The Amorous Intruder (Filipino) Chapter 20

"My vacation was fabulous! Sa wakas nakasama rin ako ulit ng mga amiga ko na magbakasyon. Marami rin akong nabili na magagamit dito sa mansion. Excited na ako sa renovation."

Hindi magkandatuto si Doña Guada ng pagkukwento tungkol sa biyahe nito sa ibang bansa habang nanananghalian sila. She was once more welcome to her elite amigas' circle, she bet. Kahit gaano kasarap ang pagkain ay nawawalan siya ng ganang kumain dahil hindi talaga niya feel kasabay kumain ang donya na puro kayabangan.

"Balae, bakit hindi ka sumama sa akin next time? Sa Singapore kami sa susunod," yaya nito sa mama niya.

"Sawa na akong mag-travel sa abroad. Mas gusto ko pa nga dito sa Pilipinas. Mas marami akong kakaibang nakikita," wika naman ng mama niya.

"How about you?" anang si Ernest at bumaling sa kanya. "Nag-enjoy ba kayo sa date ninyo ni Arice?"

Awtomatiko siyang ngumiti nang marinig ang pangalan ni Arice. Sapat na talaga ang pangalan nito para baguhin ang mood niya. "I enjoyed it very much. Ipinasyal niya ako sa bahay niya at iginawa ng traditional hot chocolate. It tastes like heaven. Ipinakilala din niya ako sa mga tauhan niya sa niyugan."

"Madaya! Hindi man lang kami isinama," reklamo ni Renzie. Inulan din siya nito ng tukso kanina nang malaman nitong ipinagluto niya ng longganisa si Arice.

"Next time na lang," aniya at tipid na ngumiti.

"Gusto mo talagang solohin si Arice. Hindi kita masisi," sabi ni Emarie at sumubo na. Hindi na nito kailangan pang ituloy dahil alam na niya ang mga katangian ni Arice.

"Nagustuhan ba niya ang luto mo?" tanong ng mama niya.

"Opo," aniya at tumango. "Nag-alala lang siya dahil natalsikan ako ng mantikan. But he soothed the pain away. Parang gusto ko pang alamin ang iba pa niyang paborito. The pain was worth it."

Tumikhim si Guada. "You seem so taken with that man. I am sorry, my dear. Mukhang hindi ka nabigyan ng warning ni Estrella."

"Tungkol saan, Mama?" gulat na tanong ni Estrella at tumigil sa pagkain.

"Saan pa? Kundi sa pinanggalingan ng lalaking iyon," nakaismid na sabi ni Guada. "Hindi mo ba sinabi kay Riva na ang nanay niya ay isang kaladkaring babae at ang tatay niya ay manggagantso at lasenggo? At bata pa lang siya ay magnanakaw na siya. "

"Totoo ba iyan?" naalarmang tanong ng mama niya.

"Oo. Kaya nga kahit pinalaki ng mga pari, hindi mo alam baka anong takbo ng utak niya lalo na't may pagmamanahan naman."

Nang nga oras na iyon ay isang halimaw ang tingin niya kay Guada na tinubuan ng sungay at buntot. Wala talaga itong habas. Kinailangan niyang magtimpi para huwag itong mabulyawan. Tama si Arice. Lalasunin nga ni Guada ang utak nila laban dito at hindi ito nag-aksaya ng panahon.

"Mama, tama na po iyan," saway ni Estrella dito.

"Dapat lang na malaman nila ang totoo," angil ni Guada. "Pamilya na rin natin sila. Sa palagay ko hindi ko naman hindi nila gustong malahian ng prostitute o ng manggagantso."

"Alam ko po ang totoo. Ikinuwento po ni Arice lahat sa akin. After all, wala namang maitatago sa lugar na ito. Alam ko ang tungkol sa magulang niya, kung paano niya kailangang magnakaw noong bata pa para makakain dahil pinapabayaan siya ng mga magulang niya. Bata pa lang kinailangan na niyang matutong mabuhay. Iniwan siya ng magulang niya noong pitong taon siya pero tingnan natin kung nasaan na siya ngayon. Napatunayan natin na iba siya sa mga magulang niya. He is a survivor."

"You are not sure about that..."

"I am sure about it," putol niya sa mga sasabihin ni Guada. "He inspires me. He inspires other people. Nakita ko kung paano siya irespeto ng mga tao. Ibig sabihin malayo siya sa image ng mga magulang niya."

Huminga ng malalim si Guada at pinunasan ang gilid ng labi. "You are a woman with an image to protect. I am sure gusto mo at ng pamilya mo na pumili ka ng lalaki na may magandang family background."

"Arice's father is a priest. Si Padre Leon ang kinikilala niyang tatay. Hindi ba magandang family background iyon? Galing siya sa hirap kaya nang umangat siya sa buhay, ibinalik din niya ang pagtulong niya sa ibang tao. Nagma-manifest lang ang maayos na pagpapalaki sa kanya."

Mas kampante na siya ngayon dahil nailalampaso niya ang mga katwiran nito. Hindi niya hahayaang tapak-tapakan nito si Arice. Siya ang magtatanggol dito at hindi siya natatakot.

"Hija, gusto ko lang namang sabihin na marami pang ibang lalaki diyan na pwede kong ipakilala sa iyo. Galing sa buena familia. You can even trace back their lineage from their Spanish ancestors. Matatagal na silang may mga pangalan sa lipunan."

Umangat ang gilid ng labi niya. "How thoughtful. Pero marami na po akong nakilalang ganyang mga lalaki. Mga lalaking na nakadepende sa pangalan at pera ng pamilya niya. Mas gusto ko po si Arice na galing sa hirap at pinaghirapan ang pera niya. Ayoko kasi sa mga tao na ipinanganak lang na may pera, kung umasta pwede na nilang tapak-tapakan ang ibang tao. Wala silang maipagmamalaki sa akin lalo na't ang alam lang nila gumastos ng pera pero hindi naman nila alam kung paano paghirapan iyon."

Nakadama siya ng tuwa nang makita ang pamumutla ni Doña Guada. Kung sanay itong makipagbatuhan ng putik ay mas sanay siya. Lalo na't alam niya kung anong ipupukol niya.

Isang alanganing ngiti ang ibinigay nito sa kanya. “Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko, hija. Concern lang talaga ako sa iyo. Wala naman akong magagawa kung gusto mo nga siya. I hope you are not offended.”

“None taken,” she said sweetly. Subalit nagtagisan ang mga mata nila. Wala siyang balak na magpatalo dito. Alam niyang sa labang iyon ay siya ang nanalo.

"Kinakabahan ako sa kasal namin ni Ernest," wika ni Estrella. Mukhang iniba nito ang usapan para di na sila magkainitan pa ni Doña Guada.

"Huwag kang mag-alala, anak. Titiyakin ko mismo na matutuloy ang kasal ninyo ni Ernest," paniniyak ni Doña Guada.

At natuon ang usapan sa nalalapit na kasal nina Ernest at Estrella. Nakadama siya ng tagumpay. Alam niyang hindi nasira ni Doña Guada ang imahe ni Arice. Maire-report niya kay Arice na naipaglaban niya ang kanilang “pag-iibigan”.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.