Tenses (Unofficial) Series Chapter 3

AXEL bought Isla Azul almost a year ago. Binili niya iyon makatapos ng pinaka-successful project niya sa Aguillera Holdings. Kumikita na siya nang malaki kaysa noon. Three years ago, nang igupo ng sakit na stroke ang Lolo Fidel niya ay siya na ang namahala ng kompanyang itinayo nito. Ang Lolo Fidel ni Axel ang nagpalaki sa kanya simula nang sabay na mamatay ang kanyang mga magulang noong apat na taong gulang siya dahil sa isang malagim na plane crash.

Dati ng matatag ang Aguillera Holdings. Pero mas tumatag pa iyon nang siya na mismo ang namuno. At ang naggawa niyang project sa nakaraang taon? Iyon ang pinakamalaking break ng AH. Napakalaki ng pera na kinita ng kompanya mula roon. At dahil siya na ang Presidente, siya ang pinakanakinabang. Ang kinita na pera ang ibinili niya sa Isla Azul.

It was Axel’s dream. Gusto niya na magkaroon ng sariling isla. Gusto niya ng isang lugar na masasabi niya na magiging mapag-isa lamang siya. And a beach...it was also relaxing. Gusto niyang makahanap ng kapayapaan. Iyon rin ang gusto niya na maramdaman ni Julienne kapag nakita nito ang isla.

Pero hindi niya kagustuhan na maiwan silang dalawa roon. Naghahanap siya ng kapayapaan. Paano niya magagawa iyon kung makakasama niya ang babaeng nag-alis noon mula sa kanya? At ang pagsasama nilang dalawa...maaaring tumagal pa iyon ng ilang araw.

“B-bakit ka nandito? Nasaan ang mga kasamahan ko?” nilibot ni Julienne ang tingin sa buong paligid. Nang wala itong makita, nagtatakbo ito sa hindi ganoon kalakihan na villa. “No! Hindi ako naiwan, hindi...”

Namumutla na si Julienne nang lapitan niya ito. Kahit siya naman ay ganoon rin ang naging reaksyon ng mukha. Hindi niya inaasahan iyon.

“Ang alam ko ay kasama ka nila. Nasa Maynila na sila. Hindi naman ako makakapunta rito kung hindi pa sila nakakabalik,” private plane ang gamit para makapunta sa Isla Azul.

“N-nakatulog ako. Nakalimutan nila ako. Naiwan ako...” tumingin sa labas si Julienne. “Nasaan ang plane? Puwede pa naman akong bumalik sa Maynila ngayong gabi `di ba?”

“I’m sorry, pero hindi puwede.”

Nataranta si Julienne. “Dahil gabi na? Hindi naman siguro delikado. Walang ulan. Walang---“

“Hindi dahil wala na ang plane. At sa Linggo pa ng hapon ang balik noon.” Friday ng gabi ngayon.

Nanlaki ang mata ni Julienne. “No, sabihin mo sa akin na niloloko mo lang ako. Business man ka. You are supposed to be busy. Hindi ka allow magbakasyon at---“

“Boss na ako ngayon. I could take a leave whenever I want. At gusto ko ng break.”

Napaawang ang mga labi ni Julienne. Sandaling tinitigan rin siya nito. Nagdulot naman ng sari-saring damdamin kay Axel ang simple lang naman talaga dapat na pagtitig nito.

Ginulo si Axel ng mga mata na iyon. Pero hindi na siya magtataka pa. Its always been like that. Sa una nilang pagkikita ni Julienne, iyon na kaagad ang bumagabag at nagustuhan niya. There seems like a light in there. Nagniningning...na tila ba gustong mahawa rin ng kanyang mga mata roon.

Pero bakit nagkakaganoon pa rin si Axel hanggang ngayon samantalang wala na ang ningning? Alam niya ang dahilan noon. Maaaring isa rin siya sa mga dahilan kung bakit. Pinabayaan niya si Julienne. Kaya kung ano man na masamang pagtrato nito sa kanya, ang halatang pagkailang at pagkaayaw nito sa kanya, dapat ay tanggapin niya iyon.

