“AYAW ko ngang sumama!” napalakas na ang boses ni Julienne sa inis sa mga kaklase. Niyaya siya ng mga ito para magpunta muli ng bar ngayong Biyernes. Dahil nalaman ng mga ito na maaari na naman siyang makatakas dahil nasa sabay na naman na nagkaroon ng business trip ang kanyang mga magulang, pinipilit siya ng mga ito.
“Ang arte mo naman, Juls. Paminsan-minsan lang naman ito,”
“Hindi ka ba nag-enjoy last time? Samantalang sabi ni Kathryn, may nakilala ka daw na lalaki roon.”
“Oo nga. `Yung isinayaw ka? Guwapo `yun, ha. Anyare ba?”
Lalong nainis si Julienne sa mga tanong at komento ng mga kaklase. Wala siya sa mood pero gusto niyang isisi iyon dahil na rin kay Axel. Doon niya nakilala ang lalaki at hindi na niya gustong balikan iyon.
“Wala na iyon. Basta ayaw ko lang sumama. Tigilan niyo na nga ako,” inirapan niya pa ang mga ito.
Hindi naman dapat big deal kay Julienne ang lahat. Hindi ba at siya na rin ang nagsabi na ihahanda na niya ang kanyang sarili? Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Axel ay hindi na siya muli nito na na-contact. She, on the other side, doesn’t make any effort, too. Para saan pa? Alam niyang na-disappoint niya si Axel. Hindi na siya nito babalikan. Isang buwan na ang nakalilipas pagkatapos noon kaya nasisigurado na niya. Pero kung hindi nga big deal sa kanya ang lahat, bakit siya naiinis ng ganito?
“Bigyan mo kami ng rason kung bakit.”
“Masama ang pakiramdam ko. Kanina pa ako nahihilo,”
Tumaas ang isang kilay ng kaklase ni Julienne. “Naiinis. Maarte. Nahihilo...hmmm... `Di kaya buntis ka?”
Nakitawa ang ilang mga kaklase ni Julienne. Pero si Julienne ay parang mas sumama pa ang pakiramdam sa komento. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. May nangyari sa kanila ni Axel pero naging maingat naman ito. He slips something in his self before plunging into her. Hindi naman siya ganoon kainosente para hindi malaman na condom iyon. Kailangang makitawa rin niya dahil imposibleng mangyari iyon.
Hindi na pinilit ng mga kaklase si Julienne. Nauna na rin siya sa mga ito na umuwi. Biyahe siya kaya lalo siyang naiinis. Ang sama talaga ng pakiramdam niya. Ilang araw na rin niyang nararamdaman iyon. Pawala-wala lamang kaya hindi siya umiinom ng gamot.
Pero bago pa man makasakay ng taxi si Julienne, may tumawag at humawak sa balikat niya. Napalingon siya. Nagulat siya nang makita si Axel.
“Anong ginagawa mo rito?” lumukso ang puso niya nang makita ang lalaki. So hindi pa naman pala talaga siya nalilimutan nito!
Nagkibit-balikat ito. “Seeing you.”
Kumurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwala. Kahit naman kasi gusto niyang tanggapin na basta-basta na lamang ito umalis, may isang bahagi pa rin niya na gustong makita ito. Na-miss niya ang lalaki.
Sa tindi ng nararamdaman, nayakap ni Julienne si Axel. Pero hindi pa man gumaganti ang lalaki, kumalas na siya. Naamoy niya ang pabango nito at hindi niya nagustuhan ang amoy noon. Pakiramdam niya ay lalo siyang nahilo. Umikot rin ang kanyang sikmura. Lumayo siya sa lalaki at inilabas ang laman ng sikmura. Pero halos wala siyang nailabas dahil wala rin siyang gana na kumain kanina.
Inalalayan siya ni Axel. Hinang-hina siya. Nang mapatingin siya rito ay nahawa rin yata ito sa kanya: namumutla ang lalaki.
“Julienne...”
“Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Pasensya ka na.”
Tinitigan siya ng lalaki. “M-madalas bang nangyayari sa `yo ito?”
“Noong mga nakaraang araw, oo. May masamang virus lang siguro ako. Marami rin kasi na nagkakasakit ngayon sa mga—“ hindi naituloy ni Julienne ang sasabihin nang tinamaan siya ng napakasamang pagkahilo. Kaagad na inalalayan siya ni Axel pero hindi rin iyon nakatulong.
Nawalan ng malay si Julienne.
“HINDI maaaring mangyari sa anak ko ito!” ang boses na iyon ng Mommy ni Julienne ang bumungad sa kanya ng magkamalay. Nagtaka kaagad si Julienne kung bakit. Nasa business trip ito ang Daddy niya dapat. Nang magmulat siya ay nasilip niya na nasa likod ito ng green na kurtina. Nasa harap ng mga ito si Axel.
