The Amorous Intruder (Filipino) Chapter 18

Wala na itong nagawa nang sundan niya ito papuntang kusina. The kitchen was cute and dainty. Gaya ng ibang bahagi ng bahay ay may pagka-native din iyon.

Inilipat nito ang pandesal at ang longganisa sa plato. Na-amaze siya nang lagyan pa nito ng garnishing ang longganisa. Matapos iyon ay pinagkiskis nito ang palad. "Now get ready for my famous hot chocolate."

Nagtaka siya dahil hindi simpleng pagtitimpla lang ng hot chocolate ang ginawa nito. Matapos tunawin ang tablea cocoa ball sa tubig ay gumamit ito ng stick na pinapaikot nito sa tinunaw na chocolate. "Anong ginagawa mo?"

"Baterol ang tawag dito. Kailangan 'to para maging mas malapot at mas masarap ang chocolate."

Sexy pala sa isang lalaki ang naka-apron. At talagang pinaghirapan nito para maiparamdam sa isang tao na espesyal ito.

"Huwag kang masyadong hahanga at baka ma-in love ka sa akin."

Inirapan niya ito at tumayo. "Huwag kang masyadong mag-ambisyon." Dinampot niya ang plato ng pandesal at longganisa. "Doon lang ako sa mesa sa porch sa labas."

She was not comfortable with his teasing. Nang titigan siya nito at ngumiti ay nag-iba ang pakiramdam niya. Ipinilig niya ang ulo. Naalala niya ang nabasa niya sa pocketbook kagabi. Nararamdaman niya ang mga sintomas ng isang babaeng in love. At ayaw niyang ma-in love dito.

Sabagay di naman niya kailangan na paniwalaan lahat ng nasa pocketbook. Saka wala naman sigurong masama na hangaan niya si Arice. It was nothing dangerous.

Inilapag nito ang wooden mug sa harap niya. "Thank you," aniya ay sumimsim ng mainit na tsokolate. Di niya mapigilang ngumiti. "Alam ko na kung bakit sikat ang chocolate mo. Ito siguro ang ginamit mo para magpa-impress sa mga girls."

"Shhh..." saway nito habang nagpapalaman ng longganisa sa pandesal. "Ikaw lang ang babaeng nakakaalam ng sekreto ko." Saka ito kumagat ng pandesal.

Bigla itong natahimik at napansin niyang lumungkot ito. "Bakit? Hindi ba masarap?" tanong niya.

"Masarap," anito at tipid na ngumiti.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Mas gusto ba nito na si Estrella ang nagluto ng longganisa nito? Gusto niyang mainis kung iyon man ang dahilan nito pero wala siyang magagawa. Si Estrella naman talaga ang gusto nito. Habang siya ay katulong lang nito na makuha si Estrella. She was nobody important.

"Ninanamnam ko lang ang luto mo. I feel special.” Kinuha nito ang kamay niya at sinipat. “Ngayon ko lang napansin ‘yang mga talsik sa kamay mo.” Hinaplos nito ang kamay at braso niya. “I am sorry. Nasaktan ka pa dahil sa akin.”

Parang hinaplos ang puso niya. His gentleness touched her. Parang kahit lumubog siya sa kumukulong mantika ay di niya iindahin.

“Okay lang iyon.” But it was not really okay. Nakikita pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito. Nang nagpatuloy sila sa pagkain ay nanatili itong tahimik. “Nakita ko na magkausap kayo ni Estrella. Anong sinabi niya sa iyo?” tanong niya.

Mahabang sandali siya nitong pinagmasdan bago nagsalita. “Tinanong niya ako kung seryoso ako sa iyo. O baka ginagamit lang kita para pagselosin ka.”

“How appalling! At may lakas pa siya ng loob para tanungin ka ng ganoon?” Ibig sabihin ay may epekto kay Estrella ang mga ginagawa nila pero mukhang hindi pa rin masaya si Arice. “Anong isinagot mo?”

“Tinanong ko kung nagseselos siya.”

“Anong isinagot niya?”

Nagkibit-balikat ito. “Hindi na niya nasagot kasi dumating ka.”

“I am sorry,” mahina niyang usal. “Hindi tuloy natin nalaman.”

Pinisil nito ang kamay niya at ngumiti. “Huwag na nating pag-usapan. Come on! It is a nice morning. And I enjoy your longganisa.” Isinumpak nito ang huling kagat ng pandesal. “Pwede ka nang mag-asawa.”

