“Nakalimutan mo ba ang mga taong masama ang sinabi tungkol sa nanay mo noon?” Umiling siya. “Ganoon din ako. Mas masakit lang kasi tita ko siya. Mas masakit kay Papa dahil makalipas ang ilang buwan nawala na sa amin si Mama. Tito Julio is civil to her. May shares pa rin siya sa kompanya kaya pinakikitunguhan siya. The polite society doesn’t like her. Ikaw na lang yata ang ka-close niya.”
“Alam mo naman na siya ang tumanggap sa akin nang bagong dating ako dito. Siya din ang nagturo sa akin kung paano mas naging mahinhing kumilos. Siya ang nag-training sa akin kung paano makisalamuha sa mga sosyal. Kung paano magtimpi sa mga nanlalait sa akin at sa nanay ko nang di sila binabangasan. At hindi ko makakalimutan iyon. Kaya sana huwag kang magalit sa akin kung close pa rin kaming dalawa.”
“Hindi naman kita idinadamay sa gulo namin. You have a mind of your own.”
“Ibig sabihin okay lang sa iyo na pumunta ako sa birthday niya?”
“Saan ba ang birthday niya?” tanong nito.
“Sa Paradise Forest Resort.”
Nanlaki ang mga mata ng binata. “No way! That resort? Alam mo ba kung anong meron doon?”
“Mga puno? Manmade waterfalls.”
“Men! Her pets. Mga lalaki na ipinapa-date niya sa mga babaeng bumibisita doon. High class escorts looking for a bigger fish to catch.”
Tumaas ang kilay niya. “So?”
“So? You are not even old enough to go there.”
“Twenty-two na ako. Saka di ako pupunta doon para manlalaki. Makiki-celebrate lang ako sa birthday ni Tita Monina. Huwag kang OA diyan.”
Umiling ang lalaki. “You don’t know those men. They are trained to attract women. Alam nila kung paano paikutin ang mga babae sa mga palad nila. Wala talagang dala si Tita. Ginawa pa niyang negosyo. Sa palagay mo ba hahayaan kita na basta na lang pumunta sa party nang ganoon lang?”
“Selos ka?”
“Hindi ako nagseselos. Saka…” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “No. Hindi ako papayag na sayaran ng dulo ng daliri nila ang kahit isang hibla ng buhok mo.”
Hindi daw nagseselos pero kuntodo mag-react. “E di samahan mo ako para di ka nila masayaran ang kahit isang hibla ng buhok ko.”
“I will check on my schedule. Basta huwag kang pupunta doon nang di ako kasama.”
“E di susunduin kita.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “D-Did you just manipulate me into coming with you?”
“Hoy! Manipulate ka diyan. Nag-suggest lang ako and you said yes. Ano? Babawiin mo ba?”
Umiling ito. “No. That is my final answer. Ubusin mo na iyan. Marami pa tayong titingnan na booth. Hahanap ka pa ng gift para sa Tita Monina mo.”
“Fine. Pero babantayan lang kita. I don’t have to be cordial with her.”
Nagkibit-balikat siya. “Ikaw ang bahala.”
Sana lang ay maayos kung anuman ang nasirang relasyon ng magtiyahin sa muling pagkikita ng mga ito. Kahit kaunti sana ay maging tulay siya sa pagkakaayos ng mga ito.
“MAY regalo ako sa inyo, Tita Monina,” excited na balita ni Nadine habang nakasakay sa van kasama ang bodyguards niya. Kausap niya ang tiyahin ni Miller para kumpirmahin na dadalo siya sa birthday party nito.
“Lalaki ba iyan?” excited na tanong ng babae.
“Yes! And I am sure, magugustuhan ninyo siya.”
“Is he hot?” puno ng intrigang tanong nito at humagikgik na parang teenager.
“Soooobra po!” usal niya at di maiwasang ngumiti nang maalala ang lalaki.
