Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 25

Ihiniga siya nito sa lounging chair na parang birheng iaalay sa altar. Yet she felt sensual. He hovered over her then started peppering kisses from her neck down. With a smile, he sucked her nipple through her bikini top. Nagpabiling-biling siya. Naramdaman niya ang pagguhit ng sensasyon pababa sa pagitan ng hita niya. Impit siyang tumili dahil di niya alam kung paano babaling. Sinabunutan niya ang buhok nito. Di niya alam kung patitigilin ito o ipapatuloy ang ginagawa nito.

Nang lumipat ito sa kabilang dibdib niya, napatitig na lang siya sa madilim na langit. He let go of her nipple with a pop then blew on it. Parang nakikita niyang sumabog ang mga bituin sa mga mata niya. A supernova. Pero walang balak na tumigil ang binata hanggang mabaliw siya.

“Miller,” ungol niya sa binata. “This is too much.”

Inangat nito ang ulo. “Gusto mong huminto ako?”

“No. But stop driving me crazy. Please?”

“Okay,” sabi nito at ipinantay muli ang mukha sa kanya.

She kissed him passionately. She wantonly grind the center of her body against his. She could feel his manhood grow. She felt powerful. Siya ang dahilan ng reaksyon ng katawan nito.

“I might go to hell for this,” he whispered against her lips.

“No. This is heaven. Take me, Miller.” Handa na siyang isugal dito lahat-lahat. At kung tatanggihan siya nito, may dahilan na siya para tuluyan nang layuan ito.

But she was so close. Ilang piraso lang ng tela ang naghihiwalay sa kanila. He could easily take her if he wanted to. Hindi ito pwedeng tumigil ngayon. Kailangan nitong patayin ang apoy na sinindihan nito sa katawan niya.

Bahagya nitong inangat ang ulo at tinitigan ang mga mata niya. Then he stopped moving. “Kung itutuloy natin ito, kailangang pakasalan mo ako.”

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ni Nadine. Kasal? Bakit nauwi sila sa kasal? Dalawa lang ang inaasahan niya mula kay Miller - ang I-reject siya nito o 00angkinin siya nito. This was totally unexpected. “You are kidding, right?”

“No. I am serious. I won’t take you unless we are married.”

Bahagya niyang itinulak ang dibdib nito para mawala ito sa ibabaw niya. Saka siya umupo sa kama. “O…kay. At di kita pakakasalan, I mean not right away kaya…”

“Walang mangyayari sa atin,” dugtong nito. “Pero ayokong isipin mo na di ako attracted sa iyo. Gusto kong maging malinaw sa iyo. I am very much attracted to you. Pero kailangan mong alalahanin na ipinagkatiwala ka sa akin ni Ninong Julio. Ayokong isipin niya na sinasamantala kita.” Sinapo nito ang pisngi niya. “It is not an easy battle, Nadine. You are different.”

“Kasi di ako sophisticated katulad ng ex-girlfriend mo? Kasi galing ako sa squatter’s area? O ugaling squatter’s ako at laging nasasali sa gulo?”

Nagsalubong ng kilay nito. “Hey! Hindi iyan isyu sa akin. Nadine, I am attracted to you. Walang kinalaman doon kung saan ka nanggaling. You have your good points.”

“Attracted ka sa akin pero ayaw mo pa rin sa akin.” Baka sinasabi lang nito na attracted ito sa kanya para di sumama ang loob niya.

Hinawakan nito ang baba niya. “We are not in a relationship. Dahil di ko ako sigurado kung kaya kitang mahalin o magustuhan katulad ng pagkagusto mo sa akin. I just cant risk it.”

Iyon ang klaro sa kanya. Hindi siya nito mahal. Hindi katulad ng ex-girlfriend nito na si Chloe na nakasama nitong tumira sa isang bahay. Malamang di naman jack ‘n poy ang ginawa ng mga ito.

