Present
ANG BUONG akala ni Linette ay maagang nakatulog si Lawrence. Pero hindi. Kaya alam ni Lawrence na umalis ito ng bahay kagabi at matagal rin bago bumalik. Narinig niya ang hikbi nito bago siya tabihan sa kuwarto. Gusto sana niyang usisain ito. Pero para saan pa? May malakas na rin naman kasi siya na pakiramdam kung bakit malungkot si Linette.
Sandaling nakatulog lang si Lawrence sa kakaisip. Masyadong ginugulo ni Linette ang isip niya. Hindi niya gustong nasasaktan ang babae. Pero may magagawa ba siya? Gustuhin man niya na makaalala ay hindi niya maggawa. Ang payo rin ng mga Doctor, `wag niya na pilitin ang sarili niya.
Ang tanging naisip lang na paraan ni Lawrence para pagaanin ang sitwasyon ay bumawi. Dahil hindi rin naman mapagkatulog, gumising na lamang siya ng maaga. Lumabas siya ng compound para bumili ng mga puwedeng ihanda sa almusal. Saktong sa pinagbilhan niya ay may dumaan na nagtitinda ng bulaklak. Ibinili niya si Linette noon at napangiti. Puwede nalimutan niya si Linette pero hindi ang paraan para mapasaya ang isang babae.
Hindi pa rin gising si Linette nang makabalik si Lawrence ng compound. Pinilit niya na magluto sa kabila ng kondisyon. Nahirapan siya pero nang makita ang mukha ni Linette nang matapos siya sa paghahanda ng almusal at maggising ito, naging sulit ang lahat.
Napakaganda ng ngiti ni Linette. Naging napakaliwanag ng paligid kay Lawrence.
“Wow! Thank you, Babe!” nilapitan siya ni Linette. Niyakap siya nito.
“Good morning,” wika niya at sinubukan rin na yakapin ang babae. The feeling became better. It was heavenly.
“Best morning,” sagot naman ni Linette. “Hindi ko inaasahan ito...”
“Gusto ko lang na masorpresa ka. I’m excited about your reaction. Hindi naman ako nagkamali. Seeing you happy now makes me happy. You’re so lovely.”
Inilagay ni Linette ang kamay nito sa leeg niya. “You definitely made me happy, Babe. I love you...”
Tinitigan ni Lawrence si Linette. Punong-puno ng ningning ang mata nito. Mukhang totoong-totoo base sa mata at boses nito ang sinabi. One part of his heart melted.
Pero sa halip na mapasagot, parang nanuyo ang lalamunan ni Lawrence. Natigilan siya. Gusto niya ang pakiramdam na kasama si Linette. Pero tama rin ba na sagutin niya ito ng kapareho na salita gayong wala pa rin siyang alaala rito?
Pinilit na lamang ni Lawrence na ngumiti. Makakaalala rin siya. Magiging maayos ang lahat. Pero habang hindi pa ganoon ang sitwasyon, pipilitin niya na pagaanin iyon. Hindi man maggawang makaalala, tutulungan siya ng puso. Nararamdaman na rin naman niya ang senyales. Ang pinaka nagpapakahirap nga lamang sa kanya ay ang bad instinct sa kabila ng saya.
But damn the bad instinct. Makakatulong ba ang pag-iisip ng masama kapag may problema? I-enjoy na lamang niya ang saya. Pagkatapos ng lahat, mas na-o-overpower ng saya ang hindi niya maintindihan na bad instinct.
MASAKIT man na hindi pa rin nakakaalala si Lawrence, unti-unting nawawala rin ang sakit sa puso ni Linette sa paglipas ng mga araw. Sa kabila kasi ng sitwasyon, determinado si Lawrence na mag-work ang relasyon nila. Masaya na siya roon.
Hindi naman talaga kailangan na bumawi ni Lawrence sa kanya pero ginagawa nito. Kung ginagawa nito ang paglalambing rin sa kanya out of guilt, hindi na mahalaga. Nakikita rin naman ni Linette na masaya si Lawrence. Siguro nga ay nawala ang alaala nito pero naalala pa rin siya ng puso nito. Ramdam niya na may pag-aalinlangan lang ito at dahil nga siguro iyon sa nawawala pa rin nito na alaala.
