“Anak, maging mabait ka naman kay Arice. Huwag mong susungitan,” request ng mama ni Riva habang sinusuklayan siya.
Kuntodo asikaso ito at ang kapatid niyang si Emarie sa kanya. Kulang na nga lang ay ang mga ito pa ang magpaligo sa kanya. Excited ang mga ito dahil iyon ang unang beses na pumayag siyang makipag-date sa isang lalaki.
“Ma, kung wala naman siyang gagawin o sasabihing masama, bakit ko naman siya susungitan?” aniya at pinigilan ang kamay ni Emarie nang akmang lalagyan siya ng blush on. “Ayoko ng make up. Baka sabihin ni Arice patay na patay ako sa kanya kaya kuntodo ako sa pagpapaganda.”
“Hayaan mo na, Ate. Para makapag-asawa ka na,” ungot nito.
May kumatok sa pinto at pumasok si Renzie. She had a long face. Mukhang masama ang loob nito dahil hindi ito ang niyayang mag-date ni Arice. Ipinakita nito ang nakahanger pang sundress. “O! Ito ang isuot mo. Bagong bili ko iyan pero sa palagay ko mas bagay kung isusuot mo sa date ninyo ni Arice.”
“Walang bitterness iyan?” tanong niya.
Ngumiti ito. “Wala na. Kate-text lang sa akin ni Pidyong. Sabi niya miss na daw niya ako. Kaya hindi ko na kailangan si Arice para punan ang kalungkutan ko.”
Nagtawanan na lang silang apat sa sinabi nito. Gumaan ang loob niya. Ayaw naman niyang lalaki lang ang pagtalunan nila ni Renzie.
Nang bumaba siya sa sala ay nagkukwentuhan sina Ernest at Arice. Sinong mag-aakala na magkaribal ang dalawang ito sa pag-ibig? Mukhang engrossed na engrossed si Arice sa sinasabi ng Kuya Ernest tungkol sa bagong project nito.
“Iyan ba ‘yung bagong housing project natin?” tanong niya kay Ernest at tumayo sa likuran nito.
Napanganga ito sa kanya. “O! Muntik na kitang hindi makilala. You should get out of the office more often and date a lot. Gusto mo bang maging model ng bagong condo project natin para hindi na tayo mag-hire ng artista?”
“Ako ang unang bibili ng unit,” sabi ni Arice. “Pero dapat doon siya titira sa bahay ko.”
“Magagawa mo lang iyan kapag pinakasalan mo ang pinsan ko,” sabi ni Ernest. “At mahihirapan ka sa kanya. Maya’t maya siyang makikipag-argumento sa iyo. She loves to argue a lot. Baka hindi ka makatagal.”
Nagkibit-balikat si Arice. “Kahit na mahilig siyang makipag-argue, nakakaintindi naman siya ng katwiran. And argument is good. Life is so boring without arguments. Mas naa-appreciate at natatanggap ninyo ang differences ng isa’t isa.”
Hindi niya alam na iyon ang tingin nito sa kanya. Ang tingin sa kanya ng marami ay hilig lang niyang makipag-argue. Habang ang ibang lalaki naman ay gusto siyang baguhin. While Arice could see right through her. Parang di na niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya. He even appreciated her argumentative nature. Ibang respeto ang naramdaman niya sa sarili niya.
“O! Hindi pa ba kayo aalis?” anang mama niya. “Ipasyal mo na ang anak ko, Arice. Kundi mo naitatanong matagal na rin siyang walang bakasyon dahil puro trabaho lang ang alam gawin.”
Nilapitan siya ni Arice at inalalayan sa siko. “Are you ready?”
“More than ready.”
“Aalis na agad kayo?” tanong ni Estrella na may suot pang apron at may dalawang tray ng juice. “Nagluto ako ng asadong empanada. P-Paborito iyon ni Arice at ng mga … kaibigan namin dati.”
Tumingin lang siya kay Arice at umangat ang gilid ng labi niya. Saka siya tumingin kay Estrella. “Magbabaon na lang kami. Pwede naman siguro.”
“O-Okay,” anang si Estrella at naging alanganin ang ngiti. Ginagamit lang ba nito ang iniluto nitong empanada para di sila tumuloy umalis ni Arice? Baka naman plano pa nitong iluto ang lahat ng paborito ni Arice para di sila umalis.
“Sa palagay mo ba nagselos si Estrella?” tanong niya kay Arice habang palabas ang kotse nito ng Villa del Carmen.
“I don’t know.”
Gulat niya itong nilingon. “Bakit hindi mo tiningnan?”
“I am busy looking at you. You look pretty.”
Isang maasim na ngiti ang ibinigay niya dito. Inilabas niya mula sa pouch niya ang facial wipes at pinahiran ang mukha niya. “Make up lang iyan. Tatanggalin ko na dahil allergic ako sa make up. Baka mangati ang mukha ko.”
“Good. You are prettier without make up. Gusto ko kasi simple lang ang isang babae. By the way, I love the dress and the legs.”
Bigla niyang tinutop ang laylayan ng palda nito. “Umayos ka nga. May Estrella ka na so siya na lang ang purihin mo ng purihin.”
“You are my date. Of course I should shower you with compliments. Paano kapag tinanong ka nila tungkol sa date natin? Anong isasagot mo?”
“So it would be like any normal date. Di tayo aarte lang sa harap nila.”
