SKYE'S POV
" Skye! " Tawag sa akin ni Abby. Papasok sila sa loob ng bahay kasama si Ayana. Nandito kasi kami ni Alex sa entertainment room. Parang theater room narin kasi may malaking screen dito na kapag gusto kong manood ng movie dito ako pumapasok. Pwede rin mag karaoke dito kung trip ko or trip namin mag videoke.
" Oh, nandiyan na pala kayong dalawa. We've been waiting for both of you quite a while now. " Pahayag ko sa kanila. Sa aming tatlo ako ang ayaw na pinaghihintay buti nga nandito si Alex medyo hindi ko napansin na late na silang dalawa ng mahigit isang oras na.
" Traffic kaya no?! Pagalitan mo si Ayana ang bagal niya eh. " Reklamo ni Abby sabay upo sa lazyboy na katabi ng inuupuan ko. " Who is she? " Turo niya kay Alex na nakayuko lang at tahimik na nakikinig sa amin.
" Girls, this is Alexandra Rafols my new found friend. Alex, this is Abbyruth Montana and Arianna Lopez my childhood friends. " Ngumiti lang ng matipid si Alex sa dalawa. Medyo nag aalangan pa siya sa ngiti niya at napansin naman yun ni Abby.
" Hey, wag kang kabahan or mahihiya sa amin. Ang kaibigan ni Skye kaibigan narin namin. " Sambit ni Abby.
" Yeah, mababait kami kahit hindi naman halata. " Sabay nun ang pag halakhak ni Ayana. Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Alex dahil sa ginawang pag tawa ni Ayana.
" Okay girls, where are we heading now? " Tanong ni Abby habang busy sa pag pindot sa phone niya.
" Can we just stay here nalang? I don't feel like going out today. " Totoo namang wala ako sa mood na lumabas ngayon. Ewan ko ba, parang nakakatamad lang umalis today. Sinapo naman ni Abby ang noo ko na ikinataka ko naman.
" You're not sick right?! Oh my gosh, end of the world na ba? " Biglang bulalas ni Abby kaya hinampas ko naman siya.
" Baka end of the world mo na Abby kapag di ka tumigil diyan. " Sabay irap ko sa kanya. Bigla namang bumukas ang pinto ng theater room at iniluwa nun si Stephen.
" Hi girls, can i join you? " Ang lapad ng ngiti ni Stephen sa amin. Sila Ayana at Abby naman lumaki ang mga mata dahil sa gulat pagkakita kay Stephen. May crush kasi ang dalawa kay Stephen na ikinatutuwa naman ng pinsan ko.
" Since when did you arrived? We're not informed na dumating kana pala. " Tumayo si Abby at Ayana sabay yakap kay Stephen. At tuwang tuwa naman ang pinsan ko sa dalawa.
" Oh tama na yan, tsansing na kayo kay Stephen. " Sabi ko at bigla kong nilingon si Alex na kanina pa tahimik at nakayuko lang. " Alex, are you okay? Kanina ka pa tahimik e. " Umangat naman ang ulo niya at napangiti sa akin.
" H-ha? O-okay lang ako. Hindi lang ako sanay sa ganito. " Ngumiti siya ng matipid at halatang naiilang siya sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Stephen.
" Stephen, can you leave us alone? Girls bonding to no?! " Sita ko sa pinsan ko. Nagkibit balikat lang siya at biglang tumayo.
" Fine! I'll go out now. Bye girls, ayaw ng pinsan ko na nandito ako e. " Kinindatan niya sila Ayana at Abby at yung dalawang yun naman kinilig sa simpleng kindat ni Stephen. I just rolled my eyes sa lantarang kilig ng dalawa. Kung hindi ko lang sila kaibigan kanina ko pa sila sinita. Pagkalabas ni Stephen we decided to watch movie. After watching 2 movies we ate our late lunch and then headed back to the theater room again. This time we decided na mag videoke naman since bored na kami sa panonood ng movie. Each of us need to sing so i let Abby sing first since she was very eager to sing. Maganda naman ang boses ni Abby kaya hindi naman siya nahihiya na kumanta. After Abby finished the song she passed the microphone to Ayana. Its her turn now but then she handed the microphone to Alex. Alex on the other hand is quite hesitant to sing coz she's a bit shy and this is the first time she will sing with people around her.
