Tenses (Unofficial) Series Chapter 15

Years Ago

KOMPLETO ang buong pamilya ni Linette sa araw ng graduation niya. Masaya naman siya dahil bukod sa miminsan na nga lamang sila na makompleto ay natupad na rin niya ang isa sa mga pinapangarap niya. Bukod roon, cumlaude pa siya. Proud na proud sa kanya ang buong pamilya niya.

Pero hindi kompleto ang saya ni Linette dahil hindi nakarating sa araw ng graduation niya si Lawrence. Sa mga nakalipas na buwan, napalapit na talaga siya sa lalaki. Nanatili pa rin siya sa San Diego Compound nakatira habang nililigawan nito. Kahit hindi pa sinasagot, espesyal na kay Linette si Lawrence. Nalulungkot siya na hindi niya magagawang i-celebrate ang espesyal na araw kasama ito.

Ganoon pa man, kinontento ni Linette ang sarili kasama ang pamilya. Pagkatapos ng graduation niya ay kumain sila sa isang restaurant para mag-celebrate. Kaya lang, pati ang saya kasama ang pamilya ay mabilis rin na nawala. Sa mismong araw ng graduation niya, bumalik rin sa Benguet ang pamilya niya.

Umuwi si Linette ng nag-iisa. Hindi niya gusto ang pakiramdam. Napakasama ng pakiramdam na masaya ka kanina pero kaagad na babawiin iyon sa `yo dahil mananatili ka rin na mag-isa pagkatapos. Naiintindihan naman niya ang pamilya pero iba pa rin talaga.

Kung sana ay nandito lang si Lawrence...

Minsan na lang sila na magkita ni Lawrence dahil sa trabaho nito. Pero hindi niya gustong isipin ang negative roon. Gusto rin kasi talaga niya si Lawrence. Parang kagaya ng sa pamilya niya, iintindihin niya ang lahat tungkol rito dahil mahalaga ito sa kanya. Tinitiis niya ang set-up nila dahil alam niya na magiging worth it rin naman iyon sa huli. Tuwing Linggo lang kasi sila na nagkikita ni Lawrence dahil sa trabaho nito. Isa pa, kung may pagkukulang man si Lawrence, ganoon rin naman siya. Hindi rin niya mabibigyan ng oras ito palagi dahil sa mga responsibilidad niya sa buhay.

Tiniis ni Linette ang lungkot. Itutulog na lang niya ang lahat. Pumasok siya sa bahay pero nanginig nang makita na hindi naka-lock iyon. Pero nang tuluyan na mabuksan ang pinto ay mas lalo pa siyang nanginig sa nakita.

Nasa loob si Lawrence at puno ng pulang lobo, rosas at mga kandila ang buong unit 1-C. Lahat ng lungkot na nararamdaman ay napalitan ng saya.

Napatakbo si Linette kay Lawrence. Niyakap niya ang naka-porma pa na lalaki. Ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng ganoon kagara: long sleeved white polo at itim na slacks. Mas gumwapo pa ito kaysa sa dati.

“I missed you...” maiyak-iyak si Linette. Kompleto na ang araw niya ngayong nakita si Lawrence.

“I missed you more. Congratulations! Ito ang surprise ko para sa `yo.”

“Nasorpresa nga ako. Pero hindi mo na kailangan na gawin ito. Sa tingin ko ay magiging mas masaya ako kung kasama ka sa mismong ceremony.”

“Naiintindihan ko. Pero naisip ko lang naman na mas nararapat na makasama mo ang pamilya mo. Iyong sila lang. Binigyan ko lang kayo ng pagkakataon. And hey, gusto ko rin na mag-celebrate ng tayong dalawa. Sa halip na dumalo, mas inabala ko na lang ang sarili ko na pagandahin itong unit natin.” Tinignan ni Lawrence ang buong unit. “What do you think?”

“Maganda. Pero mas maganda ang pakiramdam ko na nakita kita.”

Hinawakan nito ang baba niya, ngumiti ito ng nakakaloko. “You really are good for me.”

May kinuha si Lawrence mula sa bulsa nito. Pinatalikod siya nito at inilagay iyon sa leeg niya. Kuwintas iyon. “My graduation gift for you. I’m so proud of you.”

