Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 29

Ok na ok na siya, Sir. Kasunod ng reply ni Karim ay pumasok ang picture sa Messenger ni Miller. Nakasuot ito ng flower halter top, kulot ang mahaba nitong buhok at naggo-glow ang balat. Nasa dancefloor ang dalaga habang nakatingala at humahalakhak. Mukhang masaya ito sa party kahit na wala siya. Masaya ito habang may lalaking nakahawak sa baywang nito - matangkad, moreno, hanggang balikat ang buhok at mukhang reincarnation ni Tarzan dahil wala itong suot na pang-itaas na damit.

Nag-init ang mata niya nang makita ang kamay nitong nakahawak sa baywang ni Nadine. Iba na ang lalaki ang kasama nito. Ibang lalaki ang nagpapasaya dito. It should have been him.

Bigla siyang tumayo. “I must go.”

Tumingala sa kanya ang mga kasama. “Where are you going?” tanong ni Chloe.

“To Tarlac. Late na ako sa party ni Tita Monina,” anang binata.

“Magkasundo na kayo ng Tita Monina mo? You hate her,” sabi ng dating nobya.

“I have to be with Nadine. Hinihintay niya ako.” He had to bite the inside of his cheek. Hindi niya alam kung hinihintay pa siya ng babae. Mukhang nakalimutan na siya nito.

Hinawakan ni Chloe ang braso niya at inginuso ang pulang mga labi nito. “Please stay with me. I will make sure it is worth your while.”

Pinagmasdan niya ang magandang mukha ng dating nobya. She was beautiful, no doubt. Mas maganda ito kaysa sa dati. Pero wala na siyang makapa sa puso niya. Tinapik lang niya ang kamay nito bago inalis sa pagkakakapit sa braso niya. “I am sorry. Nangako ako kay Nadine. I must be with her.” Ngumiti siya sa iba pang mga kaibigan. “Just send me a message if you need help with your project.” Mabilis lang siyang nagpaalam sa kaibigan at halos liparin ang elevator.

Tinawagan niya si Karim pagsakay ng elevator. “Bakit hinayaan ninyo na may kasayaw na ibang lalaki si Nadine?”

“Gentleman naman po ‘yung ka-partner ni Miss Nadine, Sir. Magkasundo sila saka di naman siya mukhang maniac. Kaya naman po ni Miss Nadine ang sarili niya. Kung pakiramdam niya nababastos siya, si Miss Nadine mismo ang gugulpi sa lalaki.”

“Basta paglayuin n’yo sila. Ayokong may ibang lalaking lumalapit sa kanya.”

“Terorista ba ang lalaking iyon, Sir?” naguguluhang tanong ni Karim. “Kasi po tiyak na magtataka si Miss Nadine.”

“Sabihin mo parating na ako…”

“Hindi kayo ang pinakapaborito niyang tao sa ngayon, Sir. Narinig ko pa nga sabi ni Madam Monina kalimutan muna kayo at mag-enjoy lang. Baka magalit pa si Miss Nadine kapag binanggit kayo. Saka okay naman siya ngayon, Sir.”

Kahit wala ako. Iyon marahil ang lihim na mensahe sa kanya ni Karim. Parang sinikmuraan siya. Paano kung mas gusto nitong makasama ang gigolo na alam kung paano ito pasayahin at iparamdam na importante ito? Samantalang wala naman siyang ginawa sa simula pa lang kundi balewalain ito at saktan.

“Just keep an eye on her. Paparating na ako,” utos niya sa lalaki at pumasok sa kotse niya. I am sorry, Nadine. Please don’t give up on me yet. Huwag ngayong natuklasan niya na gusto niyang ito lang ang babae sa tabi niya.

NANGINGINIG pa ang katawan ni Miller habang naglalakad papasok ng Paradise Forest Resort. Halos lumipad ang kotse niya papunta sa Tarlac para lang mapuntahan si Nadine. Huling padala ng picture sa kanya ni Karim ay kahawak-kamay ni Nadine sa gilid ng pool ang gigolo na partner nito at sabay ang mga ito na tumalon sa pool. She was wearing a French cut swimsuit that made him hot and uncomfortable at the same time. Yes, dahil alam niya ang pwedeng epekto nito sa isang lalaki at isang magaling sa pang-aakit ang kasama nito. Maraming kababalaghan ang pwedeng mangyari sa pool.

“Hi, gusto mo ba akong maging mommy?”

Pumitlag si Miller nang may pumisil sa braso niya na babae. Sa palagay niya ay nasa singkwenta anyos na ang babae, nakasuot ng malaking bulaklak sa ulo at nakasuot ng pulang mid-rib blouse at hula skirt. “Sorry. May nanay na po ako.” Sinadya niyang gawing mababa at pormal ang boses para malaman nitong di siya nagpunta sa lugar na iyon para I-entertain siya.

“Oh! I think you are the dominant type. I haven’t tried your style. Do you come with whips and handcuffs?”

“What?” bulalas niya sa mataas na boses. “I am not…”

“Yes, you are not free right now. You have your “mommy”.” ngayon niya naunawaan na di literal na nanay ang tinutukoy nito. Iniisip nito na may benefector na siya. “I am Amelia. Pwede kitang ampunin sa mommy mo kapag ayaw na niya sa iyo. I am just around.” Then he gave her an air kiss.

