The Goddess Nerd Chapter 21

Magkasama kaming pumunta ng school ni Zach. Gusto niya kasi na sinusundo ako sa bahay para sabay na daw kami papasok. Kahit mahirap yun sa part niya kasi out of the way yung bahay namin. Pero ginusto niya yan eh, nagpapaimpress yata sa parents ko.

Pag dating namin sa school nauna akong bumaba at halos lahat ng mga estudyante sa akin nakatingin.

" Babe, let's go. " Niyaya na ako ni Zach. Kinuha niya ang kamay ko at inintertwine yun sa kamay niya. Nag bubulungan naman ang mga estudyante na madadaanan namin. Pero wala akong pakialam, masanay na kayo na ako ang kasama ni Zach lagi.

" Babe, alam mo yung mga estudyanteng my hidden desire sayo, parang gusto na nila akong sabunutan. Kung nakakamatay lang siguro ang pag titig, baka bumulagta na ako sa sahig. "  He chuckled. Hinalikan niya yung kamay ko na naka intertwine sa kamay niya. Nag blush naman ako kasi hindi naman ako sanay sa PDA.

" PDA na yun, Collins. " Binawi ko naman kamay ko sa kanya pero ayaw niyang bitawan bagkus mas hinawakan niya pa ito ng mahigpit. Kinikilig ako pero ayaw ko na mahalata niya baka lumapad na naman ang tenga nito. Kainis!

" So what? Girlfriend naman kita and I don't fucking care if they're looking at us. " Taas noo siyang nag lakad na parang proud na proud siya dahil ako ang kasama niya. Aba, dapat lang no? Sa ganda kong to, ikakahiya niya lang? Fuck him.

" Bitawan mo na ang kamay ko, nandito na tayo sa harap ng room natin. " At hinila ko na ang kamay ko. Hinalikan niya ako sa noo at lahat ng mga tao sa room namin napasinghap dahil sa ginawa ni Zach.

Pumunta na ako sa upuan ko at si Zach naman nakabuntot parin sa akin. Parang tanga lang talaga. Minsan, kikiligin ka sa kanya pero minsan nakakainis din kasi pinapatay na ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Kahit sabihin pa na sikat ako sa school na to pero pag dating kay Zach walang Skye or Ace Goddess para sa kanila. Ughh.

" Babe, after school may pupuntahan tayo mamaya. " Napalingon ako sa kanya kasi wala naman kaming plano na may lakad kami today.

" Okay, later Zach. Bumalik kana sa upuan mo. Nandiyan na ang prof natin. " At tinaboy ko na siya. Sakto lang na nakaupo siya saka dumating ang terror prof namin.

Buong klase akong bored kasi naman ang boring ng prof namin. Gusto ko ng mag uwian dahil excited ako sa date namin ni Zach. Wait, date nga ba yun?

" Babe, let's go. Nagugutom na ako. " Hinila na niya ang kamay ko at ayun na nga naka holding hands na naman kami habang nag lalakad. Bawat estudyante na madadaanan namin nakatingin lahat sa amin. Marami ang bumabati sa amin pero hindi ako lumilingon sa kanila. Sanay na sila sa ganyang ugali ko, aminado akong maldita ako sa school. Wala naman kasi akong balak makipag plastikan sa kanila. Hindi ako ganun, prangka akong tao kaya pag ayaw ko sayo, ayaw ko talaga.

" Collins, dun na muna ako sa table nila Abby. You guys, can eat together. I want to spend time with my friends. Nagtatampo na sa akin ang mga bruha. " Panay reklamo na kasi ni Abby sa akin na wala na daw akong time sa group namin. Puro si Zach na lang daw ang kasama ko kahit weekends.

" Sure babe, pupunta lang kami doon later. " Hinalikan na niya ako sa noo at umalis na siya. Oh diba, ang sweet lang ng mokong. No wonder ang daming may gusto sa kanya dahil gwapo na nga super sweet pa. Ako lang yata ang walang katamis tamis sa katawan. Yuck!

