“ATE, SAMAHAN mo ako na lumuwas ng Maynila,” ungot ng kapatid na si Leanne kay Linette. Umuwi siya sa Benguet nang malaman na sa halip na bumalik ng San Diego Compound ay sumama si Lawrence sa Mama nito. Malungkot na mag-isa roon. Naalala niya ang mga alaala nila ni Lawrence. Palaging pumapasok sa isip niya na paano kung hindi siya nito pakinggan? Paano kung hindi siya nito tanggapin?
Updated si Linette sa lagay ni Lawrence. Maayos naman siya at ang ina nito. Pero ganoon pa rin ang balita: hindi pa rin daw handa si Lawrence na makausap siya. Kailangan pa rin nito na mag-isip.
Nasasaktan si Linette pero pinili niya na intindihin ang lahat. Marami siyang pinagdaanan pero ganoon rin si Lawrence. Maselan ang kondisyon nito. Pinili na lang ni Linette na gumawa rin ng sa tingin niya na makakabuti. Umalis muna siya sandali sa compound. Pagkatapos ng lahat, natatakot rin siya na mahawa sa sumpa na sinasabi roon. Hindi niya gustong isipin na magkakahiwalay sila ni Lawrence kagaya raw ng mga dating tenant roon. Isa pa, mas mabuti rin na bumalik siya sa Benguet. Mas malapit siya kay Lawrence roon.
Minabuti na lang ni Linette na sumama sa pamilya. Pagkatapos ng lahat, halos hindi pa rin niya nakukumusta at nakakasama ang pamilya simula nang makaalis siya.
Tatlong araw na si Linette na nasa bahay lamang. Ang kapatid na si Leanne ang kasama niya palagi dahil next week pa ito makakapagsimula sa trabaho. Kaka-graduate lamang nito may ilang buwan na ang nakakaraan. Abala ang kanyang ama sa grocery store at si Lenard naman ay may trabaho. May pasok ang bunso nila na si Lydia sa college.
“Ayoko,” tanggi ni Linette. Iniiwasan nga niya na isipin si Lawrence. Kapag bumalik siya sa Maynila, lalo lang niya na maiisip ang lalaki.
“Dali na, Ate!” hinawakan pa ng kapatid ang manggas ng kapatid niya.
“Ano naman ba ang gagawin mo roon? Wala namang interesting roon.”
“May gusto akong i-meet na ka-textmate ko at---“
“Tumigil ka. Lalo kitang hindi sasamahan. Unahin mo muna ang career mo bago ang pag-ibig. Hindi ako nagpakahirap sa ibang bansa para---“
“Nagpapasalamat ako roon. Kaya ko nga gagawin ito. Para sa `yo rin naman ito.”
Kumunot ang noo ni Linette. “Para sa akin?”
Nakagat ni Leanne ang ibabang labi. Tila nadulas sa sasabihin ang reaksyon nito. “A-ah, kasi, you need to unwind. Kaya kailangan mo rin ako na samahan.”
Umiling si Linette. “Ayoko sa Maynila.”
Umingos ang kapatid. Tinantanan na rin siya nito. Pagkatapos ng kalahating oras, tumawag ang ama kay Linette.
“Ano itong isinusumbong ni Leanne na hindi mo raw siya gustong samahan patungo sa Maynila?”
“Papa, ayoko na pumunta ng Maynila. Isa pa, hindi pa dapat iniisip ni Leanne ang pag-ibig---“
“Linette, hinayaan kita nang sagutin mo si Lawrence. Hindi mo dapat sinasabi `yan. Tapos na rin naman si Leanne.”
Sandaling natameme si Linette. “Pero, Pa! Textmate lang niya ang lalaking iyon. Paano kung may gawin ang lalaking iyon sa kanya? Uso pa man rin ang manloloko sa ngayon.”
Ang ama naman ang sandaling hindi nakapagsalita. “Ah, kilala ko naman `yung textmate niya. Anak iyon noong kaibigan ko. Nag-aaral lang sa Maynila `yung anak. Ay hindi! Nagtatrabaho sa Maynila! Oo, ganoon nga. Ah, basta! Samahan mo ang kapatid mo. Malaki na naman `yan. Hindi na maloloko. Isa pa, kaya nga isasama ka para hindi mapahamak.”
Napaingos si Linette. “Bakit pa kasi ako?”
“Ikaw ang hindi busy. Ikaw ang sanay sa Maynila,” sagot ng ama.
