NAPAKUNOT noo si Clarisse nang makitang ginagalaw-galaw ni Russell ang ulo na tila nag-e-enjoy sa musika na naririnig mula sa office ng Rack’s Bistro kung saan kasalukuyan silang naroroon. May trabaho si Ross bilang performance artist sa The Rack’s Bistro tuwing Friday night kaya isinama sila nito papunta roon. Pero dahil bata pa si Russell ay hindi ito puwedeng pumasok roon. Kasama pa rin si Clarisse ng dalawa dahil wala naman daw magbabantay kay Russell kung iiwan nito sa bahay. Wala naman iyon problema kay Clarisse dahil Sabado bukas at wala siyang pasok. Isa lang naman daw ang performance ni Ross ngayong gabi kaya mabilis lang rin sila.
Habang naghahanda si Ross ay may iba pang tumutugtog. Iyon ang kasalukuyang naririnig nilang dalawa ng bata. Mula sa office ay maririnig ang ingay mula sa loob ng bistro.
“Mukhang nag-e-enjoy ka sa music, ah.” Puna ni Clarisse.
“Mahilig po ako sa music, Tita Clarisse.”
“Talaga? Mana ka pala sa Tito Ross mo.”
Umiling ang bata. “Mahilig rin po si Daddy sa music…”
Napatitig si Clarisse sa bata. Nagkaroon ng lungkot sa mata nito at naramdaman rin iyon ni Clarisse. Pinaalala ng music ang ama nito. Pero bakit nag-e-enjoy pa rin si Russell sa kabila noon?
“I’m sorry. But you still enjoy the music even---“
“It’s okay, Tita. Alam ko naman po ang problema. Madalas na nag-aaway sina Mommy at Daddy the past few months. Kinausap ko na po si Daddy actually dahil doon. And he told me na kahit nagkakalabuan na sila ni Mommy, kahit kailan ay hindi lalabo ang pagmamahal niya sa akin. Hindi pa ako galit kay Daddy. Nalulungkot lang po ako pero hindi ako galit. Alam ko po na mahal rin ako ni Daddy.”
Niyakap ni Clarisse ang bata. Wala naman pala silang dapat ipag-alala nang matindi ni Ross kung ganoon pala ang pag-iisip ng bata.
“Ngayon ba ay malungkot ka pa rin?”
“Hindi naman po maiiwasan iyon, Tita. Ayaw ko rin naman po na hindi kami palagi ng magkakasama ni Daddy ngayon. Pero love ko rin po si Mommy. Hindi ko po siya iiwan. Ganoon rin naman po kayo ni Tito Ross sa akin `di ba?”
Nagkaroon ng alinlangan ang ngiti ni Clarisse. Hindi niya sigurado.
“O-oo naman. Kaibigan ng Mommy ko ang Lola mo. Magkikita pa rin tayo.” Nawika na lamang ni Clarisse. At least, may bahid ng katotohanan iyon. Minsan na rin naman niyang nakita si Russell noon kaya lang ay baby pa kung ituring ito noon.
“Pero makakasama ko po ba kayo with Tito Ross? Nag-enjoy po ako na kasama kayong dalawa ngayong araw.”
Napalunok si Clarisse. “It’s up to your Tito Ross, kung gusto niya pa rin ako na makasama.”
“Mukhang gusto pa naman po niya, Tita. Mukhang mas masaya po kaysa sa akin si Tito Ross, eh. Ilang beses ko rin po siya na nakitang ilang beses na nakatingin sa inyo at napapangiti.”
Namula pero napangiti rin si Clarisse. At least, hindi lang siya ang nakakaramdam kaya okay lang pala na mag-assume siya. Pinipigilan kasi niya ang sarili niya tuwing naiisip niya na masaya si Ross. Sinasabi niya sa isip na baka kaya ganoon ang nakikita niya dahil masaya rin siya.
Naputol ang pag-uusap nila ng bata nang matapos ang kanta. Ipinakilala ang bagong kakanta sa stage at si Ross na iyon. Narinig nila ang malakas na palakpakan ng mga tao. Kasunod ang intro ng kanta na kakantahin nito.
“I hope you’ll listen to this because it’s for you…” wika ni Ross habang tumutugtog ang intro.
Mabilis na nahulaan ni Clarisse ang kanta. It was “It Might Be You” by Steven Bishop. Lumukso rin ang puso niya. Dahil sa nangyari kanina ay gusto tuloy niya na mag-assume na naman na para sa kanya ang naririnig na kanta mula kay Ross.
Time... I've been passing time watching trains go by
All of my life...
Lying on the sand, watching seabirds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me...