“I’m sorry, Yen, pero---“

Hindi na natapos ni Axel ang sasabihin nang makitang sa pagtitig ni Julienne ay sumabay rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata nito. Nanginig si Axel at mas lalo pang namutla. Nataranta siya.

Ginusto niya na makita si Julienne. Gusto niya na matulungan at makasama pa ito. Pero kung magiging ganoon lang rin ang reaksyon nito? Pinagsisihan niya lahat ng mga unang binalak sa dating nobya at ina ng namayapang anak niya.

“DALAWANG araw lang ito, Julienne. Dalawang araw na lang dahil naka-isang gabi ka na. Naka-survive ka...kaya kumalma ka na, ha? Makaka-survive ka rin.” Pagpapanatag ni Julienne sa sarili habang nasa banyo. Kakagising lang niya. Sabado na. Mabilis ang oras kapag weekend `di ba? Sana nga ay ganoon rin ang oras sa Isla Azul.

Bumaba si Julienne ng kuwarto. Sa totoo lang ay ayaw na nga niya. Kaya lang, hindi talaga siya sanay at kaya na hindi kumain ng almusal. Late na nga siya, sa totoo lang. Madalas ay nag-aalmusal siya ng alas siyete ng umaga. Pero dahil hindi mapakali, alas nuwebe na ng umaga nang siya ay bumaba.

Awtomatikong kumulo ang tiyan ni Julienne nang makababa. Nakaamoy siya ng garlic fried rice---ang paborito niyang uri ng kanin at ganoon rin ng paborito niyang ulam sa umaga, ang longganisa.

Coincidence lang ba o sinadya ni Axel na magluto ng mga ganito dahil sa akin?

“Good morning,” bati ni Axel. Hindi man gusto, out of courtesy ay tinignan ni Julienne si Axel. Hindi rin naman niya maiiwasan iyon.

“G-good morning,” subukan man ni Julienne na huwag matuliro ay ganoon siya kapag nasa harap ni Axel. Paano, palagi siyang pinapangunahan ng puso niya na palaging tuliro kapag nakikita at nakakasama ito.

Tumango si Axel. Inayos pa nito ang upuan sa dining table kung nasaan ito nakatapat ngayon. “Kain ka na,”

Tumango si Julienne. “Salamat. I-ikaw ang nagluto?

“Oo. What to expect? Wala naman kasambahay rito. Dumadating lang ang caretakers rito twice a month. Next next week pa ang balik nila,”

“Okay,” umupo na si Julienne sa dining table. “Ikaw pala? Kumain ka na?”

Tumango muli si Axel. Napakapormal. Pero ramdam niya na kagaya niya ay naiilang rin ito. Kahapon ay hindi naman sila masyadong nag-usap. Nang makumpirma niya rito na wala na talagang pag-asa para makaalis sila sa isla na iyon, halos wala na silang napag-usapan. Iniwan na siya nito pagkatapos ang arrangements---siya ang matutulog sa kuwarto na may nag-iisang kama at ito naman ay sa sala na may malaking couch. Kung ano ang mangyayari bukas, bahala na.

Pero hindi na inisipan ng masama iyon ni Julienne. Pagkatapos ng lahat, ganoon naman ang gusto niya---ang mawalan na sila ng pakialam sa isa’t isa. Tapos na sila. Axel was his past. And as the popular saying goes, past is past, never been discussed.

Hindi na niya gustong isipin na may pahiwatig kung bakit nagkita pa sila muli ni Axel. Maraming thoughts sa isip niya na maaaring may kinalaman ito roon. Bakit ito nagsponsor sa LBSOM? Bigla-bigla naman iyon. Pero malay ba naman niya kung coincidence lamang ang lahat. Pagkatapos ng lahat, ganoon naman talaga ang ginagawa ng mga mayayaman. Nagdo-donate sa charity, nag-sponsor sa iba’t ibang associations. Saka kung may balak si Axel, bakit nakikita niya ang pagkailang rito? Para bang hindi naman nito gustong gumawa ng paraan dahil iniiwasan siya nito.