"  Hi girls, seems like you guys are having fun when I'm not around. " Nakipag beso beso ako sa kanila. Nakagawian na kasi namin yung ganoong gesture.

" You are happy with Zach naman diba? Hindi ka na nga halos nakakasama kapag mag-aya kami na pumunta ng Club Republiq. Ang boring mo na ka bonding. " Reklamo agad ni Abby. Bruhang to, halatang bitter kasi walang boyfriend.

" I agree with Abby, puro ka Zach. Araw-araw na nga kayo mag kasama sa school pati ba naman weekends mag kasama pa rin kayo? Baka mag sawa ka niyan agad sa kanya. " Isa pa tong si Ayana. But they're right, wala na nga akong time mag night out na kasama sila. Si Alex nakikinig lang sa usapan.

" Fine, this coming Saturday sasama na ako sa inyo. Saan niyo ba gusto pumunta? " Bigla naman nag liwanag ang mukha ng dalawa.

" Club republiq, ang tagal na kasi nating hindi nakakabonding sa bar. " Sumang-ayon na rin si Ayana at Alex sa suhestiyon ni Abby. Mga lasenggera talaga. Napailing na lang ako.

" Okay, it settled then. By the way, Alex kamusta naman kayo ni Stephen? " Pag iiba ko ng topic. Napatingin din sila Ayana at Abby kay Alex.

" May dapat ba kaming malaman Alex? Bruhang to, may lovelife na pala hindi man lang sinasabi. Kay Stephen pa talaga ha? " Hinampas naman ni Alex ang kamay ni Abby dahil ang ingay niya, grabe!

" Well, your cousin is courting me. Pero gusto ko siyang pahirapan muna. Babaero kaya siya kaya dapat bago ko siya sagutin pag hirapan niya muna. " I don't mind kung si Alex ang magiging girlfriend ni Stephen. I like her anyway.

" That's good. Boto ako sayo para sa mokong na yun. At least, kilala na kita. " Nag blush naman si Alex dahil sa sinabi ko.

" Ay, kami na lang ni Ayana ang walang love life. Ako kaya, kailan? " Himutok ni Abby. Maganda naman siya, girlfriend material pero topakin.

" I'm not in a hurry, Abby. Wala pa sa isip ko ang magka boyfriend. Sakit lang yan sa ulo. " Sabi ni Ayana. Pero pag may nakikitang gwapo lumalabas ang pagkaharot ng loka.

Napatingin ako sa papalapit na grupo nila Zach. May kasama silang babae at papunta sila dito sa table namin. Maganda ang babae, matangkad, maputi, sexy, in short she's almost perfect when it comes to physical looks.

" Who's that girl? " Pabulong na tanong ni Abby sa akin.

" I don't know. Ngayon ko pa lang siya nakita. " Sagot ko sa kanya. Malapit na sila kaya tumahimik na kami.

" Hi girls, can we join you here? " Tanong ni Zach sa amin pero sa akin siya nakatingin. Tumango lang ako sa kanya.

Umupo naman sa tabi ni Abby si Zandro kaya yung mukha ni Abby nakasimangot na naman. Umupo naman sa tabi ko si Zach at sa kabilang side niya yung girl na kasama nila.

" Who is she? " Biglang tanong ni Ayana. Kanina pa ako di mapakali sa inuupuan ko dahil kahit ako kanina pa gustong malaman kung sino ang babaeng yun.

" Girls, meet Natasha. She's our childhood friend. Tash, meet my girlfriend Skye and her friends Abby, Alex, and Ayana. " Pag papakilala ni Zach sa amin. Nakipag kamay siya sa akin at inabot ko naman ito. Bawal mataray ngayon. Kailangan maging friendly muna ako.

Ngumiti siya sa akin ng ubos ng tamis. Siya na ang maganda. Oo maganda ako pero siya kasi pag naka smile parang nag goglow ang mukha niya.

" Hi Skye, I've heard a lot about you. Finally, na meet na rin kita. " Sabi niya ng may pagka-slang.

