SA ISANG condominium unit na sa tingin ni Julienne ay pagmamay-ari ni Axel siya dinala ng lalaki. Nang pagpahingahin siya ni Axel ay mabilis naman siyang nakatulog. Kahit naiilang pa rin siya sa lalaki, nanaig ang pagod sa napakahabang araw kahapon. Nang maggising siya ay alas otso na ng umaga. Bahagya pa siyang nahilo kaya napahawak siya sa kanyang ulo. Nakita kaagad niya si Axel nang maggising siya.
“Not feeling well?” may pag-aalala sa mukha nito.
Pumikit si Julienne. Baka nabigla lamang ang sarili niya. Nang magmulat siya ay nawala rin naman ang kanyang hilo. Huminga siya nang malalim. Hindi naman siya pangkaraniwan na ganoon. Pero dahil siguro sa kalagayan kaya niya nararamdaman.
“I will be fine.” Wala naman akong magagawa.
Tumango si Axel. “Do you want to eat or clean yourself first?”
Tumingin si Julienne sa tray sa beside table. Bigla siyang nagutom ng makita ang mga pagkain. May soup at ang paborito niyang longganisa. Mayroon rin na garlic fried rice. “Sige, kakain na muna ako.”
Kinuha ni Axel ang tray at inilapit sa kanya. Kinuha nito ang kutsara. Napakunot noo si Julienne. “I can manage---“
“Ako na. Masama ang pakiramdam mo.”
Hindi na nakatanggi pa si Julienne nang ilapit na ni Axel ang kutsara. Pagkatapos ng lahat, pakiramdam niya ay nanghihina rin naman siya.
“Thank you. It was good.” Ramdam niya si Axel ang nagluto noon. Kalasa noon ang kinain niya sa Isla Azul.
Ngumiti si Axel. Sinubuan muli siya nito. Nang nakatatlong subo na siya ng garlic rice at longganisa, ang soup naman ang nagustuhan niyang tikman. Inilapit ni Axel iyon kay Julienne para higupin. Pero nang maamoy nang malapitan ni Julienne ang soup ay tila bumaligtad ang kanyang sikmura. Bumalikwas siya sa kama.
“Sink, CR or---“ tutop ni Julienne ang bibig. Kaagad na itinuro ni Axel ang hinahanap niya. Nakapunta siya sa CR. Nagduwal siya roon. Parang balewala lang tuloy ang isinubo ni Axel. Matagal-tagal rin siya na nasa ganoong puwesto. Halos wala na nga na lumalabas sa kanya ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng kanyang tiyan. She felt like a crap. Hinang-hina siya. Kahit hawakan man siya ni Axel, alalayan siya ay parang naubos ang lahat ng enerhiya niya.
“Easy, relax...” Ibinigay ni Axel ang sarili kay Julienne. Hindi pa rin iyon sapat.
Naiyak na si Julienne sa sobrang frustration.
“Yen, lilipas rin ang lahat ng ito...”
Nainis siya. Ilang buwan pa? Dalawa? Okay lang sana kung iyon lamang ang problema niya. Pero napakarami. Masakit na nga ang emosyonal na bahagi niya, pati ang pampisikal ay ganoon rin.
“Ayaw ko na...” lalong lumakas ang hagulgol ni Julienne. Napagdaanan na naman niya iyon pero mas mahirap pa rin ang ngayon. Ang dami niyang tao na binigo.
Hinawakan ni Axel ang kamay niya. Hinalik-halikan nito iyon. Ang isang kamay nito ay pinupunas ang pawis sa ulo at ang mga luha niya. “Everything’s going to be okay. I’ll be here with you.”
“Nawawalan na ako ng pag-asa. Ang hirap. Ang hirap-hirap. Hindi dapat nangyayari sa akin ito! Hindi dapat nabuo ang batang ito...”