Green na kurtina? Pinagtakahan rin ni Julienne kung bakit may ganoon. Nasaan ba siya? Inalala niya ang huling nangyari. Nahimatay siya. Nasa ospital ba siya ngayon?
Ngunit minabuti muna ni Julienne na pakinggan ang usapan bago magtanong.
Yumakap ang Mommy ni Julienne sa kanyang Daddy. “Napakabata pa ni Julienne. Ginawa naman namin ang lahat para sa kanya. Prinotektahan siya....”
“Ginago mo ang anak namin!” dinuro ng Daddy ni Julienne si Axel.
Hindi mabasa ni Julienne ang reaksyon ni Axel. Pero mahinahon an naging pagsalubong nito sa kanyang galit na magulang. “Naiintindihan ko naman po. Pero pananagutan ko po si Julienne...”
“Pananagutan? Paano?! Napakabata mo pa. Napakabata pa rin ng anak ko! She’s just seventeen years old for God’s sake!” nangagalaiti ang boses ng ama. “Ni hindi namin alam na may boyfriend pala siya. Pagkatapos ay gugulatin mo kami ng ganito?”
“Puwede naman po kaming magpakasal kapag nag-eighteen na siya---“
Doon na hindi napigilan ni Julienne na umeksena. Magpakasal? Anong sinasabi ni Axel?
“Mommy? Daddy?” ginusto muna niyang tawagin ang mga magulang. Sa tingin niya ay mas kailangan niya ang mga ito sa tila napakagulong sitwasyon.
Tumingin ang tatlo sa kanya. Madilim na madilim ang mukha nito, lalo na ang Mommy niya. Namumula pa ang mga mata nito. “Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon, Anton...”
Tumango ang kanyang ama. “Naiintindihan ko. Pero kailangan nating ipaliwanag---“
Tumikhim si Axel. “Ako na po ang bahala.”
Matamang tinitigan ng mga magulang si Axel. Umismid ang kanyang ina pero umalis rin. Lumapit sa kanya si Axel.
Hinawakan ni Axel ang kamay niya. “Kumusta ka na?”
Sinagot ni Julienne ang tanong. Nawala na ang sama ng pakiramdam niya kanina. Siguro ay dahil sa pagkawala niya ng malay ay nakapagpahinga rin siya. “Anong nangyayari? Bakit nandito sina Mommy at Daddy? Nasa Batangas sila para sa isang business trip...”
“Tinawagan ko sila. You scared me. As of nangyari...I feel responsible for this.”
“Responsible for what?”
Sinalubong ni Axel ang mata niya. “You’re pregnant, Yen. One month.”
Nanlaki ang mata ni Julienne. Naiisip niya na maaaring mangyari nga iyon pero nabigla pa rin siya. “Imposible. Gumamit ka naman ng---“
“The condom broke. Hindi ko na sinabi sa `yo dahil naisip ko rin na imposible. You were a virgin. Minsan ay nabasa ko na kapag unang beses ay hindi naman talaga makakabuo. But then, chances are...”
Napaiyak si Julienne. “Oh God...” ngayon niya naintindihan ang mga magulang. She was a failure!
Niyakap siya ni Axel. “Don’t cry. Makakayanan natin ito.”
“Napakabata ko pa, Axel...” napaiyak pa rin si Julienne.
“Hush.” Hinagod-hagod pa ni Axel ang likod niya. “I’ll be here for you...”
Humihikbing tumingin si Julienne kay Axel. Sumandig siya sa dibdib nito. Hinalikan ni Axel ang kanyang ulo. “We’re on this together. Hindi kita pababayaan.”
Naging malaking pasabog kay Julienne ang mga nalaman. Natakot siya. Pero sa mga sinabi at ginawang iyon ni Axel, nagkaroon siya ng lakas ng loob para sa bukas.
NAGING mahirap ang daan ng pagbubuntis ni Julienne. Nang matapos ang semester ay hindi na siya pumasok sa pangalawa. Malapit na kasing mahalata ang kanyang tiyan. Isinakripisyo niya ang pag-aaral para sa anak.
Hindi iyon ginawang big deal ni Julienne dahil pakiramdam niya ay hindi naman iyon napakalaking problema. Maaari pa siyang bumalik sa pag-aaral. Pero ang pagtingin sa kanya ng mga magulang ay malabo. Sumama nang husto ang loob nito sa kanya. Pinatanggal rin nito ang katulong nila. Bagaman kinuha pa rin siya ng mga ito at tinanggap sa bahay, naging mas malamig pa kaysa sa dati ang pinapakita ng mga ito sa kanya.