Napaka-sweet na kanta noon kaya nakakilig talaga kung tama ang iniisip ni Clarisse. Idagdag pa ang magandang boses ni Ross na tila ramdam na ramdam rin ang kanta. Ilang beses siyang napapikit habang pinapakinggan iyon.
“Wow, that was a good performance, Ross!” wika ng kung sino na maririnig mula sa mic. Sa tingin niya ay ang host iyon. “At mukhang ramdam na ramdam mo ang sweet na kanta na iyon. Mukhang may inspirasyon ka, ah. So sino ang tinutukoy mo bago ka kumanta?”
Dahil nakikinig lamang sa office ay hindi nakita ni Clarisse ang reaksyon ni Clarisse. Wala rin naman na narinig na sagot si Clarisse mula sa microphone. Ang sumunod na narinig lamang niya ay ang hiyawan ng mga tao na nanonood.
Bahagyang nadismaya si Clarisse na hindi niya alam ang sagot. Maaaring hindi siya iyon. Pero mas okay na rin kaysa nalaman naman niya at hindi pala siya iyon `di ba? Ilang minuto pagkatapos ng performance ay pumunta na si Ross sa office. Niyaya na siya nitong umuwi kasama si Russell.
Nasa back seat si Clarisse para may kasama roon si Russell. Ganoon rin ang set-up nila kanina. Sa pagkakataon ngayon ay pinaka-useful naman iyon. Nahiga si Russell sa hita ni Clarisse at nakatulog.
“Nagustuhan mo ba ang performance ko kanina?” wika ni Ross nang makatulog si Russell.
Panaka-nakang tumingin pa si Ross sa salamin para makita ang reaksyon niya. “It’s good. You are great. Pero alam mo na naman siguro `yun `di ba?”
“Yeah. I feel great na nagustuhan mo iyon.” Ang ganda ng ngiti ni Ross na nakikita rin ni Clarisse mula sa salamin.
“Hmmm…”
“You have questions?”
“I think I am just curious.”
“Spill it.”
“Narinig ko ang kanta kahit wala kami sa loob. Narinig ko rin ang comments mo at pati na rin ang host. So gusto ko lang sana na malaman ang sagot mo sa tanong sa `yo ng host. But it’s okay if---“
“What if I tell you that something is telling me it might be you?” Nakakaloko ang ngiti ni Ross.
Naloko ang puso ni Clarisse sa nag-uumapaw na kilig…kahit wala pa rin kasiguraduhan ang “might” na iyon.
“TITO, you are not concentrating.” Reklamo ni Russell nang makitang tumutulong man siya sa paggawa ng sand castle na gusto nito ay hindi naman siya palaging nakatingin. Naliligalig siya. Ilang beses siyang tumitingin sa paligid, hindi dahil maraming babaeng naka-bikini sa beach kung saan sila naroroon ngayon. Iyon ay dahil sa hinahanap niya si Clarisse.
Hindi pa rin nakakabalik ang pamilya ni Ross sa Maynila kaya siya pa rin ang nag-aalaga kay Russell. Naging maayos na naman ito kaysa kahapon. Nagsasalita nito. May request rin ito sa kanya---ang pumunta sila sa beach at gusto rin nito na makasama si Clarisse. Muling inistorbo ni Ross si Clarisse para sa pamangkin.
O para na rin siguro sa sarili niya.
Hindi rin ako makapag-concentrate sa paghihintay sa kanya, Russell. Gustong sabihin ni Ross sa pamangkin. Pakiramdam tuloy ni Ross ay pinagsisihan niya na pinilit niya na maging active ito. Sa halip na manahimik, nagiging madaldal ito at hindi niya maggawa ang gustong gawin.
“I’m sorry.” Ginulo ni Ross ang buhok ng pamangkin. “Hinahanap ko lang ang Tita Clarisse mo. Ang tagal kasi na bumalik.”
Nagkaroon ng wardrobe malfunction si Clarisse kaya umalis ito. Nasira ang malong na gamit nito para pagtakpan ang suot nitong two-piece swimsuit. Conservative si Clarisse kaya kahit magiging disente pa rin naman ito na tignan sa beach sa swimsuit nito ay pinili pa rin nito na umalis para ayusin ang nasirang malong. Baka bumili na lang rin daw ito ng bago.
Gusto sanang samahan ni Ross si Clarisse. Pero enjoy na enjoy si Russell sa paglalaro sa buhangin. Gusto rin daw nitong gumawa ng sand castle. Ang misyon nila ay pasayahin ang bata kaya hangga’t maaari ay hindi nila ito puwedeng tanggihan kapag masaya ito. Okay lang naman daw na ito na lamang mag-isa ang umayos sa sarili nitong problema.
