Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 23

SUMILIP sa pinto si Nadine matapos ibigay ni Miller ang signal nito na pwede na siyang pumasok. “Yes?” tanong nito habang di pa rin inaalis ang tingin sa laptop nito. He looked serious. Mukhang wala itong balak magpa-istorbo.

“Still working?” tanong niya dito.

Gulat na inangat ni Miller ang ulo. Tumayo ito at sinalubong siya. “Hey! Susunduin na sana kita. I am just wrapping things up here.” Humalik ito sa pisngi niya. “Hindi mo ba nakita ang text ko?”

“I decided to fetch you instead. Let’s eat out tonight? Ako ang bahala.”

Bumuka ang bibig nito. “No. I think…” Naghahamon niya itong tinaasan ng kilay. “Okay. If that is what you want.”

“Tapusin mo na ‘yung ginagawa mo. I will just wait here,” sabi niya at umupo sa couch.

Hindi naman nagtagal ang lalaki sa ginagawa. He just shut down the laptop. Dinampot nito ang suit para isuot ang suit. “Huwag mo nang isuot iyan. Pakiramdam ko magtatrabaho ka pa rin kapag naka-suit ka. Let’s relax tonight.”

“Okay,” sabi nito at isinukbit sa braso ang suit.

Hinawakan nito ang siko niya. She stiffened a bit. She could feel his presence beside her. Ilang araw niyang pinaghandaan ito. She must exude confidence. Na sigurado siya sa ginagawa niya. She must be in control. Madikit pa lang ito sa kanya ay nanginginig na siya. Paano pa mamaya?

“Bakit tensiyonado ka? Akala ko ba relax lang?” tanong ni Miller sa kanya.

“Medyo malamig lang dito,” sabi niya at kinipit ang sarili.

Lumipat ang kamay nito sa kabilang braso niya at hinapit siya palapit dito. “Don’t worry. I will keep you warm,” he murmured at the top of her head.

Luminga ito sa paligid pagdating sa parking lot. Hinahanap ang mga bodyguard. “Tayong dalawa lang?”

“Pinauwi ko na sila Karim. Ikaw naman ang kasama ko. I should be safe. And this is our date. Ayokong may mga nakabuntot na bodyguard sa atin.” Siniko niya ito. “We are using my car.”

“Okay. But I am driving,” sabi ng lalaki.

“No. Ako ang nagyaya ng date. Ako ang sumundo sa iyo, ako rin ang magda-drive. Fair is fair. Gender equality,” nakangisi niyang argumento.

Umiling ito. “I am not sure that is a good idea.”

“Maingat akong mag-drive. Kahit tanungin mo pa ang bodyguards ko. Saka aalagaan kita. Promise.”

Atubili itong lumapit sa kotse niya tapos ay binuksan ang driver’s seat. Akala niya ay ito mismo ang uupo doon pero inilahad nito ang palad bilang senyales na pumasok na siya. Isinara nito ang pinto bago tumabi sa kaya. Still a gentleman. Pwede naman siyang magpa-drive dito pero kailangan niya ang kontrol at kompiyansa niya ngayon.

“Choose on the playlist,”’ sabi niya dito. Naka-konekta sa Spotify at wifi ang car stereo niya.

Jazz music ang pinili nito. It somehow gave the car a romantic and chill vibe.

“Ilang araw na kitang niyayang mag-date pero ayaw mo. What made you change your mind?” tanong ni Miller kay Nadine.

“Weekend ngayon. We deserve a break. Lalo ka na. Alam ko kung gaano ka-stressful sa iyo ang linggong ito. Minsan parang wala ka sa sarili kahit breakfast pa lang. Late ka rin daw natutulog sabi ni Manang.”

Huminga ito ng malalim. “Yes. Nahihirapan akong kumbinsihin ang mga board of directors tungkol sa new technology na gustong magtulong sa investment sa kompanya. It is a bluetooth technology that will help you find your missing things.”

“Nice. Anong problema ng mga oldies?”

“They are not sure if it is worth it. Minsan daw risky ang technology. Or maybe they don’t believe my vision because I am much younger. I know, hindi ko naman department ang approval ng projects na popondohan namin. Pero nanghihinayang ako sa opportunity. Kung hindi iga-grab, lilipas ang chance namin. Mas malaki ang mawawala sa kompanya.”

