MAAGANG dumilat si Nadine. Nauna pa siyang nagising kaysa sa tunog ng digital alarm clock sa tabi ng kama niya. Babangon na sana siya kahit wala pang alas singko ng umaga. Nakapa niya ang gasa sa ulo niya at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na niya kailangang bumangon ng maaga para ipaghanda ng agahan si Miller. Hindi na niya kailangang mag-effort para makuha ang pagmamahal nito. She didn’t even have to see him at all if she wanted to. She already gave up on him.
Bumalik siya sa pagtulog pero hindi siya mapakali sa higaan. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Di rin siya nakatiis at pinalitan ng T-shirt at short ang pajama terno. Matapos maghilamos at ayusin ang sarili ay tumuloy siya sa kusina. Naamoy na agad niya ang bango ng ginigisang bawang. It felt good to be home. Gusto niyang tumulong sa pagluluto kahit man lang magbati ng itlog. Pero lilinawin niya na walang kinalaman si Miller. Masyado itong sinuswerte. Magpasalamat na lang ito kung mabiyayaan ito ng luto niya. Di nila kailangang magkaharap ngayong agahan. Siguro naman mas pipiliin nitong umiwas na lang sa kanya. Basta wala siyang ginagawang kapalpakan, he could go his own way.
“Good morning!” bati niya pagpasok ng kusina. She was frozen when she saw an unfamiliar face at the kitchen. Nakatayo sa harap ng kalan si Miller habang may hawak na kwok. Nakasuot ito ng blue na apron na natatabingan ang sando na suot nito at ang short nito. Naka-hair net din nito. Nakahilera sa gilid nito ang iba’t ibang rekado. He looked comfortable in the kitchen as if it was his territory.
He gave her an unusual beautiful smile. “Good morning, Nadine! Bakit bumangon ka agad? Masyado pang maaga.”
“A-Anong ginagawa mo dito sa kusina?” mataray na tanong niya.
“Tumutulong na maghanda ng agahan.” Kaswal na kaswal lang ang sagot ni Miller na parang madalas na nitong ginagawa na maghanda ng agahan.
Nananadya ba ito? Alam naman nitong sa kusina siya nakatambay kapag umaga para magluto agahan. Malinaw na niyang sinabi dito na mas okay na mag-iwasan sila. Pwede namang maaga itong pumasok sa opisina at di niya makasabay na mag-agahan at gabing-gabi na rin ito kung uuwi. Mag-uusap lang sila kapag importante tungkol sa tatay niya o next time na may kapalpakan na naman siyang gawin. Wala na itong aasahang pagpapa-cute mula sa kanya.
“Mag-swimming ka, mag-gym ka, mag-jogging o mag-set ka ng breakfast meeting. Hayaan mo na lang kami. I know how busy you are. Nakakahiya naman sa iyo dahil ilang araw na kitang inabala.” Binigyan niya ng diin ang “inabala”. Pwede na itong mag-focus sa trabaho nang beinte-kuwatro oras. Wala nang mambubulahaw dito. Ni wala na siyang pakialam kumain man ito o hindi.
“Ikaw nga itong may sakit. Ikaw dapat ang magpahinga. Anong gusto mong kainin?” tanong ng lalaki.
Umismid si Nadine. “Hindi ka naman yata marunong magluto. Panggulo ka dito. Abala ka sa mga nagluluto.”
“Mas marunong pa siyang magluto sa iyo,” kantiyaw ni Manang Solita. “Patitikimin daw niya tayo ng sumo rice.”
“Omurice po,” pagtatama ni Nadine. Nainis siya dahil akala niya ay kakampi niya ang mga tao sa bahay. “Senyorito ka dito,
“Dito rin ako nakatira. Lagi mo akong pinagsilbihan mula nang dumating ako dito. It is high time to return the favor.” At tipid na ngumiti ang binata. “Mag-relax ka lang diyan. Ayokong mapagod ka.”
“Fine. Magpabibo ka kung gusto mo,” aniya at maasim na ngumiti.
Bumalik na lang siya sa kuwarto niya para mag-shower at planuhin ang araw na iyon. Dalawang araw siyang hindi nakapag-trabaho. And she wanted to get back to work. Iyon lang ang paraan niya para mawala sa isip si Miller sa sistema niya. She wanted to succeed more than ever.
“Eat. Kailangan mong mabawi ang lakas mo.”
“Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.”
“Para sa taong gustong-gusto ako, di mo na ba naalala na nakatikim ka na ng luto ko?”
“Uhmmm… luto mo?”
“Yes. Nagluto ako ng omurice dati. Niluto ko para kay Dad. Kaso hindi niya nagustuhan ang lasa. Sobrang anghang kasi kaya ikaw ang kumain. Sabi mo gustong-gusto mo ang luto ko kahit na namumula ka na no’n.”
“Nothing special. Lahat naman kinakain ko no’n. Lahat masarap.”
