Sunud-sunod ang buntong-hininga ni Riva habang kumakain. Kanina pa masama ang pakiramdam niya na hindi niya maintindihan. Parang hindi siya makahinga. She felt agitated. Hindi rin niya ma-appreciate ang masarap na pagkain na in-order ni Arice para sa kanya.
“May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito at sinalat ang noo niya. “Hindi mo gusto ang pagkain. Hindi ko naitanong kung nagda-diet ka.”
Umiling siya. “Parang kinakabahan lang ako na hindi ko maintindihan.”
“INaalala mo ba na hindi matuloy ang plano natin? O baka madamay ka kapag nalaman nila ang plano natin?” Hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi kita idadamay. I will protect you. I will solely take the blame.”
“Hindi naman tungkol doon…”
Ayaw pa rin niyang matuloy ang kasal ni Estrella kay Ernest pero ayaw niyang ma-involve pa si Arice dito. Hindi siya makahinga tuwing naiisip niya na si Estrella ang makakasama nito. Parang pinipiga ang puso niya. Pakiramdam niya ay isang importanteng bagay ang mawawala sa kanya.
“Kumain ka lang ng kumain. Ayokong magkasakit ka. Kung hindi pa rin maganda ang pakiramdam mo, dadalhin kita sa doktor.”
Heto na naman. Inaalagaan na naman siya nito. Kaya lalo siyang nahihirapan na balewalain ito. Pagdating kay Arice ay nakakaramdam siya ng mga bagay na hindi niya maipaliwanag. Kung may gamot lang sana sa nararamdaman niya.
Pinilit niyang kumain para di ito mag-alala pa sa kanya. Nag-ring ang cellphone nito. “Hello… nandito ako sa Alvar Restaurant kasama si Riva.” Nilingon siya nito. Nagtataka niya itong pinagmasdan at tumigil sa pagkain. “Gusto mong magkita tayo ngayon? I know the place. Sasabihin ko na lang kay Riva na may appointment ako. She will understand. Alam ko naman na importante ang sasabihin mo. Later.”
“Si Estrella ba iyon?”
Tumango ito. “Gusto niyang magkita kami ngayon. Okay lang ba sa iyo.”
“Siyempre naman.” Pilit siyang ngumiti kahit parang dinaganan ng bato ang puso niya. “I-Ito nga ang plano natin, hindi ba? Pumunta ka na agad. Kung pipiliin ni Estrella na sumama sa iyo, huwag mo nang palagpasin ang pagkakataon.”
“Pero masama ang pakiramdam mo. Saka paano kung hindi ako makabalik.”
“That’s silly. Kaya ko ang sarili ko. A-Ako na ang bahala.”
Bumuntong-hininga ito at binayaran ang bill. “Gusto mo ipasundo kita kay Renzie? Nasa kanya ang kotse mo, hindi ba?”
“Ako na ang bahalang tumawag sa kanya. Baka naghihintay na si Estrella.”
“Okay.” Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. “Tawagan mo ako kapag may problema. Okay?”
Tumango siya at pinagmasdan ito habang palayo. Parang may malaking butas na naman sa puso niya. Pakiramdam na naman niya ay hindi siya makahinga. Kung pwede lang ay pakiusapan niya itong bumalik. Na huwag nang makipagkita pa kay Estrella. Kung pwede lang na manatili ito sa tabi niya.
Pero ano namang sasabihin niya? Na mahal siya nito?
Hindi siya pwedeng ma-in love dito. It would only result to heartbreak. At ayaw niyang masaktan. Ayaw niya sa lahat ay maging talunan. Kaya kailangang tigilan niya ang kahibangang ito.
Nakayuko niyang ipinagpatuloy ang pagkain. It was enough to pass time. Para hindi niya maisip pa si Arice. Para kay Estrella si Arice. It was a fact from the start. Mawawala rin itong nararamdaman niya. Mawawala rin.
Naramdaman niya na may nakatayo sa harap niya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Bumalik si Arice. Hindi siya nito natiis.
“Ngayong mag-isa ka na lang, pwede na siguro nating ituloy ang date natin.”
Hindi iyon boses ni Arice. Gulat niyang inangat ang tingin. Parang dumilim ang mundo niya. “Alvin?”
“Boyfriend ako ng babaeng ito kaya huwag kayong makialam.”
Umiling siya at mangiyak-ngiyak na tumingin sa mga pulis. “Hindi po niya ako girlfriend. Pinipilit po niya ako…”
“Manahimik ka!” angil ni Alvin sa kanya.
“Sir, boyfriend po niya mismo ang nag-report ng insidente. May nag-report po sa kanya na ginugulo po ninyo si Miss Riva Olavieja,” anang pulis at inalalayan siya palabas ng sasakyan ni Alvin. Habang si Alvin at ang kasamahan ng mga ito naman ay pinosasan. Subalit nanginginig pa rin siya sa sobrang takot. Paano kung hindi dumating ang mga pulis? Baka kung saan na siya idinala ng mga ito.
“Pakawalan ninyo ako. Pamangkin ako ni Governor Ramirez! Ipapatanggal ko kayo sa trabaho. Hindi ninyo ito pwedeng gawin sa akin,” banta ni Alvin habang pilit na lumalaban habang pinoposasan ito.