Hindi gaanong napuruhan ang paa ni Lawrence kaya naman nagagawa rin nito na makapaglakad. Mabagal nga lang pero sapat na para makalabas sila at makapamasyal. Ngayong araw ay nagpunta sila sa park. Nag-stroll lang sila pero masayang-masaya si Linette. Sa kabila ng kapansanan ni Lawrence, masarap pa rin sa pakiramdam na kasama niya ito. Sa wakas.
Nasa Pilipinas na siya. Ang tanging problema na lamang ay ang alaala ni Lawrence. Pero problema pa nga rin ba gayong sinusubukan naman ng boyfriend na hindi iyon maging hindrance? Ito pa mismo ang nagyaya sa kanya para mamasyal.
“Hmmm... sa tingin ko ay gusto ko ng ice cream,” wika ni Lawrence nang makakita ng sorbetero sa park.
Pinagbigyan ni Linette ang boyfriend. Gusto rin naman kasi niya. Pero sa kasamaang palad, pang isang tao na lang ang tinda ng sorbetero. Apa na lang rin ang lalagyanan ng ice cream kaya wala silang choice kundi iyon ang bilhin. Ito lang ang nakikita nila na sorbetero sa malapit.
“It’s okay. Hati na lang tayo,” wika ni Lawrence.
Umupo sila sa damuhan. Sabay nilang dinilaan ang ice cream.
“Hmmm...parang awkward yata?” komento ni Lawrence sa ginawa.
“Awkward? Bakit?”
“We’re sharing one ice cream. Iyong laway natin---“
“We share more than that, Babe.” Natatawa na wika ni Linette.
Namula ang mukha ni Lawrence. Hinawakan niya ang baba nito. “Hey, nahihiya ka ba?”
Umiling ito. “I think, mas nakakahiya na hindi ko maalala ang bagay na iyon.”
Linette cupped his handsome face. “Makakaalala ka rin, okay?”
Tumango ito. Dumila muli ito sa ice cream at nang ginawa niya iyon ay hindi na rin naman ito nagkomento. Nagsunod-sunod ang kanilang pagdila dahilan para maubos kaagad ang ice cream. Hindi nila iyon napansin kaya naman nang maubos ay iba na ang pareho nilang dinilaan.
Nagulat si Linette at naibagsak niya ang hawak na apa. Samantalang si Lawrence naman ay tila nawala na talaga ang hiya. Inilapit pa nito ang mukha para ang labi naman niya ang malapatan ng bibig nito. Hinalikan siya ni Lawrence!
Tila may nagwalang kabayo sa dibdib ni Linette. Nabuhay ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Na-miss niya ang mga sandaling ito. At kahit nagulat, hindi niya palalagpasin ang sandali ng kasiyahan.
Mas inilapit ni Linette ang mukha kay Lawrence. Nilaliman niya ang halik. Inilagay niya sa halik ang lahat ng emosyon na gusto niyang ilabas sa nakalipas na taon. She kissed her passionately. Kahit nasa pampubliko na lugar sila ay hindi na niya iyon ininda. Na-missed niya nang husto ang boyfriend. She wanted him to feel how much she missed and loved him. Naramdaman pa ni Linette ang pagtulo ng luha niya dahil sa ganda noon.
Pero kung sino ang nagsimula, siya rin ang pumutol ng halik. Lumayo si Lawrence kay Linette. Nanlaki ang mata nito.
“Roses and candles everywhere. Your graduation day. Sinagot mo ako sa araw ng graduation mo. Hinalikan rin kita noon...”
Nagsunod-sunod ang tulo ng luha sa mata ni Linette. Napakasaya niya sa narinig. “Nakakaalala ka na!”
“It’s true. You really are my girlfriend. You’re special to me...”
Niyakap ni Linette ang boyfriend. Nag-uumapaw ang saya sa puso niya. “Oh, God, Babe...”
“P-pero iyon lang ang naalala ko. Just that flashback and...” hinawakan ni Lawrence ang ulo. Napapikit ito. “Nothing. That’s just it.”
Ipinagdikit ni Linette ang ilong niya sa ilong ni Lawrence. “Simula na iyon. I feel it. Makakaalala ka na rin sa lalong madaling panahon.”
Ngumiti si Lawrence. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Sana nga,”
“IN THIS sofa, we first made love.”