Pakiramdam ni Julienne ay mababaliw na siya anumang oras. Gusto niyang isisi kay Axel ang lahat. Sa batang dinadala niya rin. Maayos na naman ang buhay niya, eh. May kalamigan ang kanyang mga magulang pero at least, hindi ganoong itinakwil siya ng mga ito. Pero dahil kay Axel at sa bata, nagulo na naman iyon.
Tinitigan ni Axel si Julienne. “Puwede mong isisi sa akin ang lahat pero `wag sa bata, Yen...”
“Hindi ko mapigilan. Ayaw ko naman talaga, eh. Ayaw ko ng magkaroon ng anak. Pero---“ hindi naituloy ni Julienne ang sasabihin nang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Axel. Hurt was all over his face.
Hindi lang si Julienne ang nasasaktan.
“Please, Yen. Not the baby. Alam ko na mahirap sa `yo. Pero magtiwala ka sa akin. Gagawin kong maayos ang lahat. Huwag mo lang pabayaan ang baby. `Wag mong ibunton sa kanya ang galit mo...”
Lumambot ang puso ni Julienne. Parang lalo rin siyang nanghina sa nakitang mukha ni Axel. Umiiyak na ito. Ngayon niya lamang ito nakitang umiiyak. Kahit noong mamatay si Julia, walang kahit anong luha na lumabas mula sa mata nito.
“Axel...”
Kinabahan na si Julienne. Hindi gumagalaw si Axel. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. Walang patid ang pagtulo ng luha mula sa mata nito. Mahigit isang minuto rin itong ganoon. He looked so helpless. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito, sinita. Wala pa rin na paggalaw. Nagpasya si Julienne na yakapin na ang lalaki. Doon muling umiyak si Axel.
“Don’t do this, Yen. I couldn’t afford to lose another child again...”
Julienne choked on Axel’s words. Pinagsisihan niya lahat ng mga sinabi niya kanina. Tama si Axel. Hindi na rin niya kayang mawalan ng isa pang anak muli.
IT WAS SO DEVASTATING. Sa isang iglap ay nawala si Julia. Hindi na nila ito naabutan sa ospital. Nagkaroon ng bleeding sa loob ng utak nito dahil sa pagkabagsak nito. Hindi iyon nakayanan kaagad ng katawan ng bata kaya nawalan ito ng buhay.
Naging mahirap para kayna Julienne at Axel ang pagkamatay ng anak. Pero kung si Julienne ay tila mauubusan ng luha sa lungkot, hindi ganoon si Axel. Hindi ito umiiyak. Kahit nang mailibing si Julia, walang luha na pumatak sa mata nito.
Kinuha si Julienne nang magulang nang mailibing si Julia.
“Sa tingin ko po ay kailangan ako ni Axel. Sa mansion na lang po ako tutuloy.”
“Kailangan?” nagalit ang ina. “Kailangan samantalang parang wala nga siyang pakialam? Hindi siya umiiyak! Ngayon, iniwan ka na lang niya rito.” Nauna na si Axel sa sasakyan.
“Pagod na po si Axel. Hindi siya natulog sa buong burol at---“
“Ganoon ka rin. Pero ito ka, nasa tabi pa rin ng anak mo. Dapat ganoon rin siya. Umuwi ka na muna sa atin. Panigurado naman na hindi ka rin maalagaan ni Axel sa lagay mo na iyan. Mas kailangan mo kami.”
Nagpaalam si Julienne kay Axel. Pumayag naman ito. Sa loob ng isang linggo, sa bahay siya ng magulang tumira. Nagpalakas muna siya. Nang magkaroon na siya ng enerhiya, bumalik siya sa mansion nila Axel. Pero pakiramdam niya ay wala na siyang babalikan. Hindi nakikipag-usap sa kanya si Axel. Kung kausapin man siya, napakatipid. Hindi siya sanay sa ganoon.
