasalamat ng mga magulang ni Leng-Leng sa iyo. Bidang-bida ka dito sa evacuation center dahil sinagip mo daw ang anak niya. Nagi-guilty nga sila dahil daw sa kanila kaya nadisgrasya ka,” sabi ni Rizalyn habang kausap niya sa cellphone. “Kumusta ka na diyan?”

“Wala naman daw fructure ang bungo ko sabi ng doktor pero kailangan pa rin nila akong obserbahan. Huwag na kayong mag-alala sa akin. Bukas na bukas din makakalabas na ako dito sa ospital. Sabihin mo sa magulang ni Leng-Leng huwag silang ma-guilty. Ang mahalaga ligtas ang anak nila.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.