The Amorous Intruder (Filipino) Chapter 28

“Good morning!” bati ni Arice pagdilat pa lang ng mga mata ni Riva.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Good morning,” inaantok pa niyang bati. Magandang panaginip yata ito. Gusto niyang kapag gumising siya sa umaga ay si Arice ang makakamulatan niya. “Anong ginagawa mo sa panaginip ko?”

Humalakhak ito at kinintalan siya ng halik sa noo. “I am not a dream.”

Nahigit niya ang hininga nang maamoy ang men’s cologne nito. naramdaman niya ang init ng katawan nitong lumukob sa kanya. “H-Hindi ako nananaginip? Nandito k-ka talaga sa kuwarto ko? Pinanood mo ako habang natutulog ako?”

Bigla siyang bumalikwas ng bangon. Anong itsura niya? Magulo ang buhok niya tiyak at hindi pa siya naghihilamos o nagmumumog man lang.

Itinulak niya ito palayo. “Diyan ka lang. Huwag kang lalapit.”

“Bakit…” Bumaba siya ng kama at inalalayan siya nito. “Dahan-dahan lang. Baka mapwersa ang kamay mo.”

“Kaya ko na. Saka restroom lang naman ako pupunta.”

“Sasamahan kita,” kaswal nitong sabi at sinamahan siya hanggang pinto ng restroom. “Baka may mga bagay na hindi ka kayang gawin.”

“Okay lang ako. Magtu-toothbrush ako…”

Binuksan nito ang pinto ng restroom at sinamahan siya hanggang sa loob. “Ano ang toothbrush mo?” tanong nito at nilagyan ng tubig ang baso.

“The red one,” sagot niya.

Kinuha nito ang red toothbrush na kasama ng iba pang toothbrush doon at nilagyan ng toothpaste. Saka nito inabot ang toothbrush sa kanya. “Ano pang gagawin mo? Baka may pwede akong kunin para sa iyo.”

“Kaya ko nang mag-toothbrush mag-isa. Thank you. At may iba pa akong gagawin na kailangang ako lang mag-isa ang gumawa,” aniya at binigyan ito ng alanganing ngiti. “Pwede mo akong hintayin sa labas.”

“Okay. Pero tatawagin mo ako kapag may hindi ka kayang gawin,” pahabol pa nito nang palabas ng pinto at ngumiti. “Nandito lang ako sa labas.”

Bumuntong-hininga siya. Bata pa lang siya ay independent na siya. Hindi siya makapaniwala na hinayaan niya si Arice na pagsilbihan siya na parang imbalido siya. Mukhang kanina pa ito sa kuwarto at sadyang naghintay sa kanya para asistehan siya. Wala na ang mga kasama niya sa kuwarto. Ang alam niya ay magiging abala ang mga ito sa pagtulong sa pag-aayos ng gaganapan ng pasayaw mamaya. Sina Renzie at Emarie ang bahala sa decoration.

She was taking a leak when she heard a loud bang at the door. “Riva, okay ka lang ba diyan? Sumagot ka naman! Baka ano nang nangyari sa iyo.”

Mariin siyang pumikit at nagbilang ng sampu bago sumagot. “Arice, hindi ba ako pwedeng mag-CR ng mapayapa? I just want to do the things that I usually do. Kaya ko naman ang sarili ko.”

“There are some things that you can’t do alone,” he said in a teasing voice. “You can’t change dress with just one hand, you can’t shower on your own…”

Tumayo siya at maring pinindot ang flush. Saka niya binuksan ang pinto at sinilip ito. “Seryoso ka? Bakit ko naman hihingin ang tulong mo para doon?”

“Seryoso ako. Wala namang ibang makakatulong sa iyo. Ako lang. Kaya nga ako nandito para tulungan ka sa lahat ng di mo kayang gawin. I think that is my duty as a boyfriend.”

“Boyfriend, kung ganyang klaseng responsibilidad ang gusto mong i-insist, pipikutin kita ng wala sa oras. Kuha mo?”

Idinikit nito ang mukha sa kanya. “Sige nga. pikutin mo ako,” hamon nito.

She was tempted to kiss him. At nate-tempt na rin siyang pikutin ito. Parang gusto niyang magpaalaga na lang dito.