“Thank you...” hinawakan ni Linette ang heart-shaped na pendant ng kuwintas. “Napakaganda nito.”

“Just as beautiful as you. I love you...” wika ni Lawrence at niyakap siya mula sa likuran.

Hindi iyon ang unang beses na sinabi ni Lawrence kay Linette ang kataga na iyon. Pero sa lahat ng pagkakataon, ngayon yata siya pinakakinilig. Masyado ba siya na nadadala sa magandang paligid at sa saya ng pakiramdam? Gustong-gusto niya iyon. Napakasaya ng pakiramdam niya.

Hinarap ni Linette si Lawrence. “I love you, too...”

Nanlaki ang mata ni Lawrence. “Seriously?”

“Hmmm... mukhang ayaw mo yata, ah?”

“Of course not!” bahagyang lumayo si Lawrence sa kanya. Sinampal-sampal nito ang pisngi. “H-hindi lang ako makapaniwala.”

“Hindi mo ba nararamdaman na espesyal ka rin sa akin? Sa una pa lang naman ay gusto na rin kita. Sa tingin ko, hindi rin ako magtitiwala ng ganito sa `yo kung hindi ko nararamdaman iyon. I-its just that, sinubukan ko na pigilan muna ang damdamin ko. Gusto ko na makasigurado at mas makilala ka pa nang husto. Nagtagumpay ka sa loob ng maraming buwan. Hindi mo sinira ang tiwala ko sa `yo. Hindi mo ako ipinahamak. Ipinaramdam mo sa akin ang totoo. Minahal mo ako.”

“Hindi ako perpekto, Linette. Alam mo iyon. Sa tingin ko ay kulang pa ang ginagawa ko sa `yo. Hindi ako palaging nasa tabi mo at---“

“Hindi rin naman ako ganoon `di ba?” Nanatili pa rin sa part-time job si Linette. Kapag day off ni Lawrence, hindi niya pa rin ito nakakasama ng buo. Pero wala itong reklamo. Tinanggap at inintindi nito ang lahat-lahat sa kanya. Masaya na ito na nakakasama siya nito kahit ilang oras lang.

“I love you just the way you are. I’m so happy that I could call you my girl now. You are mine…”

Inilagay ni Linette ang kamay sa leeg ni Lawrence. “And you are my man…”

Inilapit ni Lawrence ang mukha sa mukha niya. Ibinigay nito sa kanya ang matagal na niyang pinapangarap. Hinalikan siya ni Lawrence. Kagaya ng inaasahan, napuno ng masayang pakiramdam ang puso ni Linette. His kiss seems to be everything. Nagkaroon yata ng ipo-ipo sa ulo niya sa halik nito. Magaan lang ang halik ni Lawrence pero napakalakas ng epekto sa kanya.

“I love you. I think I love kissing you, too.” Muling inilapit ni Linette ang labi sa labi ni Lawrence. Gusto niyang pagbigyan ang sarili.

Matagal ng mahal ni Linette si Lawrence. Hindi nga lang niya ganoong pinansin iyon dahil sa mga responsibilidad niya sa buhay. Magiging unfair para kay Lawrence gayong hindi pa ito ang talagang magiging priority niya. May board exam pa siya. Kailangan niyang makahanap ng magandang trabaho. Kailangan niyang patapusin ang kapatid niya. Hindi niya magagawang number one priority si Lawrence. Hindi pa dapat iyon ang tamang panahon...

Sa isang babae na malaki ang responsibilidad, hindi pa dapat niya pinapasok ang pag-ibig sa buhay niya. Pero masaya siya ngayon. Mas magiging kompleto ang saya kung hahayaan niya na magsalita na ang puso niya. Bahala na ang bukas. Susubukan naman niya na makapag-adjust. Maiintindihin rin siya ni Lawrence. Ito na yata ang pinakamabait na lalaki na nakilala niya.

Nawala si Linette sa sarap ng halik. Tinutunaw noon ang lahat sa kanya. Matagal-tagal rin ng namalayan niya na sa lalim ng paghahalikan nila ay naihiga na pala siya ni Lawrence sa sofa na may nagkalat na rose petals.

“A-anong ginagawa natin?” nasabi ni Linette sa pagitan ng nahihirapan na paghinga. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ang ginagawa nila. Nakita niyang tanggal na ang butones ng dress niya at ganoon rin ang kay Lawrence.

