Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 22

“DAD, sinabihan ba ninyo si Miller na maging mabait sa akin?”

Natawa ang ama ni Nadine na si Julio. “Ano na naman ang nangyari sa inyo?”

Di maipinta ang mukha niya habang pinagmamasdan ang ama na mukhang walang kaproble-problema sa buhay. He was enjoying his breakfast with the view of Parthenon at the back. Isa sa stop-over ng cruise nito sa Athens bago pumunta sa Santorini. At di maipagkakaila ang boses ng isang babaeng Pranses sa background. Wala naman siyang pakialam sa sex life ng ama. He deserved to have fun. Naiinis lang siya dahil sira naman ang araw niya.

“He stopped treating me like an annoying pest. Ipinagluto niya ako ng breakfast at ihinatid pa ako sa shop. Siya yata ang tinamaan ng bato sa ulo.”

“Is that supposed to be a bad thing? Di ba matagal mo nang pangarap na maging mabait siya sa iyo?”

“It is bad lalo na po kung napipilitan lang siya. Tell him to back off.”

Nangalumbaba ang ama at ngumisi sa kanya. “Honey, hindi si Miller ang tipo na mauutusan mo. Hindi mo siya mapipilit kapag ayaw niya kahit noong bata pa siya. He is nice to you because he wants to be nice. Maybe he finally likes you.”

Her lips twisted in dismay. “Ngayon pa niya gagawin iyon kung kailan ayaw ko na sa kanya,” bulong niya.

“Ngayon mo pa ba siya susukuan matapos ang lahat ng ginawa mo para ma-in love siya sa iyo? You just decided to stop loving him?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Dad, how did you know?”

“You are too obvious. Si Miller lang siguro ang clueless. Nadine, hindi ako ang tipo ng magulang na ipipilit ang gusto ko sa anak ko. Yes, I like Miller for you. I could have handed him to you on a silver platter if I want to. Pero may sarili kayong utak ni Miller. If he likes you, well and good. Mapapanatag ang loob ko kung siya ang magiging boyfriend mo. Kung ayaw mo na sa kanya, di rin kita mapipilit. I just want you to give him a chance. Hayaan mo siyang ipakita sa iyo ang good side niya.”

“Hindi ako sanay nang ganito, Dad.”

“Naiilang ka sa kanya? Do you want him out of our home?”

“Can you kick him out?”

Pumalatak ito at umiling. “No. I trust him more than anyone when it comes to you. You are a magnet for trouble. Miller could still keep you in line. Sana naman hayaan mo muna siya na bantayan ka. I know you are safe with him around.”

“Sorry po. Alam ko naman marami akong palpak, Dad. Alam ko rin na dapat bigyan ko ng chance si Miller. Pero anong klaseng chance ba ang ibibigay ko sa kanya? Mahal ko siya pero alam ko po na ayaw niya sa akin. Parang ayaw niya akong maka-move on.”

“You can’t blame the man. Akala niya laro-laro lang sa iyo ang panunuyo mo sa kanya dati. Ngayon lang niya nalaman na mahal mo talaga siya. The man is dense. And he is trying to make it up to you.”

“E di mai-in love na naman ako, Dad. Tapos mas masakit pa kung makikita ko na lang na in love siya sa iba kasi ayaw naman niya sa akin in the first place.” Itinakip niya ang palad sa mukha. “Mas masasaktan ako. Ano pong gagawin ko?”

“If you want to move on, reject him everytime he makes a move on you. Ibalik mo sa kanya ang ginawa niya sa iyo dati. Maybe it will make you feel better.”

“Matalino po si Miller. Alam niya na ire-reject ko lahat ng effort niya. Di naman siya masasaktan maliban sa pride niya. Di naman siya in love sa akin. J-Just tell him to stay away from me. Please?”

Bumuntong-hininga ang ama. “Hayaan mo lang si Miller na gawin ang gusto niya. After all, kung ayaw mo na talaga sa kanya, di ka na maaapektuhan. Mapapagod din iyan kapag nakita niya na wala siyang mapapala sa iyo. I have an advice for you though. Kung napapasaya ka ng isang tao, bakit ka matatakot masaktan sa huli? Mas gusto mo bang pagkaitan ng pagkakataong sumaya ang sarili mo? Maigsi lang ang buhay sa mundo.”

“Hanggang kailan ako aasa kay Miller, Dad? Paano kung nakokonsensiya lang po siya sa akin?”

“Hindi naman ganoon kadali na mamahalin ka rin o magugustuhan ka rin ng isang tao. But if it will make you feel better, give him two weeks. Kapag di ka naman niya gusto talaga, ako mismo ang magsasabi na dumistansiya siya sa iyo. Deal?”

“Deal. I hope it will work.”

“Just enjoy,” masayang sabi ng ama at nakita niya na hinalikan ito sa pisngi ng isang redhead bago tuluyang natapos ang video call nila.

Nanlalambot siyang lumabas ng maliit na opisina. Napansin niya na may mga customers siya kaya busy pa ang lahat sa pag-aasikaso. Nakabantay sa pinto ang mga bodyguard niya, umaaktong normal na security guard ng shop. Mabuti na daw na may ginagawa ang mga ito kaysa tumunganga lang sa kanya at maghihintay kung kailan na naman siya gagawa ng ikapapahamak niya.

“Kumusta ang video call ninyo ni Tito Julio?” tanong ni Ruizmae nang puntahan niya sa pantry. Nagbe-brew ito ng kape para sa mga walk-in customer nila. “Out na daw si Miller sa buhay mo?”

“He is staying. I-enjoy ko na lang daw ang mga ginagawa ni Miller. Kasi maigsi lang daw ang buhay kaya dapat I-experience ko ang magpapasaya sa akin.”

“May point naman si Tito Julio. Ngayon ka pa talaga nag-iinarte. Nasaktan ka na dati. Sagarin mo na. Kung kailan malapit ka na sa tagumpay. IN fairness, ang sarap ng Korean barbeque chicken na padala niya. Makakatipid ako ng gastos kung laging may pakain si Mayor kapag nanunuyo sa iyo.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Kaibigan ba talaga kita? Ipagkakanulo mo ako kay Miller para lang sa pagkain?”

“Mahal mo pa naman. Bakit ngayon mo pa susukuan?”

“Gusto ko lang talagang ipahinga ang puso ko. Kasi ang hirap na maging masaya tapos sa huli di rin naman ako gusto niya. Mas masakit.” Mas matindin rejection ang iindahin niya dahil ama na ng binata na gusto niya ito.

Kumislap ang mga mata nito. “Alam ko na kung paano mo siya mapapalayas sa bahay ninyo. Akitin mo.”

“What? Paano ko naman siya itataboy no’n?”

“Hindi naman kasi fuckboy si Miller. Parang siya ‘yung tipo ng lalaki na doon lang sa babaeng gusto niya magiging intimate. Kung ayaw niya sa iyo at tinanggihan ka niya, tingnan ko lang kundi siya umuwi sa condo niya sa takot sa iyo. But if he kissed you back or more, dapat lang na maging malinaw kung handa siyang mag-commit sa iyo o may tsansa ka. This is the final test.”

“Yes. Pagkatapos nito, ayawan na talaga. I am kicking him out.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.