Tenses (Unofficial) Series Chapter 4

LIMANG taon na ang nakalilipas simula nang makaramdam si Julienne nang ganoong klaseng sarap at init. Kaya sa halip na magmulat siya ngayong ramdam niyang may malay na siya mula sa pagkakatulog, ngumiti at niyakap pa niya ang kung sino na iyon. She wanted to savor the moment. Na-miss niya ang anak. Kung may tao man siyang nararamdaman na ganoong klase ng init, si Julia lamang iyon.

Pero paano niya nagagawang maramdaman iyon gayong matagal na rin siyang iniwan ng anak? May isang taong pumapasok sa kanyang isip na maaaring magbigay rin sa kanya ng kaparehong init. Nang maalala kung sino ang tao na iyon ay kaagad na nagmulat siya ng mga mata. Kasabay ng pagmulat ni Julienne at sa nadiskubre, namula ang kanyang mukha.

Paano niya nalimutan sandali ang nangyari kagabi? Nakakahiya. Pero ang pinakanakakahiya ay ang naggawa niya muli na magkamali.

Julienne slept with her best mistake...

Pakiramdam ni Julienne ay natunaw siya nang walang pasabing bigla na lamang siyang halikan ni Axel. She missed this! Masyado ng nagkarambola ang damdamin niya para makapag-isip ng tama. Alam niya na hindi dapat niya pinapatulan si Axel. Kung anu-ano ng damdamin ang ibinigay nito sa kanya nakaka-bente kuwatro oras pa lamang sila sa isla. Napakaikling panahon at ito sila, magkahinang ang mga labi. At anong kahihiyan para kay Julienne na matagpuan ang sarili na sinasagot ang mga halik nito!

“I missed you, my Baby Yen...” nilalaliman ni Axel ang halik nang maramdaman nito ang kanyang pag-respond. Ginugulo na si Julienne ng kanyang damdamin. Nag-uumapaw ang emosyon sa kanyang dibdib. May halong takot. Pero kahit isigaw man ng kanyang isip niya na mali iyon, hindi iyon marinig ng puso.

Maraming sinisigaw ang kanyang puso pero lahat ng mga iyon ay humahantong lang sa isang bagay: she wanted to surrender to him.

“Axel...” Julienne partnered the name with moan. Naging susi pa iyon para lalong mag-init si Axel. Ramdam na ramdam niya iyon. He caressed her body. Tila ba pinapatunayan nga noon ang sinabi nito sa kanya. The heat was also flaring through her.

“I want you, Yen, so much.”

Tama ba na pagbigyan ko siya? Tanong ng isip niya. Sa bawat paghalik ni Axel at ang pag-iba ng hawak nito sa kanya ay mas lalong lumalakas iyon. Nang simulan na tanggalin rin nito ang kanyang damit ay naghalo-halo na talaga ang kanyang nararamdaman.

But she knew, she needed to voice something out.

Pinatigil ni Julienne si Axel. “Mali ito...”

Tinitigan ni Axel si Julienne. “I have to have you. Or else...”

Naiintindihan naman ni Julienne iyon. Ang hindi niya naintindihan ang pag-response ng kanyang katawan. Kahit kasi sabihin na mali, nanlalambot siya sa hawak nito. Tinutunaw siya ng init. Para siyang inilagay sa disyerto. Uhaw na uhaw siya...pero hindi sa tubig. Uhaw siya sa hawak ni Axel, ang paglalakbay nito sa kanya.

She missed his touch. She couldn’t deny it.

“Pero Axel...”

Pinatahimik ni Axel si Julienne sa pamamagitan ng halik. “Your body is aching as much as mine. Don’t deny the pleasure of this...”

Nagtagumpay si Axel. Naging lalo pang malalim ang halik, naging mas marahas rin hindi kalaunan. Dinala siya noon sa hindi niya maipaliwanag na mundo...at nalimot niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan kasabay ng katinuan ng kanyang isip.