Ginaya na lamang ni Julienne si Axel. They were just trapped here in the island. Two days lang iyon. Wala naman na mangyayari. Makaka-survive siya basta iwasan nila ang isa’t isa. Madali lang naman iyon...dahil paano mo gugustuhin na lumapit sa isang tao na kinaiilangan mo?

Kumain na si Julienne. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi niya pa rin kayang iwasan si Axel. Napapansin niya ito, lalo na at maliit lang naman ang villa. At paano rin siya makakapag-concentrate sa pagkain kung maya-maya ay tanggalin nito ang damit nito at ipakita sa kanya ang isa pa niyang paborito na pagkain? Pandesal---lalo na ang mga pandesal sa katawan nito.

Dagling nag-init ang mukha ni Julienne sa nakita. Kahit subukan niya na mag-concentrate sa paborito namna niyang pagkain sa kanyang harapan, iba naman ang na-crave ng lahat ng kalamnan niya. Uggh! Sabi na nga ba at danger ang makasama ang lalaking ito!

Nagsimulang mag-stretching si Axel. Lalong nawalan ng gana si Julienne. Hindi niya tinapos ang pagkain. Doon siya binigyan ng pansin muli ng lalaki.

“May problema ba, Yen?”

Umiling si Julienne. “Gusto ko na lang siguro talagang umuwi.”

“I’m sorry.”

Nagkibit-balikat si Julienne. Para saan pa ba ang sorry? Hindi rin iyon dapat sinasabi ni Axel. Kung mayroon na may kasalanan, siya iyon. Hindi siya nagising sa tamang oras. Ganoon rin pala ang mga kasamahang staffs na hindi siya inalala.

Hinugasan ni Julienne ang mga pinagkainan. Nang matapos, nakita niya na nag-stretching pa rin si Axel. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi naman kasi mahilig mag-exercise si Axel. Ang magandang katawan nito ay parang natural na para rito.

Nakita ni Axel ang pagkailang ni Julienne. Tumigil ito at nagkamot ng ulo. “I’m sorry, nanakit kasi talaga ang likod ko kagabi kaya nag-exercise ako ngayon para mawala.”

“Puro ka na lang “sorry” when you don’t have to be...” hindi na napigilan ni Julienne ang damdamin. Naiinis na siya sa kaka-“sorry” ng lalaki. Dahil noong mga panahong kailangan niya ito? Ganoon lang ang palagi ang nakukuha niya.

Ang kailangan niya kay Axel noon ay pang-unawa, oras at ang comfort nito. Hindi ang “sorry” nito. Ano ba naman kasi ang magagawa ng sorry? Hindi noon maibabalik ang pagkawala ng anak nila. Ang masasabi niyang pinakanakapagpasira ng buhay niya.

Tinitigan siya ni Axel at maya-maya ay napailing-iling. Hindi naman niya masisisi ito. Gumana naman kasi ang pagiging suplada niya. Ganoon siya kapag naalala ang masasamang nakaraan.

Umakyat si Julienne ng kuwarto. Bahala na kung anong magagawa niya roon. Basta `wag lang niya muling makadaupang palad si Axel.

Lunch nang muling bumaba si Julienne. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala si Axel. Walang paalam, walang kahit anong note mula sa lalaki kung saan ito nagpunta. Kumain siya nang matiwasay. Sa baba na rin niya inubos ang mga sumunod na oras. May TV roon at may mga DVD’s. Nanood siya. Dumating ang alas singko at hindi pa rin bumabalik si Axel. Kung kanina ay maayos siya na wala ang lalaki, ngayon ay kinakabahan na siya.

“Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon?”

