Si Chloe Salgada, ang ex-girlfriend ni Miller at ang babaeng minahal nito nang todo. Mukha siyang mas maliit dito dahil sa tangkad na 5’9” ng babae. Mukha itong mas matangkad dahil sa mahahaba nitong biyas. She was a model before she became a chef. Nagkaroon pa nga ito ng programa sa TV noon kung saan assistant I ng isang chef sa isang cooking show.
Dinadayo pa ito ni Miller noon sa New York mula sa Pennsylvania kung saan nag-aaral ng Masters in Business ang binata. Ang alam niya ay plano nang magpakasal ng mga ito matapos ang Masters ni Miller. Hanggang nalaman na lang niya na naghiwalay ang mga ito at pumunta na sa Paris ang babae. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito sa Pilipinas.
Muntik na niyang sabunutan si Chloe kundi lang inilayo ni Miller ang sarili dito. “Chloe!” pagalit na sabi ni Miller dito. “What are you doing here? Nasa Paris ka.”
“Surprised to see me? Just got home a week ago. Naglagi lang ako kay Mama sa Bacolod. I’m back,” excited pa nitong sabi na parang nakalimutan na nito ang panloloko nito kay Miller. “And I am tasked to fetch you. Baka daw kasi takasan mo na naman ang meeting mo kasama sila Tori.”
Sarap kalbuhin pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Chloe was a woman of poise and grace even if she was a bitch inside. At di siya pwedeng maging bitch nang mga oras na iyon. Siya ang matatalo.
“Hello, Chloe,” Nadine greeted in a cool voice. “Paris suits you.” Bakit ka pa bumalik? Sana doon ka na. Panira ka ng masayang araw.
Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. “Nadine? You look all grown up. How old are you now? Eighteen? Seventeen?”
“I’m twenty-two.” You bitch! Feeling mo naman menor de edad pa rin ako? Hands off my man. Akin na siya ngayon.
“Parang di kasi dumaan ang panahon. How about you? Kumusta na?” tanong niya sa malambing na boses kahit parang mawawarat na ang labi niya sa pagngiti.
“Of course. I have a great life.” Tumaas ang kilay ng babae. “How about you? Still the little troublemaker?”
Gusto sana niyang ngirngiran ang babae. She must play it cool. Nangako siya sa ama at kay Miller na di na siya magiging bayolente. Pero ano ba ang pwedeng ipantapat niya sa Binibining Pilipinas stint nito?
Inakbayan siya ni Miller. “Nadine is a remarkable woman. Sinusuportahan niya ang maliliit na business ng mga kababaihan lalo na sa depressed area at relocation sites kung saan mas mahirap ang opportunities. Without Ninong Julio’s help. Nagsikap siyang mag-isa para mapalago ang business niya.”
May mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Si Miller mismo ang nagmamalaki sa accomplishments niya sa harap mismo ng ex-girlfriend nito.
“That’s cool. You’ve really grown so much,” anang si Chloe pero maasim ang ngiti sa kanya. Noon pa man ay ayaw na nito sa kanya. The feeling was mutual. Ayaw pa rin niya dito lalo na ngayon. “Anyway, hope we’ll catch up next time. But for now, Miller and I have to go.”
Bigla niyang pinigilan ang braso ng binata. “Sandali. Siya ang ka-meeting mo? Miller, ako ang una mong pinangakuan.” Emergency ba ang pagbabalik ni Chloe sa buhay nito? Paano naman siya? Isang sutsot lang ng babae, nakalimutan na nito ang pangako sa kanya. It was unfair. Ibang usapan kung negosyo ang emergency nito. She would understand. Iba kapag ex-girlfriend na nito. Parang sinampal siya nito na may kasamang uppercut at tinadyakan ang sikmura niya.
Binalingan ng lalaki si Chloe. “Why don’t you go to the rooftop cafe first? I will just meet you there with the rest of the team.”
“Okay,” anang si Chloe at matagumpay na ngumiti. “See you around.” Tinawag nito si Ruizmae. “Please escort her to the rooftop cafe.”
Walang kangiti-ngiti si Nadine nang igiya siya ni Miller papasok sa private office nito. She couldn’t breathe. She felt betrayed. He must have sensed her distress. Inabutan siya nito ng baso ng tubig at tinungga niya iyon. Di ito sasama sa birthday ng tiyahin nito para makasama ang ex-girlfriend nito. Kung kailan akala niya ayos na ang lahat sa kanila.
“Nadine, hindi lang si Chloe ang kasama ko sa meeting. Kasama namin ang ibang college friends namin,” paliwanag ni Miller nang umupo sa tapat niya. “They have project. Gusto nilang ilatag agad. Kanina lang din nag-request si Rocky, ‘yung designer na sa Dubai naka-base. Hindi ko alam na kasama si Chloe.”
“May plano ka pa ba talagang sumunod sa akin o di ka pupunta sa birthday ng tita mo?” walang gatol niyang tanongh.
“Of course, susunod ako. This is just business. Matatapos din ito.”
Business? Talaga lang ha? Kasama ang ex mo.
Lumunok siya at hinamig ang sarili. Hindi siya pwedeng mag-breakdown sa harap nito. Lalo lang maiirita sa kanya si Miller kapag napansing nagseselos siya. Dahil sa estado nila ngayon, wala siyang karapatang magselos. Wala silang relasyon. He was not officially hers. He was never mine in the first place.