Nanginig si Linette nang sumunod na araw ay may bumalik na naman na alaala kay Lawrence. Kasalukuyan silang tahimik na nanonood ng TV sa sofa nang bigla na lamang magsalita si Lawrence.
“Nakakaalala ka na ulit!” sa sobrang tuwa ay nahalikan ng hindi plano ni Linette ang boyfriend.
Hinawakan ni Lawrence ang ulo. “Pero iyon lang ulit. Biglang nag-flash sa isip ko...”
“But at least,” naiiyak na naman si Linette sa tuwa. “Malapit na talaga. Everything is worth it. Makakaalala ka rin.”
Ngumiti si Lawrence. “Alam ko. This is wonderful. Naalala ko rin ang pakiramdam. It was amazing. Salamat sa lahat, B-Babe...”
Tuluyan ng pumatak ang luha ni Linette nang marinig na gumamit ng endearment ang boyfriend. Malapit na talaga na bumalik sa dati. Kaunting paghihintay at pagtitiis na lang. Makukuha na niya ang kaligayahan niya.
“You are amazing,” wika ni Linette at hinalikan muli ang boyfriend. Sa pagkakataong iyon, mas malalim ang halik. Ginantihan rin naman siya ni Lawrence ng may kaparehong intensidad.
They were almost out of breath when their lips parted. Sandaling nagkatitigan silang dalawa. Pakiramdam ni Linette ay tumitingin siya sa salamin. Nakikita niya sa mata ni Lawrence ang nararamdaman niya. She felt like burning with desire.
Lawrence tried to kissed Linette again. “I love kissing you...”
“And I want you,” pinaulanan ni Linette ng halik sa mukha ang lalaki. Hindi na rin siya nahiyang sabihin ang mga salita. Bakit pa? Ganoon rin naman ang nakikita niya kay Lawrence. They were hungry for each other.
Nakakaloko ang ngisi ni Lawrence. “Undress me then.”
Kinagat ni Linette ang ibabang labi. She did it with seduction. Oh, hindi na siya kailangan na utusan ni Lawrence. Matagal na niyang gusto na gawin iyon.
Linette almost obliged. Pero may pumutol ng magical moment nila. May kumakatok sa pinto.
“I’ll get back to you.” Kumindat si Linette.
Tumayo si Linette at halos takbuhin ang pinto. Hindi na niya gustong patagalin ang sandali. Eh ano kung hindi pa nakakaalala ng buo si Lawrence? Hindi pa rin naman nagbabago ang katotohanan na boyfriend pa rin niya ito. Willing siyang ibigay ang lahat rito.
Pero napatunayan ni Linette na lahat ng saya ay may sumusunod talaga na lungkot. Nang makita kung sino ang nasa pinto, ang pagkapula na binigay sa kanya ng hawak at halik ni Lawrence ay naputla sa pagkaputla.
“Niall...”
The Canadian grab Linette hips. “Hindi mo gustong bumalik? Puwes, nandito na ako mismo para pabalikin ka!”
BATA pa lamang si Lawrence ay marami na ang nagsasabi na mabait siya. Alam niya ang tama at mali. Tumatak sa utak niya ang turo ng mga magulang na palaging gawin ang tama. Pero sa ngayon, hindi niya gustong intindihin ang mga pangaral ng magulang.
“Lawrence, Babe, mag-usap tayo, please. Magpapaliwanag ako...” puno ng sakit ang boses ni Linette habang nasa labas ng kuwarto kung saan niya naisipan na magkulong. Ang sinasabi nito ay ang tamang gawin.
Mukhang maraming ipapaliwanag si Linette sa kanya. Pero wala siya sa huwisyo para makinig sa mga iyon. Masyadong magulo ang utak niya. One minute, they were almost making out. Pagkatapos ngayon ay may isang tila kontrabida na darating. Ano ba ang nangyayari sa buhay niya? Para siyang nasa isang teleserye. Napakagulo. Napakahirap.
Kagaya ni Linette, hindi kilala ni Lawrence ang lalaking dumating. Pero malinaw ang intensyon nito. Aagawin raw nito sa kanya si Linette. Kano ang lalaki kaya hindi mahirap paniwalaan ang sinasabi nito na nagkakilala raw ito at si Linette sa ibang bansa. Doon raw nagka-affair ang dalawa. Naikuwento na rin naman sa kanya ng girlfriend na nagtrabaho ito sa ibang bansa sa loob ng limang taon.