Sinusubukan ni Julienne na mag-reach out kay Axel. Nasasaktan siya pero alam niyang ganoon rin ang lalaki. Bumalik na ito sa trabaho kaya naging abala na ito. Pero nag-iba na ito. Dati ay palagi itong tumatawag sa kanya kahit nasa trabaho ito. Palagi rin itong umuuwi ng maaga. Ngayon ay parang nagbago na ang oras ng trabaho nito. Palaging alas nuwebe o lagpas pa roon umuwi ng bahay si Axel. Nang minsan na sumbatan niya ito sa ginagawa ay “sorry” lang ang natanggap niya mula rito. Walang pangako na magbabago ito at hindi rin naman nito iyon ginawa.
Nang bisitahin si Julienne ng ina, sinabi niya rito ang problema. “Wala na si Julia kaya wala na siyang pakialam sa `yo.”
Napakasakit na marinig iyon ni Julienne. Ganoon nga ba? Ayaw niyang isipin na ganoon. Pero sa pagdaan ng mga araw, unti-unting na-realize ni Julienne ang lahat.
Dati ay madalas nga siyang kinakausap ni Axel. Pero kapag nag-uusap sila, hindi ba at palagi rin naman si Julia ang pinag-uusapan nila? Si Julia lamang ang nag-uugnay sa kanila ni Axel. Ngayong wala na ito, wala na siya sa buhay nito.
Bumalik si Julienne sa mga magulang. Hindi siya nagpaalam kay Axel. Hinanap naman siya ng lalaki pero dumaan muna ang limang araw. Tinawagan siya nito.
“Kailan ka babalik?” tanong nito nang sabihin niyang nasa magulang siya.
“G-gusto mo pa ba akong bumalik?”
“Julienne, napakarami ng problema ko sa opisina. `Wag mong dagdagan ng pag-iinarte mo. Of course, kailangan mo na bumalik!” sinigawan siya nito.
Napakagat-labi si Julienne. “Don’t shout at me. Don’t neglect me.”
“I’m sorry. Hindi ko intensyon na gawin iyon. I-its just that all the tension was too hard to handle. I need you, Yen.”
“B-but I also need your care, Axel. Gusto ko kapag bumalik ako diyan, iyong magagawa mo na akong pansinin. Kung hindi, mabuti munang huwag muna tayong magkita.”
Pakiramdam ni Julienne ay mas lalo lamang siyang masasaktan sa panlalamig ni Axel. Nang minsan na dalawin rin si Julienne ng mga pinsan na malalapit sa kanya na sina Holly, Valeen, Clover, Jazeel at Zai ay sinabi niya rin sa mga ito ang problema. Pinayuhan siya ng mga ito na bigyan muna ng space si Axel.
Hindi kaagad pumayag si Axel. Napakarami nitong iginiit. “Kailangan pa natin na pag-usapan ang kasal.”
“Hindi tayo maaaring magpakasal ngayong taon. Isipin at igalang mo naman ang pagkamatay ni Julia!”
“B-but this would grow us apart...”
Ang panlalamig mo sa akin, hindi mo ba naisip na paraan na iyon para magkalayo tayo? “Kung talagang para tayo sa isa’t isa, makakaya natin ang space. Pareho tayong nasaktan. And wouldn’t it be a disaster kung pareho tayong nagsama gayong pareho tayong may problema at ganyan pa ang kinikilos mo?”
So ganoon nga ang nangyari. Naghiwalay sila ni Axel. Bagaman remain in contact pa rin sila, nabawasan iyon sa bawat linggo na dumaan. Lumipas ang dalawang buwan. Twice a week lamang kung magtawagan sila. Mabibilang lang rin ang araw kung kailan sila nagkikita, kahit dinner date lamang iyon.
Totoo nga ang iniisip ni Axel. Nag-grow apart sila. Pero nang dumating ang kaarawan ni Axel, binigyang halaga pa rin iyon ni Julienne. Pumunta siya ng mansion, nagbabaka-sakali na naroroon ito. Ang naabutan niya ay si Lolo Fidel.