Lumipas pa ang dalawampung minuto. Natagpuan ni Julienne ang sarili na lumakad ng pabalik-balik. Nag-aalala na siya. Lumabas na rin siya ng villa at tinignan si Axel. Walang kahit anong bakas ng lalaki roon. Sinubukan niyang tawagin ito nang malakas na para bang mag-echo ang kanyang boses para marinig siya nito sa kabuuan ng isla.

Naglakad si Julienne. Malapit ng dumilim pero hindi na niya iyon inalala. Kailangan niyang makita si Axel. Nalibot na naman niya iyon at hindi naman iyon ganoon kalakihan. Naggawa na rin niya ngayon pero wala pa rin na Axel na nagpakita sa landas niya.

Napaiyak at nanginginig na si Julienne. She hated these moments. May mawawala na naman bang mahalaga sa buhay niya?

Pero teka, bakit ko ba ikokonsidera na mahalaga si Axel sa buhay ko?

Ama ng anak niya si Axel and sige na nga, minsan niya rin itong minahal. Pero tapos na ang minsan na iyon. Past tense na rin ang pagmamahal. Pero kung past tense nga, bakit hindi siya mapakali sa isipin na maaaring may nangyaring masama kay Axel? Bakit siya nag-aaalala para rito?

Siguro ay puwede rin naman na sabihin na dahil kasama niya ito sa isla ngayon. Bilang kaibigan na rin siguro. Pero ang mga naramdaman niyang interes sa lalaki kanina. Ang paglakas ng tibok ng puso niya.

Napaupo si Julienne dahil sa nag-uumapaw na damdamin. Nag-aalala at naiinis siya at the same time. Paano bang nagagawa pa rin ni Axel sa kanya na magbigay sa kanya ng ganoong damdamin pagkatapos ng nangyari sa mga nakaraang taon?

Kailangan na pigilan ni Julienne ang sarili. Bawal ng balikan ang nakaraan. Bukod sa masama iyon, nagkaroon rin sila ng pustahan ng magpipinsan tungkol roon. Hindi na nila babalikan ang nakaraan partikular sa mga lalaking minsan nilang minahal. Sa kaso ni Julienne, si Axel ang kanyang tinutukoy. Ito lamang dahil ito lang naman ang lalaki sa buhay niya. Pero kung tadhana na ang gumagawa ng paraan para mabalikan iyon at ang mga damdamin, maiiwasan niya pa ba iyon?

“Yen...?”

Nanlamig si Julienne nang marinig ang tawag na iyon na tanging si Axel ang gumagawa. Lumingon siya. Nakita niya si Axel. Kaagad na tumayo si Julienne. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at kasabay noon ay ang hindi rin mapigilan na pagdagundong ng puso niya.

Ligtas na siya. So please be calm, my heart.

Gusto man na gawin ni Julienne ang pagpapakalma sa kanyang puso, nang gantihan naman ni Axel ang yakap niya ay nawala na iyon sa kanyang isip.

“I’M okay now. Puwede ka ng matulog,” pagpapalayas ni Julienne kay Axel. Pero sa halip na sundin ang babae, nanatiling nakaupo si Axel sa kama. Hindi niya gustong pabayaan si Julienne.

“Alas-onse na ng gabi, Axel. Hindi ka pa ba inaantok? Considering you have a long day...”

Nagkibit-balikat si Axel. “Alam ko.”

Naging mahaba nga iyon. Sa buong maghapon ay walang ginawa si Axel kundi ang libutin ang buong Isla Azul na para bang sa pamamagitan noon ay matatahimik siya. Hindi niya gustong manatili sa villa dahil naroroon si Julienne. Kahit papaano naman kasi ay ayaw niyang sayangin ang bakasyon niya. Ginawa niya ito para makahanap ng katahimikan na malayong-malayo sa nararamdaman niya kapag si Julienne ay nasa tabi.