" Alex, wag ka ng mahiya sa amin. Kami lang naman makakarinig ng boses mo e. " Pangungulit ni Abby kay Alex.
" Oo nga Alex, hindi rin naman kami magaling kumanta. Maliban nalang kay Skye na magaling talaga kumanta. " Dugtong naman ni Ayana. Huminga ng malalim si Alex saka kinuha ang microphone at tinype na ang number ng kanta na gusto niyang kantahin.
(See the video: Everything has change by Taylor Swift)
We were so amazed when she started to sing. It was a nice song and she sung it very well. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang kumanta. Nung matapos na siyang kumanta biglang may pumalakpak at napalingon ako sa direksyon ng pumalakpak. Nakita ko si Stephen nakatayo sa tabi ng pinto at nakangiti ng sobrang lapad.
" Wow! That was amazing! I didnt know you sing. " Komento ni Stephen. Kelan pa kaya siya diyan? Pero tama siya na magaling ngang kumanta si Alex at kahit ako hindi ko alam na may talent pala siya.
" Thank you sa compliment. " Nakayukong sabi ni Alex. Kahit kelan talaga napaka mahiyain ng babaeng 'to. Kelan kaya 'to magkakaroon ng self confidence at magkaroon ng guts to step up?
" Ang galing mo Alex, may talent ka pala sa pagkanta? Ngayon may aagaw na sa trono ko sa pag kanta. " Biro ko sa kanya at bigla naman siyang nag blush dahil sa sinabi ko. Napangiti nalang ako sa naging reaction niya.
" Skye, aalis na kami ni Ayana may pupuntahan pa kasi kami ng family ko. Iddrop ko lang si Ayana sa kanila at derecho uwi narin ako. " Sabi ni Abby at biglang tumunog ang phone niya. " Geez! My mom is telling me to go home now. So paano, see you on monday Skye?! " Sabay nun nakipag beso beso na siya sa akin at kay Alex.
" Uhmm.. Skye, uuwi narin ako hapon narin kasi e. " Nag paalam narin si Alex sa akin dahil whole day narin siyang nandito sa bahay.
" Wait, ipapahatid na kita sa driver namin. " Lumabas na ako at hinanap ang driver namin but unfortunately umalis sila ng maid namin dahil namalengke at hindi pa nakakauwi. " Stephen, pwede mo bang ihatid si Alex sa kanila? Di ka naman busy diba?! " Nagkibit balikat lang si Stephen meaning okay lang sa kanya na ihatid si Alex.
" Alex, si Stephen na lang maghahatid sayo sa bahay niyo. Okay lang ba? Wala pa kasi ang driver namin e. " Pag karinig ni Alex ng pangalan ni Stephen agad siyang umiling sa akin.
" Skye, no need na. Magtataxi nalang ako pauwi. Ayoko ng abalahin pa si Stephen. " Tanggi ni Alex sa suhestiyon ko. I'm not sure pero tingin ko may ibang reason kung bakit ayaw niyang magpahatid kay Stephen.
" Sure ka? Pero walang taxi na pumapasok dito at kung meron man bihira lang talaga. " Halatang nahihiya si Alex kay Stephen. Kunsabagay nakakapanibago naman kasi sa kanya na may maghahatid sa kanya na bagong kakilala at worst lalake pa.
" I will bring you home Alexa and i dont take no for an answer. " Biglang singit ni Stephen sa usapan namin. Magaling din mag manipulate itong pinsan ko. Right timing lagi.
" Pero.. " Tatanggi pa sana si Alex pero hinila na siya ni Stephen sa garahe. Natawa nalang ako sa ginawa ng pinsan ko.
" Stephen, drive safely okay? " Pahabol ko pa kay Stephen at kumaway nalang ako kay Alex.
" Yes boss. " Sumaludo pa siya bago sumakay ng kotse. Kahit papano maaasahan ko din ang pinsan ko.
