Tenses (Unofficial) Series Chapter 18

KAHIT natapos ang dalawang buwan na pagbabakasyon ni Niall sa Canada ay nanatili pa rin ang komunikasyon nila. Madalas silang nag-uusap through social media sites kaya napanatili rin nila na malapit ang pagkakaibigan nila. Nang bumalik muli si Niall sa Canada pagkatapos ng halos dalawang taon, hindi pa rin nawawala ang gaan ng loob ni Linette rito.

“Saan mo gustong gumala?” tanong kaagad ni Niall sa kanya nang makarating.

Napangiti si Linette. Nang makaalis si Niall ay hindi na muli siya nakarating sa malayo. Na-excite siya sa isipin na makakaalis muli siya. Kahit hindi naman siya totally na nakakulong dahil choice niya ang hindi gumala, pakiramdam niya ay isa siyang kalapati na naging malaya.

“What do you think of Las Vegas?”

Umiling kaagad si Linette. “No.”

“Why? I’ve been there once. It’s fun!”

“It’s luxurious. Alam mo naman ako. I’ll just go to budget tours and---“

Hinawakan ni Niall ang kamay niya. “I’ll treat you.”

Umiling si Linette. “Ayoko pa rin. Isa pa, napakalayo noon!”

“Nagbakasyon si Tracy ng limang araw sa trabaho niya. I was the one who asked her to do that for you.”

“Niall---“

“Please don’t say no, Linette. Minsan lang naman ito. Saka hindi ka pa ba nagsasawa sa nature tripping? Palaging ganoon na lang ang ginagawa natin kapag gumagala tayo. It’s for a change.”

Sa huli, nakumbinsi rin ni Niall si Linette. Pagkatapos ng lahat, gusto rin naman niya na makita ang Las Vegas. Gusto niya na makita ang iba pa sa mundo. Ganoon pa man, inisip niya ang sasabihin ng ibang tao. Mabait naman ang kanyang pamilya. Pero ano ang ibang tao? Ayaw niyang i-judge siya samantalang para sa kanya ay hindi pa rin sila nakakaahon sa hirap. Hindi pa tapos ang bunso niyang kapatid. Hindi niya pa masasabing successful siya.

Isesekreto na lamang ni Linette ang lahat. Hindi siya magpo-post sa social media. Naisip rin niya si Lawrence. Las Vegas is a sin city. Kasama pa man rin niya si Niall. Baka mamaya ay iba ang maisip ng boyfriend kapag nalaman niya na nagpunta siya sa lugar na iyon kasama si Niall. Ayaw niyang mag-aalala ito.

Las Vegas is beautiful. Sandaling nanibago si Linette dahil hindi siya sanay sa klase ng pailaw pero natutunan rin niya na magustuhan iyon. The people were all in party mood. Hindi siya ganoon pero masasabi niyang natuwa siya sa pagbabago.

Unang nagpunta sila sa Casino---ang pangunahing atraksyon sa Las Vegas. Hindi siya naglaro dahil na rin sa estado niya na nagtitipid. Hindi siya pinilit ni Niall. Hinayaan lang siya nito na manood ng laro nito. Sinuwerte si Niall. He put the credit on her.

Inakbayan siya ng lalaki at hinalikan sa pingi. “You’re a lucky charm,”

Nagulat si Linette. Nailang rin siya bigla. “Hey, hindi mo dapat ginawa iyon.”

Natawa si Niall. “Magkaibigan tayo, Linette. And friends, they kissed each other and---“

“You’re a guy, Niall! At alam mo na may boyfriend ako,” humalukipkip si Linette.

Lalong natawa si Niall. “You make a fuss a lot about it. Sa pisngi lang naman iyon.”

May punto si Niall. Pero nailang pa rin si Linette. Ganoon pa man, sinubukan niyang huwag gawin na big deal iyon. Kilala niya si Niall. Mabait ito at mapapagkatiwalaan.

“Say cheese!” masiglang wika ni Niall at inakbayan siya. He took a selfie with her with one of the famous landmark in Vegas---the Bellagio Fountains.

Nagulat si Linette. Masyadong close ang pagkuha nito ng larawan---malapit na malapit ang mukha nila sa isa’t isa. Sinabihan niya si Niall na burahin iyon.

“Ayoko nga. Ang guwapo ko rito, o!”

Pinandilatan niya ang kaibigan. “Idya-judge tayo ng mga tao kapag nakita `yan!”