" Oh, I'm flattered. Nice to meet you too, Natasha. " Ngumiti ako ng pilit. Ewan ko ba kung bakit ang awkward ng pakiramdam ko sa kanya.

" Dito na rin ako mag aaral, classmate kami ni Zach. " Sabi niya at napatingin naman ako ky Zach na super lapad ng ngiti niya habang tinitingnan si Natasha.

" Oh, that would be great. Classmate din tayo. " Sabi ko at napatingin naman siya sa akin. Hinahawakan ni Zach ang kamay ko sa ilalim ng table pero tinabig ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin na may pagtataka. Bahala siya kung ano ang iisipin niya.

Tumayo na ako at sumunod naman sila Abby, Alex at Ayana. Nag paalam na kami sa kanila, nag dahilan na lang ako na kailangan ko mag cr at ganun din ang tatlo. Naramdaman yata nila na hindi ako komportable sa presensiya ni Natasha.

" Hoy, anong drama ito, Skye? Walk out queen. " Napairap ako ky Abby. Wala ako sa mood sa pang aasar niya ngayon. Inayos ko ang buhok ko at nag retouch ng make up ko. I don't usually do this, kasi maganda naman ako kahit walang make up.

" Shut up, Abby! " Sabi ko sa kanya. Para tumigil na siya kung ano man ang sasabihin niya sa akin.

" I don't like her. I have this feeling na front niya lang yung pagiging mabait at mahinhin niya. " Pahayag ni Ayana. Well, I feel the same way. Kaya nga ang awkward ng pakiramdam ko kanina. Akala ko kanina ako lang nakakaramdam nun.

" Ikaw rin? " Bulalas ni Abby.

" I don't like her as well. I have this gut feeling na parang ang plastik niya sa atin. Better guard your boyfriend, Skye. The way she look at Zach, parang may gusto siya sa isa. " Babala ni Abby sa akin. I'm not threatened. I trust Zach and I know he wont break that trust. Hopefully!

" Girls, hayaan mo na siya. I trust Zach naman na he wont do anything to break my trust. " Nag kibit balikat lang sila sa sinabi ko.

" Don't worry Skye, pag ginago ka ng Zach na yun, isusumbong natin ky Stephen. " Sabi naman ni Alex. Natawa naman ako sa sinabi niya. So childish kasi ng naisip niya. Pero alam ko sinabi niya lang yun para hindi ko na masyadong isipin yung tungkol ky Natasha.

Nag hiwalay na kaming apat at ako naman pumasok na sa classroom namin. Nandoon na sila Natasha at Zach sa loob nakaupo na at mukhang may pinag uusapan silang dalawa. May pa hampas-hampas pa sa braso si Natasha ky Zach at ang mokong natutuwa naman. Nakalimutan na nga akong tawagan or i-message kung nasaan na ako. Pabagsak kong nilapag ang bag ko at nag likha yun ng ingay. Napalingon naman silang dalawa sa gawi ko.

" Babe, kanina ka pa ba diyan? " Tanong ni Zach sa akin. Wow, hindi niya ako nakitang pumasok? Ang harot mo kasing kupal ka.

" Kararating ko lang, mukhang ang saya ng pinag uusapan niyo ni Natasha kaya hindi mo ako napansin. " Ngumiti ako sa kanya kahit alam ko na pilit lang yun. Nakahawak naman ang kamay ni Natasha sa braso ni Zach. Kusang tumaas ang kilay ko sa nasaksihan ko. Pasimple namang binawi ni Zach ang kamay niya sa pagkawak ni Natasha.

" Hi Skye, we were just talking about our past. " She plastered a fake smile. I can sense if the person is  fake or sincere. I know one, if I see one. And Natasha is one of them.

" That's great. Reminiscing the past. Wow! " Note the sarcasm. Ngiting ngiti naman siya. Kainis!

" Babe, sorry I need to cancel our date later. Ihahatid ko kasi si Tasha sa bahay nila since wala siyang dalang kotse. " Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Zach. Ako ba may dalang kotse? Gustong gusto kong itanong yun sa kanya pero hindi ko ginawa.