Walang naggawa si Linette. May punto ang ama. Wala pa kasi siyang balak na maghanap ng bagong trabaho. Gusto muna niyang i-focus ang sarili kay Lawrence.
Sinamahan ni Linette na umakyat ng Maynila ang kapatid kahit labag sa loob. Ngiti-ngiti naman ang babae habang ka-text pa rin ang kung sino. Parang kilig na kilig pa ito. Ilang beses tuloy napaikot ni Linette ang mata sa pagka-love sick ng kapatid.
Bitter, bulong ng isang bahagi ng isip niya. Siguro nga. Isang pabigat pa sa dibdib niya ang gumaganda na love life na kapatid. Samantalang siya, ang tagal na nagmamahal ay nawawalan pa ng kasiguraduhan.
Haay, bakit ang unfair ng buhay?!
Nang makarating sa Maynila, sumakay na lang sila ng kapatid ng jeep. Badtrip pa dahil sa may bandang Greenhills pa raw magkikita ang dalawa. Naroroon rin ang San Diego Compund. Sa lahat ba naman!
Puro ka-bitter-an ang pumapasok sa utak ni Linette. Lalo pa iyong pinasama nang pumara ang kapatid sa tapat rin ng compound. Kumunot ang noo niya.
“Bumaba ka na lang, Ate.” Kumindat si Leanne.
“Hindi pa rito ang---“
“Basta, bumaba ka na!” pamimilit ng kapatid. Nauna itong bumaba at hinila siya. Napilitan na rin na bumaba si Linette.
Nag-iinit ang ulo na napamaywangan ni Linette ang kapatid. “Sa susunod talaga, hindi na ako---“
Naputol ang pagsasalita ni Linette nang mapatingin sa lupa. Nakita niya ang isang pamilyar na larawan.
Kinuha ni Linette ang larawan. Tandang-tanda niya kung kailan at saan ang larawan. It was their very first date. Sa Jollibee!
Nawala ang init ng ulo ni Linette at natawa pa. Napakabata pa nila ni Lawrence roon. Paano kaya nailabas ang larawan samantalang nakatago iyon sa photo album? Naka-ingat ang lahat ng alaala nila ng boyfriend.
Napatingin si Linette sa lupa at nakita na nagkalat pa roon ang ibang larawan. Lahat ng mga iyon ay papunta sa San Diego Compound, partikular sa Unit 1-C. Malakas ang kabog ng puso niya habang pinupulot ang larawan. Malapit na rin na sumabay ang pagtulo ng luha sa mata niya. Naghahalo ang emosyon sa loob niya.
Nawala na sa isip ni Linette ang kapatid. Pagkatapos ng lahat, mukhang planado ang lahat. Pumasok siya sa unit nila ni Lawrence at nakumpirma nga niya na totoo ang hinala. Kagaya ng ayos sa araw kung kailan niya sinagot ang boyfriend, ganoon rin ang sa ngayon. It seems like Valentines is just around the corner. Tumulo na ang luha sa mata niya.
Habang hawak-hawak ni Linette ang mga larawan nilang dalawa, lumabas si Lawrence. May hawak itong pumpon ng paborito niyang red roses. Nakangiti na ibinigay nito iyon sa kanya.
“Like it?” napaka-simpleng tanong lang ni Lawrence na para bang napaka-simple lang rin ng pinagdaanan nila nito.
Umiling si Linette. “I love it.”
Inilagay ni Lawrence ang kamay sa bulsa. “How about the photos?”
“Ipinaalala mo sa akin ang memories natin. Parang bumalik ako sa nakaraan, lalo na sa ginawa mo na ito.”
“Gusto ko na makita mo ang larawan. I realized those were much powerful as these...” inilabas nito mula sa likod na bulsa ng pantalon nito ang dalawang larawan nila ni Niall.
Tumango-tango si Linette. “May paliwanag ako sa mga `yan, Babe...”
Pinunit ni Lawrence ang larawan sa harapan niya. “It’s over.”
Umiling si Linette. “Wala naman talaga `yan. He’s just blackmailing us.”
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Linette. Ipinaliwanag na niya ang tungkol sa larawan. Sa lagay naman ni Lawrence ngayon, mukhang handa na ito na makinig.