“Okay lang. Wala naman akong girlfriend.”

“May boyfriend ako. Ipapaalala ko lang ulit sa `yo,” dinutdot ni Linette ang dibdib nito.

Nagkibit-balikat si Niall. “Hindi ko naman i-upload sa Facebook,”

Nagtiwala pa rin si Linette kay Niall. Hindi naman rin mahilig mag-upload talaga ang lalaki sa social media sites. Kinalma niya ang sarili. Mapapagkatiwalaan si Niall. Alam nito ang rules. Magkaibigan lang sila.

Nang sumunod na araw, nagpunta sila ni Niall sa Las Vegas Strip. Sinubukan nila na mag-sky jumping. Naging highlight iyon ng trip para kay Linette. Iyon ang pinaka na-enjoy niya sa lahat ng ginawa nila. Ang taas ng adrenaline niya.

Nauna si Niall kaysa sa kanya kaya sinalubong siya nito. Ang ganda ng ngiti ni Linette. Tagumpay na nakatalon siya!

“Okay, selfie again and---“ pinutol ng pagsasalita ni Niall ang paglapat ng bibig nito sa pisngi niya. Kasabay noon ay ang pag-click ng camera.

Bumaba kaagad ang adrenaline ni Linette. “Ano na naman `yan?!”

Ngumisi ang lalaki. “It’s fun, right?” halata na iniiwasan ni Niall ang pag-discuss sa nangyari.

Pinananingkitan ni Linette ang kaibigan. “Delete that, Niall! Hindi na ito nakakatuwa!”

“Sino ba ang tumatawa?” nakuha pa nito na magloko.

“Kapag nakita `yan ng ibang tao---“

“I am your friend. Pagkatiwalaan mo ako. Ipapahamak ba naman kita? I know how much you love Lawrence...”

Sa huling pangungusap ay napansin ni Linette na may lungkot sa mukha ni Niall. Pero bakit? Alam nito iyon sa una pa lamang. At sinabi na nga nito na magkaibigan lamang sila. Hindi ito dapat nasasaktan kung may mahal man siya na iba.

Inintindi ni Linette si Niall. Nakumbinsi siya nito na dapat nga niya na pagkatiwalaan ito. Pero sa nangyari, tuluyan ng lumala ang pagkailang niya sa lalaki.

“YOU’RE CRAZY!” akusa ni Linette kay Niall. Pinaghahampas niya ang dibdib nito. Pinaramdam niya rito ang sakit na nararamdaman niya.

“I’m not sorry for it, Linette.” Matigas pa rin si Niall.

“Sinisira mo ang relasyon namin ni Lawrence!”

“Because that’s the only way to make you mine!” niyakap siya ni Niall. “I love you, Linette. I don’t know what’s wrong about me. Maybe I really have a thing with Filipinas. I want you to come back in Canada again. Nag-resign na ako sa trabaho ko sa Europe. I can stay home. I will find a work near there and---“

Sinampal niya ang lalaki. “At sa tingin mo ay makukuha mo ako kapag nangyari iyon? Naloloko ka na! Pinasama mo lang ang tingin ko sa `yo!”

“I am desperate, Linette. I like you. Sa una pa lang naman talaga na nagkita tayo ay gusto na kita. Pinigilan ko lang ang nararamdaman ko dahil nga may boyfriend ka. Akala ko ay mawawala iyon nang bumalik ako sa Europe. Pinilit ko. Pero nang makabalik ulit ako sa Canada at makita ka, the feeling was still as intense as ever.”

“Tigilan mo na ako, Niall. Walang tayo. Hindi kailanman magiging tayo! Intindihin mo iyon. Hindi na ako babalik ng Canada. Nagpaalam na ako sa ama mo at pumayag siya. Sana ay payagan mo na rin ako na makalaya sa `yo...” humahagulgol na si Linette. Napaupo na rin siya sa sobrang bigat ng damdamin.

Ang totoo, hindi pa naman dapat uuwi si Linette sa Pilipinas. Plano niyang patapusin muna si Lydia. Gusto niya na maging secure muna talaga ang pamilya.

Si Niall ang pinaka-dahilan kung bakit ginawa niya na sorpresa ang kanyang pag-uwi. Kailangang hindi mahalata ng pamilya na may nangyari na masama sa kanya kaya bigla siyang napauwi. Hindi niya gustong mag-alala ang mga ito. Ganoon rin si Lawrence.

Pero huli na pala ang lahat. Gumagawa na talaga ng plano si Niall para sirain ang buhay niya.

