The Amorous Intruder (Filipino) Chapter 4

“I appreciate the hospitality. Pero hindi ako basta-basta tumatanggap ng pabor mula sa mga taong hindi ko kilala.” Dumukot siya ng calling card mula sa pouch niya at inabot dito. “Here’s my card. Nasa Villa del Carmen lang ako hanggang Linggo. Pwede nating i-discuss ang tungkol sa mga babayaran ko kung tatawagan mo ako o kung pupunta ka diyan. Thank you and good day.”

Saka siya taas-noong humakbang palayo dito. Nagulat siya nang bigla siyang nitong hatakin pabalik at bumangga siya sa katawan nito. “Anong…” Akmang magagalit siya dito dahil parang sinasamantala siya nito nang biglang may humahagibis na truck na dumaan sa harap niya. Napalunok siya. MUntik na siya doon.

“Mukhang takaw-disgrasya ka, Miss,” bulong nito sa kanya. Nanginginig ang buong katawan niya at habol niya ang paghinga. Hindi niya alam kung dahil sa pangalawang pagkakataon ay muntik na siyang mamatay o dahil sa mainit nitong katawan na sinasandigan niya. He smelled so good. Like a warm sunshine and earth. At may hatid ding kiliti ang boses nito sa kanya. Lalaking-lalaki ito.

Parang gusto niyang tumigil na lang ang sandali ay manatili siya sa ganoong ayos. Isang babaeng mahina na kailangang sumandig sa isang matipunong lalaki.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwede ito. May oras pa siyang mag-daydream. May misyon siya sa pagpunta doon – ang pigilan niya ang kasal ng Kuya Ernest niya sa gold digger na si Estrella. At di isang guwapo at makisig na lalaki lang ang magpapalimot ng misyon niya.

“Mukhang hindi yata safe na mag-drive ka. Mas maganda siguro kung ihatid ko na lang kayo ni Renzie sa gate ng hacienda. Ipasundo mo na lang ang kotse mo.”

Bago pa siya makatutol ay binuhat siya nito at isinakay sa pick up nito. “S-Sandali. Anong ginagawa mo?” tanong niya nang iupo siya nito sa tabi ng driver’s seat.

“I just want to ensure your safety. Baka mamaya mas matindi disgrasya ang abutin ninyo. Stay here. Susunduin ko si Renzie.” Saka nito isinara ang pinto bago pa siya makatutol.

Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. How could he just order her around? Hindi siya basta-basta tumatanggap ng utos maliban sa Kuya Ernest niya. At mukhang sanay si Arice na mag-utos lalo na sa isang babae.

Pipigilan sana niya ito pero nakita niya kung paano manginig ang kamay niya nang bubuksan sana niya ang pinto. Mukhang ngayon lang nagma-manifest ang shock niya sa nangyaring aksidente sa kanya at nang muntik na siyang masagasaan.

Nakita niyang patawid na sina Arice at Renzie bitbit ang mga bag nila. Pinagsalikop niya ang palad. Hindi niya pwedeng i-risk pa ang buhay ng kaibigan niya. Sapat nang muntik na silang mabangga kanina. Saka mukha namang masaya ito na makasama si Arice. Hindi na lang siya kokontra.

“Arice, you are so sweet. Ihahatid mo pa kami sa Villa del Carmen?” malambing nitong sabi nang sumakay sa passenger’s seat. “Baka nakakaabala na kaming masyado sa iyo. Wala ka bang asawang naghihintay sa iyo?”

“I am single. Wala rin akong girlfriend,” sagot ni Arice.

“Single din kami,” sabi ni Renzie. “Actually, okay na okay akong magpaligaw. Itong si Riva ang masyadong choosy. Gusto niya kasing bait, kasing guwapo at kasing talino ng Kuya Ernest niya.”

“Ernest?” tanong ni Arice nang umupo sa driver’s seat. “Ernest David? Hindi ba siya ang pakakasalan ni Estrella del Carmen?”

“Yes. Pinsan ko siya,” sabi niya. “Kilala mo si Estrella?”

Marahan itong tumango at pinihit ang susi ng sasakyan. Umangil ang makina ng pick up nito at umusad sila. “Kilala siya ng buong bayan. Of course, the del Carmens are like royalties here. Estrella is a princess.”

“Close ba kayo ni Estrella?” tanong niya.

“I am just a trash boy. Hindi hinahayaang makalapit ang mga del Carmen sa mga simpleng taong katulad ko,” anitong parang may bahid ng bitterness ang boses.

