“Arice Braganza. Nasa early thirties siya at guwapo. Matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mata at nagnanakaw daw siya ng itlog ng itik noong bata. Siya tumulong sa amin ni Riva kanina. Nasagasaan kasi namin ‘yung itik ni Lolo Taboy at pinagbabayad kami ng sampung libo.”
“Parang nag-genocide ka naman ng itik, anak,” komento ng mama niya. “Hindi ko alam na ganoon kalala ang aksidente ninyo.”
“Ma, sampung itik lang ang nasagasaan ko. Na-shock na lang po ako nang compute-in nila sa amin kasama pati mga itlog at mapipisa pa daw sanang kiti ng itik.” Sinapo niya ang ulo. “Wala pa mandin ATM sa gitna ng bukid. Ipapa-baranggay daw niya kami kung hindi kami magbabayad.”
“Then Arice came to rescue. He is my hero,” kinikilig na sabi ni Renzie at impit na tumili. “Wala daw siyang girlfriend at single siya. Tagasaan ba siya? Parang gusto ko na siyang dalawin at pikutin. Tingin ko may gusto siya sa akin.”
“Halos lahat ng dalaga dito sa nayon gusto siya. Alam ko nga marami rin siyang nakaka-date na magagandang babae sa Maynila. Mukha namang wala siyang balak na mag-asawa.” Hindi niya alam kung bakit may lungkot sa boses ni Estrella habang nagkukwento. Huwag nitong sabihin na isa rin ito sa may interes kay Arice?
“Bakit siya nagnanakaw ng itlog ng itik noong bata pa siya?” tanong niya kay Estrella.
“Mahirap lang ang pamilya niya. Iyon lang ang paraan niya para makakain. Iniwan kasi siya ng mga magulang niya at mag-isa na lang siyang nabuhay. Halos buong nayon na ang nag-alaga sa kanya. Kalaunan inampon siya ng pari namin dito. Pero nagsumikap siya na mag-aral at ngayon successful na siya. Tumutulong din siya sa mga tao dito sa nayon. Nang salantahin kami ng bagyo, tumulong siya sa pagpapagawa ng mga nasirang bahay at nagbigay siya ng tulong para makapagsimula ulit ang mga tao,” kwento ni Estrella.
Bigla siyang naging interesado kay Arice. Pero hindi rin niya maiwasang mapansin na puno ng paghanga si Estrella dito subalit di maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. Paano kung interesado nga ito kay Arice pero di naman pinatulan ng huli? Mayaman na si Arice ngayon. Pwede itong maging target ni Estrella para mabayaran ang utang ng Villa del Carmen.
Nang mawala kay Arice ang usapan ay unti-unti na siyang inantok. Dahan-dahang pumikit ang mata niya habang iginugupo ng pagod. Nakikita ulit niya ang bukid, ang mga itik at ang ngiti ni Arice Braganza.
Biglang dumilat ang mga niya sa halakhakan ng apat. “Ano ba?” asik niya. “Natutulog na nga ako.” Tinakpan niya ng kamay ang mata. “Hinaan naman ninyo ang kwentuhan ninyo.”
“Ang killjoy mo naman!” angal ni Emarie. “Hay naku! Tatandang dalaga ka talaga dahil wala kang interes sa mga boys.”
“Mas interesado akong matulog kaysa sa mga lalaki,” kontra naman niya.
“Gusto mo doon ka na lang matulog sa kuwarto ko?” alok ni Estrella. “Iyon lang kasi ang maayos na kuwarto sa ngayon. Hindi ko pa naihahanda ang ibang kuwarto. Nasa kabilang wing iyon kaya hindi ka maaabala sa ingay namin.”
“Okay lang na doon ako sa kuwarto mo?” di makapaniwala niyang tanong.
“Oo naman. Mas makakapagpahinga ka doon. Alam ko naman na malayo ang ibiniyahe ninyo ni Renzie at hindi ka rin makatulog buong maghapon.” Bumaba si Estrella ng kama. “Halika na. Huwag kang mahiya. We are family, okay? Bahay mo na rin itong bahay ko.”
“Thank you,” usal niya at sumunod ito.
