Tenses (Unofficial) Series Chapter 21

WEIRD. Ang salitang iyon ang tumatakbo sa utak ni Ross sa sitwasyon kung nasaan siya. Weird dahil kailangan niyang magpunta sa The Gypsy Café---ang restaurant na katapat ng The Rack’s Bistro na pagmamay-ari niya at ng kaibigan na si Trevor. Hindi siya dapat naroroon. Competitor nila ang The Gypsy Café. Wala rin siyang balak na mag-espiya dahil alam niya na mas maganda at mas maayos ang restaurant nila. Pero dahil sa weird na kapatid ni Trevor na si Roxanne, kailangan niyang malagay sa weird na sitwasyon.

Napaka-weird rin naman kasi ng pangyayari. Pagkatapos na manalo ng tatlong beses ng Golden State Warriors ay naggawa pang mausungan ito ng Cleveland Cavaliers sa 70th season ng NBA Finals. After a three dash one deficit, nagbigay pa ng kasaysayan ang kupunan ni LeBron James. Talo ang manok nilang Warriors ng mga kaibigan niya na sina Jake, Near, Trevor, Klay at Milton. Nakipagpustahan kasi sila kay Roxanne at natalo. Kung bakit ba naman sa weird na dahilan rin ay naggawa nilang makipagpustahan rito. Iyon tuloy ay weird rin ang consequences nilang magkakaibigan.

Nasa The Gypsy Café si Ross dahil kailangan niyang magpahula kay Gypsy---ang may-ari ng Café. Iyon ang consequence na gusto ni Roxanne sa kanilang pagkatalo. Just like Gypsy’s name ay ganoon rin ang babae---mukhang Gypsy. Napaka-weird talaga. Bagaman maganda ang maganda ang babae dahil mukha itong foreigner, sa suot na gypsy outfit, head and waist scarf at combat boots ay weird pa rin ito para sa kanya. Hindi siya naniniwala na nakikita ng isang tao ang hinaharap. Diyos lang ang nakakaalam noon. At ang destiny, tao mismo ang gumagawa noon.

“Ross Samonte, twenty eight years old, a band vocalist…” nakangising wika sa kanya ni Gypsy nang makapasok siya sa “fortune-telling area” nito. Ang fortune telling ang pakulo nito sa halatang mukha ng malugi na café nito. Simula kasi ng itayo nila ni Trevor ang The Rack’s Bistro ay humina ang café nito. Napunta ito sa iba’t ibang pakulo para mabuhay muli ang nilalangaw na nitong café.

Hindi na naman kataka-taka na mas tangkilikin ang restaurant nila. Maganda ang The Rack’s Bistro. Magaling kasing mamahala ang kaibigan niyang si Trevor. Tanggap niya na magaling talaga ang kaibigan. Alam niya na may mas credit kay Trevor kahit partner rin siya roon. Mas hands-on kasi ito sa business. More on industrial partner lamang siya dahil ibinibigay niya ang Friday niya---ang araw kung kailan mas maraming pumupunta sa bar sa The Rack’s Bistro. Tuwing Friday ay may live performance siya roon bilang manganganta.

Ngumisi si Ross. “So you’re researching about me, beautiful lady?”

Umingos si Gypsy. “And you are a playboy, of course…”

“At hindi mo type?”

“Hah! Tangang babae lamang ang magkakagusto sa isang lalaking mahilig manakit.”

“Kung ganoon, bakit marami kang alam tungkol sa akin? Hmmm…” inilagay ni Ross ang kamay sa ilalim ng baba.

“You are flirting with me!” akusa kaagad ni Gypsy.

Natawa si Ross. “I don’t feel sorry about it. Common na attitude ko na iyon kaya `wag kang masyadong umasa. But who knows it might be something deeper than that….”

Kinindatan ni Ross si Gypsy pagkatapos. Inirapan naman siya nito. Gusto niyang matawa ulit. Suplada pala ang loka.

“Whatever. Magsimula na tayo sa panghuhula.”

Nagkibit-balikat si Ross. Naglabas si Gypsy ng card. Napakunot noo siya nang makita ang cards. Parang ordinary cards lang naman iyon---mga tipong ginagamit sa sugalan.

“Seryoso ka ba?” natanong ni Ross. “Hindi naman iyan mukhang tarot cards. Ganoon ang ginagamit ng mga manghuhula `di ba?”