“Hindi ko sinabi sa `yo ang tungkol sa Las Vegas kasi natatakot ako na mag-alala ka. Naging mabilis rin ang pangyayari. Hindi ko alam na pinadala sa `yo ni Niall ang mga larawan. He was a desperate man. Alam ko na nasa panganib na ako kaya umalis na ako sa ibang bansa.”
Huminga nang malalim si Lawrence. Tumango-tango ito. “I’m sorry if I lose my trust in you. Natakot lang talaga ako.”
Tumango-tango si Linette. “Naiintindihan ko naman.”
Nabulag lang si Lawrence sa sakit. Saka choosy pa ba siya kung mag-iinarte siya? Napakatagal na inintindi siya ng boyfriend. Masuwerte pa rin siya sa boyfriend.
“Talaga?”
“Ang nangyari ay misunderstanding lamang sa pagitan natin. Kung sa akin rin nangyari iyon, malamang ay ganoon rin ang magiging reaksyon ko.”
Ngumiti na si Lawrence. “Kung ganoon, ito naman ang intindihin mo. Intindihin mo na sabik na sabik rin ako para rito.”
Inilapit ni Lawrence ang sarili kay Linette. Their nose collided. Their bodies pressed together. Their lips met.
“I missed you so much...”
May tumulo ulit na luha sa mga mata ni Linette. She missed the man. Paano siya nakatagal ng limang taon na hindi kapiling ang lalaki na ito? The emotions were so overwhelming right now.
Sinalubong ni Linette ang halik ni Lawrence ng may kapareho na intensidad. She felt hungry and so was he. Sa intense ng pagsasalo ng kanilang labi ay tila nawala sa mundo si Linette. Nawalan na siya ng pakialam kung ano ang ginagawa ni Lawrence sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya o sa paligid niya.
Bumalik lang si Linette sa sarili nang tumigil si Lawrence sa paghalik sa kanya. She was almost out of breath. Pero si Lawrence ay ngiti-ngiti lamang. Nagulat rin siya ng bigla na lang siyang buhatin nito at ipaikot sa buong unit.
“Babe, ibaba mo ako! Baka hindi mo pa kaya na---“
Ibinaba siya ni Lawrence at pinugpog ng halik ang mukha niya. “I can do everything for you, Mrs. Lawrence Grande...”
“Mrs. Lawrence Grande?” natulala si Linette sa sinabi ng boyfriend.
Itinaas ni Lawrence ang kamay niya. Dahil sobrang nalulon sa halik, hindi niya namalayan na may isinuot na pala sa kamay niya si Lawrence.
Kinindatan siya nito. “Para wala ka ng kawala...”
“You really are crazy for me!” natatawang naiiyak si Linette sa saya. Nagtitiwala naman siya kay Lawrence na mahal siya nito pero lalo na ngayon.
“Sinabi ko na sa `yo, gagawin ko ang lahat para sa `yo. You have my heart from the start. You’ll have me until forever...”
“P-pero plinano mo ang lahat ng ito kahit hindi ko pa naipapaliwanag sa `yo ang lahat! Paano kung hindi pala makatarungan ang paliwanag ko?!”
“I will still love you. Wala na akong babaeng maisip pa na pag-aalayan ng singsing at pangalan ko kung hindi ikaw lamang...”
Niyakap ni Linette nang mahigpit si Lawrence. “Oh, babe! Our love is always worth the wait. Worth it ang lahat kapag may boyfriend, este fiancé na ngayon na kagaya mo.”
“A girl like you is worth the wait. Lahat talaga ng hinihintay ay worth it” Wika ni Lawrence at hinalikan muli siya sa labi.
“So this is is the start of our happily ever after?”
“Ah, simula nang naging girlfriend kita ay sa tingin ko, nakuha ko na `yan. Nagkakaroon lang ng pagsubok pero kinakaya natin. Kinaya natin. And even with the obstacles, I’m still happy because I know you are mine.”
“I’m forever yours. Niall is just an obstacle. Pero `wag mo na siyang alalahanin dahil natanggap na rin naman niya ang lahat.”
Naintindihan na rin ni Niall si Linette. Pinilit na rin na intindihin niya ito. Isa lamang itong biktima ng “friendzone”. Nasasaktan siya para rito. Pero mas masasaktan siya kung paiiralin niya ang mali. Hindi niya kailanman minahal o mamahalin ang lalaki. Lawrence is always the man whom his heart will always belong.
