THE FUTURE: IT MIGHT BE YOU
“HINDI maganda ang performance mo today.”
Ross Samonte was always at the top of his game. Mayabang at may pagka-arogante na kung pakikinggan pero alam niya sa sarili niya na magaling siya, bukod pa sa guwapo siya. Pinagkakaguluhan siya ng maraming tao---partikular na ang mga babae. Inaasahan rin niya iyon sa isa sa mga nagkakagulong babae sa kanya---si Gracie. Ito rin ang nagsalita at pumuna sa kanya ngayon.
Wala sa mood si Ross. Ganoon pa man, nasa huwisyo pa rin naman siya. Hindi tama kung maasar siya sa sinabi ni Gracie samantalang alam niya sa sarili niya na totoo ang sinabi nito.
Tinignan lang ni Ross si Gracie. Sinalubong kaagad siya nito pagkababa niya ng stage. Ito ang date niya ngayong araw na hindi na naman bago. Hindi niya girlfriend si Gracie pero sa tuwing bakante siya, ito ang palagi niyang kasama. They flirt, they bed but no commitment. Hindi pa siya handa roon at alam naman iyon ni Gracie. Masyado niyang mahal ang kalayaan niya para magpatali.
Hinawakan ni Gracie ang balikat ni Ross. “Parang wala ka sa sarili. May problema ka ba?”
Iniwas ni Ross ang tingin. “I think we should call it a night, Gracie.”
“Ano?” nanlaki ang mata ng babae. “Pero ni hindi pa nga ako nakakahalik---“
“May iba akong kailangan na asikasuhin. I’m sorry,” wika niya at nilagpasan na ang babae. Naglakad siya patungo sa kailangan niyang asikasuhin ngayong gabi. Nang makitang pumasok si Clarisse sa bar ang dahilan kung bakit hindi siya nakakanta ng ayos sa performance niya ngayong gabi. Nagulo siya nang matanaw ito mula sa stage.
Anong ginagawa ng pinaka-matinong babae na kilala niya sa bar na iyon? Disente naman ang bar. Pero hindi na iyon nagiging matino sa paningin niya sa ginagawa ni Clarisse sa buhay nito.
Monday ngayong araw. Naiintindihan ni Ross na may bad day siguro ang babae kaya naglasing ito. Isang accountant si Clarisse kaya nasa opisina ang buhay nito. Hindi man siya office guy ay marami siyang kilalang kagaya nito. Those people usually hate Mondays. Well, karamihan sa mga tao. Hindi nga lang siya kabilang roon dahil more on freelance naman ang trabaho niya at passion rin niya. Pero tama ba na sirain ni Clarisse ang sarili dahil sa dahilan na iyon?
It should be something bigger than that. At ginugulo siya noon. Nag-aalala siya.
“The reason is that girl?!” Sinundan ni Gracie si Ross. Hindi man tumitingin ay ramdam ni Ross na kunot na kunot ang noo ni Gracie. Hindi naman niya ito masisisi. Malamang ay ganoon rin ang ibang tao kapag nakita na concern ang isang kagaya niya sa isang kagaya ni Clarisse.
“Kailangan ko siyang daluhan.”
“Seriously, Ross. Kilala mo siya?”
Nagkibit-balikat si Ross. “Anak siya ng kaibigan ni Mommy,”
“And you are concern for her.”
“Nakikita mo ang lagay niya, Gracie. Pulang-pula na ang mukha niya kahit nakaka-ilang baso pa lamang siya ng alak. Hindi sanay na uminom ang babaeng `yan.”
“So kinilala mo rin pala siya.”
“Hindi ko kailangan ng mga pagpipigil mo, Gracie. Kailangan ako ni Clarisse.”
Inilapit ni Gracie ang sarili nito kay Ross. Hinipan nito ang tainga niya. Nagbigay iyon ng nginig kay Ross. Napapikit siya. Kahinaan niya ang paglalaro sa tainga niya. Lalo pa siyang naapektuhan ng kagatin iyon ni Gracie kasabay ng paghaplos nito sa braso niya.
“Kapag nilapitan mo siya, hindi mo na ulit mararanasan ito sa akin. Hindi na ako makikipag-date pa muli sa `yo.” Bulong ni Gracie pagkatapos.
Bahagyang lumayo si Ross kay Gracie. Matamang tinitigan niya ito. Napataas ang isang kilay niya. “Are you jealous, Gracie?”