“Naku! Hindi na ulit ako magluluto. Nakakatakot palang makibaka sa tumatalsik na mantika. Pero natutuwa ako kasi nalaman ko na kaya kong magluto kahit na prito but I don’t think I’d do it again. Para sa iyo lang kaya ako nagluto.”

Nag-freeze ang ngiti sa labi nito. “Of course. Para magselos si Estrella. Kahit na ano pang dahilan, I want to thank you for making me feel special. Ako pala ang unang lalaking ipinagluto mo.”

Hindi niya masabi dito na di niya ito ipinagluto para pagselosin si Estrella. She cooked for him because she wanted to. Gusto niyang makita itong ngumiti. And she did a great job on that one. Pakiramdam niya ay gagawin niya ang lahat para lang makita ang ngiti nito.

"KUYA ARICE, magiging asawa mo ba siya? Magpapakasal ba kayo?" tanong ng batang babaeng sa palagay niya ay nasa walong taon pa lang.

Ipinasyal siya nito sa niyugang pag-aari nito na di kalayuan sa bahay nito. Parang pamilya ang turing nito sa mga tao doon. The people obviously adored him.

"Sa palagay mo bagay kami, Lena?" tanong ni Arice at inakbayan siya.

Tumingin sa kanya si Lena at humikbi. "Sabi mo hihintayin mo ako paglaki mo. Ako ang pakakasalan mo. Tapos di ipagpapalit mo ako sa kanya."

Napakamot si Arice sa ulo dahil di nito alam ang isasagot. Lalo itong nataranta nang lumakas ang iyak ni Lena.

Siniko niya si Arice. "Ikaw talaga. Nangangako ka sa bata tapos hindi mo tutuparin. Mahiya ka nga sa bata."

"Joke lang naman iyon. Malay ko ba namang seseryosohin niya iyon."

"Ganoon talaga ang mga bata. Natatandaan nila ang mga pangako sa kanila. Natural lang na umasa 'yan."

Siya ngang matanda na ay di maiwasang mangarap minsan na totoo ang sweetness ni Arice sa kanya. Siyempre parang isang malaking biro lang ang lahat. Hindi niya maaring seryosohin.

"Tulungan mo naman ako. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin," anitong pinagpapawisan na yata ng malapot.

Umuklo siya sa harap ni Lena.

"Tumahan ka na, Lena. Ang mga magagandang babae na tulad natin hindi dapat iniiyakan ang mga lalaki."

Maang siya nitong tiningnan at tumigil sa pag-iyak. "Paano ko po gagawin iyon?"

Umuklo siya sa harap nito at pinahid ang luha nito. "Mag-aral kang mabuti. Dapat matapang ka rin. At lalaki ang maghahabol sa iyo at sila ang iiyak sa iyo."

"Kaya mo din po bang paiyakin si Kuya?"

Umurong si Arice. "Naku! Ayoko ng paiyakan na ganyan. Huwag ninyo akong isali diyan."

Humagikgik si Lena. "Takot nga po siya sa inyo. Mag-aaral po muna ako." At masayang bumalik sa mga kalaro nito.

"Nakakuha ka ng kakampi doon, ah! Parang api na naman kaming mga lalaki," reklamo ni Arice.

"Hindi ko kayo inaapi ng mga kabaro mo. Tinulungan nga kita na patahanin si Lena. Magpasalamat ka kaya?"

Bigla siya nitong kinintalan ng halik sa pisngi. Pagharap niya ay muntik nang maglapat ang mga labi nila dahil sobrang lapit pa rin nito sa kanya.

"Thank you,” he whispered just above her lips.

Napatitig siya sa mga mata nito. Hindi naman pasasalamat ang nakikita niya sa mga mata nito. May kakaibang init sa mga mata nito at bumaba ang tingin sa mga labi niya. Parang gusto siya nitong halikan. Anong gagawin niya ngayon?

"Uuuyyy! Ang tamis naman noon. Baka langgamin kayo!" tukso sa kanila ng mga trabahador nito.

Pinisil niya ang braso ni Arice. Marami palang nakakakita sa kanila. Nakakahiya. Subalit di naman niya magawang magalit dito. She allowed herself to feel. Hindi niya inisip na ginawa nito iyon dahil sa pagpapanggap. She hoped that the thank you kiss was solely for her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.