“Y-you’re driving me crazy, Babe. I’m sorry...”

Tinitigan niya si Lawrence. Pagbibigyan ba niya si Lawrence sa pagkakataon rin na ito? Bukod sa puso niya, magagawa na rin ba niya na ibigay ang kaluluwa niya kay Lawrence? Mahal niya ito pero sapat na ba ang salitang mahal para ibigay ang lahat-lahat rito?

Lumayo mula sa pagkakadagan si Lawrence kay Linette. Kinapa ni Linette ang damdamin. Purong lungkot lang ang damdamin niya.

Linette wanted Lawrence, too. Magiging masama nga ba kung pagbibigyan rin niya ang sarili niya? Mahal niya si Lawrence. Mahal siya nito. And this thing, hindi na bago iyon sa magkarelasyon. Alam niya na hindi rin nila maiiwasan iyon. Tumutuloy sila sa iisang bahay.

Tumalikod si Lawrence kay Linette. Inumpisahan nitong ayusin ang damit. Lumapit siya rito. Pinigilan niya ito.

“Linette...” gulong-gulo ang mukha ni Lawrence.

Kinuha ni Linette ang kamay ng boyfriend. “I trust you.”

“Sigurado ka ba rito? Babago pa lang ang lahat sa atin at---“

Hindi na pinatapos ni Linette ang sasabihin ni Lawrence. Hinalikan niya muli ito.

Wala ng nakapigil sa kanilang dalawa. They reach the point of no return. Sa gabing iyon, ibinigay ni Linette ang puso at kaluluwa kay Lawrence. Nang kapain niya ang dibdib nang matapos ang mainit na sitwasyon, iisa lamang ang nararamdaman niya. Masayang-masaya siya. Wala siyang kahit anong pinagsisihan. Mahal niya si Lawrence at ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya para rito.

“YOU’RE HOT!” bulalas ni Lawrence nang mahawakan nito si Linette. Linggo ngayon at day-off niya sa trabaho. Simula naman nang maging sila ng lalaki, madaling araw pa lamang ng Linggo ay lumuluwas na ito para mas makasama pa siya. Alas nuwebe ng umaga nang makarating ito sa San Diego Compound.

Sinubukan ni Linette na bumangon. Hinalikan niya bilang pagbati ang boyfriend. “G-good morning...”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang pakiramdam mo? Nasa Baguio na ako kagabi. Malakas ang signal roon. One call from you and I could be here, taking care of you!”

“A-akala ko ay mawawala rin kapag nakatulog na ako. Isa pa, ayoko naman na istorbohin ka. Kasama mo ang pamilya mo. Kaya ko naman ang sarili ko.” Wika ni Linette saka napa-ubo. Pinilit na niya na bumangon. Hindi pa siya nakakapaghanda ng almusal. Madaling araw ang biyahe ni Lawrence kaya malamang ay hindi pa rin ito nakakapag-almusal. Gusto niya na ipagluto ito. Gusto niya na pagsilbihan ang boyfriend.

Minsan sa isang linggo lamang sila nagkakausap at nagkakasama. Gusto niya na ipakita na sinusubukan niya na maging mabait na girlfriend. Kailangan na maramdaman ni Lawrence na priority rin niya ito.

“What do you think you are doing?!” sa unang pagkakataon, narinig ni Linette ang galit sa boses ni Lawrence. “Bumalik ka sa kama! Kailangan mo na magpahinga.”

“Pero ang breakfast---“

Hinalikan siya ni Lawrence sa noo. “`Wag ka ng mag-abala. Ako na ang bahala. Magpahinga ka na lang diyan.”

Gusto pa sana na magprotesta ni Linette pero pinangunahan ng panghihina ang katawan niya. Sumunod siya kay Lawrence. Napahiga muli siya sa kama. Ipinikit niya ang mata. Nagkaroon na lang muli siya ng malay nang tapikin ni Lawrence ang balikat niya. May hawak-hawak itong tray.