Tumaas ang isang kilay ni Gypsy. “Marami akong alam na method sa panghuhula. Expert `to. `Wag mo akong pangunahan. Isa pa, may magic ang deck of cards na ito. May mga kakaiba rito…”

“Edi `wag mo rin na pangunahan ang tadhana ko,” mahina ang tinig ni Ross. Kung hindi nga lamang natalo sa pustahan ay nunca na magpapahula talaga siya rito. Pero okay na rin iyon kaysa sa isa pa sana na consequence ni Roxanne: ang pahihiramin niya ito ng kotse. Kaskasera ang kapatid na iyon ni Trevor. At tipikal lang siya na lalaki. Maingat at mahilig siya sa sasakyan.

“Our destiny is written in the stars…” Parang may hugot sa sinabing iyon ni Gypsy. Kinuha ni Gypsy ang kamay niya.

“O, tsansing?” nagpatuloy muli si Ross sa panloloko. Muli, inirapan siya ni Gypsy.

“FYI, Mr. Ross Samonte, hindi kita type. Baka nakakalimutan mo na inis ako sa `yo at sa mga kaibigan mo. Kayo ang dahilan kung bakit humihina ang café ko.”

“The more you hate, the more you love daw, Gypsy. Pero FYI rin kasi hindi kita type, okay? Relax.”

Totoo naman ang sinasabi ni Ross. Mahilig lang talaga siya na mang-asar, lalo na sa mga babaeng may pagka-suplada. Nakakatuwa rin naman ang pagka-suplada ng babae kaya trip niya. And he wanted to know if she will indulge. Tine-testing lang niya ang calibre niya sa mga babaeng kagaya nito.

“Kailangan mo na hawakan ang mga cards kaya kinuha ko ang kamay mo…”

“Ang dami naman na arte,” bubulong-bulong na wika pa rin ni Ross. “For all I know, malamang ay peke lang naman ang lahat ng ito. Diyos lang ang may alam ng mangyayari sa hinaharap natin.”

“We’ll see about that. Now do as what you are told…”

Sumunod si Ross. Hinawakan niya ang cards. Pinindot pa niya iyon. “Okay na?”

Tumango si Gypsy. Sandaling nag-murmur pa ito na nagbigay lang lalo sa kanya ng impresyon na weird talaga ito. Hindi nakakalungkot na hindi nito pinapatulan ang panloloko niya. Parang dinadasalan nito ang baraha. Maya-maya ay kinuha ni Gypsy ang tatlong baraha na nasa ibabaw ng deck.

“Ang lalabas sa mga baraha na ito ay ang magpapakita sa the past, present and future na buhay mo. Ang The Past at the Present rin ay ang siyang magpapakita kung ano ang mangyayari sa future mo.”

Nakakunot lang ang noo ni Ross habang ginagawa ni Gypsy ang proseso. Hindi niya maintindihan. Nakikita ba talaga ang future? Pero bakit ba niya pipilitin na intindihin iyon? Hindi mababali ang paniniwala niya. Ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana. Ang Diyos lamang ang tanging may alam ng hinaharap.

Inilatag ni Gypsy ang tatlong baraha sa iisang hilera. Binuksan nito ang pinaka-unang baraha na nakalatag. Iyon daw ang The Past niya.

“Joker,” wika ni Ross sa nakitang larawan sa baraha. Napahimas siya ng baba. Tumutugma nga ang joker sa ugali nga niya.

Ngumisi si Gypsy. “Halata naman na ganito ka `di ba?”

Coincidence. Ayaw pa rin na maniwala ni Ross. “Buksan mo ang pangalawang baraha. Kailangan na makita natin ang The Present ko.”

Sinunod ni Gypsy si Ross. Binuksan nito ang pangalawang baraha.

“Queen of hearts….” Natawa si Ross. “So anong sinasabi niyan? May babae sa buhay ko? Aba, dapat ay marami!”

Hindi nagsalita si Gypsy. Binuksan nito ang pangatlong baraha---ang magpapakita sa The Future niya. Napakunot ang noo niya nang makitang joker ulit iyon…pero may marka na X.

“Teka, anong ibig sabihin niyan?” nawindang si Ross. May isang pumasok sa isip niya. “Mamamatay ba ako?!”