“Minsan na naisip ko, bakit kailangan pa na dumating ni Niall sa buhay ko. Bakit kailangan niya na ma-fall sa akin at saktan ako? Pero siguro nga, everything happens for a reason. Instrumento lang siguro si Niall para tapusin ko na ang buhay ko sa Canada. Kung hindi dahil sa kanya, hindi pa ako babalik at uunahin ang sarili ko. Hindi ko rin siguro mararamdaman ang ganitong kasarap na kasiyahan.”
“At siguro ay ganoon rin kung bakit nag-collapse ang mining site. Pinapaalis na ako roon para hindi na mahirap para sa atin ang sitwasyon. I can be with you now always. Lahat sa atin ay maayos na ngayon.”
Kinagat ni Linette ang ibabang labi. “But I have a confession to make,”
Nagulo ang mukha ni Lawrence. “A-ano iyon?”
“There were times na naisip ko na sana ay ikaw na lang si Niall kapag magkasama kami. Is that a bad thing?”
“You just missed me that much. That’s not a bad thing,” hinalikan siya ni Lawrence sa noo. Bumuntong hininga ito. “Siguro ay hindi rin kita masisisi kung naggawa mo man na tumingin sa ibang lalaki. Naging malayo natin sa isa’t isa. And there were times that Niall was there for you and I was not. May kasama ka, hindi kagaya ko. But what you did, you just made me love you more. Pinatunayan mo na kahit may ibang nasa tabi mo ay nanatili pa rin ako sa puso mo. You fight for me.”
“My love for you is greater than the temptation that there is. Thank you for everything. For the love, trust and most especially for the wait.”
“It will always be my pleasure to do everything for you. But I also have a confession to make.”
“Ano naman iyon?”
Ngumisi si Lawrence. “You will not wait for me anymore. No more long distance relationship.”
Nagulat si Linette. Sa klase ng trabaho ni Lawrence, mahirap paniwalaan iyon. Hindi naman kasi siya puwedeng tumira rin sa staff house. Ganoon pa naman palagi ang ginagawa ng mga mining engineer na kagaya nito. Bihira rin ang malalapit na apartment sa mining sites dahil madalas na mga bundok iyon. Hindi rin convenient na tirahan.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Tapos na ang trabaho ko sa mining site dahil sa nangyaring pagsabog. Hindi ko na rin gustong magtrabaho ulit sa ganoon. Nakaka-trauma. Pero sa tingin ko ay cue na rin ang nangyari sa mining site. I am thinking of having a full-time job as a professor…”
“Sa university kung saan ka rin nagtuturo?”
“Yes. But a different branch. Kaka-open lang nila ng branch sa Baguio. May mining engineer course at marami ang naging interesado. Pinapalipat ako ng staff roon at kung gusto ko raw, they can give me a full load. Sa Baguio na ako titira. Sa tingin ko ay mas okay iyon dahil mas malapit iyon sa kanya-kanyang pamilya natin. It’s a good university so they pay well.”
Sobra-sobra na ang kasiyahan sa puso ni Linette. “That’s not a confession. Good news iyon. Isa pa, hindi ko naman kailangan ng marangya na buhay. Puwede rin naman ako na magtrabaho rin sa Baguio. Hindi na ganoon kalakihan ang suweldo hindi kagaya sa Maynila. Pero hindi na iyon mahalaga. Sinabihan na ako ng mga kapatid ko na sila na ang bahala sa pagpapalaki kay Lydia. Hindi na mabigat ang responsibilidad ko sa kanila. Your proposal is just right on time. I’m happy to put you on my priority list, too. Sapat na para sa akin ang pag-ibig.”
“No more distance can separate me from you.” Inilapit ni Lawrence ang ilong sa ilong niya.
“I can always go to the distance if it’s just because of you. Hindi talaga totoo ang sumpa.” Wika ni Linette saka tumingin sa bahay. Naalala na naman niya ang sumpa raw sa compound.
“Well then, kailangan ko pala na baguhin ang statement ko. No distance and curse can separate me from you.”
“Hindi ko rin naman papayagan. Masaya ako na maging witness na hindi totoo ang isang myth. Pero mas masaya ako na nandito ka na muli sa tabi ko, binigyan ako ng pangako ng pang-habang buhay at pangako na hindi na muling iiwan pa...” Sagot ni Linette at itinuloy ang paglapit sa labi niya at sa labi ni Lawrence.
Ah, life is just a matter of adjustment and understanding. Life is always beautiful.
THE END OF BOOK 2