Asiwang-asiwa na siya pagpasok pa lang niya sa Paradise Forest Resort. Mula sa appraisal pa lang ng mga staff ng resort nang papasok siya na akala mo ay piraso siya ng karne na ibinebenta hanggang sa mga babaeng bumabati sa kanya na may halong interes.

Sanay naman siya sa mga babaeng interesado sa kanya. But those women were into seduction. They would use everything in their weapon to get him. They wanted him because of his influence and his money. Pero sa loob ng resort na iyon, animo’y kayang-kaya siyang bilhin ng mga ito.

Of course, it was a paradise for these women. Dahil produkto ang tingin ng mga ito sa kalalakihan doon. Sa mundong iyon, mga babae ang makapangyarihan at may pera. A man is just a piece of meat. A commodity. At kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon bago pa siya ibenta.

Inikot niya ang paningin pagdating sa pool area. Nag-panic siya nang di makita ang anino ni Nadine o ng gigolo nito. Pati bodyguards ng dalaga ay wala doon.

Inilabas niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Karim. The telephone number you dial cannot be reached or out of coverage area. Please try your call later.

Drat! Nasa gitna sila ng gubat. Paano kung nasa area ang mga ito kung saan walang signal? Paano kung napainom ang bodyguards niya, nalasing at wala nang bantay si Nadine at ang gigolo nito? Paano kung naakit na ng gigolong iyon si Nadine at pinagsamantalahan ang kahinaan nito? She was vulnerable at the moment and men like that gigolo knew how to manipulate women to get what they want.

Hindi ba’t nagawa ring manipulahin ng isang gigolo ang tiyahin niya para talikuran ang pamilya nila? Mas pinaniwalaan pa nito ang lalaki nito kaysa sa kanila na pamilya nito. At di niya alam kung anong magagawa niya kapag nawala rin sa kanya ni Nadine at nabiktima ng gigolo.

“Miller, you’re here!” bulalas ni Tita Monina at niyakap siya.

Nagulat siya sa yakap na iyon dahil parang napakatagal nang panahon mula nang mayakap siya ng tiyahin. Was it fifteen years ago? “H-Happy Birthday, Tita,” napipilitan niyang bati dito. “Y-Yung regalo ko po sa inyo…”

Nasaan na ba ang regalo niya dito? Ang alam niya si Nadine ang nagdala dahil sabay sila dapat na pupunta sa resort. Until he fucked up.

“It is okay, hijo. Sapat ka nang regalo para sa akin,” sabi nito at maluha-luhang sinapo ang pisngi niya. “Kumain ka muna. May chicken hamonado akong ipinaluto na paborito mo. Taon-taon akong naghahanda no’n…”

“Tita, where is Nadine?” putol niya sa drama ng tiyahin. May mas mahalaga siyang pakay doon kaysa pagbalikan nila ang nakaraan at kung paano ito babawi sa kanya.

“Oh!” Sinapo nito ang dibdib. “Huling beses na nakita ko siya kasama niya si Lewis sa sauna.”

“Sauna? Kasama si Lewis? Who is Lewis?” tanong niya sa mataas na boses.

“One of the Paradise Boys. Napansin ko kasi na malungkot at mag-isa si Nadine kanina. At motto ko dito sa resort ko na walang babaeng pwedeng malungkot. I asked Lewis to accompany her. Don’t worry. Nadine is happier now. Tumatawa na siya at di na rin siya nagmumukmok. Lewis kept her entertained.”

Entertained? Anong klaseng entertainment? Malaking gulo kapag may ginawang kababalaghan ang Lewis na iyon.

“Pupuntahan ko po si Nadine. Saan po ang sauna dito?” tanong niya at handang-handa nang sumugod. Babangasan talaga niya ang lalaking iyon. He was usually level-headed. Pero iba na ang usapan kapag ginalaw nito si Nadine. Damay pati bodyguards ng dalaga kapag di nito binantayan.

Pinigilan siya ng tiyahin sa dibdib. “Wait. Tatawagan ko lang si Lewis. Baka wala na sila sa sauna ngayon.” At tumawag ito sa cellphone. Awtomatikong ngumiti ang tiyahin. “Lewis, my dear, nasaan kayo ni Nadine? Oh! Nasa music. Sige. Sisilipin ko kayo diyan.” Humarap sa kanya ang tiyahin nang nakangiti pa rin. “Come. Sasamahan na kita para makita mo rin ang ibang part nitong resort.”

“Just take me to the music, Tita. I am not here for a field trip,” he said in a stern voice.

“O-Of course,” anang tiyahin na alam niyang nasasaktan sa kalamigan niya.

Pagdating sa lounge ay nakita niya na nakabantay sa entrance si Karim. “Where is Nadine?” tanong agad niya matapos itong tapkin sa balikat.

“Siya po ‘yung kumakanta,” anito at biglang ngumiwi nang may bumirit sa mikropono.

Nagsalubong ang kilay ni Miller nang makita ang babae na naghe-head bang sa entablado. Wala itong pakialam kung sabog-sabog man ang buhok nito o halter flowing dress nito habang sumasayaw sa entablado. Was she drunk? Naghihiyawan ang mga tao sa paligid na mukhang mga lasing na rin o nangangantiyaw lang.

She looked bad. Her voice sounded bad. Hindi na ito kumakanta. Nagwawala na ito. Paano kung may maglabas ng video nito at kumalat sa internet? Kailangan na naman niyang ipaliwanag sa ama nito kung bakit napabayaan ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.