Naging mahigpit rin ang mga magulang. Pinapayagan ng mga ito na dalawin siya ni Axel pero hindi ang iginigiit ng pamilya nito at ng lalaki na rin na panagutan siya. Kahit ng dumating ang eighteenth birthday niya at maaari na siyang legal na pakasalan ni Axel, hindi pa rin pumayag ang kanyang mga magulang niya.
“Halata na ang tiyan ni Julienne. Magiging eskandalo pa iyon. Saka na kayo magpakasal kapag kaya mo na talagang buhayin ang anak ko!” pigil ng kanyang ama.
“May trabaho naman po ako. Kaya ko na po na buhayin si Julienne at magiging anak namin at---“
“Tumigil ka! Ni sa bahay ka pa nga ng Lolo mo nakatira!”
Tinanggap ni Axel ang galit ng kanyang mga magulang. Wala na rin itong naggawa. Kailangan ng consent ng mga magulang hanggang sa mag-twenty one siya para makapagpakasal sila.
Inis ang mga magulang niya kay Axel pero pumapayag rin naman ang mga ito na makasama siya. Si Axel pa rin ang palagi niyang kasama kapag nagpapa-check up. Pumapayag rin naman ang mga ito na bisitahin siya ni Axel kapag weekends o `di kaya ay pagkatapos nito sa trabaho.
Isang linggo bago ang delivery due date ni Julienne ay nag-leave na si Axel sa trabaho. Pinayagan na rin ito ng mga magulang na kahit papaano ay tumira sa kanila. Siguro ay dahil nag-aalala rin ang mga ito. Palagi na rin kasi siyang dumadaing ng sakit. Kailangan niya ng maalalayan at dahil hindi ng mga ito matanggap ang lagay niya, hindi siya gustong pakialaman ng mga ito.
Hindi naramdaman ni Julienne ang kahit anong pagpapabaya kay Axel. He remained true to his words. He was there for her. They made it together. Nang manganak siya ay ito rin ang kasama niya. Hindi siya binitawan ng lalaki sa bawat iri niya. Ibinigay nito ng buong-buo ang sarili sa kanya.
Babae ang anak nina Julienne at Axel. Malusog na batang babae.
Ang lakas ng iyak ng sanggol. Tila tuwang-tuwa na dumating sa mundo. Nawala ang lahat ng sakit ni Julienne sa pagluwal rito, lalo na nang ibigay ito sa kanya ng nagpaanak. May kung anong humaplos sa puso ni Julienne.
Isang kamalian---iyon ang iniisip ng mga magulang sa pagbubuntis niya. Hindi niya itatanggi na pumasok rin iyon sa isip niya. Maaaring sirain ng isang bata ang buhay niya, ganoon rin ang kay Axel. May kanya-kanya silang pangarap, lalo na si Axel. Napakabata pa nila para sa ganoong responsibilidad. Pero lahat ng mga agam-agam sa puso at isip ni Julienne ay nawala nang mahawakan ang anak.
Worth it ang lahat ng kanyang paghihirap. Hindi na rin niya kinatakutan pa ang hinaharap. Pakiramdam niya ay napakaayos ng lahat sa oras na nahawakan lamang niya ang anak.
“She’s so beautiful...” naiiyak na wika ni Julienne.
Nilapitan siya ni Axel. Inilagay nito ang kamay sa baywang niya. “And she’s so like you...”
Tumingin si Julienne kay Axel. Napakaganda ng ngiti nito. Humilig siya sa dibdib nito. Hinalikan nito ang kanyang ulo. Isinunod nito ang ulo ng kanilang anak.
“Thank you for coming into my life,” wika ni Axel at tumingin sa kanya. “Salamat rin sa pagdadala sa kanya sa mundo na ito.”
Ngumiti si Julienne. Hindi na kailangan magpasalamat ni Axel. Pakiramdam niya ay siya pa ang dapat na magpasalamat rito. Hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito, lalong hindi niya inasahan na magiging responsible ito sa lahat. Wala silang masasabing totoong relasyon. Ni hindi niya nga sigurado kung mahal talaga siya nito. Kung kagaya niya ay malalim rin ang nararamdaman nito sa kanya.
Pero hindi na ganoong inintindi ni Julienne ang tungkol sa nararamdaman sa kanya ni Axel. Pagkatapos ng lahat, nararamdaman naman niya ang pagpapahalaga nito sa kanya. Iba ang pag-aalaga nito sa kanya. She felt really special with Axel. Kontento na siya roon. After all, actions are better than words.