****
Pinarada ko ang lamborghini ko sa spot nito. Tuwing lumalabas ako sa kotse ko napapataas talaga ang mga kilay ng mga inggeterang mga tao dito. Hindi ko din naman sila masisisi, ako lang naman kasi ang nag iisang 'nerd' na maganda ang kotse. I'm different among all nerds. Naglakad na ako papunta sa room ko at habang nasa hallway ako may tumawag ng pangalan ko ngunit hindi ko ito nilingon. Nagulat nalang ako nung nag salita si Zach sa tabi ko.
" Sabay na tayong pumasok sa klase natin. " Ang lapad ng ngiti niya na kahit sinong babae magkakagusto sa mga ngiting yun. But not me.
" I know my way to our classroom. You don't need to accompany me. " Pagkasabi ko nun nauna na akong lumakad sa kanya. Pero sadya yatang makulit ang isang 'to. Hinabol parin niya ako at sumabay sa paglakad ko.
" Ang sungit naman, meron ka no? " Biro niya sa akin na ikinainis ko naman. Di ko siya inimik at nagmamadali akong lumakad para makalayo na sa kanya. " Hey, wait up. Gusto ko lang naman na makipag kaibigan sayo. " Hinarap ko siya at tinaasan ko ng kilay.
" Tinanong mo ba ako kung gusto ko rin makipag kaibigan sayo? " Ngumiti siya sa akin.
" Gusto mo rin ba akong maging kaibigan? " Tanong niya at napa facepalm nalang ako sa tanong niya. May mas engot pa ba sa lalakeng 'to?
" Hindi! Marami na akong kaibigan at hindi ko na kailangan ng isa pa. " Agad naman siyang nagpalinga-linga sa paligid.
" Wala naman akong nakikitang mga kaibigan mo. Yung isang babae lang na kasama mo nung last week ang nakikita kong lagi mong kasama. " Sambit niya. Bago pa ako makahakbang palayo sa kanya hinawakan niya ako sa wrist ko at napadako dun ang tingin ko.
" Get off your hand on my wrist. " I demanded. Binitawan naman niya ang wrist ko at umalis na ako dun. Mukhang sumuko narin siya dahil hindi narin siya sumunod sa akin.
" Hindi porque gustong makipag kaibigan sayo ni Zach ay ipapahiya mo na siya sa maraming tao. Ang kapal din ng mukha mong nerd ka. " Nakapameywang na sabi ni Sandrea. Narinig ba niya ang usapan namin ni Zach?!
" Didn't your parents taught you not to eavesdrop? And about Zach, kung gusto mo ikaw na lang ang makipag kaibigan sa kanya since gusto mo naman yata siya. " Pagkatapos kung sabihin yun umalis na ako dun. Sayang lang ang oras ko sa walang kwentang tao.
" Speaking of manners, ikaw hindi karin ba tinuruan ng parents mo na wag talikuran ang kausap mo? " She smirk like as if she beat me.
" Tinuruan ofcourse, pero tinuruan din kasi ako na wag sayangin ang oras lalo na sa walang kwentang bagay or tao. Now, if you'll excuse me. My time is precious and i don't like wasting it to a nonsense person like you. " With that, i walked away and bumped her on her shoulder. Sumigaw siya pero hindi ko na siya nilingon pa. Nakakahiya lang kasi.
Break time nung magkita kami ulit ni Alex. Nasa labas siya ng room ko at hinihintay talaga ako. Agad naman siyang ngumiti nung makita na niya akong palabas ng room.
" Why are you here? " Tanong ko sakanya.
" Hinihintay kasi kita. Lets go? " Aya niya sa akin. Mukhang masaya siya kasi obvious sa mukha niya.
" Ang saya natin ah? " Nakangiti kong sabi sa kanya. Nag blush naman siya nung pinuna ko yung masayang aura niya.
" W-wala naman kasi akong dapat na ikalungkot no?! Life is beautiful to be sad. " Sabi niya at nanibago ako dun.
" Well, sana marealize mo rin na Life is too short. You need to step out from your comfort zone to discover new things and explore the world outside of your shell. " Pahayag ko at hindi siya umimik. Hindi ko alam kung anu ang iniisip niya at this moment. But i respect her if she choose to stay on her comfort zone.