Puwedeng hindi paniwalaan ni Lawrence ang pangyayari. Pero lumalakas ang negatibong bahagi ng sarili niya. Naiisip niya ang bad instinct na nararamdaman sa relasyon nila ni Linette. Iyon na ba ang dahilan ng lahat noon? Niloloko siya ni Linette. Malamang ay alam na niya ang lahat bago pa man siya mawalan ng alaala.
Napatingin si Lawrence sa kuwarto na kung saan siya naroroon. May kalakihan ang unit kaya hindi lahat ng bahagi ay nalibot na niya kahit ilang araw ng nanatili roon. Magulo ang kuwarto. Pamilyar sa kanya ang kuwarto pero hindi ang dahilan kung bakit magulo iyon. Parang may nagwala sa loob. Pero sino? Hindi siya magulong tao para ikalat na lamang ng ganoon ang mga gamit. Siya lang rin ang naninirahan sa unit. Siguro nga ay siya ang may gawa ng lahat...
Bakit?
Kalmadong tao si Lawrence. Pero hindi na rin siya magtataka kung siya nga ang nanggulo ng kuwarto. Sa nararamdaman niya kasi ngayon, kayang-kaya rin niya na gawin ang ganoong klase ng panggugulo.
Hinawakan ni Lawrence ang ulo. Bigla-bigla ay nanakit iyon. Gusto niyang mapasigaw sa sakit pero walang lumalabas sa bibig niya na kahit anong salita. Sa halip, sa katawan niya may epekto iyon. Tila unti-unti siyang natutunaw. Napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang kanyang ulo.
Ipinikit ni Lawrence ang mata na para bang sa pamamagitan noon ay mawawala ang sakit ng kanyang ulo. Nang magmulat, ang unang gamit na nakita ng kanyang mga mata ay isang brown envelope. Tila may bumbilya na lumitaw sa isip niya. The brown envelope was very familiar. Mas lalong pinasakit ng pagkakita sa brown na envelope ang ulo ni Lawrence.
Naglabasan ang larawan sa isip ni Lawrence. Si Linette at ang lalaking nasa pinto ang nasa larawan.
Si Niall...
Damn you, Linette. Am I still your present or already the past to you?!
Sa pagkakataong iyon, napasigaw na si Lawrence. Hindi na niya nakaya ang sakit. Sa pagsigaw ay unti-unti na rin siyang nawalan ng malay.
“I WISH you are with me here, Babe.”
Depress. Ang salitang iyon ang kaagad na pumasok sa isip ni Lawrence habang kausap ang girlfriend. Punong-puno ng lungkot ang boses ni Linette. Sa tagal na nito sa ibang bansa, ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang ganoong klase ng lungkot nito.
Nahahawa si Lawrence. Kung alam lang nito kung gaano na gusto na rin niya na umuwi ang girlfriend. Napakahirap ng sitwasyon nila. Pero naisip niyang hindi makakatulong kung ipapakita niya kay Linette na mahirap rin sa kanya ang lahat.
“I wish that, too. Pero intindihin na lang natin ang sitwasyon. Nag-aaral pa ang bunsong kapatid mo. Isa pa, may masama ba na nangyari diyan? Akala ko ay bumalik ulit si Niall? Hindi ba kayo gumagala?”
Nagulo lalo ang mukha ni Linette nang mabanggit ang naikuwento nitong kaibigan. Masaya siya na nakahanap ng malapit na kaibigan si Linette kahit lalaki iyon. Nagtitiwala siya nang husto sa girlfriend kaya hindi siya natatakot. Minsan na rin niya na nakausap si Niall. Mabait ito. Halos dalawang taon na simula nang makilala ito ni Linette kaya napatunayan niya na wala na rin naman siyang dapat ikatakot.
“W-wala ako sa mood gumala.” Sagot ni Linette. “Saka hindi naman ikaw si Niall. Ikaw ang gusto ko na makasama...”
Muli, pinanaig ni Lawrence na huwag magpaapekto sa lungkot ni Linette. Pinayapa niya ang girlfriend. Mas dinoble niya ang effort na pasayahin ito kaysa dati. Pero nang matapos na sila na mag-usap, doon niya inilabas ang frustration. Napaiyak rin siya. Missed na missed na rin niya ang girlfriend.
