The Goddess Nerd Chapter 22

Papunta na ako ng Club Republiq ngayon. Doon na lang kami magkikita na apat  kasi ang hassle pa kung pupunta kami sa bahay ni Abby saka pupunta ng ClubRep.

Abby is calling..

" Hello, I'm on my way now. Nandiyan na ba kayong tatlo? " Naririnig ko na ang malakas na music, siguro na sa labas ng bar pa lang si Abby.

" Yeah, kararating lang din ni Alex. Buti nga wala si Stephen dito. Bilisan mo na dyan. Maraming gwapo dito. " Tili niya  saka inend na niya ang tawag. Hindi man lang ako pinag salita bago pinatay ang tawag. Basta pag dating sa gwapo, nag iiba ang ugali ni Abby. Nagiging malandi ang loka-loka.

Pinark ko na ang kotse malapit sa entrance ng bar para hindi na mahirap hanapin mamaya. Pagbaba ko ng kotse may lalaking lumapit sa akin at aalalayan sana ako pero hindi ko tinanggap ang kamay niya.

" I can manage. Thanks! " Sinara ko na ang pinto at nilock ko na ang kotse. Dali-dali akong nag lakad papunta sa entrance ng bar baka kasi ano pa ang gawin ng lalaki na yun sa akin. Nakakatakot!

Pag dating ko sa loob, hinanap ko ang pwesto nila Abby at hindi naman ako nahirapan na mahanap sila. Nasa malapit sa bar counter sila pumwesto banda.

" Hi guys, nag order na kayo ng drinks niyo? " Nag beso-beso kami as always. Maaga pa lang pero halos mapuno na ang ClubRep ng mga tao. Puro mga taga Branston ang nandito at iilan sa kanila kilala ko sa mga mukha pero hindi sa pangalan.

" Yes, I ordered a bucket of beer.  Mamaya na lang tayo mag add if we want more. " Si Abby ang nagsalita habang sinasabayan ang tugtog. She's wearing a black crop top and paired it with white fitted jeans and stilletto. Wow ha? Hindi prepared ang bruha.

" Oh, nandito na pala ang order natin eh. " Nilapag ng waiter ang isang bucket ng beer. Nauna ng kumuha si Ayana sabay tinungga ang laman nun. Kumuha na rin si Alex at napangiwi ito nung malasahan ang lasa ng beer. Hindi siya mahilig uminom pero dahil kami ang kasama niya malamang at matututo na rin siyang mag lasing. Kinuha ko na rin ang beer at uminom na rin. Ang pait, tang ina. Hindi kasi ako mahilig sa beer mas gusto ko ang tequila kahit medyo hard ng kunti at least mainit sa pakiramdam.

" My dear Skye, nandito ka rin pala? " Boses pa lang nakakairita na. Lumingon ako sa nag salita at inismiran ko siya.

" Martina, you don't own this place. Natural nandito ako para mag-saya. Ikaw, nandito ka ba para manira ng gabi? " Tinaasan ko siya ng kilay ko pero nakangiti lang ang bruha.

" Poor Skye, ikaw ang girlfriend ni Zach pero iba naman ang kasama ng boyfriend mo ngayon. I pity you! " Napatingin ako sa kanya ng diretso at tinatantya ko kung nag sasabi siya ng totoo. Knowing her, mahilig siyang mag imbento ng kwento. But not this time.

" What do you mean by that? " Biglang kumabog ang dibdib ko ng wala sa oras.

" Really? Hindi mo alam na mag kasama yung bagong girl at si Zach? What's her name again? Ah, Natasha. I saw them earlier, papasok sa bar. Sige, Ciao. " Pang aasar niya sa akin saka umalis. Lagi akong may pambara kay Martina but this time naubusan ako ng sasabihin ko. Parang nalunok ko ang dila ko sa mga sandaling ito. Nilibot ko ang paningin ko and there, I saw Zach talking to Natasha while laughing. Nakakainis! Parang gusto kong sumugod doon at hilahin ang buhok ni Natasha. Nakahawak pa talaga siya sa braso ni Zach at ang kupal ko naman na boyfriend enjoy na enjoy naman.

" Hey, are you okay? " Tanong ni Abby sa akin.  " Mukha ka kasing galit na galit. " Dagdag niya pa. Nakatingin pa rin ako sa table nila Zach at tiningnan din nila kung saan ako nakatingin.

" That bitch! " Usal ni Ayana. Nag seselos ako sa eksena na nakikita ko ngayon. May ibinubulong si Zach kay Natasha at ngumingiti naman siya. Ewan ko kung ano ang pinag uusapan nila at mukhang masaya silang pareho.

