“Basta tayo ang magde-date bukas at hindi ka makikipag-date sa Alvin na iyon,” paalala ni Arice kay Riva habang pabalik na sila sa mansion. Nag-enjoy siya sa moonlight dinner nila kaya di niya napansin na alas onse na pala ng hatinggabi.
“Opo. Kaya nga nagpagabi ako ng uwi para tiyakin na hindi ko siya makikita.” Kung pwede nga lang hindi matapos ang oras kapag kasama niya si Arice. Kung pwede lang ay kalimutan niya ang Kuya Ernest niya at si Estrella.
“Mabuti naman. Kasi wala ka nang matatagpuan na katulad ko. Nasa akin na kaya ang lahat hinahanap mo sa lalaki.”
Siniko niya ito. “Oo na. Guwapo ka na, responsible, magaling magpatawa…”
Tumigil ito sa paglalakad at bumulong sa kanya. “And I am a good kisser.”
Her breath hitched when he kissed her slowly as if he wanted to savor her. Tuwing hinahalikan siya ni Arice, sinasabi niya sa sarili na kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. But Arice was a master in the art of kissing. he could easily make her forget about control and she just allowed her to make her feel good. when he was kissing her, she couldn’t hide her feelings for him. Sa ganoong paraan lang niya malayang naipapahayag ang nararamdaman niya. Yumakap siya ng mahigpit sa leeg nito. She wished that she didn’t have to let him go.
“O! Baka maubusan na tayo bukas,” sabi nito nang maghiwalay ang labi nila. “I guess that’s enough for now.”
Isang mapanuksong ngiti ang naglaro sa labi niya. Napansin niya na habol nito ang hiniga nito. “Akala ko ba master ka pagdating sa art of kissing? Huwag mong sabihing sinusukuan mo ang novice na tulad ko?”
“You may be a novice but you make my knees weak.” His thumb grazed her lower lip. “What are you doing to me, Riva?”
Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito. Ito nga ang dapat niyang tanungin dahil hindi rin niya alam kung bakit nawawala siya sa sarili dahil sa halik nito. Kung alam lang nito kung gaano kalaki ang naiba sa pagkatao niya at takbo ng isip niya pati ang nararamdaman niya mula nang makilala niya ito.
“Someone’s watching us,” bulong nito at tumingin sa direksiyon ng pinto ng mansion. Isang babaeng nakahalukipkip ang nakatayo doon at pinapanood sila. “Susunduin kita bukas. Goodnight and thank you.”
“Tomorrow,” aniya at naglakad pabalik ng mansion. Hindi pa rin nawawala sa pinto ng mansion ang babae. Nang ilang metro na lang ay saka niya nakilala na si Estrella ang nakatayo doon. "Party is over?"
"Yes. Hinahanap ka ni Alvin, 'yung anak ng governor. Mukhang gustong-gusto ka niya. Pumayag ka daw makipag-date sa kanya. Susunduin ka daw niya bukas ng umaga."
"Wala akong natatandaang pumayag akong makipag-date sa kanya. May ka-date na ako bukas."
"Si Arice ba ang ka-date mo bukas?" tanong nito sa naalarmang tono. "Magkasama kayo kanina kaya bigla ka na lang nawala sa party?"
"Don't worry. Hindi siya nag-gatecrash sa party ninyo. Dumalaw lang siya dahil naghanda siya ng romantic moonlight picnic para sa akin. I am sorry if I ditched your party. Pakisabi na lang kay Alvin na huwag na niya akong sunduin bukas. I am sure marami siyang mayayayang babae na mas maganda at mas sikat kaysa sa akin. Uhmmm... Magpapahinga na rin ako. Goodnight."
Paakyat na siya ng hagdan nang tawagin nito ang pangalan niya. "Riva!" Nagtataka niya itong nilingon. "Masaya ba si Arice kapag kasama ka?"
Nakangiti siyang tumango. "Yes. Sabi niya panahon na para makatagpo siya ng babaeng magpapasaya sa kanya. I think I will have a wonderful dream tonight. Goodnight, Estrella."