Itinulak niya ang dibdib nito palayo at nilagpasan ito. Pumuna siya sa closet at inilabas ang damit na isusuot niya. “Hindi naman na ganoon kasakit ang kamay ko. Huwag mong sabihing babantayan mo ako hanggang mamaya?”

“Bakit naman hindi? Kung ayaw mo sa akin, ikukuha na lang kita ng yaya.”

Ipinamaywang niya ang isang kamay at hinarap ito. “Hindi ko alam kung concern ka sa akin o nang-iinis ka. Wala akong yaya mula pagkabata.” Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “At wala sa itsura mong maging yaya ko.”

“I still want to take care of you. Mas mabuti nang ako ang mag-assist sa iyo dahil baka hindi ka daw magpatulong sa iba.”

Ipinilig niya ang ulo. “Hindi ako naniniwala na ipagkakatiwala nila ako sa iyo.”

”They are more than willing to let me take care of you. Kahit ang ibang kamag-anak mo hindi nagreklamo na ako ang mag-aalaga sa iyo. They said that it is high time that you let a man take care of you. Gusto mo bang dito mag-breakfast o sa baba? Nagsisimula pa lang silang mag-breakfast.”

Umupo siya sa harap ng salamin. “At tatratuhin mo akong parang bata sa harap nila? Baka mamaya subuan mo pa ako.”

Ngumisi ito. “Iyon mismo ang gagawin ko.” Kinuha nito ang suklay at sinimulan siyang suklayan. “Hindi mo pwedeng pwersahin ang kamay mo.”

“Pero may isang kamay pa naman ako,” protesta niya at pinigilan ang kamay nitong may hawak na suklay. “Kaya ko ring suklayan ang sarili ko, kumaing mag-isa…”

“But I have two hands. Wala rin masakit sa akin. So let me take care of you.” Hinawakan nito ang kamay niya at sinuklayan ang buhok niya. She didn’t expect that Arice’s simple act of combing her hair was relaxing and seductive.

“Baka ma-spoiled ako sa ginagawa mong ito.”

“Kapag hindi umayon ang lahat sa plano natin, pwede akong maging personal slave mo. I can do this and more.”

Nawala ang ngiti niya sa biro nito at sinalubong ang nakangiti nitong mata sa salamin. “Hindi pwedeng di matuloy ang plano natin.” Alam niya kung gaano iyon kaimportante kay Arice. Pinagsisilbihan lang siya nito para pagselosin si Estrella.

“Of course,” sabi nito at itinigil ang pagsusuklay sa kanya. “Kung kailangan mong mag-shower or magpalit ng damit, tutulungan ka ng Mama mo at ni Renzie. And don’t make it hard for them.”

Naalarma siya dahil mukhang nagbago ang isip nito na alagaan siya. “Aalis ka na?”

Hinaplos nito ang buhok niya at pinisil ang balikat niya. “You can’t get rid of me that easily.”

"HIJA, dapat pinipikot na ang ganyang lalaki," bulong sa kay Riva ng Tita Therese niya. Kapatid ito ng mama niya at nanay ni Ernest. Kararating lang niyo galing States kasama ang asawang si Paul. Nagkukwentuhan sila habang nasa labas sila ng simbahan para sa wedding rehearsal. Hindi siya kasama sa entourage pero gusto ni Ernest na naroon sila ni Arice. Para daw mahawaan sila ng wedding fever.

"Hindi kailangang mamikot ng anak ko," kontra naman ng mama niya at saka sinulyapan si Arice na kakwentuhan ang isa sa mga abay na nagkataong business colleague ni Arice. Two thumbs up ang mama niya kay Arice. Hindi siya nito iniwan at laging nakaalalay sa kanya maliban na lang kapag maselan ang kailangan niyang gawin. Natuwa ang mga kamag-anak niya nang makita kung paano siya nito alagaan. No match daw ang katigasan ng ulo niya. Sa isang titig lang ni Arice ay tumitiklop na siya.

"I take that back," anang tita niya saka pinisil ang pisngi niya na nakagawian nito kapag tuwang-tuwa sa kanya noong bata pa siya. "Arice is perfect for you. Natutunaw pagka-ice queen mo. Blooming na blooming ka."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.