“Wala akong pakialam Kahit presidente ka pa ng Pilipinas. Pero hindi ako papayag na saktan mo si Riva. Hindi kita sasantuhin.”
“Arice?” Dumating ito. Hindi lang ito basta nag-report sa mga pulis. Pumunta ito doon para tiyakin na ligtas siya. At base sa pagkakakuyom ng kamao nito ay handa siya nitong ipaglaban kung kinakailangan.
Hinila nito ang kamay niya palapit dito at niyakap siya ng mahigpit. Doon tuluyang bumigay ang lahat ng takot na pinipigilan niya kanina at napaiyak. Naramdaman lang niyang ligtas siya nang maramdaman ang init ng yakap nito.
“It’s okay now. Hindi ka na niya masasaktan. Nandito na ako. May masakit ba sa iyo? Anong ginawa niya sa iyo?”
Hindi niya mapakiramdaman kung saan masakit dahil patuloy pa rin ang panginginig niya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. She had never been this scared.
Lumapit sa kanila ang pulis. “Sir, ide-detain po namin sila sa presinto. May mga nag-volunteer po na magbigay ng statement nila sa nangyari.”
Hinaplos ni Arice ang likod niya. “Thank you, Sir. Magbibigay po kami ng statement. Ipapa-check up ko lang po siya sa doktor. Takot na takot pa rin po siya. Maraming salamat po sa tulong ninyo.”
“Arice, baka kung anong gawin niya sa iyo.”
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Hindi ako natatakot sa kanya. Ang importante ligtas ka. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo.”
MAINGAT ang pag-alalay ni Arice sa pulsuhan niya habang pasakay sila ng kotse. Katatapos lang nilang magbigay ng statement sa pulisya. Tumawag na rin si Arice sa abogado nito para magsampa ng reklamo laban kay Alvin pati na rin sa mga boydguards nito. Nagwawala si Alvin pero wala naman itong magawa dahil mukhang walang balak ang tiyuhin nitong gobernador na tulungan itong makalaya. Ayon sa mga pulis ay marami nang reklamo tungkol dito. Wala lang lakas ng loob ang mga babaeng na-harass nito dahil maimpluwensiya ito.
“Lagi kitang pababantayan. Kung hindi ako ang kasama mo, kailangang may kasama kang ibang tao,” sabi ni Arice. “Hindi lang dahil kay Alvin. Kailangan mong magpahinga dahil baka pagurin mo ang sarili mo. Ma-strain pa ‘tong kamay mo.”
“Okay naman. Hindi masyadong masakit.”
Pinisil nito ang pulsuhan niya at napaigik siya. “Masakit pa.”
Hinampas niya ang braso nito. “Puro ka talaga kalokohan. Paano mo nga pala nalaman ang tungkol kay Alvin?”
“kaibigan ko ang manager ng restaurant. Nang makita niyang nilapitan ka ni Alvin, itinawag agad niya sa akin. Sinubukan kong puntahan ka agad nang malaman ko. Nang pinupwersa ka na niya na sumama sa kanya, saka ako nag-report sa pulis. Mabuti na lang may mga pulis na nagpapatrolya sa area.”
“Takot na takot talaga ako. Ipinipilit kasi niya na wala pa daw babaeng tumanggi sa kanya. Na nagpapakipot lang daw ako.” Huminga siya ng malalim para pakawalan ang tensiyon na namumuo sa dibdib niya. “Mukhang sinusundan niya tayo kanina pa. Kaya nang umalis ka, sinamantala niya ang pagkakataon. Akala ko nga walang tutulong sa akin. Lahat sila takot sa kanya.”
“Kahit na takot sila, may mga willing pa din magmalasakit.” Nahigit niya ang hininga nang may maalala. “Ano nga palang nangyari sa usapan ninyo ni Estrella?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi ako tumuloy. Kailangan ko kasing bumalik para sa iyo,” anito sa kaswal na boses.
"Arice, I'm sorry. Hindi ko naman gusto na ako pa ang maging dahilan para di matuloy ang pag-uusap ninyo."
"Okay lang iyon. Mas importante ka."
"Pero baka iyon na ang huling pagkakataon mo..."
"Riva, hindi ko gugustuhing makasama si Estrella pero ikaw naman ang mapapahamak. May iba pang pagkakataon para magkausap kami. You don't have to feel guilty at all."
"Thank you. Alam ko kung gaano kaimportante si Estrella sa iyo pero inisip mo pa rin ako." That made her feel special. Alam naman niya kung gaano kaimportante si Estrella dito at pagkakataon na nito para makausap ang babaeng mahal nito.
"Hindi ako papayag na may manakit sa iyo. Keep that in mind." Kinintalan nito ng halik ang kamay niya. "Partners."
"Of course. Partners."
Nang mga oras na iyon ay kinalimutan din niya ang tungkol kay Estrella o sa kasal nito sa Kuya Ernest niya. Habang hawak ni Arice ang kamay niya, pakiramdam niya ay sila lang ang mahalaga sa isa't isa. She wished that things would stay that way.