" I'm hungry na. Tara na nga sa cafeteria. " Sabi niya at nauna ng lumakad. Pumila na kami para bumili ng food namin. After namin bumili nag hanap na kami ng mauupuan namin pero dahil maraming estudyante kaya halos occupied na ang mga tables dun. Wala kaming choice kundi ang tumayo sa gilid at doon kumain. Nasanay narin kasi ako sa ganitong sistema tuwing breaktime.
" Francesca, here may bakante pa dito. " Lumingon ako sa tumawag sa akin para mapataas lang ng kilay. Hindi pa nakuntento si Zach sa pagtawag sa akin at talagang lumapit pa siya sa kinaroroonan namin. Ang kulit din ng lahi ng lalakeng 'to.
" Hali kayo dun kayo sa table namin may bakante pang dalawa. ' Nakangiti siya na as if close na kami. Nilingon ko si Alex at halata sa mukha niya na nahihiya siya kasi naka tungo lang siya.
" Thanks, but no! Baka hindi lang sabunot ang matikman ko kapag sa table niyo kami uupo. " Sabi ko sabay aya kay Alex para lisanin na ang cafeteria. Habang naglalakad kami halos lahat ng mga mata nasa amin nakatingin. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa kami bumulagta sa lupa.
Papunta kami sa library nung makasalubong namin si Stephen. Anong ginagawa ng mokong na yan dito? Nilapitan niya ako at buti nalang nasabi ko sa kanya na nagpapanggap akong nerd sa school.
" France, its good to see you here. Kanina pa kita hinahanap e. " Sabi niya pero ang tingin niya na kay Alex. Nagtataka naman ako dahil biglang nanahimik si Alex at tila parang di siya mapalagay sa presence ni Stephen. Bakit kaya? May nangyari ba nung inihatid siya ni Stephen last week?
" What are you doing here Stephen? Don't tell me na binibisita mo ako dito coz I'm not gonna buy that excuse. " Hindi siya pupunta sa school ko kung wala siyang binabalak. I knew him and he wont waste his time going somewhere without a valid reason.
" Nag enroll ako dito and I will attend my classes today. Anong section mo cousin? " Ano kaya ang nakain nito at all of a sudden nag enroll siya dito? Wala naman akong pakialam as long na hindi niya ako bibigyan ng sakit ng ulo. Tiningnan ko ang schedule niya only to find out na mag kaklase sila ni Alex.
" Si Alex ang classmate mo. " Humarap ako kay Alex na tahimik parin hanggang ngayon. " Alex, isabay mo na ang mokong na yan sa classroom niyo. Bantayan mo yan ha? Baka lalandi lang yan dito e. " Dugtong ko pa at napailing nalang si Stephen sa sinabi ko kay Alex. Nauna na akong umalis dahil malayo pa ang classroom ko at malapit narin mag bell. Tamang-tama naman na nakarating ako sa room namin saka naman tumunog ang bell. As usual wala pa ang prof namin kaya ang mga classmates ko parang mga palaka na sobrang ingay. Nakakarindi lang talaga. Tumahimik lang sila nung pumasok ang prof namin. Buong klase akong bored at hinihintay ang pag bell para makauwi na ako. Di sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Zach. Ang amo ng mukha niya at hindi maikakailang gwapo talaga siya. First time kong maapreciate ang gwapong mukha ng isang lalake at yun ay si Zach. Ewan ko kung naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang lumingon sa gawi ko at ngumiti. The sweetest smile i've ever saw at hindi ko inaasahan ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa simpleng pag ngiti niya lang sa akin. Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at nag kunwaring nagsusulat sa notebook ko. Huli ko ng marealized na wala pala akong notebook at ballpen na hawak kaya napatingin ako ulit sa direksyon niya at ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Parang sinisilaban ang pisngi ko sa sobrang hiya. God! First time kong mapahiya at kay Zach pa. Napamura ako sa isip ko ng paulit-ulit dahil sa nangyari. Hindi tama 'to. This is not happening to me. Nakakapanibago ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Bakit kaya?