Ramdam ni Julienne na napakapula ng kanyang mukha pagkagising. Lalo na nang una niyang mamulatan ay ang mahimbing pa sa pagkakatulog na si Axel. Medyo mataas na ang araw. Paano nga ba talaga nangyari ang lahat? Kahit siya ay nahihirapan rin na intindihin. Siguro nga ay may mahika talaga si Axel. Sa hawak at halik lamang nito ay nawawala na siya sa kanyang sarili.

Pero sisikapin niyang hindi na maging ganoon ngayon.

Gumalaw si Julienne. Ramdam niya na nakayakap sa kanya si Axel at nagbibigay rin ng nakaka-kuryenteng init. Pero kagaya ng nasa isip, pipigilan na niyang magpaapekto roon gaano man niya gustong maglupasay sa init.

Times up.

Napagbigyan na ni Julienne ang sarili. Tapos na ang kanyang pantasya. Hindi na sa kanya si Axel. Hindi ito kailanman magiging sa kanya. Muntik na noon. Pero malaki na siya ngayon. Alam na niya ang tama at mali. At mali ang umasa sa isang lalaking alam niyang napilitan lang sa isang responsibilidad. Ang tanging mayroon lamang silang dalawa ni Axel ay sexual desire sa isa’t isa.

Sa paggalaw ni Julienne ay ganoon rin si Axel. Hindi siya tumingin rito. Nagsimula siyang magbihis.

“Yen...” he said in her favorite husky morning voice. Muntik na siyang matigilan muli pero sinikap niyang hindi.

Nagpatuloy si Julienne sa pag-aayos ng sarili. Napilitan si Axel na bumangon na. Hinawakan siya nito.

“`Wag mo akong hawakan...” tinanggal ni Julienne ang pagkakahawak nito. Tama lang naman iyon dahil sa bawat hawak ng lalaki, pakiramdam niya ay natutunaw na naman siya.

“Kailangan natin na mag-usap.”

“What for? Kapag nag-uusap tayo, palagi na lang may nangyayari na pagkakamali!”

“So pagkakamali lang para sa `yo ang nangyari kagabi? How so? You melt into me!” nainis kaagad si Axel sa pahayag niya. Hindi nito natanggap ang nangyari.

“Our relationship is a mistake. Napilitan ka lang na panagutan ako at---“

“Hindi mo ba alam na sinasabi mong `yan ay parang sinabi mo na rin na isang pagkakamali si Julia?”

Natigilan si Julienne. Hindi siya magmamalinis. Noong una ay naisip niyang isang pagkakamali talaga ang pagdating ng anak sa buhay niya. Palaging sinasabi ng kanyang mga magulang na sinira nito ang buhay niya. Napakabata pa niya para magkaroon ng anak. Pero pinagsisihan niya iyon nang una niyang mahawakan si Julia. Hindi pagkakamali ang hindi inaasahang regalo sa kanyang iyon ng Diyos. Julia was the most precious person who entered her life.

“I’m sorry. Its just you. Or itong mga nangyayari sa atin. This should never happen. Again. Alam mo iyon. Wala tayong relasyon.” Huminga nang malalim si Julienne. “Ni hindi nga natin alam ang mga nangyari sa nakaraang taon. What happened is just a spur-a-moment thing. Yeah, it’s better to put the things on that way...”

“But what if I don’t want to put things in this way?”

“You have no choice. You can’t make me.”

Hindi nagsalita si Axel. Natapos ng pag-aayos si Julienne ng sarili at makaalis ng kuwarto nang may marinig siyang ingay. Dumating na ang eroplano. Napaaga iyon.

Salamat naman.

Hindi na nila inabala ni Axel ang sarili na kumain muna bago umalis ng isla. Nasa treinta minutos lang naman kasi ang flight pabalik ng Maynila. The flight went fast, too. Lubos na nagpasalamat si Julienne na naging ganoon ang sitwasyon. Makakatakas rin siya kay Axel nang mabilis.