Naging banta si Niall kay Linette. Ito ang naging dahilan kung bakit ginawa na niya ang matagal na niyang gusto na gawin: ang umalis.

A few trips after Las Vegas, Niall made a confession. Mahal raw siya nito. Determinado ito na mapa-ibig rin siya.

“You’re just joking,” nanginginig na natawa si Linette. Hindi puwedeng mangyari iyon. Kaibigan niya si Niall. Hindi niya ito gusto pero hindi rin naman niya gusto na saktan ito. Isa pa, anak ito ng amo niya. Paano kung magalit si Niall at maapektuhan ang trabaho niya? Iba pa rin ang anak kaysa sa isang empleyado lang naman na kagaya niya.

Sinubukan na hawakan ni Niall ang kamay ni Linette. “Mahal nga kita. Hindi ako nagbibiro.”

“May boyfriend ako!”

“Malayo siya sa `yo.” Niall snorted. “And a long distance relationship? It doesn’t work. Ganoon ang nangyari sa relasyon namin ng dati ko na girlfriend na Filipina. Kapag minahal mo ako, magre-resign ako sa trabaho. I will be here in Canada. Hindi na tayo magkakahiwalay kagaya niyo ni Lawrence at---“

“Eventually ay babalik rin ako sa Pilipinas. Isa pa, maraming taon na namin na napatunayan ni Lawrence na nagwo-work ang LDR. Hindi ko hahayaan na masira iyon.”

Dumilim ang mukha ni Niall. “Puwes, gagawa ako ng paraan. Liligawan kita kahit hindi mo iyon gusto.”

And so Niall did. Pinadalhan siya nito ng mga bulaklak, chocolates at kung anu-ano pang bagay na makakatunaw para sa babae. May isang beses na hinarana pa siya nito. Pinipigilan niya ito pero hindi ito nagpapigil.

Harmless naman noong una si Niall kaya hindi nangamba si Linette. Pero sa ginagawa nito, pakiramdam niya ay mas lalo niyang na-miss ang nobyo. Na-depress siya kaya nahiling niya sana ay nasa tabi niya ito. Sana si Niall na lamang ito. Pero nang magbalak si Lawrence na sundan siya ay hindi siya pumayag. Paniguradong mas magiging mahirap ang sitwasyon kapag nagkatagpo ito at si Niall na ayaw pa rin na sumuko. Gusto man niya, pinigilan niya ang boyfriend.

Hindi pinaalam ni Linette ang nangyayari sa kanya dahil ayaw niyang mag-alala si Lawrence. Nagtitiwala naman siya sa sarili niya. Hindi niya maloloko ito. Kaya rin niya na i-handle si Niall. Mawawala rin ang pagkaloko nito sa kanya sa paulit-ulit niyang pagtanggi. Simula nang nagpahayag ito sa kanya ng pag-ibig, nilayuan niya ito.

But a kissed changed everything. Isang araw, nang hindi makapagtimpi si Niall sa pag-iinarte niya ay kinorner siya nito sa bahay. Hinalikan siya nito ng walang paalam sa labi.

Nasampal niya sa unang pagkakataon ang lalaki. Kinilabutan siya. “How dare you!”

“All you need is a little force, my lovely Linette. Magiging akin ka rin!”

Napaiyak si Linette. Hindi na ito ang Niall na kilala niya. Sa nangyari, alam niya na nasa kapamahakan na siya. Nagpaalam siya kay Mr. Smith.

“I don’t want to, Linette. You became a family to me now. But with what’s happening, maybe its for the good. I’m sorry for what Niall did. But I’m sorry, too, that I can’t control him. He has his own mind. But as I said, you are a family to me so you are important to me. Your happiness and betterment is also my wish. Thank you for everything,”

Naintindihan naman ni Mr. Smith si Linette nang magpaalam siya rito. Ayaw pa nga sana niya na umalis dahil napalapit na rin siya sa mabait na matanda. Pero hindi na siya ligtas sa bahay. Paano kung bukod sa halik, may iba pang gawin si Niall sa kanya? Tama na ang lahat. Bahala na sa Pilipinas. Marami na rin naman siya na naipundar. Hindi pa naman ganoong kalaki pero umaasa siya sa mga iyon at ganoon na rin sa mga kapatid. Makakahanap rin siya sa Pilipinas ng trabaho. Hindi man ganoon kalaki ang suweldo pero iisa na naman ang kapatid niya na nag-aaral. Mabubuhay pa rin sila nang maayos. Ang ayaw lang talaga niya na mangyari ay ang maggaya sa kanya ang mga kapatid. Kailangan pa na magtrabaho upang makapag-aral.