“Ah! Crush mo siguro siya pero hindi ka niya pinapansin dahil mahirap ka noon,” hula ni Renzie. “Aminin mo na. Huwag ka nang mahiya. Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam.”

“Estrella is nice. Hindi naman siya maere. Ang pamilya lang niya ang ayaw na makihalubilo siya sa mga simpleng tao.” There was fondness in his voice for Estrella. Ugh! Isa na namang lalaking nagayuma nito. “I hope she will have a good marriage this time. She needs a man who will love her and take care of her. At hindi na siya bibigyan pa ng problema.”

“Si Kuya Ernest iyon mismo!” sabi naman ni Renzie.

Ipininid niya ang bibig at hinayaan si Renzie na magtanong kay Arice kung anong trabaho nito at kung saan sa Manila ito nakatira. Habang naisip naman niya ang unang kasal ni Estrella. Ang alam niya ay mahigit isang taon na itong biyuda nang makilala ng Kuya Ernest niya. Wala itong anak pero naiwan naman ng santambak na utang ng asawa nitong sugarol. Pati ang ancestral estate nito na Villa del Carmen ay malapit na ring ilitin ng bangko. Maswerte talaga ito na natagpuan ang pinsan niya.

“Nasabi mo na ba sa pinsan mo na parating na kayo?” untag ni Arice.

Nilingon niya ito. “Ha? Hindi pa.”

“Tawagan mo siya para ipasundo kayo sa gate ng villa.”

Sumingit ang ulo ni Renzie sa pagitan nila ni Arice. “Hindi mo kami ihahatid hanggang sa loob ng villa?”

“I am sorry. Doon nagtatrabaho ang ex-girlfriend ko. Baka magalit ang asawa niya kapag nakita ako,” malungkot na sabi ni Arice. “Pagselosan pa ako.”

“Sabihin mo na lang ako ang girlfriend mo para hindi ka awayin,” suhestiyon ni Renzie at saka humagikgik.

Tinawagan niya si Ernest at narinig niya ang tawanan sa background. “Riva, you should come here. Nasa fishpond kami nila Estrella.”

“Malapit na kami ni Renzie sa Villa del Carmen. Pwede bang kumuha ka ng tao na susundo sa amin sa gate?”

“Really?” anito sa excited na boses. “I am so happy that you are here.” Pinagbantaan kasi niyang di siya pupunta sa kasal nito. It was childish, of course. At hindi rin gumana dito dahil gusto talaga nitong pakasalan si Estrella. “Bakit pala ipapasundo ko pa kayo? Nag-eroplano ba kayo?”

“No. Muntik na kaming maaksidente ni Renzie.”

“Are you okay? Nagpatingin ba kayo sa ospital?” nag-aalalang tanong nito. Umatake na naman ang pagiging protective nito.

Tumawa siya. “Kuya, we are okay. Pero iniwan namin sa tabi ng daan ang kotse at ihinatid kami ng isang tagarito dahil baka wala pa kami sa kondisyon na magmaneho. I am still a bit shaken but not hurt.”

“Good. Uuwi kami para mag-lunch. Ihuhuli kita ng sugpo at ng bangus. I will ask someone to fetch you and the car. Thank you for making me happy, Riva.”

“See you later, Kuya.”

Di nagtagal ay nakita na niya ang arko ng Villa del Carmen. Gawa sa kahoy ang gate at mukhang bagong pintura ang arko bilang paghahanda sa kasal.

Isang lalaki na nakasuot ng long sleeve na kulay dark green at pantalon ang lumapit sa kanila. “Apeng!” bati ni Arice dito. “Mga bisita sa kasal. Pinsan ng kalalakihan. Ikaw na ang bahala sa kanila.”

“Salamat sa paghahatid sa amin ni Renzie at sa tulong din. Just give me a call to inform me about the bills that I have to pay,” paalala niya dito.

“Don’t worry, Riva. Magkikita pa tayo ulit.”

Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit niyang naririnig ang huling sinabi ni Arice kahit nakaalis na ito. It sounded like a promise. Well, kung magkikita silang muli, wala silang pag-uusapan kundi ang tungkol sa mga itik. Hindi siya interesado dito. Wala siyang oras magka-interes sa ibang lalaki hangga’t di niya natitiyak na ligtas ang Kuya Ernest niya sa kuko ni Estrella.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.