O iyon ang akala niya.

Bago pa man tuluyang makaalis si Julienne, hinawakan ni Axel ang balikat niya. “I’ll see you in a month or two.”

Umiling si Julienne. “Hindi na kailangan.”

“I have the need to know, Yen.”

Kumunot ang noo ni Julienne. “To know what?”

“If you became pregnant with my child again. I believe na wala kang partner sa nakaraang mga taon para magpatuloy ka sa paggamit ng pills.”

Napanganga si Julienne. Gaanong katanga niya? Hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. Isa talagang malaking panganib si Axel. Nilimot niya ang kanyang sarili. Hindi sila naging maingat at ganoon rin ito.

Napadasal si Julienne nang wala sa oras. Dear God, not again!

Eight Years Ago

JULIENNE had always been in love with dancing. Hindi man ang sayaw na ginagawa ngayon ay ang paborito niya, masasabi niya na nag-e-enjoy pa rin. She danced with the groove of disco music. Kasalukuyan siyang nasa bar ngayon.

For the first time in Julienne’s life, she felt free. Matagal na niyang pangarap iyon. Paano ay naiinggit siya sa mga kaklase na kahit mga underage pa rin kagaya niya ay nagagawa ng pumunta roon. Masyado kasing mahigpit ang kanyang mga magulang.

Nag-iisang anak si Julienne kaya mahigpit ang mga ito sa kanya. Isa pa, bata pa rin naman siya. Seventeen years old pa lamang siya at halos kakapasok pa lamang sa kolehiyo. Noong elementary at high school siya ay hatid-sundo siya ng ama sa eskuwelahan. Ngayon namang college, madalas ay ganoon pa rin ito. Naiinis na siya. Para pa rin siyang bata na ituring ng mga ito. Ni kakaunti nga ang kanyang mga kaibigan dahil roon. Hindi rin siya pinapayagan kahit gumala lamang sa labas ng school. Kung pinapayagan man, ngayong college na iyon at may curfew pa. Alas singko ay dapat nasa bahay na siya.

Pero hindi ngayon. Paano ay nagkasabay na magkaroon ng business trip ang magulang ni Julienne. Internationally pa iyon. Though madalas na inaalam pa rin ng magulang ang lagay niya, mahirap pa rin iyon dahil sa magkaibang time zone. Pinagkatiwala naman siya nito sa kasambahay nila pero dahil may sakit ito ngayon, naging madali para sa kanya ang pumuslit. Maaga kasi itong natulog. Tamang-tama, Saturday night. Iyon ang araw kung kailan madalas na nagbar hopping ang mga kaibigan ni Julienne.

Underage si Julienne at ang mga kaklase niya pero hindi iyon nahalata dahil na rin sa ginawang make-up ng mga ito sa sarili at ganoon rin sa kanya. Noong una ay medyo ilang pa siya. Hindi naman kasi siya nagsasayaw ng mga ganoon. She loved dancing...but she had one particular favorite: ballet. Pero natagpuan niya ang sarili na natutuwa sa pagsasayaw ngayon. It was thrilling. Isa pa, masaya rin na maka-bonding ang ilang mga kaklase. Kakatapos lang rin nila ng isang mahirap na exam kaya inilabas nila ang frustrations sa pagsasayaw. Sabay-sabay silang nagsasayaw.

Hanggang sa magpalit ng kanta.

Pumainlang ang sweet song sa ere. Nawala ang ilan sa mga kaklase ni Julienne. Karamihan kasi sa mga ito ay kasama ang mga nobyo. Ang ilan naman na single kagaya niya ay may mga nagyaya na makipagsayaw na hindi kilala. Napakagat-labi si Julienne nang siya na lang ang maiwan sa dance floor na walang ka-partner. Pangit ba siya para hindi maisayaw?

