Napansin ni Riva na kabado si Estrella habang magkaharap sila sa sofa. Mukhang alam na niya kung para saan ang usapang iyon pero hinintay na rin niya kung anong sasabihin nito.
“Pasensiya ka na sa nangyari kaninang tanghalian. Hindi naman gusto ni Mama na maging mean kay Arice. Concern lang talaga siya sa iyo.”
“It’s fine. Nagkataon lang na magkaiba kami ng opinyon. Hindi kasi ako tumitingin sa pinanggalingan ng tao. Ang importante sa akin kung anong narating mo at kung paano iyon narating.”
“Boyfriend mo na ba si Arice?”
Gumuhit ang masekretong ngiti sa labi niya. “We are still getting to know each other. So far, we are getting along. Sabihin nating nagkakaintindihan kami.”
Pinagsalikop nito ang mga palad. “Hindi sa nanghihimasok ako pero hindi ka na iba sa akin. May mga girlfriends din kasi si Arice sa Manila.”
“Naging girlfriend,” paglilinaw niya. “Wala siyang girlfriend ngayon.”
“P-Pero kaya hindi nagtatagal ang relasyon niya sa ibang babae dahil in love pa rin siya sa first girlfriend niya.” Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito. “Hanggang ngayon daw mahal pa rin niya ang babaeng iyon. Baka kasi mamaya matulad ka sa ibang girlfriend niya na hiniwalayan niya.”
Hindi rin pala ito makakatiis. Ibig sabihin ay malaki ang impact ng naging paglabas nila ni Arice kanina pati na rin ang pagtatanggol niya dito. Hindi rin ito nag-aksaya ng panahon para i-discourage siya.
Gusto niyang humalakhak ng malakas. Their plan was working. Mabuti namang malaman nito ang pakiramdam kapag may ibang babaeng nagtatanggol kay Arice na dapat ay ito ang gumagawa. Parang sinampal siguro ito.
“Sino ba ang tinutukoy mong babaeng mahal pa rin niya? ‘Yung nang-iwan sa kanya dahil nagpakasal sa ibang lalaki dahil sa utos ng parents ng babae?” Nakangiti siyang umiling. “Alam ko na ang lahat tungkol doon.”
Namutla ito. “Sinabi niya sa iyo?”
“Of course. She’s over that woman a long time ago. Hindi nag-workout ang relasyon niya sa ibang babae dahil hindi lang talaga sila magkasundo. I don’t think that woman has anything to do with it. Bata pa siya noon.”
Yumuko ito. “G-Ganoon ba?”
“Saka hindi ko naman nararamdaman na ginagamit niya akong panakip-butas. Hindi rin ako nai-insecure sa babaeng iyon. Magkaiba naman kasi at alam ko naa-appreciate ako ni Arice kung sino ako.”
Umangat ang ulo nito. “Paano mo nasabing magkaiba kayo?”
“Kasi kapag mahal ko, ipaglalaban ko siya. Mas gugustuhin kong maghirap kasama ang isang taong mahal ko. Kaysa masarap nga ang buhay ko pero hindi ko naman kasama ang taong mahal ko at pareho kaming nasasaktan.”
“K-Kilala mo ba ang babaeng iyon?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko na siya kailangan pang makilala. Hindi naman na siya mahalaga kay Arice. It doesn’t matter.”
Tumikhim ito at napansin niya na naluluha ito. “K-Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo sa akin. Ayoko lang naman masaktan ka. M-Mukha namang masaya kayo ni Arice, hindi ba?”
Tumango lang siya at tumayo. “Thank you.”
Mabigat ang loob niya nang makabalik sa kuwarto niya. Hindi na niya magawang maging masaya. Sana ay totoo na lang ang sinabi niya na wala na itong halaga kay Arice. Kundi nito ipaglalaban si Arice, hindi ito deserving sa pagmamahal ng binata.
Nararamdaman niya ang pamamasa ng mga mata niya nang pumikit siya. Parang ayaw na niyang ibigay kay Estrella si Arice.