Sa pag-alis niya ng isla ay kung anu-anong ginawa niya: inikot ng limang beses ang isla, umakyat sa mga puno at ang huli: naglangoy hanggang sa mapagod siya. Madilim na ang paligid nang bumalik siya at makita niya si Julienne sa hindi kaaya-ayang kalagayan. Sa sobrang pag-aalala nito sa kanya, nanginginig na ito.

Ngayon ay ramdam niya pa rin ang epekto noon. Somehow, apektado si Axel. Para sa kanya, hindi pa rin maganda ang lagay ni Julienne. Ang gusto niyang isipin kaya hindi niya gustong iwanan ito.

“Hayaan mo na lamang ako rito. Hindi rin naman ako makakatulog sa baba.” Dahilan ni Axel.

May pagkatotoo rin naman ang dahilan ni Axel. Kagabi ay hindi niya sigurado kung nakatulog nga talaga siya. It was still a shock to him that he was stuck in the island with Julienne. Yes, he dreamed of it once. Pero isa siyang lalaki na namumuhay sa realidad. Alam niya na imposibleng mangyari. Hindi sila magkasundo. Ramdam niya na hindi ang maganda ang damdamin nito sa kanya. Hindi rin naman niya ito masisisi. Pero sadyang may gustong patunayan ang tadhana sa kanya: everything is possible.

Tinitigan ni Julienne si Axel. Pagkatapos ay nahihiyang yumuko ito. Tumayo ito sa kama. “I’m sorry. Alam ko na nahirapan ka siguro kagabi. Hindi komportable doon. Ako na lang---“

“Yeah. Pero hindi ko rin naman gusto na pagdaanan mo ang pinagdaanan ko kagabi.”

“I’m sure I will be fine.” Insist pa ni Julienne. Nagsimula na itong maglakad palabas ng kuwarto. Simula nang makita niya ito na nanginginig sa pag-aalala sa kanya, hindi niya gusto itong maiwan na mag-isa. Kaya ito siya, hanggang sa oras ng pagtulog ay gustong bantayan pa rin ito. Hindi rin naman ito nagreklamo noong una, hanggang sa ngayon. Nahimasmasan na yata ito.

“I don’t think so.” Sinubukan ni Axel na maging kampante. Ito na ang huling gabi nila sa Isla Azul. Kailangan niya gumawa ng paraan para kahit papaano ay maging memorable ang muli nilang pagkikita ni Julienne kahit na ba aksidente iyon. Gusto niyang irespeto noong una at balewalain na lamang ang lahat. But having Julienne in his arms again made him think twice. Pinag-isip rin siya noon kung itutuloy ba niya ang panunuyo muli rito. Kailangan niya ito at ngayon ay may isang bagay pa rin siyang napagtanto sa pagyakap lang at pagkita niyang pag-alala nito sa kanya.

He still wanted her more than ever.

Tinaasan ni Julienne ng isang kilay si Axel.

“May daga sa baba.” Hindi niya sigurado kung mayroon nga pero naisip ni Axel na sabihin iyon para hindi niya mapaalis si Julienne sa kanyang tabi. Lihim na napangisi siya. Hah, that was the good thing about knowing so much a person. Puwedeng i-blackmail.

Nanlaki ang mga mata ni Julienne. Takot ito sa daga.

“Medyo kinabahan nga ako kagabi kasi may nakita akong isa na umakyat rito.” Kasabay nang pagsabi ni Axel nang mga salitang iyon, may umigik sa kung saan malapit sa kanila.

Sumigaw si Julienne. Sa takot rin nito ay napayakap ito sa kanya. Dahil kahit si Axel ay nagulat rin dahil hindi naman niya inaasahan na may iigik sa malapit na parang daga, na-out of balance siya. Mabuti na lang at nasa likod siya ng kama. Sinambot ng kama ang likod niya at dahil nakakapit sa kanya si Julienne, nakapatong tuloy ito sa kanya nang malaglag siya. Doon niya masasabing nasaktan siya. Medyo mabigat ang kamay ng babae.