“Pwede ko bang ihilera sa mga Paradise Hunks ko?”
“Naku! Mas guwapo po siya sa mga iyon.” Hindi niya ipagpapalit si Miller sa ibang lalaki kahit maghubad pa ang mga ito sa harap niya. His brain was sexy enough for her. He didn’t even have to try.
“Naiintriga tuloy ako lalo. Alam ba ni Miller na may iba nang mas guwapo sa paningin mo bukod sa kanya.”
“Don’t worry. Wala naman po siyang dapat na ipagselos. As long as kasama ko daw po ang bodyguards ko, pwede akong pumunta kahit na saan at sumama sa kahit sino ang gusto ko. After all, the gift is for you.” Siyempre, di niya aaminin dito na si Miller ang mismong regalo niya. “See you later.”
Tiyak na magiging masaya si Tita Monina sa kaarawan nito. Di man agad na maaayos ang relasyon ng magtiyahin, may pagkakataon naman ang mga ito na magkita at magkausap. Malungkot na talikuran ng sariling pamilya. Mahigit sampung taon na mula nang di kasundo si Tita Monina ng mag-amang Max at Miller.
Magaan ang hakbang ni Nadine nang bumaba sa kotse at pumasok sa building ng East Star Holdings. Susunduin niya si Miller para tiyakin na di ito makakatakas sa lakad nila. She was planning a weekend getaway for her and Miller. Gusto ni Tita Monina na ma-enjoy niya ang Paradise Forest sa Tarlac nang mas mahabang panahon. She asked Miller to clear his schedule. No business. Kailangan nitong mag-relax katulad nang pumunta sila sa Montalban. Excited din siyang makita kung bakit pinag-uusapan ng marami ang Paradise Forest Resort. It would be fun.
“Hi, Ruizmae! Sama ka sa amin ni Miller?” tanong ni Nadine paglapit sa desk ng assistant ng lalaki.
“Tuloy ba si Sir?” tanong ng babae na parang naguguluhan.
“Yes. Sinusundo ko nga siya. Tapos na ba ang meeting niya? Kailangan na kasi namin umalis para di kami ma-traffic. Alas siyete ang simula ng party.”
Natigagal saglit ang babae at kumunot ang noo. “Uhmmm… ano kasi, Ma’am…” binuksan nito ang journal at kinagat ang labi. “May isa pa siyang appointment. Biglaan kasi.”
“Emergency? May problema ba sa operation?” tanong niya.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng private office ni Miller at lumabas ang binata. Nagulat pa ito nang makita siya. “Nadine, what are you doing here?”
“Ano? Di ba ngayon kita susunduin para sa birthday ni Tita Monina?”
Ihinilamos nito ang palad sa mukha. “I am sorry. Something just came up. May meeting pa ako ngayon…”
“It is okay. Maghihintay ako sa hanggang matapos ang meeting mo,” puno ng pasensiya niyang sabi. Sanay naman siya na naghihintay.
“Mauna ka na lang sa Tarlac. Baka ma-late ka pa sa party. Di ko alam kung anong oras matatapos ang meeting ko. I am sorry. Susunod ako.”
“It’s okay. Naiintindihan ko. Alam ko naman kung gaano kaimportante ang mga business meeting mo lalo na’t wala sila Daddy,” aniya at pilit na ngumiti. Tiyak na panira iyon sa plano niyang sorpresa para sa tiyahin nito pero wala siyang magagawa. Maraming responsibilidad si Miller. Walang kaibahan sa madalas na pag-cancel ng ama niya sa mga lakad nila dahil na rin sa negosyo.
“Miller! I see you’ve been waiting for me!” tanong ng babaeng may mala-Goldilocks na buhok at nakasuot ng shades. Nagulat siya nang yakapin nito ang binata. “So happy to see you again.”
“H-Hi, Chloe,” narinig niyang usal ni Miller. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nadine.