Julienne was about to leave the dance floor when one man came to her. Muntik na siyang mapanganga nang makilala ang lalaki. Well, hindi niya lubos na kilala ang lalaki. Pero kanina pa siya aware na naroroon ito sa bar. He had that kind of appeal. Matangkad, maganda ang pangangatawan at kahit hindi nakangiti ay nanatili pa rin na kaakit-akit. Pakiramdam niya ay naging misteryoso ang lalaki sa ginagawa nitong iyon. Pero bukod roon...ilang beses rin niyang napansin na nakatingin ito sa grupo nila na magkaklase. May dalawa pa nga siyang kaklase na kinikilig dahil inisip na sa mga ito nakatingin ang lalaki. But Julienne was the lucky girl.

And he was lucky because she seems to like him too.

“May I have a dance?”

Sandaling pinakatitigan muna ni Julienne ang lalaki. Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa rin ngumingiti ang lalaki pero ang simpleng tanong at pagkakalapit nito sa kanya ay nagbigay na sa kanya ng matinding damdamin.

Saka lamang ngumiti ang lalaki nang pumayag si Julienne. And like her first impression to him, his smile is charismatic. It was smooth and feels so confident. She felt a tingle of hot sensation run through her body when he held her. Inilagay nito ang kamay sa baywang niya. Bahagya pa siyang nahiya sa hawak nito at pagkakalapit. Noon lang siya naggawang hawakan ng ganoon ng isang lalaki bukod sa kanyang ama. Hindi siya malapit sa lalaki lalo na at sa All Girls school pa siya pumapasok noong elementary at high school siya.

They danced for a good while before he spoke. “Anong pangalan mo?”

“J-Julienne. Julienne Lejarde.” Bahagyang nahihiya pang wika ni Julienne. Sa totoo lang ay gusto niya ng yumuko. Hindi kasi inaalis ng lalaki ang tingin sa kanya at parang dahil roon ay natutunaw ang kanyang tuhod. Pero hindi rin naman siya makapagdesisyon dahil masarap at bago na damdamin iyon sa kanya. “Ikaw?”

“Axel. Axel Aguillera. It was nice to meet you, Yen.”

“Yen?”

“Your nickname from mine.”

“Oh...” namula si Julienne. Nagustuhan naman niya iyon.

Ngumisi si Axel. Lalo yata na matutunaw si Julienne. “Know what? I really love your eyes. But I love all of you when you blush like that.”

Marami nga ang nagsasabing maganda ni Julienne. Pero ngayon lang tumaba ang kanyang puso sa papuri. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Crush ba niya ang lalaki kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala? Pero bakit pakiramdam niya ay mas matindi pa sa crush ang nararamdaman niya? Hindi mapakali at nagulo siya sa presensiya pa lamang ng lalaki.

Nang matapos ang pagtugtog ng sweet song ay hindi na muling nagsayaw si Julienne. Niyaya kasi siya ni Axel sa bar table. Ibili siya nito ng cocktail drink at ito naman ay alak. Ininom muna nila iyon bago nagsimulang magkuwentuhan. Pero bago pa nila naggawa, lumapit ang isang kaklase ni Julienne sa kanya. Nagyaya na itong umuwi. Apparently, nabastos ito ng nagyaya na sumayaw rito.

“T-thanks for the night...” napilitan rin si Julienne na magpaalam.

“Gusto mo na ba talagang umuwi?”

Tumingin siya sa kaklase. Inis ang mukha nito. Hindi niya rin naman ito gustong iwan, lalo na at mukhang minasama talaga nito ang nangyari. Bahagya rin naman siyang natakot. Paano kung mangyari iyon sa kanya? Mukha namang mabait si Axel. Pero bar ito. Maraming pag-iingat ang kailangan, lalo na at marami ang estranghero sa kanya. Maaaring iwanan rin naman kasi siya ni Axel at paano kung kagaya rin ng nakilala ng kaklase ang bago niyang makikita? Ito pa man rin ang unang beses niya.