Umalis na si Linette sa Canada. Kung anu-anong pinagsasabi pa sa kanya ni Niall na hindi ito titigil pero hindi siya nakinig. Hindi na siya nito magugulo sa Pilipinas. Magiging payapa ang lahat.

Pero hindi dahil gusto mo, makukuha mo...

Napaluhod si Linette kay Niall. Kung kailangan niya na magmakaawa rito para tigilan na siya, gagawin na niya. Desperada na siya na maging masaya.

Nagulat si Niall sa ginawa niya. Tumiim ang bagang nito. Hinawakan nito ang kamay niya. Pinilit siya nito na patayuin. “Stand up, Linette...”

Umiling si Linette. “Tatayo lamang ako kapag napatawad mo na ako, Niall.”

“You don’t have to do this. Wala kang kasalanan sa akin.”

“Talaga? Pero bakit mo ako pinaparusahan ng ganito kung wala?”

Namutla si Niall. “Linette...”

“Pagod na pagod na ako, Niall. Ang tagal na panahon na nalayo ako kay Lawrence. Ang tagal kong nagtiis at nalungkot na mawalay sa taong mahal ko. Ngayong kapiling ko na siya, hindi naman niya ako maalala. Ngayong nakakaalala na siya, hindi naman niya ako gusto na makausap at makasama.”

Pagak na natawa si Linette sa pag-aalala nang mga nangyayari sa buhay niya. Her whole life sucks.

“Naawa na ako sa sarili ko. Hirap na akong intindihin ang lahat kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito. Kaya pakiusap ko sa `yo, Niall, na sana ako maawa ka rin sa akin. Sana naman ang intindihin mo ako. I don’t want a complicated life anymore...”

Huminga nang malalim si Niall. Pumantay ito sa kanya at niyakap ang kaawa-awang lagay niya.

“I’m sorry. I’m so sorry...”

Sa kabila ng pagpapayapa ni Niall, nanatili na magulo pa rin ang loob ni Linette. Hindi siya lubos na magiging maayos hanggang hindi niya pa sigurado ang lahat. Higit sa lahat, hindi niya masasabing okay siya gayong alam niya na hindi pa rin okay ang relasyon nila ng taong pinakamamahal niya...

“SIGURADO ka ba na kaya mo na, Anak?” tanong ng ina ni Lawrence dalawang araw pagkatapos nilang makabalik sa Baguio. Halos tatlong araw rin siya na nanatili sa ospital pagkatapos niyang mawalan ng malay. Nang makalabas, sumama siya sa Mama niya para umuwi ng Baguio.

Hindi pa gusto ni Lawrence na makausap si Linette. Alam niya na ginagawa na naman niya ang mali. Lahat ng bagay ay may paliwanag. Pero sa tingin niya ay kailangan niyang payapain muna ang isip niya. He had been in a rough time for weeks. Hindi pa siya handa para roon. Isa pa, paano kung mali siya ng akala? Paano kung ang paliwanag nito ay hindi maganda kagaya ng gusto niya? Makakaya ba talaga niya?

Kaka-recover lang ni Lawrence. Hindi pa siya handa para sa mga pasabog. Pero ngayong araw, naisip niya na mag-unwind. Hindi na naman ganoon sumasakit ang mga sugat niya. Nakakapaglakad na rin naman siya. Kaya na niyang umalis ng mag-isa ng walang kahit anong inaalala. Pinapagana lang talaga ng kanyang Mama ang pagiging maalalahanin nito.

“I’m okay, Ma. Sa tingin ko ay kailangan ko ito.”

“Pero ang kondisyon mo---“

“Wala ba kayong tiwala sa akin, Mama? Hindi ko siyempre papabayaan ang sarili ko. Isa pa, magaling na ako. Kaunting sugat na lamang naman ang mayroon sa katawan ko pero hindi na naman iyon nakakaapekto ng malaki. I’ll call you every two hours, too. Dito lang rin naman ako sa Baguio pupunta.”

Tumango ang kanyang ina. “Basta mag-iingat ka.”

Hinalikan ni Lawrence ang ina. “Don’t worry about me.”

Sumakay ng taxi si Lawrence. Wala siya sa mood na mag-drive. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang sigurado na pupuntahan. Gusto lang niyang mapag-isa.