That was welcoming. Pero ayaw niyang masyadong magpadala sa slogan nito. Natural lang na parang bahay na rin niya iyon dahil ang Kuya Ernest naman niya ang magbabayad sa mga pagkakautang nito.
“Gaano na katagal ang bahay na ito?” tanong niya.
“More than a century. Eighteen-seventies itinayo ito. Ni-renovate lang siya ng dalawang beses noong nineteen-thirties at nineteen-sixteen. Gusto ko nga ipa-restore bago kami magpakasal pero sabi ng Kuya Ernest mo pagkatapos na ng kasal. Excited na talaga siyang magpakasal kami.”
“So this is a historical landmark?” tanong niya at hinaplos ang wooden walls na nadadaanan nila. May mga lumang paintings doon. Ang alam niya na dati nakaprenda din ang mga iyon sa bangko at kasama sa tutubusin ni Ernest.
“Simple lang naman ang pangarap ko. I want Villa del Carmen back to it’s glory. Gusto kong ipamana ito sa magiging anak namin ni Ernest.” Binuksan nito ang pinto sa dulo. May single four-poster bed sa gitna ng silid. pakiramdam niya ay nasa silid siya ni Maria Clara. Lahat ng naroon ay solo pictures nito. Mukhang wala nang bahid pa doon ang namayapa nitong asawa. “May restroom akong sarili. Nag-install si Ernest ng intercom dito. Kung gusto mong tawagan ang kuwarto nila Tita Mildred, pindutin mo ang five. Three naman ang maid’s quarters.”
“Thank you,” sabi niya.
Napansin niya na bukas ang balkonahe at bilog na bilog ang buwan. Nakatapat iyon sa salamin ng lumang aparador. It was weird. “It is a tradition. Para daw swertehin ang bride at lalong ma-shower ng pagmamahalan ang pagsasama ng ikakasal, dapat daw hayaang nakabukas ang bintana bintana at nakatapat sa salamin. Kung hindi ka komportable, pwede mong isara.”
“It’s okay. Mas gusto kong nakabukas para malamig ang hangin. I could use some fresh air. Di kasi iyan uso sa Manila.” Umupo siya sa kama. “Paano kapag kasal na kayo ni Kuya? Sa Manila ang buhay niya.”
“Sabi niya willing siyang ipagkatiwala sa iyo ang ibang parte ng negosyo niya. Malaki ang tiwala niya sa iyo. Pero pwede naman ako sa Manila. Kahit saan basta magkasama kaming dalawa,” sabi nito. “Gusto ko lang naman pagsilbihan siya.”
“I am glad. Iyan lang naman ang gusto kong malaman.”
“Uhmmm… ikaw ba ang humihingi ng address ni Arice? Ayaw kasi niya ng may babaeng naghahabol sa kanya. Gusto niyang siya ang manligaw.”
Tumikwas ang kilay niya. Mukha ba siyang naghahabol kay Arice? “Actually, it is Renzie. Interesado lang ako sa address niya para mabayaran ko ‘yung mga itik. Siya kasi ang bibili para kay Lolo Taboy.”
Tumawa ito at parang nakahinga ng maluwag. “A-Akala ko gusto mo siya.”
“Anyway, kung sakaling magustuhan ko man o ni Renzie si Arice, wala naman sigurong problema. Dalaga naman kami. And we are of age.”
“Ayoko lang masaktan kayo. Bilang hostess ninyo, obligasyon ko pa rin na paalalahanan kayo. Marami na ring umiyak na babae sa kanya. Sige. Matulog ka na.”
Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman kapag pinag-uusapan si Arice. Weird. Hindi ito maalis sa isipan niya. Pilit niya itong ikinokonekta kay Estrella. Pero hangga’t wala siyang solid na ebidensiya ay hanggang puro hinala lang siya.
Or maybe it was just Arice himself. He looked friendly a while ago. Pero kung interesado ito sa kanila ni Renzie, dapat ay dinalaw sila nito. It doesn’t matter. Mga itik lang naman niya ang interes dito.
Bago siya pumikit ay parang narinig pa niya ang huling sinabi nito bago sila maghiwalay. Magkikita pa tayo ulit.
That sounded like a lover’s promise.