“Time to eat, my princess...” sinubuan pa siya ni Lawrence ng lugaw. Pinilit niya na magprotesta dahil nahihiya siya na magpasubo rito. Pero naging mapilit ito. Inasikaso nga siya nito na kagaya ng tinawag nito sa kanya: prinsesa.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Linette pagkatapos makakain. Hindi niya sigurado kung dahil ba sa pagkain. Hindi niya kasi masasabi na nasarapan siya dahil wala siyang panlasa. Pero siguro ay dahil na rin sa ginawa ni Lawrence. She felt really special.

Ibinalik ni Lawrence ang pinagkainan sa kusina. Sa pagbalik nito sa kuwarto ay may dala-dala naman itong gamot, maliit na batsa at bimpo. Pinainom muna siya nito ng gamot bago siya punasan.

“T-thank you, Babe.”

Hinawakan ni Lawrence ang namumulang pisngi niya. “Don’t say that. Boyfriend mo ako. Responsibilidad ko na alagaan ka. Kulang pa nga ito. Dapat ay nasa tabi mo ako at sinasabihan ka palagi na huwag kang magpakapagod. Siguro ay nabigla ka sa trabaho mo. Speaking of work, kumusta ang trabaho?”

“Okay naman. Mahirap dahil dalawa ang pinapasukan ko pero sa tingin ko naman ay makakaya ko.”

Kumunot ang noo ni Lawrence. “Dalawa?”

Nakapasa si Linette ng board exam sa unang take. Pareho siyang natanggap sa dalawang trabaho na in-apply-an niya. Nurse sa isang maliit na clinic at sa isang may kalakihan na ospital sa Maynila pa rin. Pinili niya na sa Maynila pa rin na magtrabaho dahil sa maraming opportunities, bukod pa sa malaki ang suweldo.

Pagod lang ang problema sa pagpasok ni Linette sa dalawang trabaho. Nang i-discuss sa kanya ang magiging oras ng trabaho, naisip niyang puwede niyang pagsabayin iyon. Six to twelve ng umaga lang ang shift niya sa maliit na clinic samantalang fixed rin ang sa ospital na two to ten ng gabi. Nang sabihin niya sa parehong clinic at ospital ang balak na pagsabayin ang trabaho ay pumayag naman ang mga ito. Monday to Saturday ang pasok niya. Wednesday nang magsimula siya kaya bale apat na araw na siya na nakakapasok.

Nasabi na ni Linette kay Lawrence na may trabaho na siya pero hindi ang buong detalye. Sa text message lang kasi iyon. Ngayon ay ikinuwento niya ang sitwasyon. Namutla at nagdilim ang reaksyon ng mukha ni Lawrence.

“H-hindi ka ba masaya, Babe?”

“Hindi mo dapat ginawa iyon, Linette. Napakahirap noon.”

“Kailangan ko na kumita ng malaki. Nagsimula nang pumasok ng college si Leanne,” aniya ang tinutukoy ay ang pangatlong kapatid niya. “Malaki rin ang nagagastos nila sa pag-aaral ni Lenard. Inaasahan nila na makakatulong na ako sa kanila kaya pinapasok sa magandang university rin si Leanne.”

Umiling-iling si Lawrence. “Naiintindihan ko. Pero tignan mo nga ang naging kabayaran? Nagkasakit ka!”

“Naninibago lang ako kaya ganito. `Wag mo ako na alalahanin.”

“Hindi mo iyon maalis sa akin, Linette...” umalis sa tabi ni Linette ang boyfriend. Pagbalik nito ay may ibinigay itong pera. “Sobra-sobra ang suweldo ko para sa akin at sa pamilya ko. Now, take it. Bitawan mo ang isa sa trabaho mo.”

Nanlaki ang mata ni Linette. “No!”

“Take it,” pangungumbinsi ni Lawrence.

“Hindi ko magagawa iyon! Ano ka ba, Lawrence! Girlfriend mo lang ako---“

Hinalikan siya ni Lawrence sa kabila ng pag-iinarte niya. “Darating ang panahon na papakasalan kita. Magiging totoong responsibilidad kita at magiging parte na rin ako ng pamilya mo. Gusto kitang tulungan.”

“Ayoko! Sobra-sobra na ang lahat ng ginawa mo sa akin. Sa bahay pa lang na ito...” napaiyak si Linette. “Hindi ko magagawang tanggapin `yan. I’m sorry...”