“Nire-reject mo ba ako?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

“Hindi mo ba narinig? I told you I am attracted to you. At ayokong samantalahin ang nararamdaman mo sa akin dahil lang may nararamdaman ka para sa akin. That would be unfair to you.”

Hindi pa rin tuluyang pumapasok sa isip niya ang sinabi nito. Attraction. Hindi pa mahal. Mas malayo sa kasal. It should be enough for her. Kaysa naman ayaw talaga nito sa kanya. Pero sapat ba iyon para maghintay siya dito. Sapat ba iyon para umasa siya na mahalin nito?

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “M-May pag-asa ba na mahalin mo ako o magustuhan man lang kahit na kalahati ng pagkagusto ko sa iyo? Kasi kung wala kang plano, sabihin mo na lang sa akin para maka-move on na ako.”

Kung wala itong plano na magustuhan siya, mabuting prangkahin na siya nito. She couldn’t own him physically. Hindi naman ito takot sa kanya. Wala naman siyang planong pikutin ito. Her cards were all laid down. Nakabukas na ang puso niya. Kung sasaktan siya nito, mabuting ngayon na. Kilala niya ang pagkaprangka ni Miller. Sasabihin nito kung wala siyang mapapala dito.

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at malamlam ang mga mata siyang tinitigan. “Give me time. Naninibago pa ako sa lahat. This attraction is new to me. Ngayon pa lang kita kinikilala…”

“Matagal mo na akong kilala, Miller. Ano pang kailangan mong malaman sa akin?”

Sinapo nito ang pisngi niya. “I am finally seeing you in a new light. Di na ikaw ‘yung makulit na teenager na matigas ang ulo. Nakikita na kita bilang babae na may sariling pag-iisip at marunong magmahal. At ako ang mahal mo. Bigyan mo ako ng panahon para mas ma-appreciate ka. It is not your body that I want love. Ikaw ang gusto kong mahalin. Magagawa ko lang iyon kung bibigyan mo ako ng chance. Will you do that for me?”

Marahan siyang tumango. “Yes.” Niyakap niya ito. “Thank you, Miller.”

“Come on. Let’s dry up. Then we’ll sleep.”

“Together?”

“Sa pull-out bed ako.” Nanghahaba ang nguso niya nang tingalain ito. “Don’t give me that look. Kailangan kong magtimpi okay? You are worth the sacrifice, Nadine. And I am worth the wait.” At kinintalan nito ng halik ang noo niya.

“DO YOU think this is nice?” tanong ni Nadine at inilapat sa katawan ang Maranao-printed halter top at wrap around skirt. Nasa isang trade expo sila kung sa World Trade Center kasama si Miller kung saan iba’t ibang indigenous products ang naka-exhibit. Ito mismo ang sumundo sa kanya at nagdala sa kanya sa exhibit na iyon.

“Hindi naman ito para sa akin. Para kay Tita Monina ito,” sabi niya at binayaran ang damit. Hiningi din niya ang calling card ng staff ng stall. Gusto pa sana niyang ma-interview ang mga ito pero pareho na silang gutom ng binata.

“Tita Monina? Tita Monina ko?” tanong ng binata at naglakad sila papunta sa food section ng exhibit hall.

Tumango siya. “Birthday na niya sa Friday. Nakalimutan mo na ba? I am sure invited ka.” Nanahimik ang binata hanggang maka-order sila ng pasta at drinks.”Ano? Di ka ba pupunta?”

“Pinutol na namin ni Papa ang relasyon namin sa kanya,” malungkot nitong sabi at bumuntong-hininga. Hinalo nito ang carbonara. “Mula nang unahin niya ang boyfriend niya na nang-harass kay Mama at mas pinaniwalaan pa niya. Pinalabas pa niya na sinungaling si Mama. Para saan pa? May sakit na si Mama noon. Masyado siyang nagpabulag sa kabaliwan niya sa lalaki.”

Pinisil niya ang braso nito. “I am sorry about that. Pero break naman na sila at…”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.