" That Zach, kaya pala tahimik buong araw kasi may lakad pala sila ng Natasha na yan. " Naiinis ako pero hinahayaan ko na lang. Ininom ko na ang natitirang laman ng beer at pagkatapos niyaya ko na sila na pumunta ng cr. Madadaanan namin ang table nila kaya for sure makikita nila kami.

" Skye, kalma ka lang. Si Zach lang yan at ang bitch na Natasha. Huwag kang paapekto sa kanila. Remember, ikaw ang girlfriend at hindi yang babae na yan. " Hinila na ako ni Abby papuntang cr. Malayo pa lang nakita na kami ni Zandro at bigla itong tumayo at lumapit sa amin. Nagkunwari akong hindi ko sila nakita. Yeah, tama yan Skye, lokohin mo sarili mo.

" Skye, nandito din pala kayo? " Sigaw ni Zandro. Napatingin naman si Zach sa gawi namin at yung mukhang nakangiti na Natasha biglang nawala. Napalitan ito ng nakasimangot na Natasha at nakita ko ang pag simangot niya. Akala mo ha! Plastik talaga.

" Hey Zandro, what's up? Pupunta lang ako ng Cr. Nagpasama ako ky Abby. " Nag smile ako sa kanya. Lumapit naman si Zach sa akin at akmang hahawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko ang kamay ko sa kanya. Manigas ka diyan.

" Skye.. May problema ba tayo? " Tanong ni Zach. Wow ha! May guts pa talaga siya na mag tanong ng ganyan.

" What are you talking about, Zach? Problema? Meron ba? " Ngumiti ako sa kanya kahit sa kaloob looban ko, gusto ko na siyang sampalin. Tinalikuran ko na siya at pag daan ko sa harap ni Natasha tinaasan niya ako ng kilay niya. Tiningnan ko lang siya na parang wala akong pakialam. Akala niya di ko alam na plastik siya? The nerve!

Naiwan si Abby kay Zandro at ako na lang ang pumunta ng cr. Inayos ko ang buhok ko at nag retouch ako ng lipstick ko. Hindi ako mapakali pero kinalma ko ang sarili ko. Ako ang talo kapag hinayaan ko na maapektohan ako ng presensiya ni Natasha. Sino ba siya? Childhood friend lang naman siya, or baka they were more than that. Iwinaksi ko na ang ganung isipan, tiningnan ko one last time ang mukha ko sa salamin saka lumabas na ng cr.

Pag labas ko, nag hihintay sa labas ng cr si Zach. Nakapamulsa ang mga kamay at halatang may hinihintay. Pag kakita niya sa akin agad niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. Pero tinanggal ko ito at nag simula ng mag lakad.

" Babe, what's wrong? " Hindi ako umimik at patuloy lang ako sa pag lakad. Nakasunod naman si Zach sa likuran ko pero hindi ko siya nilingon. Lumabas ako ng bar para magpahangin dahil pakiramdam ko nasasakal ako sa loob.

" Galit ka ba sa akin? Kausapin mo naman ako. Babe.. " Nag susumamo siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin. Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko.

" Sino si Natasha sa buhay mo? " Biglang tanong ko sa kanya. Hindi naman niya inaasahan na itatanong ko yun sa kanya. Nakatingin siya sa mga mata ko, nakatingin din ako sa mga mata niya at wala akong balak na bawiin ang tingin ko. Kung staring contest ito, hindi ako magpapatalo.

" She's our childhood friend, diba nga nasabi ko na sayo yun nung pinakilala ko siya sa inyo? " Napakamot siya sa kanyang batok habang sinasabi niya yan.

" You're lying. I know she's not just a childhood friend for you. She's more than that. " Napabuga siya ng hangin dahil sa sinabi ko. Maganda lang ako pero hindi ako tanga.

" Fine! Siya ang first love ko. Happy now? " Expected ko na yung isasagot niya pero parang nagulat pa rin ako sa sinabi niya. Kasalanan ko naman kasi pinipilit ko pa siya na sabihin sa akin yung bagay na ikakasakit naman ng damdamin ko. I'm a masochist. Tinutorture ko lang ang sarili ko sa mga tinatanong ko. Iniwan ko na siya dun at pumasok na ako sa loob. Hinabol naman niya ako at dahil sa sobrang dami ng tao dito sa loob ng bar halos magkabanggaan na ang mga tao. Mabilis naman niya akong nahawakan sa kamay.

" Bitawan mo nga ako, Zach. " Utos ko sa kanya. Pero imbes na sundin ang sinabi ko ay lalo niya pang hinigpitan ang pag hawak niya sa kamay ko.