Pinisil nito ang baba niya. “Matalino ka talaga. ‘Yan ang gusto ko sa iyo. Kahit na sa public tayo magiging sweet tayo. Masanay ka na. So tell me more about yourself. Hindi ka daw mahilig makipag-date at hindi ka pa nagkaka-boyfriend.”
Salamat sa butihin niyang pamilya dahil di na niya maitatago pa iyon. “Naka-focus ako sa trabaho ko. Nang mamatay ang Papa ko noong eighteen ako, sinubukan ng ibang kompanya na i-take over ang kompanya namin. Buti tinulungan kami ni Kuya Ernest at siya ang nag-handle sa kompanya namin. Siguro di ko maiisip ang pakikipag-date at pagbo-boyfriend hangga’t hindi pa ako mismo ang humahawak sa kompanya namin. Saka mahirap maghanap ng lalaki na makakasundo ko.”
“So hindi ka pa nai-in love kahit na kailan?” tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “Wala pa. I am too busy.”
“Let me tell you something. kapag na-in love ka, mararamdaman mo na lang iyan basta. kahit na gaano ka-busy, you will find time to fall in love. Hindi ini-schedule ang pag-ibig. Basta mo na lang iyan mararamdaman. Kahit oras ng pagtuloy mo, maiisip mo ang taong iyon.”
“Thanks for the lecture,” natatawa niyang sabi. “So saan tayo pupunta?”
“We are almost there,” anito at iniliko ang sasakyan papasok sa compound ng simbahan. Luma na ang simbahang iyon na Baroque style. Sa palagay niya ay itinayo iyon noon pang panahon ng Kastila. Inalalayan siya nitong bumaba ng kotse. “Halika. Ipapakilala kita sa tatay ko.”
“Sa tatay mo?” gulat niyang tanong.
Idinala siya nito sa bahay sa likod ng simbahan. Isang matandang lalaki ang nagbubungkal ng lupa doon. “Tatay!” Nagmano ito sa matanda. “Sabi ko po sa inyo magdadala ako ng magandang kaibigan. Si Riva po. Riva, ang tatay ko. Si Father Leon Mendez.”
“F-Father?” tanong niya at biglang nagmano. “Hindi po sinabi ni Arice sa akin na ipapakilala po niya kayo sa akin…”
Humalakhak ang matandang pari. “Ako na ang tumayong tatay niya. Mukhang hindi ka tagadito, hija.”
“Taga-Maynila po ako. Pinsan po ako ng pakakasalan ni Estrella del Carmen.”
“Pinsan mo si Ernest. Alam mo bang ako ang magkakasal sa kanila? Mabuting tao ang pinsan mo.”
“Totoo po iyan,” sang-ayon niya.
“At talaga bang magkaibigan lang kayo ni Arice?” tanong nito at tiningnan ang kamay ni Ernest na nakaakbay sa balikat niya. “Arice…”
Biglang ibinaba ni Arice ang kamay. “Si Tatay talaga…”
“Bakit hindi mo muna ipasyal si Riva dito sa atin? Sa palagay ko magugustuhan niya itong lugar natin. Magililinis lang ako para makapag-kwentuhan tayo,” sabi ni Father Leon.
“This is my home. Dito ako lumaki. Alam mo ba na inampon ako ng pari nitong simbahan dahil iniwan ang mga magulang ko? Lasenggo ang tatay ko at manggagantso. My mother was a common whore. Seven years old ako nang iwan nila akong mag-isa dito. Kaya dito na ako lumaki sa simbahan.”
“Hindi mo na ba hinanap ang mga magulang mo?”
Umiling ito. “Huling balita ko nakulong sila tapos di ko na alam kung saan sila napunta. Ipinagdasal ko na lang na sana magbagong-buhay sila. Hindi natin mapipili ang magulang natin pero pwede nating piliin kung ano ang magiging direksiyon ng buhay natin. Maswerte na rin ako dahil si Tatay Leon ang nag-alaga sa akin. Napabuti ang buhay ko. At kung makikita ko man ang mga magulang ko, tutulungan ko silang umayos ang buhay nila. Utang ko pa rin sa kanila ang buhay ko.”
Puno ng paghanga niya itong pinagmasdan. Nakikita naman niya sa aura nito payapa ang loob nito at walang kinikimkim na galit. “That’s admirable about you. Ang ibang tao sinisisi ang magulang nila sa mga kasawian nila sa buhay.”
“So what else is admirable about me?” he asked with a seductive grin.
Nilagpasan niya ito at binasa ang history ng simbahan na naka-cast sa bronze. Iiwas na siya bago pa siya maapektuhan ng ngiti nito. “Wala na. Iyon lang.”
“Kapag tinanong nila kung bakit ka na-in love sa akin, anong isasagot mo?” pabulong nitong tanong mula sa likuran niya. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang balahibo sa batok niya.
“Just give me a list of your attributes and I will memorize them,” sagot niya at humakbang palayo dito. “So tell me more about this town. Ano ang specialty dito? Ano ang mga tourist spots?”
Something was telling her that there was something dangerous about their plan. It was perfect and foolproff. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Tinitigan niya si Arice habang mistulang tourist guide na nagkukwento sa kanya ng magaganda sa bayan nito. Sana ay malaman niya kung anong dahilan ng kabang iyon. Mahirap umisip ng bagong plano kung kailan huli na.