“What?!” Napalayo rin si Gracie kay Ross. May pandidiri sa mukha nito. “Hindi ko kilala ang babae pero makikita na mukha siyang nobody! Tignan mo nga, wala man lang nagiging concern sa kanya. Walang lumalapit sa kanya sa kabila ng lagay niya. Walang may gusto dahil hindi naman kagusto-gusto ang itsura niya!”
Nagkibit-balikat si Ross. “Exactly my point. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo akong pigilan sa paglapit sa kanya.”
“Naasar ako dahil hindi mo dapat siya pinapansin, Ross! Hindi bagay sa `yo ang maging knight in shining armor.”
“Thanks for the concern, Gracie.” Mapait na ngiti ang ibinigay ni Ross sa babae. “And thanks for the memories. Nakapagdesisyon na ako na hindi ko kailangan ng concern mo at pati na rin ikaw sa buhay ko.”
“Y-you’re leaving me…” natulala si Gracie. Natapat rito ang ilaw sa bar kaya nakita rin niya na namutla ito.
“And I don’t feel sorry for it.”
Naningkit ang mata ni Gracie. “Kapag ipinagpatuloy mo ito ay iba na ang iisipin ko na nararamdaman mo sa babaeng iyon. You care for her!”
Hindi pinakinggan ni Ross ang sinabi ni Gracie. Selfish, iyon ang natatanging pumasok sa isip niya tungkol sa babae. Buong akala niya ay kilala na niya si Gracie. Matagal na rin naman silang magkakilala. Ngayon lang ito naging mahigpit sa kanya sa isang babae dahil sa napaka-walang kuwenta na dahilan.
He might be a lot of things…pero hindi siya ganoon kasama. At hindi dapat. Hindi deserved iyon ni Clarisse.
Nagpatuloy si Ross sa paglapit kay Clarisse. Nangyari ang sinabi ni Gracie. Pinagtinginan at mukhang pinag-uusapan nga siya ng mga tao sa ginawa niya. Pero kung nakikinig si Ross sa sinasabi ng maraming tao, hindi siya ang Ross na kinikilala ng maraming tao ngayon.
Unang tinapik ni Ross ang likod ni Clarisse. Mula sa pagkakayuko ng ulo ay nilingon siya nito.
May ilaw rin sa bar stool kaya nakikita nang malinaw ni Ross ang mukha nito. Hindi lang ang mukha nito ang mapula. Ganoon rin ang mata nito. Kahit nakasalamin ay makikita ang ebidensya na umiiyak ang babae. Napatiim bagang si Ross.
Simpleng babae lamang si Clarisse. Dapat ay ito na ang babaeng inaasahan niya na mababaw ang luha. Hindi pa man niya iyon nakikita pero hindi na iyon dapat bago sa kanya. Pero bakit nagkaroon siya ng bagong pakiramdam sa nakitang itsura nito? Parang may pumalo sa dibdib niya.
“R-Ross?!” kumurap-kurap pa si Clarisse nang makita siya.
“Yes, it’s me, Clarisse.” Hinawakan niya ang pisngi ng babae. “Lasing ka na. Kailangan mo ng umuwi.”
“Hindi…” tanggi ni Clarisse. “May order pa akow sa bartender---!”
Tumingin si Ross sa bartender. Sumenyas siya na huwag ng bigyan ang babae. Hinawakan niya si Clarisse. Inalalayan niya itong tumayo.
“Kailangan mo ng umuwi, Clarisse.”
Umiling si Clarisse. “Ayaw kow. Hindi puwede.”
Kumunot ang noo ni Ross. “Bakit hindi puwede?”
“Hindi puwede kasi---“ napahawak si Clarisse sa bibig nito. Nanlaki ang mata ni Ross nang makitang nag-uumpisa ng magsuka si Clarisse. Pero hindi iyon dahilan para hindi niya bitawan ang babae.
Na nararapat lang naman. Pagkatapos magsuka ni Clarisse sa bisig niya ay siyang pagkawala naman ng malay nito.
Hindi puwedeng umuwi dahil hindi na makakaya ang sarili, pinagpatuloy ni Ross sa isip ang naputol na sasabihin ni Clarisse.
Napailing-iling si Ross. Isang bahagi ng isip niya ang pinagsisihan na hindi sinunod si Gracie. But maybe, tama rin ang babae. She care for Clarisse kaya malaking bahagi pa rin ng isip niya ang nagsasabing tama lang ang ginawa niya.
Ross has to be a super hero, once and for all. Pagkatapos ng lahat, minsan na ginawa na rin naman iyon sa kanya ni Clarisse.