Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 28

“Bakit alam mo iyon tungkol sa akin?”

“Hindi naman na bago ang kwento mo. Lagi kong naririnig iyan. Naghahabol sila sa taong gustong-gusto nila pero habang kuntodo sila sa effort, lumalayo naman sa kanila ang mga taong mahal nila.”

“Di ba pinaghihirapan naman ang pag-ibig?” tanong niya. “Kasama talaga iyon.”

“Maybe you should stop for a while and let him run after you. Sa ngayon, kailangan mo namang mag-enjoy. Forget about that man who doesn’t care about you. Appreciate yourself. Have fun.”

“Paano?” tanong niya sa namumungay na mata.

“How about food for starters? Hindi ka pa kumakain. Pagdating mo, wine agad ang ininom mo.”

“Napansin mo agad iyon?”

“Of course. That is part of my job. To observe and assess your needs. So food?” tanong nito sa kanya. “Wine will make you feel more awful.” At inilahad nito ang kamay sa kanya, animo’y hinihiling na isuko niya ang alak.

“Fine. Food,” usal niya at ibinigay ang baso ng alak dito.

Then we’ll go dancing.”

“Di ako magaling magsayaw.”

“It doesn’t matter. Nobody will judge you here. Walang kompetisyon. Just enjoy the night. Forget about the world. Forget about the man. Ikaw ang importante. Sa gabing ito, sarili mo lang ang mahal mo,” bulong ng lalaki sa kanya.

Sarili lang niya ang mahal niya. She never really liked herself a while ago. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanya kaya ganoon lang kadali para kay Miller na isantabi siya. Mula nang umalis siya sa squatter’s area, ang tanging nasa isip niya ay kung paano magiging karapat-dapat bilang isang Baluarte at kung paano siya magugustuhan ni Miller. She tried her best to be better. Mula sa pagkain, sa panamamit, sa pagkilos pati sa pakikisama sa ibang tao, lagi niyang isinasaalang-alang ang ama niya at si Miller. Nasasaktan lang din siya sa huli. Pagod na siyang mamalimos ng pagmamahal ng binata. She just wanted to be free of him. She wanted to be free from the pain.

“First thing first. Let’s pig out,” sabi niya at hinatak ang kamay ng lalaki sa buffet tale. Malaya. Magiging malaya siya sa gabing iyon.

“DALAWA na lang pala ang kulang sa buhay mo, dream restaurant and boyfriend,” tudyo ni Magda, isa sa kaibigan ni Miller noong college na kasama niya sa meeting na iyon.

“Dream restaurant na lang. May boylet naman na laging naghihintay kay Chloe. Single ka pa rin hanggang ngayon, Miller? May hinihintay?” nang-iintrigang sabi ni Tanz. Nang di agad siya sumagot ay tinapik ng lalaki ang braso niya. “Hey! Di ka sumagot.”

Pumitlag siya dahil nagulat sa pagtapik nito. “I am sorry. Hindi ko yata narinig ang huling sinabi mo.”

“You are zoning out. Kanina ka pa ganyan, parang wala sa sarili. What’s wrong?” tanong ni Chloe na nakaupo sa tabi niya.

“Nothing,” usal niya at pasimpleng sinulyapan ang cellphone. “Work.”

Pero wala sa trabaho ang isip ng binata kundi kay Nadine. She was distraught when she left. Masama na nga ang loob nito na di siya makakasama dito dahil sa biglaang meeting kasama ang mga kaibigan niya noong college, nalaman pa nito na kasama sa mga ito si Chloe. Sorpresa sa kanya ang pagdating ng dating nobya. Alam niyang iniisip ni Nadine na sinadya niyang huwag sabihin dito ang tungkol kay Chloe. Anuman ang paniwalaan nito, she felt rejected anyway. Ni hindi ito nagte-text sa kanya o tumatawag. Nakakapagtaka iyon sa babae. Lagi itong nagte-text at nagmi-missed call sa kanya. And he was worried. Gusto niyang nasa tabi siya ng babae kaysa sa makasama sa meeting na iyon.

