The Goddess Nerd Chapter 20

School break namin kaya binisita ako ni Zach sa bahay. Kaharap niya ngayon ang parents ko at halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Sino ba naman ang hindi kabahan kung kaharap mo ang parents ng jowa mo?

" Magandang araw po sir and maam. I'm Zachary Collins po. Dinadalaw ko lang po ang anak niyo. " Magalang na bati ni Zach. Nakatingin lang ng deretso si Daddy at kinikilatis siya mula ulo hanggang paa. Natatawa ako pero pinigilan ko kasi ang seryoso ng mukha ni Daddy at ni Mommy.

" Magandang araw din. Tatapatin na kita binata, sa totoo lang ayoko pa sanang makipag relasyon ang anak ko. Ayoko na masira ang pag-aaral niya dahil lang sa pakikipag relasyon at lalong lalo na ayoko na masaktan ang anak ko. Maipapangako mo ba sa akin na magtatapos kayo ng pag aaral niyo? " Straight to the point na tanong ni Daddy. Si Mommy nakikinig lang at ako naman nasa tabi lang ni Zach nag hihintay sa sasabihin niya.

" Promise po sir, magtatapos po kami ni Skye ng pag-aaral namin. It is part of our priorities po. Don't worry, hurting your daughter is not on my list. Poprotektahan ko po siya kahit maging kapalit man nito ang buhay ko, sir. " Kung kanina seryoso ang mukha ni Daddy pero ngayon nakangiti na siya kay Zach.

" Glad to hear that young man. " Tinapik  siya ni Daddy sa balikat at pumunta sila sa dining room. Hinila ko naman si Zach papunta sa garden namin malapit sa pool.

" Kinabahan ako dun ah. Grabe, ang seryoso ng mukha ng Daddy mo. Akala ko talaga hindi niya ako matatanggap. " Huminga siya ng malalim at pinunasan niya yung pawis sa noo niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

" Ganun talaga si Daddy, over protective yun pag dating sa akin. Halika, upo tayo. "  Hawak niya ang kamay ko at naka intertwine yun sa kamay niya. Hindi ko first time makipag holding hands pero yung pakiramdam ko parang first time ko.

Tinitigan niya ako at ako naman hindi mapakali. Hindi ko matagalan ang pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko matutunaw na ako kaya nag bawi ako ng tingin. Tahimik lang kami pareho at pinapakiramdaman ang isa't isa.

" Sa totoo lang Skye, ngayon lang ako kinabahan ng todo. Pero kahit kina-kabahan ako sa Daddy mo kanina, nagpakatatag ako doon. Iniisip kasi kita. Inisip ko na lang na kailangan ko na makuha ang loob ng parents mo. Kasi ayoko na mag hiwalay tayo. " Nabigla ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman iniexpect na ganito na pala kalalim ang nararamdaman niya para sa akin.

" Y-yung sinabi mo kanina, totoo ba yun? " Mahal ko rin naman si Zach kaya masaya ako na tanggap siya ng parents ko. Mas lalo akong humanga sa kanya dahil hinarap niya ang parents ko. Yung ex ko kasi never niyang nakaharap ang parents ko. Hindi ko naman kasi siya pinakilala noon.

" Lahat ng mga sinabi ko kanina sa harap ng Daddy mo ay totoo. Walang bahid ng kasinungalingan yun. I will do anything for you, Skye. Even if it will cause my life. Mahal na mahal kita. " Nag uumapaw sa saya ang puso ko. Ang baduy nito pero willing akong magpaka baduy sa ngalan ng pag-ibig.

" Proposal ba ito? Masyado tayong seryoso. Mahal din kita, Collins. " Hahalikan niya sana ako pero biglang may tumikhim sa likuran namin. Pag lingon ko nandun pala si Mommy at Daddy. Bigla naman kaming nag hiwalay ni Zach ng upuan. Natawa na lang ako sa nangyari.

Buong araw kaming nasa bahay lang ni Zach, nanood kami ng movie, nag foodtrip at kwentohan. Para nga kaming magkatropa lang kasi nawala ang awkward moment namin sa isa't isa. Palagay na ang loob ko sa kanya at ganun din siya sa akin.

Ihahatid ko na siya sa labas nung makasalubong namin si Stephen na papasok naman sa bahay. Tinanguan niya lang kami at dumiretso na  siya sa loob ng bahay.

" Pasensiya kana ky Stephen, ganun lang yun pero mabait yun. " Alam ko na ramdam ni Zach na ayaw sa kanya ni Stephen kaya ako na mismo ang humingi ng pasensiya.

" Okay lang yun babe, naiintindihan ko ang pinsan mo. Kahit ako siguro ganun din ako sa pinsan ko na babae. " Pinisil niya ang tungki ng ilong ko sabay halik sa noo ko. Ang sweet talaga ni Collins. Napangiti ako sa ginawa niyang iyon sa akin. Alam ko na mahal ko na siya at mahihirapan na akong umahon sa kumunoy ng pag-ibig.