“Kailangan ng kasama ni Kathryn,” tukoy niya sa kaklase.

Tumango si Axel. “May dala ba kayong sasakyan?”

Umiling si Julienne.

“Delikado na mag-taxi ngayon. I’ll give you both a ride home.”

Siniko siya ni Kathryn. “Wala pa kayong twenty minutes na magkasama niyan, ah.”

“Ha? Oo nga pero---“

May inilabas si Axel mula sa wallet nito. “My business card. In case na natatakot ka...”

Tinignan ni Kathryn ang business card. “Oh well, sige na nga!”

Pumayag rin si Julienne. Nakakatakot dahil estranghero si Axel pero pakiramdam niya ay matindi talaga ang nararamdaman niya rito para pagkatiwalaan ito. Inihatid muna nila si Kathryn at siya naman ang sumunod. Kinuha ni Kathryn ang business card para if ever na may mangyari sa kanya.

But if ever na mayroon man...kung makakasama man niya si Axel, she never mind. She felt at ease with Axel. Pero hindi ganoon ang nakita ni Axel.

“Relax. I won’t bite you...” ngumiti si Axel.

Natetensyon nga ba siya? Pero alam niya na hindi iyon dahil sa natatakot siya sa maaaring gawin ni Axel. It has something to do with his aura. Ang sitwasyon nila ngayon na sila lamang dalawa. And the thing was...gusto niyang kumagat talaga ito.

Ano ba itong naiisip ko? Ano bang mayroon ang Axel na ito at ginugulo ang isip ko?

Tama naman si Julienne na nagtiwala siya kay Axel. Inihatid siya nito sa bahay. Pinagbukas pa siya nito ng pinto.

“S-salamat.”

Ngumiti lang si Axel. “And thanks for the night, too.”

“The night?” natawa si Julienne. “Halos wala naman tayong naggawa.”

Tinitigan ni Axel si Julienne. “Gusto mo ba na may gawin tayo?”

Namula si Julienne. “Uh...”

Unti-unting nilapit ni Axel ang sarili kay Julienne, partikular ang mukha nito. Ngumisi na naman ang lalaki. It made her more fizzed up inside. Nang hawakan rin nito ang kanyang pisngi ay nakaramdam siya ng kakaibang init...but it was not as tense when he dropped a kiss on her lips. Parang sandali yatang lumabas ang puso niya sa kanyang rib cage sa naging malakas na pag-palpitate noon. Pero kagaya ng sandaling paglabas, sandali lang rin ang halik.

Inilabas ni Axel ang cell phone nito. Iniabot nito iyon sa kanya. “Call your phone.”

“Huh?”

“So I can have your number and contact you.”

“Oh...” So gusto niya muli na magkita kami. Great!

Ginawa ni Julienne ang gusto ni Axel. Nagpaalam na rin naman ito pagkatapos. Naiwan si Julienne na umaasang iyon na ang simula ng magagandang pagbabago sa buhay niya.

HINDI nabigo si Julienne. Nang sumunod na araw ay tinawagan siya ni Axel. Nakipagkita ito sa kanya. Dahil sa isang linggo pa uuwi ang kanyang mga magulang at maaari pa nga na ma-extend ayon sa huling message ng mga ito sa kanya, mas lalong nasabik si Julienne. Bagaman magaling na rin ang katulong nila, hindi naman siya pinapagalitan at covered siya nito sa mga magulang. Alam kasi nito ang pinagdadaanan niya sa pagiging mahigpit ng kanyang mga magulang. Binigyan siya nito ng curfew pero hindi na iyon kasing aga ng sa mga magulang. Basta kailangan niyang makauwi ng nine in the evening.

Alas singko, pagkatapos ng trabaho ni Axel palagi silang nagkikita. Simpleng pagkikita lamang naman ang mga nangyayari. Dinala siya nito sa isang coffee shop sa unang araw. Pinagkuwento siya nito tungkol sa buhay niya. Pero dahil masyadong boring iyon at wala naman talagang ganoong kulay ang buhay niya, si Axel na ang nag-take over.