They were suppose to discuss about business. Isang restaurant ang itatayo ng mga ito at si Chloe ang magma-manage. Gagamitin ng mga ito ang reputasyon ng babae bilang chef na nagtrabaho sa Paris. May design na rin dahil may kaibigan silang interior designer. All they needed were extra funding. Dati na nilang plano iyon pero ngayon lang nila magagawa dahil may pera na sila. Alam niya na gusto ng mga kaibigan na magtayo sila ng negosyo pero di niya inaasahan na kasama si Chloe.

“So, are you single?” tanong ni Chloe na puno ng interes.

“Not exactly. I am sort of committed,” sagot ni Miller.

“Committed? Kahit wala sa tabi mo committed pa rin,” makahulugang sabi ng babae. “The ever-romantic Miller Sebastian. Kaya mahirap kang kalimutan.”

Iniwas niya ang pisngi dito nang akmang hahaplusin nito. He was not interested. Akala niya ay dadating ang panahon na ito, magkikita sila ni Chloe at may maramdaman pa rin siyang spark dito. She was his only serious relationship. Ito lang ang babaeng nai-consider niya na pakasalan. He was willing to marry her then but she rejected him. Pinili nito ang Paris at ang celebrity chef na karelasyon nito.

Bumalik nga ang babae pero di na siya katulad ng dati. He was not interested in her touch anymore. He was longing for someone else’s touch - Nadine’s. Sana lag ay nasa tabi siya nito. Sana lang tinupad niya ang pangako dito at ni-reschedule ang meeting sa mga kaibigan.

“Miller, we also want to give to charity. Maganda siguro kung may soup kitchen din sa restaurant. Or magdo-donate ang mga patron natin sa mga street dwellers. That would be wonderful,” nagniningning ang mga matang sabi ni Chloe.

Tumikhim si Miller. “I think it is better to build up a sustainable business to help out the street kids and their family. Teach them how to fish. Mahirap ‘yung manghihingi lang kayo ng donors katulad nito. Why not hire those people or get your produce from local farmers?” Pinagsalikop niya ang palad. “Mas alam ni Nadine kung ano ang gagawin sa ganyang charity project.”

“Nadine? What does the little girl knows about a project like this?” nakataas ang kilay na tanong ni Magda. Hindi nito gusto si Nadine. None of his friends did. Parang isang nakakairitang tuta daw ang babae na nakatanghod sa kanya. Kahit daw bihisan pa ang babae ng ginto, galing pa rin daw ito sa squatter. At gusto niyang ipakita sa lahat ang malaking improvement sa dalaga.

“She started her own business since she was in college. Nagbebenta siya ng products mula sa indigenous groups at small cottage industry ng mga kababaihan na nasa mahihirap na sektor ng lipunan. Tumutulong siya sa pagma-market at pagbebenta ng products nila. Hindi lang siya nagbibigay ng pangangailangan ng mga tao. She develops their self-worth. Here’s her website,” anang binata at ipinakita ang website ng shop ni Nadine sa cellphone niya. He felt proud of her accomplishments.

“And she came from the slums. Mas alam niya ang gagawin,” nanulas sa dila ni Chloe.

“Di nakakalimutan ni Nadine kung saan siya nanggaling. Hindi siya nagpakalunod sa kayamanang nasa paligid niya. Binibigyan niya ng pagkakataon na mamuhay nang disente ang mga mahihirap at mga indigenous groups para maipakita ang kakayanan nila,” pagtatanggol ng binata kay Nadine. “Para sa kanya, makikita mo na hindi sukatan ang yaman ng isang tao o katayuan niya sa buhay. Ang mahalaga kung paano mo tratuhin ang ibang tao. That makes her remarkable.”

Pasimpleng nag-text ang binata sa bodyguard ni Nadine na si Karim. How’s the party? Is she enjoying it? OK na ba siya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.