“May party siya kasama ang mga kaibigan niya sa bar. Baka madaling araw na iyon umuwi.”
Napataas ang kilay ni Julienne. Kaibigan? Party? Simula nang magsama sila ay ni hindi na muli tumuntong sa bar at naki-party si Axel.
“Umaasa ka pa rin ba na balikan ka ng apo ko, Julienne? Napakabata pa niya. Of course, nag-e-explore pa rin siya. Napakahirap rin ng pinagdaanan niya. Naging batang ama. Naging maaga ang responsibilidad. Hayaan mo naman na kahit papaano, i-enjoy niya ang kabataan niya.”
Nakagat ni Julienne ang labi. Ganoon nga ba? Sabagay, pakiramdam niya ay ninakaw niya, sila ni Julia ang mga panahon nito na sana ay ini-enjoy nito ang pagiging bachelor. Ganoon rin naman ang sa kanya. Ang mga kaklase niya ay naka-graduate na. Naghahanap na ng trabaho, pero siya...inubos niya ang nagdaang taon para mag-alaga ng bata, mag-alaga ng lalaki. Pero hindi niya pinagsisihan iyon. Having Julia and Axel in her life is the most precious experience she had in her life. Too bad, kailangang matapos ng kay Julia at nanganganib na rin ang kay Axel.
Pero patuloy pa rin na umaasa si Julienne na huwag naman sana ang kay Axel. Kahit siya ang pumili na maghiwalay sila, nanatili pa rin ito sa kanyang puso. Umaasa siya na magiging maayos pa rin ang relasyon nila.
Umuwi si Julienne ng bahay. Dahil traffic, na-late siya ng uwi, lagpas alas nuwebe na ng gabi. Na-drain rin ang battery niya kaya ch-in-arge niya muna iyon bago tumawag kay Axel. Totoo nga ang sinabi ni Lolo Fidel. May party nga base sa background ni Axel nang sagutin nito ang kanyang tawag.
“Happy Birthday...”
“Thank you.” Masaya naman ang sagot ni Axel. “I’m sorry kung hindi tayo nakapag-celebrate dalawa. Naudyukan kasi ako ng mga ka-opisina. Would it be okay if its next time?”
Hindi nagsalita si Julienne. Nasasaktan kasi siya. Hanggang next time na lang pala siya. Nawala na ang pagpapahalaga ni Axel sa kanya. Dati ay silang dalawa ni Julia lamang ang priority nito.
Pero mas lalo pa siyang nasaktan nang may marinig siya sa background. “Stop calling someone, babe. Let’s just enjoy your birthday...”
“Yeah. But later. May kakausapin lang akong---“ sandaling natigilan si Axel. Tumikhim ito. “Kaibigan.”
Kaibigan na lang pala ako...
“Okay, Babe. But promise me, huh? You’ll enjoy. Or maybe...lets just enjoy each other’s company. What do you think?” humagikgik pa ang babae.
Sumagot si Axel pero hindi na masyadong narinig ni Julienne. Napaiyak na siya. Babe---iyon ang tawagan ng dalawa. Iyon ba ang dahilan kung bakit parang balewala na lamang talaga siya kay Axel? May bago na ito. Pero ano ba talaga ang aasahan niya sa lalaki? Inalok man siya nito ng kasal ay hindi na naman niya naramdaman na seryoso talaga ito roon. Paano niya pa magagawang pakasalan ang isang lalaki na dahil lamang sa isang trahedya ay kinalimutan na siya?
Wala na si Julia, wala na si Axel. Dapat ay noong una pa lamang talaga ay tinanggap na niya na ang bata lang talaga ang nag-uugnay sa kanilang dalawa kagaya ng sinasabi ng karamihan tungkol sa relasyon nila. Hindi siya mahal nito. Kailanman ay hindi rin naman niya narinig iyon mula rito.