" Skye, I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa bagay na to. Akala ko kasi hindi naman ito importante since past ko na siya. " Explain niya sa akin. Hindi naman big deal ito sa akin kaso iba pala kapag mahal mo ang isang tao. Kahit maliit na bagay nagiging big deal sayo kasi ganun siya ka importante sayo. Nakakainis! Hindi naman ako ganito pero pag dating kay Zach nagiging possessive ako. This is not healthy. I don't like this.

" I understand. " Ngumiti ako sa kanya at hinila na siya papunta dun sa table namin. Pag dating namin dun nakatingin lang ang tatlo sa amin na parang may kakaiba sa amin.

" Zach, huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ni Skye. Pag sinaktan mo yan, kami ang makakaharap mo. " Sermon ni Abby kay Zach. Aw, I'm so touch.

" Promise, I won't do anything to hurt her feelings. I love her and hurting her is the last thing that I will do. " Kinuha naman ni Zach ang kamay ko at hinalikan yun sa harap ng tatlo.

" Eww. Ang tamis niyo naman. Huwag nga kayong mang inggit. " Sigaw ni Abby sabay bato ng nuts sa amin ni Zach. Inggeterang palaka talaga ito. Palibhasa single kaya ang bitter.

" Hay naku Abby, huwag kang bitter. Sagutin mo na kasi si Zandro para magka jowa ka na rin. " Banat ni Ayana sa kanya. Napasimangot naman si Abby sa sinabi ng isa.

" No way! Ayoko sa paasa at malandi. " Pero ang totoo niyan lumalandi din naman siya. Ayaw ng commitment pero nag seselos kapag may nilalanding babae si Zandro. Minsan hindi ko alam kung niloloko niya ba kami or niloloko niya sa sarili niya. Ayaw pang umamin na may gusto na siya kay Zandro kahit super obvious naman siya.

" Abby, sure ka na ayaw mo kay Zandro? Baka magsisi ka sa huli. Ikaw rin. " Ayaw ko naman na pilitin siya kung talagang ayaw niya dun sa isa. Sana lang bago niya matanggap ang totoong damdamin niya para kay Zandro, sana hindi pa huli ang lahat sa kanila. I want her to be happy. Gusto ko, kapag happy ako dapat happy din mga friends ko.

" Yes, I'm sure. Okay na yung ikaw lang ang may lovelife sa ating apat. " Ngumiti siya pero halatang hindi yun umabot sa mga mata niya.

" Skye, babalik na muna ako dun sa table namin. Nakakahiya naman kasi kay Tasha na maiwan siya dun at yung dalawa may kalandian na ibang babae. " Paalam ni Zach sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Kahit naiinis ako kay Natasha ayoko din naman na mapahamak siya dahil babae pa rin siya. Responsibilidad ni Zach si Natasha dahil siya ang kasama nito pag punta dito. Hinalikan niya ako sa noo at saka umalis. Nakatingin lang ako sa likod niya habang papalayo siya. Wow, akala mo kung saan siya pupunta diyan lang naman sa kabilang table yun lilipat. Napailing na lang ako sa iniisip ko.

" Alexandra, anong ginagawa mo dito? " Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ni Alex. Matangkad siya at kahawig ni Alex.

" K-kuya? " Parang nakakita naman ng multo si Alex nung makita niya ang kuya niya. Napatayo siya agad at biglang lumapit sa tabi ng kuya niya.

" Night out lang ako with friends, kuya. " Paliwanag niya. Halatang kinakabahan siya.

" Hi, I'm Abby. Older brother ka ni Alex? " Napatingin naman ang kuya niya kay Abby. Inabot naman niya ang pakikipag kamay ng bruha.

" I'm Andrei. " Pakilala niya sa amin. Tiningnan naman niya kami isa isa at natigil ang tingin niya kay Ayana.

" I'm Ayana. Don't get mad. Alex, is just having a good time with us.  She can take care of herself. " Mahabang litanya ni Ayana. Napatango lang si Andrei kay Ayana pero hindi tinatanggal ang tingin niya kay Ayana.

" I'm Skye. Don't worry, kaming bahala kay Alex. " Kailangan ko na mapaniwala ang kuya niya para hindi pauuwiin si Alex. Sayang ang gabi kapag napauwi siya.

" Kuya, don't tell our parents. Please, kuya. " Pagmamakaawa ni Alex.

" Tatahimik ako ngayon but make sure na wala kang gagawin na katarantaduhan dito. " Tumango lang si Alex sa kuya niya. Bago pa umalis si Andrei tinapunan niya ng tingin si Ayana saka siya umalis.

Napatikhim ako sa ginawa ni Andrei.