“But your job---“

“Alam ko na nag-aalala ka sa akin. Pero sinabi ko naman na nanibago lang ako kaya ganito `di ba? Kaya ko ang sarili ko...”

Nalungkot ang mukha ni Lawrence. “Linette...”

“I appreciate everything. Pero `wag mo na gawin ito. Pagkatiwalaan mo ako. Masasanay rin ako. Mahirap pero kakayanin ko. Naiintindihan mo naman ako `di ba?”

Bumuntong-hininga si Lawrence. “All right,”

Niyakap ni Linette ang boyfriend. “I love you, Babe. Hindi ko kailangan ng pera mo. Ikaw lang ay sapat na sa akin. Ikaw lang ang kailangan ko...”

Niyakap at inihiga na rin si Linette ni Lawrence. “I love you, too, Babe. Pangako, nandito lang ako. I am yours. You’re mine.”

Pakiramdam ni Linette ay sapat na ang sinabi ni Lawrence para tuluyan na mawala ang sama ng pakiramdam niya. Napakasuwerte talaga niya sa boyfriend. Kahit mahirap ang buhay, ang isipin na may isang Lawrence sa buhay niya, tila napakadali ng lahat.

HINDI nagtagal ay nakapag-adjust rin si Linette sa bagong buhay. Mahirap pero iniisip na lang rin niya ang pamilya niya. Ginagawa niya ang lahat para mapagaan ang buhay ng mga magulang. Gusto rin niya na makapag-aral na walang iniintindi ang mga kapatid niya. Magiging maayos ang buhay ng pamilya niya.

Sa kabala ng pagiging abala, sinisikap ni Linette na magbigay rin ng oras sa sarili niya at kay Lawrence. Nangyayari nga ang araw na iyon tuwing araw ng Linggo. Iyon ang araw nila. Kapag binibigyan niya ng oras si Lawrence ay parang binibigyan na rin niya ng oras ang sarili niya. Para sa kanya ay iisa lamang sila.

Ginugugol nila ang Linggo kasama ang isa’t isa. Madalas ay sa bahay lang sila at kapag hapon ay lumabalabas para magsimba. Pagkatapos ay saka sila nagdi-dinner. Ganoon ang madalas na set-up ng araw nila. Simple at pangkaraniwan kung tutuusin pero pareho silang kontento at masaya. Basta kasama ang isa’t isa kompleto na ang araw nila.

Araw ngayon ng Linggo. Habang nagdi-dinner sila sa isang restaurant malapit sa simbahan kung saan sila nagsimba kanina ay kinausap siya ni Lawrence.

“What do you think about going abroad?”

Sumimangot si Linette. “Wala sa plano ko iyon.”

“Bakit? Napakaraming nurses ngayon ang pangarap na makapag-abroad. Mas malaki ang kita roon. Hindi mo na kailangan na magkaroon pa ng dalawang trabaho.”

“Alam ko. Pero parang mahirap. Natatakot ako na maging mag-isa. Nasanay na rin naman ako na maging mag-isa pero iba pa rin kapag sa ibang bansa. Hindi ko iyon lugar. Iba ang tao roon, ang culture. Mahirap maging mag-isa sa isang bansa na hindi mo naman kilala.”

“May isa akong kasamahan sa trabaho na nag-abroad. In demand raw ang mining engineer sa Canada.”

Tinitigan ni Linette ang boyfriend. “Gusto mo na magtrabaho sa Canada?”

“Wala rin sa plano. Pero naisip kita, Babe. Hindi pa rin ako masaya sa isipin na dalawa ang trabaho mo para mas kumita ng malaki. Naisip ko lang na kung okay sa `yo ang ideya na mag-abroad para kumita ng malaki, sasamahan kita roon.”

“Pero ano ang kasiguraduhan natin na magkakasama tayo? Magiging malayo ka pa rin sa akin.” Bilang mining engineer, hindi maiiwasan na malayo ang trabaho ni Lawrence sa kabihasnan.

“Hindi siguro. Iyong kakilala ko na mining engineer sa Canada, medyo malapit sa siyudad iyong site nila. May girlfriend rin siya na nurse. Nakakapag-uwian siya sa apartment nila. Magpapatulong ako sa kanya.”