SINUBUKAN ni Julienne na pakisamahan na lamang si Axel. Subukan man niya na tawagan ang kanyang mga magulang para humingi ng patawad, hindi niya maggawa. Malamang ay naka-block siya sa cell phone ng mga ito. Wala siyang malapit na kaibigan kundi ang mga pinsan at sa lagay niya ngayon, hindi siya makakatagal sa mga ito na hindi nalalaman ang kanyang kalagayan. Isa pa, titigilan rin ba siya ni Axel? Wala talaga siyang choice kundi ang lalaki.
Pero hindi rin naman pinagsisihan ni Julienne ang choice niya. Maayos naman kasi si Axel. Inalagaan siya nito. Sa loob ng apat na araw ay halos hindi ito pumasok sa opisina. Binantayan lamang siya nito, sinigurado na nakakapagpahinga at makukuha niya ang tamang lakas na kailangan para sa kalagayan niya. Ilang beses niya itong pinilit na bumalik na sa normal na buhay niya dahil wala na naman talaga siyang tatakbuhan kung planuhin man niya na tumakas. Ayaw rin naman niyang makaabala rito. May responsibilidad at pananagutan sa kanya ang lalaki pero ayaw niyang maging pabigat. Ganoon pa man, bukas loob na ibinigay nito ang sarili sa kanya. Parang ang tanging gusto na lamang nitong gawin sa mundo ay ang alagaan siya...
Kinabukasan ay hindi makakain si Julienne. Paano, kahit niluto muli ni Axel ang paborito niyang longganisa at garlic rice ay hindi na iyon tanggapin ng kanyang sikmura. Nanghihina na siya. Sinubukan siyang pakainin ni Axel ng iba pero hindi pa rin niya kaya. Pinagpahinga siya nito. Paggising niya ay mukha na ng Doctor ang sumalubong sa kanya.
“Why---“
“Nag-panic ang asawa mo, Miss.” Nakangiti naman na wika ng Doctor. “Lahat naman ng mga nararamdaman mo ay normal lang.”
Tumingin si Julienne sa napagkamalang asawa. Pinagpapawisan ito. Namumutla rin. Mukhang alalang-alala. “Eh, Doc. Alangan naman na pabayaan ko siyang hindi kumain?”
“I know. Pero normal naman talaga ang ganito. `Wag mo lang siyang pilitin agad. Or you can just call me for this. Ibibigay ko sa `yo ang mga maaari niyang kainin. Pero sa pagkausap mo sa akin sa cell phone ay para bang mamatay na si Julienne kay nagmadali kaagad ako rito.
“But I hate to see her like this. I hate to see her hurt. Kung puwede lang sana na ako ang maglihi, ang makaranas ng ganito!”
Nagniningning ang mata ng Doctor. “You are head over heels in love with her.”
Napanganga si Axel sa komento. Pero maya-maya ay ngumiti ito. “You can say that,” tumingin at hinawakan nito ang kamay niya.
For a moment, gustong maniwala roon ni Julienne. Ayaw lamang niyang paasahin ang sarili.
Pero sa pagdaan ng mga araw, parang lumalala ang pag-asa ni Julienne. Napakamalalahanin ni Axel. Napakaalaga.
“Hindi naman ako imbalido.” Giit ni Julienne nang kahit malakas na siya ay nagpupumilit pa rin si Axel na subuan siya. Though parang lumulundag sa saya ang puso niya sa tuwing ginagawa iyon ni Axel, gusto pa rin niya na pigilan iyon. Naisip niya na kaya lang ginagawa iyon sa kanya ni Axel ay dahil sa kalagayan niya, para rin sa anak nila.
“I want to. I want to care for you. Now say ‘ah’,” inilagay ni Axel ang kutsara sa tapat ng bibig. Wala na siyang naggawa.
“I feel like a baby with this.”
Ngumiti si Axel. “But you are my Baby. My baby Yen...” kumindat pa ito at kinurot ang pisngi niya.