Di niya aamin na halos masunog ang lalamunan niya sa anghang ng pagkaing niluto nito. Naawa lang siya kay Miller no’n dahil ipapakain daw nito sa nililigawan nito ang omurice. Tiniyaga niya iyon kahit kandatulo na ang luha at sipon niya.
“Sabi mo masarap kasi naubos mo. Tapos ibinigay ko sa nililigawan ko. Ayun! Binasted ako kasi bumubuga siya ng apoy nang matikman niya. Iniisip ko tuloy sinadya mo iyon para mapahiya ako sa nililigawan ko.”
Muntik na niyang ibuga ang kinakaing omurice. “Di ha? Gusto lang kitang I-please no’n para maging close tayo. Noon iyon. Pero in fairness, di na kasumpa-sumpa ang luto mo ngayon. Pwede kang magbenta nito sa free time mo. Buti marunong ka nang magluto.”
“I had to. Di ako mabubuhay sa Harvard kung di ako marunong magluto. Noon lang ako natuto na alagaan ang sarili ko. I am used to people taking care of me. A good chef gave me that recipe. I am glad you like it.”
His ex. Pinapakain nito sa kanya ang recipe ng ex nito. Samantalang ‘yung pinapakain niya dito, di naman talaga siya nagluto. Nakaalalay lang sa kanya.
Huwag paapekto. Di mo na kailangang makipagkompitensiya sa ex ni Miller. Hindi ko na rin kailangang mag-effort magluto. I don’t have to make an effort. Enjoy na lang sa pagkain.
“Anong gusto mong breakfast bukas? Baka alam kong iluto,” anang binata.
“Miller, di mo naman kailangang mag-effort. Really. Alam ko na abala kang tao. Marami ka pang obligasyon sa kompanya. You don’t have to do this.”
“Nare-relax ako kapag nasa kusina. Kaya mas gusto kong magluto. Busy ka rin naman no’n pero lagi kang nag-e-effort na ipagluto ako.”
“Gusto kita. While you don’t like me. Di ka rin naman nanliligaw. Kaya hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili ko. Okay?” sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. “Anyway, kung gusto mo talaga kaming pasiklaban ng luto mo, I am cool with it. Tratuhin mong parang bahay mo ito.”
Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito nang pagmasdan siya. Malungkot ba ito dahil iba na ang trato niya dito? Di ba ito masaya na sa wakas wala nang makulit na fangirl sa buhay nito?
“Plano mo bang pumasok sa shop ngayon?” tanong ng lalaki.
“Pipigilan mo ba ako?” naghahamong tanong ni Nadine.
“Wala naman akong magagawa kung gusto mong magtrabaho. Pero sana alagaan mo ang sarili mo. Kapag di na maganda ang pakiramdam mo, take a rest. Kung kailangan mong kumuha pa ng extra staff, gawin mo para hindi mabigat ang trabaho mo. Lumalaki na ang business mo. You need it anyway.”
“Hindi ko alam kung kakayanin ko. May surge ng customers sa shop ko pero hindi ko alam kung hanggang kailan.”
“I will try to check your website. Titingnan ko kung may maio-offer akong tulong para mas gumanda ang service ninyo at kung paano kayo makakapag-promote nang mas mabuti.”
“Thanks for the offer. Pero alam ko naman busy ka,” giit niya.
“I can make time if you need me.”
He was being too nice to her, it was starting to make her mad. Mahirap namang tarayan ito o deadmahin. He knew her weaknesses - food and business talk. Mahirap iwasan ang dalawang topic na iyon. Mukhang pahihirapan siya nito. Paano naman siya makaka-recover dito kung nagpapasiklab ito sa kanya?
“You don’t have to be nice to me.”
“I was never nice to you. Hayaan mo naman akong maging mabait sa iyo. I am not an asshole sometimes.”
“Paano naman ako makaka-recover sa iyo kung ganyan ka?”
Nagkibit-balikat ito. “Take your time. Hindi mo naman kailangang maka-recover sa akin agad. Hindi mo kailangang mag-move on kung ayaw mo.”
Natulala siya dito. “Seryoso ka? Ayaw mong maka-recover ako sa iyo? Nang-aasar ka ba?”
“Look. If I am nice to you, you will have the chance to reject me. Kung ano ang ginawa ko sa iyo dati kapag tinatanggihan kita, pwede mo nang gawin sa akin. Para naman makabawi ka sa mga pambabalewala ko sa iyo.”
“Ang lakas ng trip mo. Diyan ka na nga,” sabi niya at tumayo. “Gusto ko pala ng seafood rice. Anghangan mo tulad ng omurice dati para isumpa kita. Okay?”
At saka taas-noo siyang umalis ng mesa. Hindi talaga niya maintindihan kung anong gustong mangyari ni Miller. Ayaw nito sa kanya pero parang ayaw naman nitong mawala siya sa buhay nito. Hibang lang. Suminghot yata ng chili flakes.