Pinagpawisan si Ross. Ito talaga ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Masyado niyang mahal ang buhay niya. Ayaw niya pang mamatay. Napakakulay noon para masayang lang.

Ngumisi si Gypsy. Nagngitngit ang ngipin ni Ross. “Damn it, ipaliwanag mo sa akin ito!”

“O `di ba hindi ka naman naniniwala sa akin? Bakit ganyan ka kung maka-react?”

True. Bakit nga ba? “Ang weird mo kasi. So ano nga?”

Tinitigan ni Gypsy ang cards. Tumingin pa ito sa kisame na para bang naroroon ang kasagutan at pagkatapos ay tinitigan siya. Matagal. Nakaramdam ng takot si Ross. Mukhang seryosong-seryoso pa man rin si Gypsy.

“Babae. Isang babae sa buhay mo ngayon ang sisira sa happy-go-lucky mo na buhay. Sisirain niya ang dati mong buhay…” maya-maya ay sabi ni Gypsy.

Kumunot ang noo ni Ross. “Paano niya sisirain iyon? Hindi ko gets,”

Nagulo ang mukha ni Gypsy. Nakagat nito ang ibabang labi. “W-well, as you see, the present card is a queen. Paano ba ang description ng isang queen?”

“Royal,”

“At ano ang tingin mo sa royal people?”

“They are boring.” Simpleng sagot ni Ross. Totoo naman iyon. Napaka-boring ng buhay ng isang royalty. Kailangan na magpakabait dahil may iniingatan na reputasyon. Walang kalayaan. Palagi rin na sinusubaybayan ng mga tao ang buhay ng mga ito.

Pumitik si Gypsy sa ere. “And that’s it, Ross! Sisirain ng isang boring na babae ang happy go lucky na buhay ng joker! Magbabagong buhay ka dahil sa babae na iyon!”

“B-boring?” Muli ay namawis si Ross. Boring na babae? Damn.

Iisa lamang ang kilala ni Ross na boring na babae. At ang present situation ay---shit!

“Kapag ipinagpatuloy mo ito ay iba na ang iisipin ko na nararamdaman mo sa babaeng iyon. You care for her!” umalingawngaw sa isip ni Ross ang mga salitang iyon ni Gracie.

Tumayo na si Ross. “Nonsense!”

Tumalikod si Ross. Hindi na niya makakaya ang ka-weirduhan na ito.

“Hep, hep, hep!” pigil ni Gypsy kay Ross. “`Wag kang mag-alala. Mapipigilan naman natin ang tadhana na ito.”

Doon ay muling napalingon si Ross. “Paano?”

May inilabas si Gypsy mula sa ilalim ng lamesa na ito. Mga larawan iyon---larawan ng mga topless na lalaki!

It’s official: Today is the weirdest day ever.

Ibinigay ni Gypsy ang mga larawan kay Ross. “Four thousand pesos.”

“Ano?!” Tinignan ni Ross ang mga larawan. “For all I know na-download mo lang ito sa internet at pina-print! Baka nga wala pang isang daan ang lahat ng ito kung ako ang nagpaprint!”

“Pero may basbas ko `yan.” Katwiran ni Gypsy. “Kailangan mo na itago ang mga larawan na `yan sa loob ng dalawang buwan para hindi mangyari ang nakita ko sa hinaharap mo.”

“This is ridiculous! Namemera ka lang!”

“Take it or leave it, Ross. Gusto mo ba na mawala na ang makulay na mundo mo dahil lang sa hindi mo kinuha ang pangontra ko?”

Natigilan si Ross. Napatiim-bagang siya habang pinaglilipat-lipat ang tingin kay Gypsy at sa mga larawan. Nakaramdam siya ng pandidiri sa isipin na kailangan nga niya na itago ang mga larawan na iyon.

Kaya ko na ba talaga na iwanan ang masayang buhay ko? Nasa isip-isip ni Ross. Palaging sinasabi ni Ross na worth living ang buhay niya. Maganda ang career niya bilang vocalist slash bistro partner, maayos ang mga kaibigan niya, guwapo siya at maraming babae ang nagkakagulo sa kanya. Happy-go-lucky siya. Makakaya ba niya na iwanan ang mga iyon?

Para sa isang boring na babae…para kay Clarisse…?!