Nalaman ni Julienne na nag-iisang apo pala ng mayamang negosyante si Axel. Sa ngayon ay pinag-aaralan nito ang business ng pamilya kasabay ng pag-aaral rin nito ng Masterals sa Ateneo sa kabila ng batang edad pa lang rin naman nito. Twenty two years old pa lamang ang lalaki. Ikinuwento nito ang mga pangarap nito at pakiramdam niya ay lalo pa na lumalim ang nararamdaman niya rito. Axel is a good man. Malaki ang future nito at talagang may pangarap sa buhay.

Sa mga sumunod na araw ay mga simpleng dates lang rin naman ang ginagawa nila. Nanood sila ng sine, naglalakad sa mall at sabay na kumakain ng dinner. Yet, it was always like that. Pagkatapos siya nitong ihatid ay bibigyan siya nito ng halik sa mga labi. Hinahawakan rin naman nito ang kanyang mga kamay pero walang kahit anong sinasabi tungkol sa tunay na damdamin nito sa kanya.

Hanggang sa isang gabi na maputol yata ang pagtitimpi ni Axel. Hindi na lamang siya nito simpleng hinalikan. It became deep and for a while, naramdaman ni Julienne na parang nalulunod na siya roon.

“I want you, Yen...” ungol pa ni Axel. “I feel so crazy about you.”

“I have mutual feelings for you, too...”

Tinitigan siya ni Axel. “Sigurado ka ba rito?”

Nang tumango si Julienne ay sa halip na restaurant o mall siya dinala ng lalaki ay sa hotel sila natuloy. Doon ay ipinakita pa ni Axel ang panibagong mundo para sa kanya.

It was crazy, it was hasty. Pero kahit halos wala pang isang linggo na magkakilala sila ni Axel, pakiramdam ni Julienne ay nahulog na ng matindi ang kanyang sarili rito. Napakatindi ng kuryosidad niya. Gusto rin niyang sulitin ang kalayaan niya. Malapit na muling bumalik ang kanyang mga magulang.

Axel made love to Julienne. Pero nang malaman nito kung anong klaseng babae siya, namutla ito.

“I didn’t mean to take advantage of you.”

Napakagat-labi si Julienne. “I want it, too. Besides...hindi ko sinabi sa `yo.”

Bahagyang nasabunutan ni Axel ang sarili. “I feel bad about this.”

Napahiya si Julienne. Was it her fault? Hindi siya marunong dahil nga sa wala siyang experience. Napayuko siya.

“Ano pa ang hindi ko alam sa `yo, Yen?”

Inamin na ni Julienne ang lahat kay Axel. Dahil sa alam niyang sa simula pa lamang ay nagsinungaling na siya rito dahil sa nakita siya nito sa bar, hindi niya gaanong ni-reveal ang kanyang sarili. Ngayon lang nito nalaman ang kanyang tunay na edad, ang tunay na ginagawa niya.

Natutop ni Axel ang noo nito. “God, you’re just seventeen! Bakit hindi ko man lang naisip iyon? Bakit hindi kita ganoong kinilala? Nagi-guilty ako sa ginawa ko. Masyado akong nagmadali at nagpadala sa bugso ng damdamin ko. I-I thought you’re just one of those girls...”

“Ginusto ko rin naman ito. Hindi na iyon mahalaga.”

“I-I feel like I’m a cradle snatcher...” napailing-iling si Axel.

Naramdaman ni Julienne ang disappointment sa tinig nito. Nahawa siya roon. Inihanda na ni Julienne ang sarili sa mga susunod na pagdadaanan. Axel was just a mistake. Pero hindi niya ganoong minasama iyon. Maybe its just an experience and she calmed herself. She would just learn from it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.