Twenty minutes na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik si Clarisse kaya nag-aalala na si Ross. Hangga’t maaari ay ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Pakiramdam niya ay responsibilidad na rin niya ito, kagaya ng responsibilidad niya sa pamangkin.
Tumango si Russell. Tumingin rin ito sa paligid at maya-maya ay itinuro ito. “Ayun si Tita Clarisse!”
Mabilis na sinundan ni Ross ang tinuturo ng pamangkin. Si Clarisse nga ang tinuturo nito. Dapat ay matuwa si Ross na makita ang babae, pero nang makitang may kausap itong lalaki ay tumiim ang bagang niya, lalo na nang makitang hindi naman inayos o bumili ng malong si Clarisse. Sa halip ay isinuot na ni Clarisse ang swimsuit kagaya ng totoong purpose noon---ang ipakita ang katawan.
Ano ba itong nararamdaman ko? Asar na wika ni Ross sa isip. Hindi ba dapat at matuwa siya at nakita niya ang katawan ni Clarisse? Maliit lang si Clarisse pero maganda ang katawan nito. Makinis ang kutis nito. Nawala rin ang ka-“simplehan” ng dalaga at pati na rin ang tingin ng marami na “boring” ito. She looked bold now because of that swimsuit…kahit hindi naman ganoon ka-bold ang tabas noon.
O iyon lamang ang naiisip ni Ross? Sa bawat araw na nakakasama niya si Clarisse ay nawawala ang sinasabi ng mga tao at iniisip rin niya tungkol rito.
She became interesting to him.
O sa lalaking kausap rin nito ngayon….
Nagdilim ang mukha ni Ross. Sino ang lalaking iyon? Bakit kausap nito si Clarisse? Bakit ang ganda ng ngiti ng lalaki sa babae? Pero ang pinaka-nakakaasar, maganda rin ang ngiti ni Clarisse rito. Nag-iinit ang dugo niya.
“Tito, okay lang po ba kayo?” puna sa kanya ni Russell nang makita ang mga naging ekspresyon niya.
Hindi nagsalita si Ross. Badtrip siya. Pero alangan naman na sabihin niya iyon sa pamangkin niya? Hindi niya gustong maramdaman nito na naasar siya---o sa tamang salita, nagseselos siya. Ayaw niya na may ibang lalaki na ngumingiti kay Clarisse, worst, may nginingitan itong ibang lalaki bukod sa kanya.
Nagseselos ka kasi may nararamdaman ka, sutsot ng isang bahagi ng utak ni Ross.
At alam ni Ross na totoo iyon. Hindi na niya itinanggi iyon sa sarili.
Napabuntong-hininga si Ross. Siguro nga ay tama si Gracie. Ross actually cares for Clarisse, hindi lang noong nakita niya ito sa bar.
Minsan na pinahalagahan niya ang babae. Pero dahil hindi naman nito pinahalagahan iyon, sinubukan na niyang limutin iyon….
ILANG araw ng nagugulo si Ross. Iniiwasan siya ni Clarisse. Oo, hindi naman sila malapit sa isa’t isa kahit malapit ang pamilya nila. Pero ang i-reject ang mga tawag at messages niya pati na rin ang hindi siya nito labasin kapag bumibisita sa bahay ng mga ito? Kakaiba na iyon.
Galit ba ito? Maaari. Puwedeng isipin niya iyon. Pero hindi naman ito ganoon noong una. Pumayag pa nga ito na magkita sila. Sinabi rin ng isang ka-banda niya na natanaw nito si Clarisse noong isang araw kung kailan niya ito pinakiusapan na makipagkita. Kailangan nilang mag-usap. Pero wala siyang Clarisse na nakitang dumating. Guni-guni lang ba iyon ng kaibigan o sadyang umalis ito?
Nagkaroon ng epekto sa kanya ang pinagsaluhan nilang halik ni Clarisse. Dala siguro ng kalasingan kaya naging malakas ang loob niya. Nawala rin siya sa tamang pag-iisip kaya naging mapangahas siya. Nagulat siya sa mga emosyon na naramdaman niya at nagulo. Nagkunwari siyang nakatulog. Dahil paano niya pakikiharapan si Clarisse sa mga ginawa niya?
Nag-isip muna si Ross ng kailangang gawin. Masuwerte na pagdating ng umaga ay maayos na ang isip niya. He would take responsibility. Pagkatapos ng lahat, deserved iyon ni Clarisse. Iba ito sa mga babaeng nakilala niya.