Hindi nakaligtas sa kanya ang sakit sa mga mata nito. Kailangan nitong magdesisyon sa lalong madaling panahon kung ano ang mas mahalaga dito. Hindi ito mahihintay ni Arice habambuhay.
PINAGKAGULUHAN ng mga bata ang ihinandang pagkain ni Riva para sa mga ito. Umaga pa lang kasi ay naroon na ang mga bata para maglinis ng simbahan. They were like little soldiers. Masaya ang mga ito na magtrabaho at walang umaangal. Kahit si Arice ay katulong ng mga ito sa pagtatrabaho. Wala itong arte sa katawan sa paggawa ng simpleng trabaho. Walang mag-aakala na nagmamay-ari ito ng isang construction company. Hindi kasi ito nahihiyang gumawa ng simpleng trabaho.
“Ang sarap naman ng sandwich mo,” anito at niyakap siya mula sa likuran. “Sana lagi mo kaming igawa ng sandwich ng mga bata kapag naglilinis kami dito.”
“Mahal ang sweldo ko kung araw-araw kitang igagawa ng sandwich,” sabi niya at humawak sa braso nitong nakayakap sa kanya. “Baka hindi mo kayanin ang talent fee ko.”
“Marami pong pera si Kuya Arice,” anang batang si Berto na walong taong gulang na. “Kaya po niya kayong bayaran.”
“Kuya, pakasalan mo na lang siya para lagi ka niyang igawa ng sandwich at hindi mo na siya kailangang pakasalan,” suhestiyon ng batang si Raul na sampung taong gulang. “Guwapo naman po kayo at maganda po si Ate Riva. Hindi na po kayo lugi diyan. Matanda na po kayo kaya dapat po magpakasal na kayo.”
“Kasalan na! Kasalan na!” sabay-sabay na tukso ng mga bata.
Idinikit ni Arice ang labi sa tainga niya. “Paano iyan? Pakasalan na daw kita. Kailan mo gustong magpakasal?”
Naniningkit ang mata niya itong nilingon. “Maligo ka na nga. Puro ka kalokohan,” pagtataboy niya dito at kumawala sa yakap nito.
“Nasa pawis ko nga ang gayuma ko,” tatawa-tawa naman nitong sabi. “Pero para hindi na ako masyadong makaakit ng ibang babae mamaya at hindi ka na magselos, maliligo na ako.”
Nakasalubong naman nito si Padre Leon at nakangiting lumapit sa kanya. “Mga bata, malapit na tayong matapos. Maraming salamat sa tulong ninyo.”
“Magmiryenda po tayo,” yaya niya sa butihing pari.
“Salamat,” sabi nito at kumuha ng sandwich. Nilingon nito si Arice na ppasok na ng bahay sa likod ng simbahan. “Hindi pa rin siya nagbabago. Basta umuuwi siya dito, iniiwan niya ang pagiging bigating tao niya sa Maynila. Simple lang siya kapag nandito. Malayo na ang narating niya pero di pa rin niya nakakalimutan ang simbahan.”
“Dito daw po kasi siya lumaki. Ito na po ang bahay niya,” aniya at inabutan ito ng juice. “Dapat lang po na pagmalasakitan niya.
“Alam mo bang scholar niya ang mga batang iyan?” tukoy nito sa mga batang naglilinis ng simbahan. “At simple lang ang gusto niya, ang maging obligasyon ng mga bata na linisin ang simbahan. May kanya-kanya silang toka araw-araw. At kapag umuuwi siya dito, kasama niyang naglilinis ng simbahan ang mga bata. Sa bahay daw niya hindi siya naglilinis. Pero sa simbahan, kahit mag-isa lang siya talagang naglilinis siya.”
“Siguro po obligasyon dapat iyon ng lahat ng taong nagsisimba. Nakakahiya dahil sa sobrang busy ko hindi ko na po naiisip ang mga ganyang bagay. Kundi ko pa kayo nakilala ni Arice, baka hindi ko po na-realize iyon.”