PUNONG-PUNO ng mga bisita ang mansion ng mga del Carmen. Nagdatingan ang mga bisita ni Doña Guada para sa kasal nina Ernest at Estrella. Akala niya ay simpleng dinner lang iyon kasama ang ilang malalapit na mga kaibigan. Nagulat siya dahil mga politician at mula sa mundo ng negosyo ang nandoon.
Ayon kay Doña Guada, gusto daw makilala ng mga kaibigan nito ang Kuya Ernest niya at silang pamilya nito. Kaya naman pala biglang dumami ang bisita dahil noon lang nagbalikan ang mga dating kaibigan ng mga del Carmen. Mga taong tumalikod sa mga ito nang panahon na naglaho ang kislap ng mga del Carmen sa alta sociedad ng lalawigan.
She didn't mind mingling with people. Magandang pagkakataon iyon para makakuha ng prospective clients. Sa kasamaang-palad ay ayaw siyang tantanan ng pamangkin ng gobernador na si Alvin Ramirez. Mula sa simula ng party ay hindi na ito umalis sa tabi niya.
"Kilala mo ba si Cookie Chan, 'yung nanalong Supermodel Philippines last year? Girlfriend ko 'yon dati. Hiniwalayan ko lang dahil hindi siya makapag-focus sa akin. Saka ko naman naging girlfriend si Fina Montreal. Siya ngayon ang hine-hail na sexy kontrabida sa afternoon soap opera. Gusto naman niya na magpakasal kami agad. Hassle iyon dahil masyado siyang nagmamadali. Dalawang linggo ko pa lang naman siyang girlfriend," kwento nito tungkol sa mga dati nitong nobya.
"Okay," usal niya at sumimsim ng red wine. The party had some interesting people in attendance. Mga taong makakatulong sa kanya sa negosyo. Unfortunately, she was stuck with Alvin. At hindi ito ang tipo ng tao na may interes sa real estate. Puro babae at parties lang ang alam nito. Ni hindi nga ito active sa negosyo ng pamilya nito sa livestock dahil ang alam lang marahil nito ay sumuweldo nang hindi nagtatrabaho.
"My last girlfriend is Lauren Lee, beauty contest runner up. Iniyakan pa niya ako bago siya nagpakasal sa matandang producer. She said that I'm unforgettable."
"Lucky you. You have models, actresses and beauty queens lining up for you."
"Ano sa palagay mo?"
"Your money must made you charming in their eyes. I can't really blame them."
Humalakhak ito. "And don't forget that I am also good looking. Women find me irresistable."
Grabe! Nagbuhat na ito ng sariling bangko. "Okay. It is granted that you have a pretty face. You are actually prettier than me." Saka siya nagpakawala ng malakas na halakhak.
Hindi niya masabing guwapo ito dahil masyadong soft ang features nito. Masyado itong maputi at may kapayatan pa. Pwede itong pagkamalang bading.
Nakisabay ito sa halakhak niya. "Is that an insult or a compliment?"
Tumaas ang kilay niya. "What do you think?" Hindi naman siguro ito manhid para hindi maramdaman na ayaw niya dito. Ayaw niya sa kayabangan nito at lalong hindi siya interesadonsa kaguwapuhang ipinagmamalaki nito.
"I'll take that as a compliment."
Kung pwede lang utusan ang kidlat na tamaan ito. Grabe talaga sa kahambugan.
"Hindi pa ako nagkaka-girlfriend ng tulad mo. Kaya matutuwa ka kung yayayain kitang mag-date. Bukas na para hindi ka masyadong mainip."
"Date bukas?"
Sino naman ang may sabi na gusto niyang makipag-date dito? Kung magsalita ito ay parang ang pakikipag-date dito ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya. Ha-ha-ha! Parang gusto niyang bigyan ito ng mag-asawang tadyak sa mukha para magising ito sa pangangarap nito.
“Maswerte ka. Ang ibang babae nagmamakaawang i-date ko lang pero ikaw kusa kong inalok.”