Pero pinaparusahan yata ni Lord si Ross. Mukhang iba talaga si Clarisse. Ito ay isang babae na hindi niya puwedeng makuha na hindi pinaghihirapan na paraan. Iniwasan siya ni Clarisse. Pero tama ba talaga na sumuko siya? Alam ni Ross na hindi. Kaya nang hindi na niya makaya ang gulo sa isipan at damdamin, siya na mismo ang gumawa ng paraan. Sinigurado niya na makakausap niya si Clarisse. Inalam niya ang schedule nito mula sa Mama nito. Inantay niya ito sa kotse na ginagamit nito noong uwian na. Alas siyete na ng gabi nang matanaw niya ito. Hindi nito sinalubong ang mga tingin niya.
“Hey,” sinubukan ni Ross na magpaka-cool.
“U-uy.” Tanging sabi lang nito, binuksan na ang kotse.
“Puwede ba tayong mag-usap, Clarisse?”
“Ha? Naku, next time na lang. Marami pa akong kailangang aralin.” Binuksan na ni Clarisse ang pinto ng kotse. Parang wala itong pakialam kung nagiging rude na sa kanya.
Ginamit ni Ross ang lahat ng willpower para pigilan ito. Aayusin niya ang lahat. It was now or never.
“Hindi. Kailangan nating mag-usap,” pinatatag niya ang boses. “Nang gabing malasing ako, hinalikan kita.”
“You said the word. Lasing ka noon.” Sagot ni Clarisse, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“Nakatulog ako sa kotse mo, remember? Nahulasan ako noon. Alam ko ang ginawa ko pagkatapos. I kissed you.”
Kumurap si Clarisse. “H-hindi mo iyon ginawa dahil lasing ka?”
Umiling si Ross.
Nanlaki ang mata ni Clarisse. “Eh bakit mo iyon ginawa?”
“Hindi na importante. From now on, pananagutan kita dahil sa halik na iyon.” Hinawakan ni Ross ang kamay ni Clarisse. Alam ni Ross na mali itong ginagawa niya. Dinadaan niya sa dahas ang babae. Ayaw na niyang maghirap. Pero ang pakiramdam ng kamay ni Clarisse na nakahawak sa kanya ay ang nag-iisang tama.
Maaaring marami ang magsabi na hindi sila bagay ni Clarisse. Nang malaman pa nga lamang ng kabanda niyang si Stephanie na makikipagkita siya rito ay nag-judge na kaagad ito. Iniisip nito na mali ang makipagrelasyon ang kagaya niya sa isang kagaya nito. She was out of her league. Pero kung mali iyon, bakit may nararamdaman siya sa puso niya na tama iyon?
Malaki ang urge sa puso ni Ross na gustong lutasin kung bakit matindi siyang naapektuhan ng halik.
“H-hindi mo naman kailangan na panagutan ako, eh.” Tinanggal ni Clarisse ang kamay nito.
“Anong ibig mong sabihin?”
Huminga nang malalim si Clarisse. “It’s just a kiss, Ross.”
“A kiss is a big deal. Lalo na sa `yo. Wala ka pang kahit sinong naging boyfriend.” Wika ni Ross. But he knew deep inside that it is more than that.
Nanahimik lamang si Clarisse. Kinuha ni Ross na pagkakataon iyon para magpaliwanag pa. “A first kiss is a big deal, Clarisse. Ninakaw ko iyon sa `yo and I want to take responsibility. Girlfriend na kita ngayon.”
Napaawang ang mga labi ni Clarisse. “W-what?”
Ngumiti si Ross. Kinakabahan siya kanina pa pero gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi. Ito pa ang gusto niyang malutas. Bakit magaan sa pakiramdam niya na tawagin na girlfriend ito? Ni hindi niya nga naisip iyon noon.
“Magkarelasyon na tayo ngayon.”
“And that is because of a simple kiss? T-that’s ridiculous! Tigilan mo nga ako, Ross.”
“Clarisse, big deal sa akin ang lahat.”
“Puwes sa akin ay hindi.”
May kumurot sa puso ni Ross sa narinig. “W-wala ka ba man lang kahit anong naramdaman?”
Pagak na tumawa pa si Clarisse. “Wala. Anong mararamdaman ko?”
Natahimik at namutla si Ross.
Bumuntong-hininga si Clarisse. “Magkaiba tayo ng mundo. Magkaiba ang mga paniniwala natin. Hindi tayo para sa isa’t isa. Nakakatuwa na gusto mo akong panagutan. Pero hindi na ako bata. Wala lang para sa akin iyon. Kayang-kaya ko na ibaon ang lahat ng iyon sa limot.”
Natulala si Ross. Clarisse was so mature enough to say that. Pero hindi niya gustong maging mature ito. Hindi niya gustong marinig na hindi sila pareho ng naramdaman.
Pero siguro nga ay senyales na iyon na huwag na niyang pansinin ang damdamin. Wala rin naman na kapupuntahan iyon. Clarisse doesn’t feel even a single thing to him. Wala rito ang halik na pinagsaluhan nila.