Napagdesisyunan ni Lawrence na magpunta sa mall. Sinubukan niyang manood ng sine na mag-isa.

Mag-isa. Ang hirap ilagay sa isip niya na mag-isa na lamang talaga siya. Dati kasi kahit malayo si Linette ay hindi niya iniisip na mag-isa siya. Alam kasi niya na darating ang araw na babalik rin ito. Pero ano na ang tungkol ngayon?

Habang tinitignan ni Lawrence ang nasa paligid ay kakaibang lungkot ang nararamdaman niya. Action comedy naman ang pelikula na napili niya na panoorin. Pero bakit parang romance dahil ang daming magkarelasyon sa sinehan? Kulang na rin na langgamin ang katabi niya na paulit-ulit na naghahalikan at malapit na yata na gibain ang harang ng mga upuan para tuluyan ng magkalapit ang katawan sa isa’t isa.

Napailing-iling na lang si Lawrence. Subukan man niya na itutok ang atensyon sa screen ay hindi rin siya natatawa o naaliw. Mukhang maganda ang palabas dahil marami ang magagandang reaksyon ang mga tao sa paligid niya. Pero hindi niya maggawa na mapangiti man lang.

Ipinikit ni Lawrence ang mga mata. May isang babae siyang nakita sa kanyang isip. Doon lang niya naggawa na mapangiti.

Kahit mag-isa, nanatili pa rin ang isip ni Lawrence kay Linette. Paanong nangyayari iyon? Dapat ay galit siya kay Linette. Sinira nito ang tiwala niya. Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol kay Niall? Ni hindi niya alam ang pagpunta nito sa Las Vegas. Anong ibig sabihin ng mga larawan na iyon?

Tumayo si Lawrence ng upuan niya. Pakiramdam niya ay niloloko lamang niya ang sarili niya sa pagpipilit na gusto niya na mag-isa. Five years without Linette in his side is already agony. Naalala na niya ang lungkot at hirap noon. Ano ba ang naisip niya at ginusto pa rin niya na mag-inarte? Kailangan niya ng paliwanag mula kay Linette. Kailangan niyang malaman na mali ang iniisip niya tungkol sa larawan.

Higit sa lahat, kailangan niya ito sa buhay niya. Mananatili si Linette sa buhay niya.

Nang ma-analyze ang sitwasyon, isa lamang ang resulta noon. Kahit siguro niloloko lamang siya ni Linette, mananatili pa rin siya sa tabi nito. Hindi niya gusto na mag-isa. Gusto niyang makasama si Linette.

May topak na yata talaga ang isip ni Lawrence. Paano niya naisip ang bagay bagay na iyon? Gusto niyang maggising sa kalokohan. Gusto niyang turuan ang sarili na mahalin naman ang sarili.

Pero mananatiling si Linette ay siya ay iisa. Masasabi lang niya na minamahal rin niya ang sarili niya kapag minamahal pa rin niya ito. Wala siyang ibang babae na nakikita na makakasama habang buhay talaga kundi ang babae. Gaano man niya ilayo ang sarili rito, marami pa rin na puwersa ang nagsasabi na hindi niya kaya. Ayaw niya. Hindi niya maloloko ang sarili niya.

It sucks being alone. Magiging maayos lang talaga ang isip ni Lawrence kung kasama niya si Linette. Napagtanto niya ngayon na mas lalo lang niyang ginugulo ang isip niya sa naging desisyon na layuan ito. Mas pinapahirapan niya ang sarili niya.

Palabas na si Lawrence ng mall nang mapadaan siya sa isang jewelry store. Muli, nakakita na naman siya ng mag-nobyo sa establishment. Parehong nakangiti ang dalawa pero mas litaw ang sa babae. Her eyes were shining with joy. Itinaas pa nito ang kamay. Kahit nasa malayo, napansin niya na may kumikinang roon.

It was an engagement ring.

May kung anong humaplos sa puso ni Lawrence sa tagpo. Naisip na naman niya si Linette. Kung ito ang nasa katayuan ng babae, magiging ganoon rin kaya ang reaksyon nito? Gusto niya na makita iyon. Gusto niya na kagaya ng babaeng iyon sa kasama na lalaki, ay maging ganoon rin sa kanya si Linette.

Ah, naloloko na talaga ako. Nasa isip-isip ni Lawrence nang wala sa sarili na pumasok sa jewelry store.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.