" Sure, I don't mind. Sasabay na lang ako kay Stephen mamaya sa pag uwi.  " Sabi ko at tumingin na ako sa harapan. Ayoko ng makipag usap pa sa kanya. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na tapos na ang klase namin at uwian na.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nauna ng lumabas ng classroom. Tinatawag ako ni Zach pero hindi na ako lumingon pa. Hinanap ko agad si Stephen sa parking lot at buti nalang naabutan ko siya dun. Pasakay na siya ng kotse niya nung makita niya ako kaya lumapit na ako at binuksan ang pinto ng kotse niya.

" Hoy, bakit ka sumakay sa kotse ko? " Tanong niya sa akin. Kupal na to, di ko nga siya tinatanong kung bakit siya sa bahay nakatira na may bahay naman sila.

" Ang arte mo ha, makikisabay ako sayo sa pag uwi. " Pumasok na rin siya sa loob at  inistart na ang kotse.

" Akala ko ba hatid sundo ka ni Collins, anong nangyari? " Nakatingin lang siya sa harap at paminsan-minsan tinitingnan niya ako.

" May ihahatid siyang friend niya. Gago nga eh, alam naman niyang wala akong kotse pero mas piniling ihatid yung babae na yun kesa ako na girlfriend niya. " Napabuntong hininga nalang si Stephen sa sinabi ko.

" That's the start. Let him know his priorities. Kung uunahin niya yung friend niya kesa sayo that only means na mas matimbang yun kesa sayo. " Mas lalo lang akong nainis dahil sa sinabi ni Stephen. Tama naman siya eh, kung importante talaga ako sa mokong na yun dapat ako ang inuuna niya. Pwede namang sila Zander or Zandro mag hatid ky Natasha pero nag volunteer ang Zach na yun na ihatid si Natasha.

" Bahala siya, gawin niya kung anong gusto niyang gawin. " Himutok ko. Buong biyahe akong walang imik pagkatapos namin ni Stephen mag usap.

Pagdating namin sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko at nag bihis. Nakatanggap ako ng message galing ky Zach.

Collins:

-Hi babe, I'm home.

Me:

- Okay! Huwag mo na akong sunduin bukas, I'll bring my car tomorrow.

Collins:

- Are you sure, babe? I really don't mind picking and dropping you off.

Don't mind mo mukha mo. Naiinis pa rin ako sa kanya. Bumalik na naman yung pangamba ko na baka lolokohin na naman ako for the second time. Iwinaksi ko naman yung ganoong thought. Masyado akong nega, baka mamaya magkatotoo. Huwag naman sana.

Me:

- Yes, I'm very sure. Later babe.

Nag hintay ako sa reply niya pero lumipas lang ang kalahating oras hindi pa rin siya nag reply. Nilapag ko na lang sa bed ko ang cellphone ko at bumaba na para mag dinner.

" Iha, babalik na naman kami ng mommy mo sa France. May business meeting ako dun at 3 weeks kaming mawawala. " Ano pa ba ang bago? Ganito na ang kinalakihan ko na set up. Uuwi sila ng 2 weeks mawawala sila ng ilang months. Maswerte na kung mag stay sila ng ilang buwan dito sa bahay na hindi kailangan mag travel for business.

" I know dad, business as usual. Don't worry about me, I'll be fine. Nandito naman po si Stephen. " Tumingin naman si Stephen kay daddy habang kumakain.

" Tito, ako na po ang bahala ky Skye. Please tell my mum that I'm doing okay here." Pinag patuloy na niya ang pagkain niya. Tumayo na ako dahil tapos na ako sa pagkain ko.

" I'll go ahead mom, dad. " Tinanguan lang nila ako at umakyat na ako.

Chineck ko yung cellphone ko pero hindi na talaga nag reply si Zach. Baka may ginagawa lang or baka may iba ng kalandian. Whatever!

Bakit ba ang nega ko masyado? Iwinaksi ko na lang yung ganoong pag iisip, as much as possible ayokong mag isip ng mga nakakabadvibes. Kasi the more na iniisip ko yun, the more na nagkakatotoo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.