Tila ba komportableng-komportable si Axel sa ginagawa nito. Somehow, nakaramdam rin ng kaginhawaan si Julienne. Gusto rin niyang panatilihin iyon.
Kumurap si Julienne. “Why are you doing this, Axel?”
Hinawakan ni Axel ang kamay niya. “Because I want to.”
I want to, hindi “I need to”. Gusto iyon ni Axel. Hindi kailangan. Hindi dahil sa responsibilidad.
Nagdesisyon si Julienne. Dahil wala na rin naman siyang choice, sige na nga. Mag-stick na talaga siya kay Axel. I-enjoy na rin niya ang mga damdamin na ibinibigay nito sa kanya. Ang mga pag-aalaga. Pagkatapos ng lahat, masama ang tumanggi sa grasya. And Axel, even though he made her heart broken once, is still a God’s gift to her. He sticks with her in times like this.
“Pumasok ka na,” giit ni Julienne kay Axel. Maayos na maayos na talaga ang pakiramdam niya. Kahapon ay hindi na siya nagsusuka o kahit ang mahilo man lang. Nakatulong sa kanya ang ibinigay ng Doctor na ginger tea. Iyon raw muna ang inumin niya sa umaga. Simula nang inumin niya iyon, naging maayos na ang pakiramdam niya. Kapag sumama ang pakiramdam niya, inumin lang raw muli niya iyon. Bumili tuloy si Axel ng dalawang box.
“No. Pero aalis ako ngayon.” Tinitigan siya ni Axel na para bang tinitignan kung anong magiging reaksyon niya.
“Okay, good.” Pilit na binalewala ni Julienne ang sinabi ni Axel. Pero parang may tumusok sa kanyang puso sa isipin na aalis ito.
Sinaway ni Julienne ang kay sarili. Naging masyado na siyang dependent sa lalaki. Masyado na siyang nasasanay sa mga pag-aalaga nito na may isang bahagi ng puso niya na gustong sumama rito sa pag-alis nito. Para siyang Baby sa magulang nito!
Binalewala ni Julienne ang lungkot na nararamdaman. Gusto naman niya iyon `di ba? Ayaw niyang umikot lang ang mundo ni Axel sa kanya. Naligo siya at nag-ayos na lamang ng sarili. Pero nagulat siya ng wala ang lahat ng damit niya sa cabinet. Sa halip, napalitan iyon ng makukulay na damit!
“Axel!” sigaw niya sa lalaki. Kaagad na sumilip ito sa kuwarto.
“Yes?”
“Anong ginawa mo sa mga damit ko?!” wala ang lahat ng damit niyang kulay itim. Wala rin siyang pambahay. Lahat ay puro pang-alis.
Ngumisi si Axel. “I felt that you have the need to change of wardrobe.”
“Damn you!” inis na inis si Julienne. “Irespeto mo naman si Julia! Ito ang paraan ng pagluluksa ko pa rin sa kanya---“
Dumilim ang mukha ni Axel. “Sa tingin mo ba ay natutuwa si Julia sa ginagawa mo? Its been five damn years, Julienne! Hindi mo ba naiisip na baka kaya tayo pinagtagpo ng tadhana, kung bakit nabuntis ka muli ay dahil baka ito na ang bagong simula para sa ating dalawa? Learn to move on.”
Natulala si Julienne. May punto si Axel. Paano kung ganoon nga?
Dati ay naiisip niya na ang kuwento ng pag-ibig nila ni Axel ay parang isang linya sa isang kanya: Right love at the wrong time. Napakabata pa nila ni Axel noon. Marami pa silang pangarap, lalo na ito. Paano kung kaya ginawa ang trahedya kay Julia ay para makapag-ayos muna sila ng sari-sarili nilang buhay?