Prevention is better than cure. Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip ni Ross. Nagdilim ang mukha niya. Masama ang loob na kinuha niya ang wallet at naglabas ng pera. Inilagay niya ang mga larawan sa kanyang bulsa at hindi na nagsalitang lumayas sa The Gypsy Café.

Nalagasan pa ng four thousand pesos, tang ina! Naasar si Ross. Pero mas lalo siyang naasar nang pagkalabas niya ay mayroon na naman ka-weirduhan na nangyari sa kanya. May hindi inaasahan siyang caller na natanggap.

“Hoy Ross Samonte, panagutan mo ang anak ko!” bungad na wika ni Tita Carissa---ang ina ni Clarisse.

Peke ka talagang Gypsy ka, nasa isip-isip ni Ross nang makaramdam siya ng malaking gulo sa nakuhang tawag.

NAPAUNGOL si Clarisse nang makita ang oras sa orasan ng kuwarto niya. Alas dose na ng tanghali. Naasar siya hindi dahil sa late na siya sa trabaho. Naasar siya dahil hindi pa niya gustong gumising.

Napabuntong-hininga si Clarisse. Ayaw man ay bumangon na siya ng kama. Nakarinig siya ng pagtatalo ng kung sino sa baba. Mukhang may kaaway ang Mama niya. Malakas ang boses nito.

Another reason why this life is a huge damn. Nasa isip-isip ni Clarisse. Napakamot siya ng ulo. May personal na problema na siya, dadagdagan pa iyon ng Mama niya. Well, nauna na naman na problema niya ang ina sa buhay. Pero mukhang pinalala pa nito iyon ngayon.

Asar na bumangon si Clarisse. Hindi na niya inayos ang sarili at bumaba na. Wala na siyang oras. Kilala niya ang Mama niya. Mahirap para rito ang kontrolin ang sarili.

“Ano pa ba ang kailangan kong isipin? Hindi `yan ang anak na kilala ko. Kilala mo rin si Clarisse. Umiiyak…nale-late ng gising?! Ilang araw na `yan na hindi pumapasok sa trabaho! Gusto ko naman iyon dahil masyado na siyang workaholic. Pero iba ang sitwasyon ngayon! Ikaw ang huling nakasama ng anak ko. Alam ko. Nakita ko na ikaw ang naghatid sa kanya pagkatapos ng araw kung kailan unang beses ko siyang nakitang namumula at umiiyak! Sinaktan mo ang anak ko, Ross!”

Inaantok pa si Clarisse. Pero sa narinig na litanya, mas higit sa pangalan na narinig ay naggising ang diwa niya. Anong ginagawa ng huling lalaki na nakasama niya sa pinakakalokang araw sa buhay niya? At inaaway pa ito ng ina!

“Nakapag-usap na ba kayo ni Clarisse, Tita?” Kunot-noong wika ni Ross.

“Hindi ko na siya kailangan na makausap pa sa kanya. Ramdam ko na ikaw lang ang dahilan kung bakit naging gaga ang babaeng iyon. Ano pa ba naman ang poproblemahin ng anak ko? Matalino. Magaling. Maganda ang career. Love life lang ang problema noon. Ikaw lang ang crush noon kaya malamang ay ikaw lang rin ang problema noon sa love!” patuloy na pangaral ng ina kay Ross.

Hindi na nakatiis pa si Clarisse. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa narinig sa ina. Kailangan niya talagang sawayin ito.

Mas malala pa pala kaysa sa iniisip ko ang gulo.

“Mama!” Kulang sa tulog si Clarisse pero na-manage pa rin niya na mamula sa sinabing iyon ng kanyang Mama.

Nanlaki naman ang mata ng ina nang makitang naggising na siya. Sandaling pumalakpak pa ito. Sinalubong siya nito. Niyakap at hinalik-halikan pa ang buhok niya. “Medyo nagiging normal ka na! Hindi na alas singko ng hapon ang pagbaba mo sa kuwarto. Hindi ka na ba nagkakaroon ng morning sickness?”

“Huh?!” halos sabay pa na wika nina Clarisse at Ross. Natulala rin ang lalaki.

Siniko si Clarisse ng ina. “Si Ross ang ama `di ba? Kaya ko siya pinapunta rito dahil kailangan ka niyang panagutan!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.