“Ouch,” nasabi ni Axel. Sumikip ang dibdib niya sa pagkakadagan sa kanya ni Julienne.

Napakagat-labi si Julienne. Akmang aalis na ito sa pagkakadagan sa kanya nang may umigik muli. Naka-ilan iyon at sa bawat pag-igik ay kasunod ang bawat pag-irit ni Julienne. Pinigilan ni Axel ang pagtawa. Naging madali rin naman iyon dahil nasasaktan siya lalo na at ang mga sumunod ay may kasunod ng paghampas ni Julienne.

“Ouch, ouch!” mabigat ang kamay ni Julienne.

“Axel, paalisin mo ang daga, please! Ayaw ko sa daga!”

“Aalis rin sila. Pero hindi yata kaagad ang sakit ng hampas mo sa akin,” patuloy pa rin siyang hinampas ni Julienne. Napangiwi na si Axel. “Hindi ako ang daga, Baby Yen...”

Natigilan si Julienne. Tumigil rin naman ang sunod-sunod na pag-igik. Namula ito maya-maya. Napaisip tuloy si Axel. Was it because of what he called her?

But Goddamn it...he missed those times. He missed calling someone Baby. Tanging kay Julienne at kay Julia niya lamang ginagamit ang mga iyon.

He missed his family. Masasabi man na naging mas matagumpay siya ngayon kaysa noon pero iba pa rin ang pakiramdam. Matagumpay nga siya pero kung wala naman sina Julienne at Julia sa buhay niya? Parang wala rin ang lahat ng kanyang pagsusumikap.

Nandiyan naman ang kanyang Lolo at ganoon rin si Maya---ang naging nobya niya sa nakaraang dalawang taon. Pero walang kahit sino ang nagbigay sa kanya ng contentment sa buhay na mayroon siya nang nasa tabi niya si Julienne at Julia.

Wala na si Julia...pero nandoon pa si Julienne. Itutuloy ba ang unang plano niya? Ang dahilan kung bakit nagpakita muli siya kay Julienne? Isang dahilan na napunta sa mga ganitong bagay.

Gusto ni Axel na maging buo at makontento muli. At sa tingin niya, ang babaeng kasama niya ngayon ang makakapagbigay noon sa kanya. Kung sa sarili niya, hindi naman siya ganoon na nagmamadali. Pero ang kanyang Lolo Fidel...tila nagmamadali na ang kamatayan sa buhay nito. May mga bagay na hinihiling ito para sa kanya. At sa bagay na iyon ay nabigo ang inisip niya na perpektong babae para sa kanya: si Maya. Pero hindi si Julienne. Kahit sinasabi nila nila na isang pagkakamali niya ito noon, hindi ganoon ang kanyang tingin. But if she was a mistake, she was the best and beautiful mistake of his life.

Si Julienne lang rin ang babaeng sa totoo lang ay mas naiisip niya na pinakamagandang kandidato kaysa kay Maya para sa kagustuhan ng kanyang Lolo Fidel.

Makakaya ba niya na kuhanin ang gabing iyon para sa kanyang plano? If it just his decision, he surely can. Unang sulyap pa lamang niya kay Julienne ay nag-iinit na siya. The heat flares when he touched her. Pero gusto ba iyon ni Julienne? Kung gagawa siya ng paraan...makakuha kaya siya ng response mula kay Julienne?

“I’m sorry...” yumuko si Julienne, itinatago ang mga inosenteng mata nito mula sa kanya na siyang una niyang nagustuhan rito.

“Are you really?” hinawakan ni Axel ang baba ni Julienne para masalubong niya ang magagandang mata na iyon. May init na pumuno sa kanyang puso.

Sinalubong ni Julienne ang mata ni Axel. “A-anong maaari kong gawin para makabawi sa `yo?”

Ngumisi si Axel. That question was his cue. Sinubukan niya na pagbigyan ang sarili at subukan na malaman ang mga sagot sa kanyang mga katanungan.

Axel tried to reach Julienne out and kissed her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.