" Alex, single ba ang kuya mo? " Tanong ko agad kay Alex nung nakaalis na ang kuya niya.

"I think so. Wala naman kasi siyang dinadala na babae sa bahay. " Mukhang bagay kasi si Andrei kay Ayana. At yung klase ng tingin ni Andrei kay Ayana iba eh.

" Did you see how he stared Ayana? Kakaiba yun, nung tiningnan niya tayo hindi naman nag tagal ang pag titig niya pero nung kay Ayana na siya nakatingin, literal na tumigil siya kay Ayana. Ang haba ng buhok mo, girl. " Sabay hila ni Abby sa buhok ni Ayana. Tinabig naman ni Ayana ang kamay ni Abby.

" Huwag kang malisyosa. He just stared thats it. Not a big deal. " Kunwari pa ang babaeng ito pero di mapakali sa tabi. For sure kinikilig din naman yan.

"Tara na nga sumayaw na tayo. Matatapos na ang gabi umiinom lang tayo. I want to dance. " Hinila na kami ni Abby sa gitna nga dance floor. Sa dami ng tao halos magkabanggaan na ang mga katawan ng lahat. Pawisan na yung iba at nakakadiri lang. Pinagitnaan namin si Ayana kasi siya ang bida ngayon. Habang sumasayaw kami nakita ko si Andrei na nakatingin kay Ayana. My god! At si Ayana hindi napansin si Andrei at ang landi niyang sumayaw. Biglang may humawak kay Ayana sa braso at napaharap si Ayana sa lalake. Halatang lasing na lasing na ang lalaki dahil halos di na ito makatayo ng maayos.

" Ano ba, bitiwan mo nga ako. "Pag poprotesta ni Ayana. Hinablot ko si Ayana at hinila na paalis ng dance floor pero nakasunod parin ang lalaki sa amin. 

" What the fuck is wrong with you? Why are you following us? " Sigaw ko sa lalaki. Ngumisi lang ang gago na animoy parang baliw.

" I like her. Hey sweetheart, can i have your number? " Sabi niya sabay hawak sa butt ni Ayana. Umigkas naman ang palad ni Ayana at dumapo iyon sa mukha ng lalaki.

" Bastos ka ah. " Sumigaw na si Ayana at sa lakas ng sigaw niya nakuha ang pansin nila Zach at agad na lumapit sa amin.

" What happened? " Tanong ni Zach. Pero bago pa ako nakasagot may sumuntok sa lalaki at napatumba ito sa sahig. Tiningnan ko kung sino ang sumuntok at nagulat ako na makita yung kuya ni Alex na si Andrei nakatayo at nakakuyom ang kamao.

" Gago ka, binabastos mo na ang babae. Ayaw nga sayo tapos pinipilit mo? Fucking asshole. " Sigaw ni Andrei. Agad naman lumapit si Alex sa kuya niya para pigilan ito dahil akmang susuntokin na naman ang lalaki.

"Kuya, thats enough. " Hawak ni Alex ang kamay ng kuya niya habang si Ayana naman nanginginig na sa takot. First time kasi namin ma experience yung ganito. Kadalasan kasi pag may ganitong scenario, umaalis na kami.

"Gago ka! Ikaw ba ang boyfriend ng babae na yan? Kung ayaw mong makita na may lumalandi sa jowa mo, huwag mong iiwan. " Tumalikod na ang lalaki at ang mga kasama nito. Lumapit naman si Andrei kay Ayana.

" Are you okay? " Tanong niya. Nakatingin lang kami sa kanila. Halatang concerned si Andrei kay Ayana.

"Y-yeah, I'm okay. Thanks kanina. "Tumango siya at umalis din siya agad.

" Let's call it a night. Shall we go home now? " Niyaya ko na sila para umuwi. Hinatid ako ni Zach sa kotse ko kasi di naman niya ako pwedeng ihatid sa bahay.

"Take care, babe. I love you. " Hinalikan niya ako sa noo. Gusto kong kiligin pero hindi ito ang tamang oras para diyan. Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na ako dun. Habang papalayo ako tinitingnan ko sa side mirror ko si Zach. Nakatayo pa rin siya dun pero dumating si Natasha at ikinawit niya ang kamay niya sa braso ni Zach. Nahampas ko ang manibela sa inis ko sa babae na yun. Pasalamat siya pagod na ako para bumalik pa dun at hilahin ang buhok niya. Pag dating ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nag palit lang ako ng damit at nahiga na sa kama ko. Ang daming nangyari nitong gabi lang pero at least nag enjoy din kami kahit papaano. Kahit pa may mga epal na pilit sumira sa gabi namin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.