Mariing pumikit ang binata at sumandal. Frustration was written all over his beautiful face. No doubt that he was good in business. Pwede na nga itong magtayo ng sarili nitong negosyo at tiyak na papatok iyon. He was a visionary. But being so young, he had to answer to his seniors. Iyon din ang dahilan kung bakit mas gusto niyang magtayo ng sariling negosyo kahit na maliit lang. It was her own money. She didn’t have to answer to anyone else.

But Miller was more invested to her father’s company. As if he was born to be the captain of its helm. At naalala niya kung gaano kalaki ang tiwala ng ama niya dito. Na kahit siya mismo ay ipinagkatiwala ng ama dito. At kahit anong ipatrabaho dito, ginagampanang mabuti ng binata.

“Talk to Dad. I am sure he will support you,” aniya at tipid na ngumiti. “At kapag hindi siya pumayag, sabihin mo sa akin. I will discuss it with him.”

“Nah! I know you are busy with your own business. Problema ko ito…”

“My problem, too. I am the heiress. May investment kami sa kompanya at sa future ko. I do have a say on my future.”

“Of course. Thank you for the support.”

“Alam ko naman kung gaano kahirap ang pressure sa ating mga mas bata. Maraming kailangang patunayan. Tayo lang magkakampihan.”

Nakangiti pa ang binata noong una hanggang makarating na sila sa Commonwealth Avenue. Mukhang kabado na ito. “Malayo pa ba tayo?”

“Around fifteen minutes or so. Don’t worry. Kilala pa ni Google Map ang destinasyon natin. Mag-sandwich ka muna,” sabi niya at inabot ang paper bag dito.

“Mukhang malayo-layo ang pagdadalhan mo sa akin. Saan ba?”

“Secret,” sabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Alumpihit na ang binata sa kinaupuan lalo na nang mapadpad na sila sa kalsada na puro talahiban at walang bahayan. “Nasa labas na ata tayo ng Metro Manila. Di kaya naliligaw na tayo?”

“Alam ko naman kung saan tayo papunta. Papasyal-pasyal lang tayo.”

Matapos ang pagbaybay sa maalikabok at baku-bakong kalsada ay nakarating din sila sa magubat na parte ng Montalban. “Nasaan na tayo?” tanong ni Miller.

“Nasa kaharian na tayo ni Bernardo Carpio. Iaalay na kita sa mga virgin.”

Alumpihit ito sa kinauupuan. “No shit! Miyembro ka na ba ng kulto?”

Umalingawngaw ang halakhak niya sa buong sasakyan. Unang beses niyang nakita ang takot sa mga mata nito. “Chill. Hindi ako member ng kulto at wala akong balak na ipamigay ka sa ibang virgin.”

Maya maya pa ay pumasok na sila sa tarangkahan na gawa sa fence. Sinalubong sila ng matandang lalaking caretaker ng property pagka-park ng sasakyan. “Good evening, Ma’am, Sir. Nakahanda na po ang cottage ninyo.”

Naglakad sila sa stone pathwalk na sa magkabilang gilid ay hilera ng kawayanan. May solar powered low lamp na tumatanglaw sa dinadaanan nila. Matapos ang ilang metrong paglalakad ay humantong sila sa isang Balinese type na kubo. Sa balkonahe niyon ay may swimming pool.

Isang matandang babae ang nag-aayos ng mesa nila sa balkonahe kung saan nakadulo ang pagkain. “Good evening, Manang Fely,” bati ni Nadine dito.

“Ma’am, Sir, good evening po. Gusto na po ba ninyong kumain? Handa na po ito,” magalang na sabi ng babae. “Sabihin lang po nila kung may kailangan sila.”

“Ako na po ang bahala dito, Manang,” sabi nila ni Nadine at niyakap ito. “Si Miller po.” Kinamayan ng binata si Manang Fely at binati.

“Siya ‘yung ikinukwento ninyo na gustong-gusto ninyo dalagita pa lang kayo.” Pinagsalikop ng matandang babae ang mga kamay. “Boyfriend po ba ninyo?”

Awkward ang katahimikang sumunod. Ano ba ang dapat niyang isagot? Di naman nanliligaw sa kanya si Miller at itinigil na niya ang panliligaw dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.