Napaisip si Linette. May point ang boyfriend niya. Hindi ba at ang ikinatatakot naman niya ay baka maging mag-isa siya? Kung makakasama niya ang boyfriend sa ibang bansa, hindi naman siguro nakakatakot. Madali na lang rin naman ang communication ngayon. Hindi na rin niya ganoong mami-miss ang pamilya. Sanay na rin naman siya. Isa pa, mas lumalaki pa ang kapatid niya. Sa pagtaas ng level ng pag-aaral ng mga ito ay mas marami dapat na pera. Mas malaki ang kikitain niya kapag nag-abroad siya.

Ang tanging kailangan lang ni Linette ay ang makasama. Ngayon ay ang perpektong tao pa ang nag-aalok sa kanya na makasama sa pagbabagong buhay.

Sa huli, napangiti rin si Linette. “Sige, subukan natin.”

“I WILL miss you so much.”

Naiiyak na si Linette habang nakayakap sa boyfriend. Kasalukuyan silang nasa airport. Pagkatapos ng ilang buwang pag-aayos ng application para maging nurse sa abroad ay magagawa na niyang makaalis. Tagumpay para sa iba ang pagkapasa niya at ngayon ay makakaalis na pero malungkot si Linette. Hindi kasi pinalad na makapasa si Lawrence sa trabaho. Lilipad si Linette mag-isa patungo sa Canada.

“I will miss you more. Pero kailangan natin na maging matatag, Babe.” Niyakap siya ni Lawrence.

Tama si Lawrence. Kailangan niya na maging matatag kagaya ng mabigat na trabaho niya sa Maynila. Para sa pamilya niya ang kanyang gagawin. Iyon na lang palagi ang iisipin niya.

Nakakatakot ang lahat para sa kanya. Maraming tanong na “paano” sa isip niya. Mahirap na nga ang relasyon nila ni Lawrence na lingguhan kung magkita. Paano pa ngayong taon na ang itatagal noon? Hindi pa naman regular na nako-contact si Lawrence dahil sa klase ng trabaho nito.

Mas mami-miss ni Linette ang boyfriend. Ipangako man ni Lawrence na ibibigay nito ang day off sa kanya sa pamamagitan ng pag-online lang palagi para magkausap sila ay iba pa rin ang may physical contact.

“I love you.”

“I love you, too. I’m sorry rin.”

Hinawakan niya ang balikat ng boyfriend. Alam niya na malungkot ito dahil hindi natupad ang plano nila. “Hindi natin parehong gusto ito. Pero sayang ang opportunity. Hindi natin sigurado kung makakuha pa ako ng opportunity na ganito kung palalagpasin ko na lang. Walang kasiguraduhan ang lahat.”

“I know.” Huminga nang malalim si Lawrence. “Pero mali ka. May kasiguraduhan ang lahat at iyon ay ang maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo.”

“Kahit matatagalan ako bago makabalik?” Dalawang taon at kalahati ang kontrata niya. Pero puwede raw iyon na ma-extend ayon sa employer niya.

Hinalikan ni Lawrence ang noo at bibig niya. “I will always be here and loving you. Promise me that, too.”

“You are the beat of my heart, Babe. I love you...”

Maraming pagbabago ang kahaharapin ni Linette sa ibang bansa. Hindi niya sigurado kung makakabuti ang lahat sa kanya. Pero iisa lang ang sigurado niya: mananatili si Lawrence sa puso niya. Mahal na mahal niya ang lalaki. Wala na siyang maisip na ibang lalaki na maaaring makapalit sa puwesto nito sa buhay at puso niya. Wala na rin naman siya na karapatan sa tingin niya. Napakasuwerte na niya sa boyfriend niya.

“Malayo man tayo sa isa’t isa pero mananatili na pareho na ang isa’t isa ang tibok ng puso natin. Let’s just don’t count how many miles we are away from each other. Let’s just count how much love we have...”

Linette couldn’t just agree more. Tama si Lawrence.

Napatunayan na rin naman nila na kahit malayo sa isa’t isa ay nag-uumapaw pa rin ang pag-ibig. Sinubok na rin ng distansya ang relasyon nila dahil sa trabaho nito. But they did well. Kailangan lang nila ng determinasyon at tiwala sa isa’t isa.

Distance would be so little because they still have each other.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.