Nag-isip si Lawrence. Kailangan na niya na magdesisyon. Magiging unfair kay Linette kung pipilitin niya na umuwi ito o magbakasyon man lang. May responsibilidad pa rin ito sa pamilya. Kulang pa rin ang ipon nito para ma-secure ang pamilya. Pero siya, wala siyang problema. Malaki rin ang ipon niya at binabalak na nga niya na magpatayo ng sarili nilang bahay na dalawa. Kung gugustuhin rin niya na magbakasyon ay mapapagbigyan niya ang girlfriend.
Sa sumunod na pag-uusap, sinabi ni Lawrence ang balak. Nagulat siya sa reaksyon ni Linette. Kuntodo ang iling nito.
“Bakit mo gagawin iyon? Isa pa, hindi kita makakaya na i-accomodate dito sa Canada.”
“Why? Akala ko ba mabait si Mr. Smith? For sure, maiintindihan niya ang---“
“Oo. Pero nakakahiya!”
Nagkibit-balikat si Lawrence. “Fine. Magpapa-book na lang ako sa hotel.”
Nagprotesta pa rin si Linette. Ipinaramdam nito na hindi naman siya kailangan roon. Gusto siya na makasama nito. Ngayong willing siya na mag-adjust, ayaw naman nito.
Opposite ang sinabi nito sa ipinaramdam nito sa kanya noong nakaraang pag-uusap. Naguluhan siya.
“I’m sorry. I-its just that, hindi ko lang gusto na mag-abala ka pa na magpunta rito, Babe. Maggastos iyon.”
“Pero missed na missed na kita. Missed na missed na natin ang isa’t isa. Hayaan mo ako na gawin ito...”
Hindi pa rin pumayag si Linette. Nasaktan si Lawrence. Bakit ganoon? Para rin naman sa kanila ang ginagawa nila. Para rin rito. Hindi naman niya ito sisihin sa mga gagastusin niya. Bukal sa loob niya ang pagpunta. At ano ba ang pera kung para rin naman iyon sa kasiyahan nila? Niya? Dapat ay maging masaya pa ito.
Buong linggo na inisip ni Lawrence kung ano nga ba ang problema. Nakakaloko kasi ang reaksyon ng girlfriend. Hindi tuloy niya maiwasan na magduda. Parang may tinatago si Linette sa naging reaksyon nito.
Nang makabalik sa San Diego Compound, bumulaga kay Lawrence ang isang brown envelope na galing Canada. Nasagot ang lahat ng kasagutan niya sa pamamagitan ng mga larawan na pinadala ng kung sino man ay hindi na niya pinagkaabalahan na tignan.
Ibinalik ni Lawrence ang larawan sa envelope. Inihagis niya lang basta sa sahig ang envelope at saka nagwala sa kuwarto kung saan niya napagdesisyunan na buksan ang envelope. Hindi niya ugali na magwala pero naging sobra ang sakit. Kaya naman pala hindi siya gustong papuntahan ni Linette sa Canada!
Linette is having an affair with Niall. Sino ang may karelasyon na papayag na magpahalik sa isang “kaibigan”? Sa pisngi lang ang halik pero maganda ang ngiti ni Linette. Mukhang masaya pa ito sa ginawa ng lalaking iyon. At sa Las Vegas? Walang naikuwento sa kanya ang girlfriend na pumunta sa lugar na iyon.
Durog na durog ang puso ni Lawrence. Masakit isipin na sa kabila ng lahat, hindi pa rin pala siya magiging sapat sa dalaga.
It was hell but he tried to move on by working. Hindi rin naman kasi nag-online si Linette ng weekend na iyon para makompronta man niya. Hindi na rin naman siya nagtangka pa na makausap ito dahil sa sakit. Hindi gumagana ng maintindihin na bahagi ng isip niya. Kaya naman nang nag-collapse ang site at alam niya na nasa binggit na siya ng kamatayan, hindi na kinabahan o natakot si Lawrence. Sa ginawa sa kanya ni Linette, parang pinatay na rin siya nito...