" Umuwi ka na nga, pati mga langgam dito hiyang hiya na sa atin sa sobrang sweet mo. " Tumawa lang siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinitigan ako sa mata. Hindi ko matagalan na tumingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko nang-hihina ako. What the hell!

" Miss Salvatore, bakit di ka makatingin sa akin ng deretso? Patay na patay kana sa akin, no? " At tinaas baba niya yung kilay niya. Tinampal ko siya sa pisngi pero mahina lang naman. Ang kapal eh.

" Matutuwa na sana ako pero biglang lumakas ang hangin eh. Kapal ng mukha ha. " Tinulak ko na siya papasok sa kotse niya. Tinalikuran ko na siya pero bigla niya akong tinawag.

" Babe.. " Sigaw niya. Napakunot naman ang noo ko kasi kung makasigaw akala mo nasa kabilang bundok ako.

" What? Why are you shouting? " Lumabas siya sa kotse niya at lumapit sa akin sabay halik sa labi ko. Nabigla ako sa ginawa niya, naramdaman ko ang pag gapang ng kuryente sa katawan ko.

Mabilis lang yung ginawa niyang pag halik pero para akong nalunod sa halik na yun. Bigla akong nauhaw na hindi ko maintindihan. Kalokang Collins, siya lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa akin.

" I love you, babe! " Pag katapos niyang sabihin yun sumakay na siya ng kotse niya at pinaharurot na ito. Naiwan akong parang tanga sa labas ng bahay namin. Nung natauhan na ako, saka pa lang ako pumasok sa loob.

Nadatnan ko si Stephen na prenteng nakaupo sa couch. Hindi niya na pansin ang pag pasok ko dahil ang lalim ng iniisip ng mokong. Nilapitan ko siya at umupo sa  gilid niya.

" Something wrong, cous? " Tanong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim.

" Ang lalim nun, ah. May problema ka, Stephen? " Pag ganito na tahimik lang si Stephen, alam ko na may pinag dadaanan ang mokong na to. Hindi naman kasi siya ganito, this is not him. Ibang-iba na siya simula nung makilala niya si Alex.

" Kung kailan seryoso na ako, saka naman ako hindi mapaniwalaan. " Bulong niya sa sarili niya pero rinig na rinig ko naman.

" Karma mo na yan, Stephen. Playboy ka kasi kaya nakahanap ka din ng katapat mo. " Hindi naman siya umimik sa sinabi ko. I hug him to comfort him. Ewan ko lang kung effective to sa kanya.

" Ikaw, mahal mo na ba talaga yang Collins na yan? " Pag iiba niya ng topic. Moment niya to, bakit sa akin napunta ang tanong?

" Oo, mahal ko na siya to the point na ayaw ko na siyang mawala sa akin. " Nahihiya akong umamin kay Stephen kahit super close kami nito, may mga bagay na hindi ko masabi sa kanya. Kasi di ko alam kung maintindihan niya ako or baka hindi. Kaya very rare yung ganitong moment namin ni Stephen kasi kadalasan nag bibiruan lang kami at nag kukulitan. Never kaming nagkaroon ng ganitong seryosong usapan.

" Kung mahal mo na siya, sige susubukan ko na maging maayos ang pakitungo ko sa kanya. As long na happy ka. Pero oras na sasaktan ka niya, putang ina ako mismo ang babasag ng mukha niya. " Na touch naman ako sa sinabi ni Stephen. Pero alam ko siya ang may problema dito hindi ako.

" Now, its your turn to open up. Care to tell me what happened? " Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam sa kanya na I'm willing to listen.

" I think, I'm falling for her. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. " Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Himala! Si Stephen, naturingan na chickboy pero hindi alam kung anong gagawin niya?

" Stephen, chickboy ka sa France, kung sino-sinong babae ang nilalandi mo. Tapos pag dating ky Alex, hindi mo alam ang gagawin mo? Fuck you! " Ganito talaga kaming dalawa kung mag usap. Hindi kasi ako sanay na nag dadrama si Stephen. I know him so well. Hindi siya ma dramang tao, ayaw niya ng ganitong moment yung parang emotero.

" What  the hell! My problema na nga ako, minumura mo pa ako. Wala ka talagang kwentang kausap kung minsan. " Reklamo niya sa akin.

" Heto, seryoso na to. " Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala na bibigyan ko siya ng seryosong advice.

" Steph, kung mahal mo talaga siya, show it to her. Mag effort kang ligawan siya, ipakita mo na willing ka na magbago para sa kanya. Kasi kaming mga babae, hindi kami mapapaniwala ng salita lang, maniniwala lang kami through actions. Please lang, kung liligawan mo na siya, make sure na hindi ka na lalandi sa ibang babae. Kasi kapag lumandi ka pa rin kahit nanliligaw kana sa kanya, ekis na yun para sa amin. " Tumayo na ako at nag lakad na para pumunta sa room ko. Iniwan ko na si Stephen sa sala para mapag isipan niyang mabuti yung mga sinabi ko sa kanya. Mahirap din kasi mag advice lalo pa at pareho silang mahalaga sa akin. Ayoko na dumating ang araw na may masaktan isa man sa kanila. Pero matatanda na sila, kaya na nila sarili nila.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.