“Sige. Mauna na lang ako. Take your time. Di kita ipe-pressure na sumunod sa Tarlac kung ayaw mo. Do whatever you want. Huwag mo na akong intindihin,” sabi niya at dali-daling lumabas sa kuwarto nito. She didn’t bother to say goodbye. Ayaw niyang makita nito ang luha sa mata niya na malapit nang bumagsak.
Maunawain dapat kahit na masakit. Masakit para sa kanya na di ito makakasabay sa kanya pagpunta sa birthday ng tiyahin nito. Pero naisip niya na di iyon ang unang beses na nangyari sa kanya. Ilang beses na rin naman siyang pinangakuan ng tatay niya pero di naman siya sinisipot. Mas masakit lang dahil kasama ni Miller ang ex-girlfriend nito. Pero bawal siyang mag-demands. Di naman sila. At gaya ng dati, titiisin na lang niya ang sakit.
Hinabol siya ng lalaki. “Ihahatid na kita sa carpark…”
Itinas lang niya ang kamay at ikinaway. “Bye, Miller.”
Tumuloy siya sa restroom, nagkulong sa cubicle saka doon umiyak. Ayaw niyang sa van mag-iiyak. It would make her feel more of a loser. Five minutes lang. Gusto lang niyang humagulgol kahit na five minutes lang. She was swamped by insecurity. Kung kailan akala niya, saka naman bumalik ang ex-girlfriend ng binata.
Ilang taon niyang hinintay na mapanisn nito bilang babae. She thought she finally had a chance Parang isa siyang basahan na isinantabi lang ngayon. Ano nang mangyayari sa kanya ngayon?
“LOOKS like you are not enjoying my party,” puna ni Tita Monina nang lapitan si Nadine sa rattan bench swing seat na nasa ilalim ng puno at tanaw ang waterfalls na bumabagsak sa manmade pool. Habang naglalaro ng water volleyball ang mga guest na karamihan ay mga matrona at wild young socialites. Kasama ng mga ito ang Paradise Boys na tumitiyak na libang na libang ang mga ito. “Everyone is having fun. Ikaw lang ang nagmumukmok dito.”
“Nag-e-enjoy naman po ako, Tita. Gusto ko lang… the wine is good,” aniya at pilit na ngumiti. “I like it.”
Bumuntong-hininga ito. “You are not enjoying. Kapag nasa parties ka, you take time to enjoy at least the food. Di ka kumakain at wine agad ang nagustuhan mo. Dahil ba sa gift ko na di ka sinipot?”
“I am sorry about that, Tita.”
“Don’t be sad. Di naman ako nauubusan ng boys. After all, guwapo rin naman ang bodyguards mo,” sabi nito at kinindatan si Karim. Bet na bet ito ng matandang babae at inalok agad na maging isa sa Paradise Boys. Tinanggihan iyon ng lalaki. “Gusto ko mag-enjoy ka habang nandito sa party ko. Cheer up!”
“Masaya naman po ako. T-This is just not my thing.”
“I know. Shocking really. But they are not just entertaining and sexy. They are brilliant, too. I am sure they can fulfill your fantasy. At mission ko na tiyakin na walang babaeng malulungkot habang nandito sa resort ko. Lewis!”
Lumingon ang matangkad na lalaki, moreno at long hair na nakasuot lang ng bulaklaking shorts at walang pang-itaas. Nag-panic siya Nadine. Di siya sanay na makipag-interact sa mga guwapo at mang-aakit na lalaki. She was not there for their attention. Hindi siya nagpunta doon para sa lalaki.
Tumayo siya sa swing. “T-Tita Monina, t-teka lang po….”
Nag-flying kiss ito. “Forget about Miller for a while. He is not here. Hindi mo kailangang alalahanin ang mga taong wala dito. Lewis will take care of you.”
“Hi! I am Lewis,” pagpapakilala ng lalaki at inabot ang kamay sa kanya.
Kung ibang pagkakataon siguro, baka dineadma lang niya ang lalaki o sinupladuhan. Pero nandoon lang ito sa resort para magtrabaho at mag-entertain ng bisita. Di naman ito tulad ng ibang mga lalaki na may interes sa kanya. Trabaho lang ito, walang personalan.
Kinamayan niya ito. “I am Nadine. Nadine Baluarte.”
“Ikaw ang protege ni Madam Monina. Ipinagmamalaki ka niya sa amin noong nagte-training kami.”
“Sabihin na natin na siya ang nag-train sa akin nang panahon na di tanggap ng alta sociedad ang isang teenager galing sa squatters. Siya ang tumulong sa akin para di ko pagbabangasan ang mukha ng mga matronang tsismosa na naninira sa nanay ko,” nakangisi niyang sabi.
“Yet she’s a rebel on her own.”
“Sa alta sociedad siya lumaki. She’s one of them. Unlike me. It feels like I never truly belonged no matter how much I try. Kahit ‘yung lalaki na gusto ko, parang di rin siya magiging akin kahit na anong gawin ko,” aniya at bumuntong-hininga. “Di ako tatanggapin sa mundo niya. Maliit pa rin tingin nila sa akin.”
Isang hakbang pasulong, sampung hakbang paurong. Kahit anong gawin niya para mahalin nito, di pa rin siya makalapit sa puso ni Miller. Si Chloe pa rin nang-iwan dito ang pinili nito sa huli.
“Maybe because you try too much. You work so hard to please him,” sabi ni Lewis.