NATAGPUAN ni Linette na walang malay si Lawrence sa kuwarto. Dahil sa gulat at takot, nagpatulong siya na dalhin sa ospital ang boyfriend. Habang in-examine ng mga Doctor ang wala pa rin na malay na boyfriend, tinawagan niya ang ina nito. Sakto naman na paluwas ng Maynila ang ina ng boyfriend. Bibisitahin sana nito ang anak. Mabilis ito na nakarating sa ospital. Halos kararating lamang nito nang sabihin ng Doctor na gising na si Lawrence. Pero dahil ang hinanap na makakapasok sana muna sa kuwarto ay kamag-anak, nauna ang ina ni Lawrence. Gustuhin man niya pero ibinilin ng Doctor na hangga’t maaari ay limitahan ang bisita ng lalaki. Nasa maselan na kondisyon daw si Lawrence.
Matagal na naghintay rin si Linette hanggang sa lumabas si Tita Leticia. “Natutulog na siya, Linette.”
Tumango si Linette. “Okay lang po. Gusto ko po siya na makita at makasama. Nakausap niyo po ba siya? Kumusta na raw po ang pakiramdam niya?”
Tinitigan siya ni Tita Leticia. Tumango rin ito. Pero makikita na puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito. “Maayos na siya. Ang lahat sa kanya. Nakakaalala na siya, Linette. Naalala ka na niya.”
Nanlaki ang mata ni Linette. Napahawak rin siya sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat. “Then that is good news!”
Umiling si Tita Leticia. “Hindi para sa `yo, Linette. Dahil sa mga naalala niya, sinabihan niya ako na huwag ka muna raw pabisitahin sa kanya. May sinabi siya na mga larawan...”
“L-larawan?”
Huminga nang malalim si Tita Leticia. “Sinabi niya sa akin na nagka-affair ka raw sa Canada, Linette.”
“A-affair?!” tila nawalan ng hangin ang paligid ni Linette. May mga naalala siya.
Larawan. Affair. Damn you, Niall.
“Hindi ko gusto na maniwala, Linette. Pinagkakatiwalaan kita. Nakilala na kita at alam ko na mahal mo ang anak ko. Pinatunayan mo lalo `yan noong bumalik ka rito. Hindi mo siya iniwan. Inalagaan mo siya. Pero ano nga ba ang totoo? Hindi ko gustong isipin na napuruhan ang utak ng anak ko. Maayos si Lawrence at kilala ko ang anak ko. Hindi niya ugali na magsinungaling...”
Napaiyak lang si Linette. Alam niyang nagmukha siyang guilty sa ginawa niya. Pero hindi pumasok sa isip niya na posible na mangyari iyon. Napakasakit.
“Sinabihan ko siya na pakinggan ang side mo para magkaintindihan kayo. Pero hindi pumayag si Lawrence. Hindi pa raw niya kaya. Intindihin na lang muna natin ang desisyon ni Lawrence. Kaka-recover lang niya. Nasa maselan pa rin siya na kondisyon.”
Walang naggawa si Linette. Tumango na lamang siya. Nagpaalam siya sa kay Tita Leticia na babalik na lamang sa araw na handa ng makinig si Lawrence. Aabisuhan na lang raw siya nito.
Bumalik si Linette ng unit nila ni Lawrence sa San Diego Compound. Ipapahinga na muna niya ang lahat. Masyadong nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw. Gusto niyang umasa na magiging maayos ang lahat. Maiintindihan siya ni Lawrence. Siguro ay nabibigla lang ito. Pero masakit pa rin sa kanya ang pakiramdam na nasaktan ang lalaki. Ang akala nito ay sinaktan niya ito.
Pero nawala kaagad ang salitang “pahinga” sa isip ni Linette nang makarating sa compound. Naroroon na naman si Niall. Nakatayo ito. Hindi rin pala talaga maganda kapag nasobrahan ng “determinasyon.”. Ang buong akala niya ay nakinig na ito sa kanya nang paalisin niya kanina. Pero mukhang binigyan lang siya nito ng pagkakataon para mag-away sila ni Lawrence.
Alam nito na hindi siya nito makukuha. Alam nito na may boyfriend na siya. But he was a desperate man...
Naniningkit ang mata ni Linette. Tumulo rin ang luha mula roon. “Napakawalang hiya mo!”
Linette almost broke down in tears and hatred for the guy...