Hindi magawang lumapit ni Riva kina Arice at Estrella. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. But she wanted to cut in and intrude. Paano ay bakas ang lungkot sa mga mata ni Arice.
How could love do this to a good man? Bakit kailangan na magdala ng pag-ibig ng lungkot sa mga mata nito? Hindi ba dapat ay maging masaya ito? Bakit patuloy ka pa ring nagmamahal kahit na nasasaktan ka naman?
Gusto niyang yugyugin nang mga oras na iyon si Arice. Gusto niyang sabihin dito na dapat ay makakita ito ng babaeng magbabalik ng ngiti sa mga mata nito. Hindi isang katulad ni Estrella na puro kalungkutan ang dala.
Pero ano bang pakialam niya? Hindi naman niya hawak ang puso at damdamin nito. Wala rin naman siyang magagawa kung sino ang mahal nito.
Tatalikod sana siya para hayaan munang mag-usap ang mga ito nang tumingin sa direksiyon niya si Arice at ngumiti. Biglang naglaho ang ulap na nakalambong sa paligid nito at kahit siya ay sumigla rin dahil sa ngiti nito.
“Riva,” tawag nito sa pangalan niya at nilapitan siya. “Good morning!” bati nito at saka siya kinintalan ng halik sa noo.
“Good morning,” she greeted in a breathless voice. He smelled of fresh morning air and masculine scent. That was perfect.
Ibinaon nito ang ilong sa buhok niya. “Hmmm… amoy longganisa ka. Nagugutom tuloy ako.”
The way he nuzzled his hair was so sexy. As if he wanted to devour her. Pero bigla siyang lumayo dahil nakakahiya. Amoy longganisa pala siya.
“Ipinagluto ka kasi niya ng longganisa,” anang si Ernest. Nagulat pa siya nang makitang bitbit nito ang baunan. “Naiwan mo sa kamamadaling makita si Arice.” Ibinigay nito ang baunan kay Arice.
“Wow! Longganisa nga. Paborito ko ito,” sabi ni Arice. “Ikaw ang nagluto?”
Marahan siyang tumango at hinawakan ang kamay niyang natalsikan ng mantika kanina. “Hindi naman ganoon kahirap magluto.”
“Alam mo bang ikaw ang unang lalaking ipinagluto niya? Or should I say that this is the first time she cooked?” nakangising tanong ni Ernest. “By the way, hindi naman bumula ang bibig ko nang tikman ko. So it’s safe.”
Namula siya. “Kuya Ernest! Bakit tinikman mo?”
Humalakhak sina Ernest. “Aba! Ayokong makulong ang paborito kong pinsan.” Itinaas nito ang dalawang kamay. “I know, I know, para kay Arice lang iyan. Isang longganisa lang naman.”
“Ako na ang bahala sa pandesal,” sabi ni Arice. “Hindi ba kayo sasamang mag-jogging sa amin?”
“Hindi na. Walang hilig mag-jogging si Estrella. Basta ingatan mo si Riva,” bilin ni Ernest.
“Mag-ingat kayo,” mahinang sabi ni Estrella at tipid na ngumiti.
Tahimik silang tumakbo palayo ni Arice. “Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Anywhere. But I definitely know a place where we can watch the sunrise.”
Tahimik sila habang tumatakbo. May kabagalan ang takbo nito para alalayan siya. Malamig na malamig ang hangin at nakababa ang ulap kaya di niya maiwasang habulin ang hininga niya at malamig sa lamig kahit na may suot siyang jacket.
Binagalan nito ang pagtakbo. “Nilalamig ka ba?” tanong nito.
“M-Medyo. Mahamog kasi kaya malamig.” Mukhang mamaya pa rin sisikat ang araw kaya babahagya pa lang ang liwanag.
Nagulat siya nang yakapin siya nito. “Sana sinabi mo agad sa akin. Doest this make you feel better?”
Marahan siyang tumango. “Y-Yes.”
He was better than her jacket. Parang mainit itong kumot na yumayakap sa kanay. Subalit di tulad ng mainit na kumot ay nagawa nitong pabilisin ang tibok ng puso niya. At natitiyak niyang di iyon dahil sa pagtakbo niya.
Hindi siya makapaniwala na niyayakap siya nito sa gitna ng daan. At hinayaan niya ito. Wala namang ibang taong nakakakita sa kanila. It was just the trees and the sky and the fog. It was so surreal yet romantic.
Niyayayakap siya nito na parang gusto siya nitong alagaan. Niyayakap siya nito kahit na walang ibang audience. And she allowed him to do so. Hindi niya maramdaman na pinagsasamantalahan siya nito. If only they could stay that way forever. Hahayaan niyang yakapin lang siya nito at protektahan sa lamig.
“Pwede naman tayong hindi mag-jogging para di ka masyadong lamigin,” bulong nito at lalo siyang hinapit palapit.
“A-Anong gagawin natin?” tanong niya at tiningala ito.
“Pwede namang…” Tinitigan nito ang mga labi niya. Hindi niya magawang huminga nang maayos habang pilit na binabasa ang tumatakbo sa utak nito. Bakit ito nakatitig sa kanya? Hahalikan ba siya nito? And would she let him?
Biglang nabasag ang katahimikan sa pagitan nila ng papalapit na tunog. Di nagtagal ay natanaw na nila ang papalapit na bike na minamaneho ng isang binatilyo. “Nandito na pala ang pandesal natin,” sabi nito.
Hawak nito ang kamay niya habang hinihintay nila ang paglapit ng nagtitinda ng tinapay. Nakaramdam siya ng gutom nang maamoy ang mainit na pandesal.
"Ang sarap ng amoy. Nakakagutom," usal niya niya pinagkiskis ang mga palad.
Tumawa ito at hinawakan ang kamay niya. "Halika na. Malapit na tayo."
Inakay siya nito papunta sa niyugan. Sa gitna niyon ay may cute na bahay na parang cottage. "Welcome to my little haven."
"Ito ang bahay mo? It's not something I expected."
It was like a modern nipa hut. Subalit gawa iyon sa mas matibay na materyales. Mas malaki rin iyon sa karaniwang bahay kubo. Presko iyon at nakaka-relax. Pakiramdam niya ay nasa baryo nga siya . Very native ang dating ng interior at sa kabila ng ibang modernong kagamitan ay nag-blend iyon sa native design.
"Saan mo ba ako inaakalang titira?"
"Sa isang magarbong mansion. 'Yung maglalaway ang lahat at maipapakita mo rin sa mga del Carmen na hindi na ikaw ang taong kinakayan-kayanan nila dati."
Binuksan nito ang pinto na stylized ng kawayan. "Marami naman akong nabiling lupa dito at marami rin akong iba pang properties. Pero gusto ko na simple lang ang bahay ko. Makakagalaw ako ng normal. I can be me. Ayoko namang mailang din ang mga kaibigan ko o isipin nila na nagbago na ako."
"Masyado kang humble." Kung ibang tao ito ay tiyak na ipagmamayabang ng mga ito ang kayamanan. Ang iba pa nga ay nga nababaon na sa utang pero di iniinda basta maipagmalaki lang sa marami na maraming pera.
Ngumiti lang ito. "Feel free to look around. Ihahanda ko ang breakfast natin. Gusto mo ba ng hot tablea chocolate? Perfect iyon sa pandesal at longganisa."
Tumango siya at kinalimutan ang diet niya kung saan kabilang sa bawal ang tsokolate."Gusto mo bang tulungan kita?"
"Mag-relax ka na lang diyan."
Umiling siya. "Mas gusto kong panoorin ang ginagawa mo."