Paano kung ito na ang tamang oras para sa kanila? Ang batang ito ang simula. Nawala man sa kanila si Julia, ipinagkaloob naman ngayon ang sanggol na nasa sinapupunan niya para sa bagong simula nila ni Axel. Maaaring ito na ang bagong pagkakataon. Masuwerte kung maituturing siya kung ganoon.
Pero kung ganoon, sana ay magkaroon rin ng simula ang puso ni Axel. Sana ay mahalin talaga siya nito. Hindi iyong nararamdaman niya na espesyal lamang sa pag-aalaga nito.
“Magbibihis na ako.” Naging sagot na lamang ni Julienne. Umalis na si Axel. Bahagyang nagkaproblema pa siya dahil pawang mga puro pang-alis ang nasa cabinet. Walang pambahay. Kumuha na lamang siya ng kulay pink na bestida. Nang tignan niya ang sarili sa salamin ay nanibago pa siya. Pero nakaramdam ng kung anong saya sa dibdib si Julienne. Pakiramdam niya ay pinaalis niya ang sarili sa kanyang madilim na nakaraan sa ginawa niya, sa pagpipilit ni Axel.
Pero siguro ay dapat lang naman talaga iyon. Sinira niya ang pangako sa mga pinsan. Bumalik siya sa piling ng nag-iisang lalaki sa nakaraan niya. Ginawa na rin niya ang consequence niya ngayon.
Nang lumabas sa kuwarto ay nakita ni Julienne na nakabihis rin si Axel. Paalis na kaya ang loko?
“Tara na,” nakangising lalaki. Inalok nito ang braso sa kanya.
“Ano?”
Ngumisi si Axel. Nawala na ang galit na anyo kanina. “We’re going out. Iyon ang sinasabi ko sa `yong dahilan kaya aalis ako.”
Bahagyang napanganga si Julienne. Nalungkot pa siya kanina sa isipin na aalis ang lalaki pero isasama pala siya nito!
“Bakit?”
Nagkibit-balikat si Axel. “Kailangan mo rin na lumabas. Nakakaburo kaya sa bahay. Saka ayaw kong isipin mo na kaya lang kita gustong alagaan ay dahil sa bata. I want to you, too, so I will date you. Kaya sadyang puro pang-alis ang inilagay ko muna sa cabinet mo para hindi ka na talaga makakatanggi.”
Natulala si Julienne. Mukhang seryoso si Axel. Ide-date siya nito! Tinupad na ba kaagad ng Diyos ang hiling niya na sana ay mahalin talaga siya ni Axel?
Hindi nakatanggi si Julienne. Nasabik rin naman kasi siya sa ideya na lalabas siya. Though bahagya siyang kinabahan nang makarating sila sa mall at may nakita siyang pamilyar na pigura. Kinilabutan siya. Nakita niya ang pinsan na si Valeen!
“Yikes! Nakita niya kaya ako?” nabulong ni Julienne. Pinagpapawisan siya. Hindi pa siya umaamin sa mga pinsan. Though naggawa na niya ngayon ang pagsusuot ng ibang kulay bukod sa itim, may pride pa rin naman siya. Talo siya sa kasunduan.
“Anong---“
Hinila ni Julienne si Axel para magtago nang makitang tumitingin-tingin si Valeen sa paligid. Nagtatakang tinatanong siya nito kung anong ginagawa niya pero hindi niya ito sinagot hanggang sa makapunta sila sa isang tagong sulok. Umaasa siya na huwag pa rin siyang makita ni Valeen. Isinandal niya si Axel sa sulok. Hawak-hawak niya ang harapan ng polo nito na ginamit rin niyang panghila rito kanina.
“Ano ba kasing problema?”
“Kasalanan mo ang lahat ng ito!”
Napakamot si Axel. “Ano na naman?”
