Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 24

Masuyong hinawakan ng lalaki ang kamay niya. “Malapit na po.”

Magaan na tumawa si Nadine. Walang kamalay-malay sa plano niya si Miller. Excited naman silang iniwan ni Manang Fely para daw makapagsolo sila.

“This is nice. Ako dapat ang nagsasama sa iyo sa ganitong lugar,” sabi ng binata habang sumusubo ng calabasa soup.

“Bakit? May plano ka ba?”

Nagkibit-balikat ito. “Sana. Pero di ko pa alam kung saan ka yayayain at kung papayag ka. Nauna ka tuloy mangidnap sa akin. Where are we?”

“Sierra Madre Mountains. Nasa Puray tayo sa Rodriguez, Rizal. A friend of mine owns it. Pinapa-rent nila sa mga guest. Sabi niya sa akin, pwede akong pumunta dito kapag gusto kong mag-relax. Matapos ang lahat ng nangyari nitong nagdaang araw, we both need it.”

“I agree. Pero sana sinabi mo sa akin para nakapaghanda rin ako…”

“This is my idea. This is my surprise.”

“Kaya ilang araw mo akong hindi kinakausap,” naghihinalang sabi ng lalaki.

“You’ve been extra attentive recently. Naa-appreciate ko na gumigising ka araw-araw para lang ipagluto ako. Tapos sinusundo mo rin ako lagi at sinasamahan pang mag-lunch minsan. Na-realize ko pwede naman siguro tayong magkasundo. I am just being hard on you. So I thought a little weekend getaway would be nice. We can relax, kalimutan ang trabaho at tayong dalawa lang. Walang manggugulo.”

“Pero wala akong mga damit na dala…” angal ng lalaki.

“Ibinigay ng sekretarya mo ang size mo. As our unofficial model, naisip ko na ikuha kita sa products namin.”

Tumango-tango ang binata. “Smart. Really smart. Thanks for the wonderful surprise. Matagal na rin pala akong hindi nagbabakasyon.”

Matapos kumain ay nagyayang maligo sa pool si Nadine. She had choosen a white two-piece bikini. “Mauna na ako sa pool,” sabi niya sa lalaki na mukhang nahihirapan kung anong swimming shorts ang gagamitin. She brought five.

Lumublob sila sa cold pool at sumandal sa gilid habang hinihintay ang binata. Nakatitig lang siya sa lalaki na nakatapis pa ng tuwalya nang lumabas ng cottage. There was a satisfied smile on her lips as she appreciated the view. He had a sculpted body. Pero di nakakatakot ang muscles nito tulad ng iba.

Namaywang ito at pinagmasdan ang pool. Paranng nag-aalangan itong lumusong. “Tititigan mo na lang ba ako buong gabi? Take a dip. Alisin mo na rin ‘yang towel mo. Tayong dalawa lang naman dito.”

Kinalas nito ang tuwalya sa baywang at ihinagis sa kalapit na lounging chair. Muntik nang bumagsak ang panga ni Nadine. Sa tulong ng liwanag sa paligid ng pool, she could see the tent on his shorts. He was huge. It might split her into two. Biglang sumigid sa buto niya ang lamig ng tubig sa pool. She shivered on what awaits for them tonight.

“Play it cool. Confidence, Nadine. Huwag mong ipakita na nakita mo lang ang tent sa swimming shorts niya, natataranta ka na. Alam mo kung anong pwedeng maging resulta ng plano mo na ito,” utos niya sa sarili.

Sa gabing iyon, pwede siyang tanggihan ni Miller. Pero kailangan din niyang ihanda ang sarili kung aangkinin siya nito. It would be all or nothing. And if she would be the one doing the seduction, she must be in control. Di pwedeng mukhang wala siyang alam. Kailangan niya ng maraming lakas ng loob.

Tumalon si Miller sa pool. Bigla itong sumigaw nang iangat ang ulo. “Bakit nananakit ang tubig dito?” tanong ng lalaki at nakita ang pangangaligkig nito.

“Galing daw sa natural spring ang tubig dito sa bundok. Kaya di amoy chlorine ang tubig dito.”

“Hindi ka ba nilalamig?” tanong ng lalaki nang lapitan siya at kumunot ang noo sa suot niyang white two-piece suit.

“Nilalamig.” Yumakap siya sa leeg nito. “But you are here to keep me warm, right?” Ikinawit niya ang isang binti sa baywang nito. Their bodies melded together.

Naniningkit ang mga mata siya nitong pinagmasdan. Hinawakan nito ang binti niya at pakiramdam niya ay plano nitong tanggalin. “Are you trying to seduce me?”

“What if I am?” she asked in a raspy voice.

“Nadine…”

Hindi na binigyan ng dalaga ng pagkakataon si Miller na tumutol. She clashed her mouth with his. She caught him by surprise. She nipped his lips that caused him to gasp. Then she trapped him in an open-mouthed kiss. He pulled back to catch his breath then he started kissing her back. Noon lang niya hinayaan ang sarili na I-enjoy ang halik na iyon. Ang kamay nito na mag-aalis dapat sa binti niya na nakakawit sa baywang nito ay hinapit lalo siya palapit sa katawan nito, habang ang isa nitong kamay ay sumalikop sa pisngi niya. He took over the kiss. Naging malumanay iyon. As if from a rock music, he tuned it into a more mellow song. Parang ipinaghehele siya ng halik nito.

Kumawala ito sa halik niya, habol ng lalaki ang hininga. “I think we should slow down.”

Tumaas ang kilay ni Nadine. “Slow down?” She pushed him to the wall, her lips skimming his neck down to his chest. Habang busy naman ang kamay niya na mag-excursion sa abs nito at pababa pa.

Umungol ang binata at mabilis na sinapo ang isang kamay niya. “What are you doing? Sabi ko dahan-dahan lang.”

“I don’t want to slow down.”

“What’s your hurry? May lakad ka ba?” At mahina itong tumawa.

Maybe he thought she was an amateur. Na di niya alam kung anong ginagawa niya. “You can just relax and enjoy if this is too fast for you.”

Then she nipped his nipple and his breath hitched. She means business. Natigil ito sa pagtawa. Isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. He growled, torn between stopping her and enjoying the sensation. Her plan was working. Tingnan lang niya kung makatawa pa ito.

She was exploring every ridge of his abs when he pulled up her hair. “Nadine…” he called her with a growl. He gave her a open-mouthed kiss, as if he was too hungry for her. “Ano bang gagawin ko sa iyo? I want to take my time with you. But with what you are doing, I might explode.”

“Then good.” Malinaw nang gusto siya nito. And she wanted him to loose control. At mahalaga na hindi siya nito itinataboy. “I am not made of glass, Miller. Hindi na rin ako bata. I know what I am doing and I want you.”

“I want to take my time with you. Will you let me?” he asked in a mellow voice, almost begging.

“Okay,” aniya at tumango. That was the end goal. Gusto lang niyang matiyak na gusto nga siya ng lalaki.

Iniyakap niya ang mga binti dito nang umahon sila sa pool. Umupo ito sa lounging chair, she was straddling him. For a man who had a strong personality, he wanted to take his time kissing and touching her. As if she was something a beautiful and fragile work of art that must be appreciated. Ibang-iba sa tempo na isine-set niya kanina na akala mo ay nakikibaka siya. Yes, this was much better. She could just focus on the sensation and let Miller do the rest of the work.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.