“May kasunduan kami na magpipinsan. We’re six by the way. Mga pinsan ko sila sa father side ko at simula nang maghiwalay tayo ay naging malapit na ako kayna Valeen, Jazeel, Zai, Clover at Holly. Puro kasi kami mga babae, though may kakambal si Holly na si Hailey ay hindi namin siya kasundo. May pagkamaarte rin kasi iyon and well, she’s dead by now. Ganoon rin ang nakababatang kapatid ni Jazeel na si Ellen. So technically, kami na lang anim ang buhay sa magpipinsan na babae. May Kuya CJ naman si Clover pero dahil lalaki ay siyempre, hindi naman namin siya ganoon na makakasundo.”
“And?” tinaasan siya ng isang kilay ni Axel.
“I’m just telling you about my cousins.”
Ngumisi si Axel. “I know. And I’m glad to hear na may mga pinsan ka na malalapit sa `yo. But I’m curious about this pustahan.”
Napakagat-labi si Julienne. “May pustahan kami na bawal namin na balikan ang “the past” namin. And you know its you!”
“Only me?” lalong lumaki ang ngisi ni Axel.
“Nakaka-trauma kasi ang pinagdaanan ko sa `yo kaya ganoon!”
Tumango-tango si Axel. “Okay...”
“Bitter kami sa mga past namin kaya napag-usapan namin na `wag ng balikan iyon. May consequence ang lalabag. In my case, hindi na ako puwedeng magsuot ng paborito kong itim na damit.”
“So what? Ginawa mo na rin naman ang consequence sa pustahan na iyon.”
“Kahit na.” Nangigigil si Julienne. “Ang pride ko! Kainis ka. Pahamak ka kasi!”
Ngumisi si Axel. “Kung pahamak at nakakainis ako, bakit ang tindi ng hawak mo sa akin?”
Doon lang napansin ni Julienne ang nakahawak pa rin pala niyang kamay sa polo nito. Namula siya. Binitawan niya iyon.
Hinawakan ni Axel ang pisngi niya. Sa gulat niya ay hinalikan nito ang labi niya. Pakiramdam ni Julienne ay na-offend siya. Pero hindi dahil sa gusto niya iyon...iyon ay dahil nakulangan siya.
God, ano ba itong nararamdaman ko?
Nalukot ang mukha ni Julienne. Pinindot ni Axel ang ilong niya. “Want more?”
“You’re so annoying.” Annoying ka dahil nasapul mo ako!
Tumawa si Axel. Niyakap siya nito at inialis na sa sulok. Nakaakbay ito sa kanya nang palakarin siya nito muli. “Kapag nakita tayo ni Valeen...”
“Let her. Wala naman masama na bumalik sa nakaraan,”
“Mayroon. You hurt me once! I wouldn’t make you do it again!”
Huminga nang malalim si Axel. “Hey, I am trying my best to make it up to you.”
Ganoon nga ba? Samantalang wala naman ipinapangako si Axel sa kanya. Inaalagaan siya nito. Pinaparamdam na importante siya. Pero hanggang doon na lang iyon? Wala ng pangako? Walang kumpirmasyon kung ano na sila?
Kung dati ay inalok pa siya na pakasalan ni Axel, bakit ngayon ay hindi na? Wala ng pipigil rito. At siya...basta marinig lang siguro niya ang magic words mula rito ay bibigay na rin.
Makakatanggi pa ba naman kasi si Julienne? Samantalang halatang-halata na ang damdamin niya rito. Hindi naman siguro nawala iyon. Pinigilan lamang niya. Dahil nang makita muli niya ang lalaki, ano ba ang ginawa niya? She melts with his touch. She surrenders into his kisses. Kung wala siyang nararamdaman kay Axel, hindi iyon mangyayari sa kanya. Mahal pa rin niya ang lalaki. Ito pa rin ang lalaki sa buhay niya.
Pero kailangan niya na pigilan pa rin iyon dahil walang pangako sa kanya si Axel. Walang kasiguraduhan ang lahat para sa kanilang dalawa. Wala itong sinasabi sa kanya. Ang nag-uugnay pa rin sa kanila ay ang pangalawang batang dinadala niya.